Chapter 42

1404 Words
Shaynne's POV Matapos kong komprontahin ang propesor ay agad akong umalis ng bahay. Naiinis ako, hindi lang sa kanila kun'di pati sa sarili ko. Na-realize ko kanina kung gaano ako naging mahina sa harap nila. I cried myself out and lose my composure. Sana pala ay umalis na lang agad ako at hindi na nagsalita. Nang maka-alis ako sa bahay ay agad akong pumunta sa hospital. Kailangan kong masiguradong mabuti ang lagay niya, na buhay pa siya. May mahalaga siyang impormasyