Shaynne's POV
Sa tulong ni Nicki, anak ni Tatay Lime, ay nabibisita namin ang kuya niya kahit papaano. Ini-imporma rin niya kami tungkol sa kalagayan ng kuya niya. Pinapahiram din niya ako ng mga damit niya, mabuti na lang at mayroon siyang mga damit na ka-size. Ang sabi niya ay mga damit daw iyon ng isa pa nilang kapatid.
"Ang sabi ng doktor mabilis daw na gumagaling si Kuya, tay. Parang desidido raw siyang mabuhay," natutuwang kuwento ni Nicki habang kumakain kami ng pananghalian. "Mamaya ay puwede na raw siyang ilipat sa normal room. Hindi na kasi malubha ang kalagayan niya," dagdag pa nito. Nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-ano.
Nakakatuwa lang dahil mukhang tanggap si Tatay Lime ng mga anak niya kahit na nakulong ito. Ang trato niya rito ay parang normal lang na ama na umuwi galing abroad. 18 years old na raw si Nicki at nagsisimula na sa college. Gusto nitong maging guro.
"Nga pala, Tay. Sabi ni ate Ica na bibisita raw siya mamaya kay kuya," biglang saad ng dalagita sa kalagitnaan ng kuwentuhan nila.
"Ate Ica? Si Jessica?" tanong naman ni Tatay Lime.
"Oo, 'yong dating girlfriend ni kuya," wika nito. "Naguguluhan nga ako sa kanila, Tay eh. Simula kasi ng matanggal si kuya sa trabaho ay naghiwalay na sila. Pero nakikita ko sila minsan na magkasama, tapos may seryoso silang pinag-uusapan," dagdag ni Nicki.
Napatingin naman si Tatay Lime sa akin na tila may gusto siyang sabihin. Nagtataka ko siyang tiningnan pero sa halip na magsalita ay muli nitong hinarap ang anak niya at nagtanong. "Gano'n pa rin ba ang trabaho ng ate Jessica mo?" tanong niya sa anak. Bahagya tumingala si Nicki at saglit na napaisip.
"Oo. Minsan kasi nakikita ko si Ate nakasuot ng uniporme ng pulis," sagot nito.
"May ibang kausap pa ba ang kuya mo, maliban kay Jessica?" tanong muli ni Tatay Lime.
"Hindi ko po alam, Tay. Minsan lang kasi akong pumunta sa apartment ni kuya. Pero sa kung si Kuya ang pinag-uusapan sa bagay na 'yan. Hindi nagtitiwala si Kuya sa ibang tao," sagot ng bata tumango naman si Tatay Lime. Nag-usap pa sila bago niya pinapunta ang dalaga sa kuwarto ng kuya niya.
"Is there anything wrong?" tanong ko ng biglang tumahimik si Tatay na tila may malalim na iniisip. Ibinaling niya naman ang atensyon sa akin ng magtanong ako.
"Naalala mo ba ang sinabi ng propesor?" tanong niya sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin nang muli niyang mabanggit ang propesor.
"Wala na ako sa grupo kaya hindi ko na cargo de konsensya ang bagay na 'yan," pagmamatigas ko. Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga ni Tatay Lime. "Red, nirerespeto namin ang desisyon mo pero hindi mo matatanggal sa amin ang pag-aalala. No'ng araw na sumunod ako sa iyo, totoong gusto kong makita ang anak ko. Pero sinusunod ko rin ang utos ng propesor na siguraduhing ligtas ka," paliwanag ni tatay Lime. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko pero sa loob ay nagtataka ako kung bakit ako pinapabantayan ng propesor?
"Ganito na lang, naalala mo ang sinabi ng propesor tungkol sa mahalagang intel niya. Kung saan niya nakukuha ang mga impormasyon na kailangan niya?" tanong niya. Napaisip naman ako at naalala ang tungkol dito. Pinili kong hindi sagutin ang tanong niya at tahimik lang na nakikinig sa kaniya. "Marahil ay si Jessica ang intel na iyon. Dahil sa pagkatanggal sa anak ko, wala na siyang access sa mga kaso kaya humihingi siya ng tulong kay Jessica, isang pulis," paliwanag niya.
Napaisip ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Naalala ko kasi ang sinabi ni Violet no'ng araw na sinundan namin si Martinez ay may kausap daw ito. "Tanungin mo si Violet kung nakita niya ba ang taong kausap ni Nicholai sa parke. 'Yong unang araw ng pagbabantay namin kay Nicholai," utos ko. Tumango naman siya at umalis na.
Nanatili ako sa hospital habang nag-iisip. Kung si Jessica nga ang intel ni Nicholai, ibig sabihin ay matutulungan niya rin ako. Alam niya rin ang katotohanan.
"Kailangan ko siyang makausap," wika ko sa sarili bago naisipang sumilip sa kuwarto ni Nicholai. Tumungo ako sa elevator para pumunta sa ika-5 palapag kung nasaan ang ICU. Pasara na ang pinto nang may narinig akong sigaw kaya agad kong hinarang ang kamay ko para hindi magsara ang pinto. Habol hininga naman ang isang babae ng makarating ito sa elevator. "Salamat," wika nito sa akin bago pumasok. Tumingin naman siya sa button para pindutin ang palapag na pupuntahan niya pero natigilan ito at umatras na lang. Mukhang sa pareho kami ng pupuntahan na palapag.
Deretso lang akong nakatingin sa pintuan ng elevator. Kahit na hindi ko tingnan ang katabi ko ay nararamdaman ko ang tingin niya sa akin. Medyo naiilang ako at bahagyang ibinaba ang suot na hood.
"Excuse me," basag nito sa katahimikan. Bahagya akong humarap sa kaniya, wala naman kasi siyang ibang kausap maliban sa akin. Kaming dalawa lang ang nasa elevator at ayaw kong maging bastos. "Mag...kakilala ba tayo? O nagkita na ba tayo noon?" tanong nito ng may pag-aalinlangan. Umiling naman ako bilang sagot.
"Ah, gano'n ba? Sige, pasensya na. Mukha ka kasing pamilyar sa akin. Nakalimutan ko lang kung saan," wika nito. Tumango lang ulit ako bilang sagot. Bahagya akong umabante para hindi niya makita ang mukha ko. Nang sabihin niyang pamilyar ako ay iiwasan ko na lang siya. Baka kasi sa isang post o wanted picture ang tinutukoy niyang nakita ako. Ayaw ko munang may makakilala sa akin.
Nang huminto na ang elevator sa ika-5 palapag ay lumabas na kami. Bago pa man siya umalis ay humarap siya muli sa akin. "Salamat ulit, mauna na 'ko," wika niya at nagpaalam na. Hindi muna ako naglakad, hinintay ko munang mauna siya bago ko tinungo ang kuwarto ni Nicholai. Pero napansin ko na pareho kami ng tinatahak na daan. Hindi kaya siya si Jessica?
Tahimik ko lang siyang sinundan at tama nga nag hinala ko. Pumasok siya sa kuwarto ni Nicholai. Hindi lang ako makalapit dahil may mga bantay pa rin sa labas ng pinto nito kaya naman naghintay ako muna akong lumabas si Jessica. Kailangan ko siyang kausapin. Ilang oras ang lumipas ng lumabas mula sa kuwarto si Nicki. Mukhang hindi niya naman ako napansin dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Naghintay pa ako ng ilang oras, sa tingin ko nga ay gabi na. Hindi pa rin lumalabas si Jessica sa kuwarto. Ilang nurse at doctor na rin ang labas-masok sa silid. Naisipan ko munang pumunta ng CR sa ika-apat na palapag. Nakasalubong ko ang isang nurse na papunta sa gawi ko. Agad akong tumabi para padaanin ito, sandali ko pa itong tiningnan bago ako nagtungo sa CR. Nang makarating ako sa CR ay hindi mawala sa isip ko ang nurse na iyon. Hindi mapalagay ang loob ko kaya naman nagmadali akong lumbas para bumalik sa silid. Sandali akong dumaan sa nurse station upang kumuha ng mask. Nang makarating ako roon ay nagtaka ako ng makita kong wala ang mga bantay sa labas ng kuwarto.
"Sh-t," mura ko at agad na pumasok sa loob. Gano'n na lang ang gulat ng buksan ko ang pinto. Walang malay na nakahiga sa sahig si Jessica, naliligo sa sarili nitong dugo habang si Nicholai ay nagpupumiglas mula sa nurse. Ito ang nurse na nakita ko kanina, gamit ang unan ay itinakip niya ito sa mukha ni Nicholai.
Gulat na napatingin naman sa akin ang nurse. Kaya naman napatigil ito at bumaba sa kama. Kinuha nito ang isang syringe sa tabi at hinawakan nang mahigpit bago humarap sa akin. Naging alerto naman ako sa kilos nito, kung siya ang may gawa nito kay Jessica, hindi malabong papatayin niya rin ako.
"Sino ka?!" tanong nito sa akin.
"Your worst nightmare," wika ko rito at aatake na sana kaniya. Akala ko ay para sa akin ang syringe nahawak niya pero nagulat na lang ako nang bigla niya itong itinusok sa dibdib ni Nicholai. Ilang sandali pa ay bigla itong nanginig at namuo ang bula sa bigbig nito.
"No..." bulong ko habang gulat na nakatitig kay Nicholai. Hindi siya puwedeng mamatay, hindi. Nakatayo lang ako ro'n habang naguguluhan kung ano ang gagawin.
Natauhan lang ako ng nakita kong tumakbo papaalis ang nurse. Agad ko siyang hinabol, blangko na utak ko at tanging ang nurse lang ang naiisip ko. Kasalanan niya!
"Tulong!" sigaw nito sa tahimik na hallway. Hindi ko inalintana ang pagsigaw niya at binilisan ang pagtakbo para habulin siya. Nang abot kamay ko na siya ay agad ko itong sinipa dahilan para matumba ito.
May kokonting nurse ako na nakikita sa paligid pero nagsitakbuhan ang mga ito nang makita kami. Agad akong lumapit sa nurse na kaharap ko at sinuntok ito ng walang awa.
"Wala po akong kasalanan. Tinakot nila ako, napag-utasan lang ako," iyak nito sa pagitan ng pag-atake ko. Tila wala naman akong narinig dahil patuloy ko pa rin siyang sinusuntok. Natigil lang ako ng biglang may humila sa akin. Hindi ko alam kung sino iyon dahil nakatitig pa rin ako sa nurse na walang malay na nakahiga sa sahig. Basag ang mukha nito, puro pasa at sugat dahil sa suntok ko.
Nakita ko ang kumpulan ng tao na paparating. Narinig kong napamura ang taong pumigil sa akin bago ako hinila paalis. Hinahabol pa rin kami ng matauhan ako, nilingon ko ang taong humihila sa akin at nakita ko si Black. Tumingin naman ako sa likod at nakita humahabol pa rin ang mga security. Dumaan kami sa fire exit, mas mabilis kaming tumakbo kaya naman nauna na kami sa mga ito. Huminto kami sa ikatlong palapag. Paliko na sana kami ng makita namin ang dalawang security guard kaya naman pumasok kami sa pinakamalapit na silid.
Napatili naman ang tao sa loob ng silid habang gulat na napatingin sa amin. Binuksan ni Black ang bintana at sumilip sa tabi nito, bago lumapit sa akin at hinila ako papalapit do'n.
"Use this at pumunta ka ikatlong bintana. It's a utility room, change your clothes into something at tumakas ka na," bulong nito bago ako inalalayan sa paglabas sa bintana. Nang makalabas ako ay naguguluhan ako ng makitang hindi siya lumabas, nakatingin lang siya sa akin.
"How about you? Tara na!" wika ko sa kaniya. Umiling naman ito na siyang nagpakunot ng noo ko.
"I need to stay here and stop them. Go to the back door, naghihintay sila ro'n," wika niya.
"Nababaliw ka ba! Mahuhuli ka kung magpapaiwan ka rito! Sumama ka na," frustrated na saad ko sa kaniya. Nasisiraan na 'ata ng bait ang lalaking 'to.
"Just go, Red, before you know it. Nakauwi na 'ko," wika niya bago isinara ang bintana. Sandali naman akong napatitig sa bintana nang makarinig ako ng ingay. Hindi makabubuti kung pati ako ay mahuhuli. Agad akong kumilos, hindi na bago sa akin ang bagay na ito. Isa ito sa pagsasanay namin, kung sakaling wala na kaming matatakasan.
Agad kong narating ang silid na tinutukoy ni Black, isa nga itong utility room. May mga walis at iba pang panlinis. Agad akong lumapit sa locker at mabuti na lang ay may isang uniporme ng janitor doon kaya naman agad akong nagbihis. Inilagay ko sa lalagyan ng basura ang damit ko at tinulak ito palabas. Nakasuot ako ng mask at gloves.
Pinuntahan ko ang sinabing lugar ni Black at may pinto nga roon. Kinuha ko ang damit ko bago lumabas, may Black SUV na naghihintay doon. Bumukas naman iyon ng makalabas ako, bumungad sa akin si White at Aqua, habang nakasilip naman si Violet at Teal sa loob. Bumaba ang bintana sa passenger seat at nakita ko si Prof.
"What are you waiting for? Hop on," wika nito na sinegundahan naman nina Aqua. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na pumasok sa sasakyan.
"Welcome back!" masiglang bati nila sa akin ng may ngiti sa labi.
Nakalimutan ko ang isang bagay, iyon ay ang sila na lang nag mayroon ako. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng sinabi ko ay handa pa rin silang iligtas ako.
Sila na ang bago kong pamilya.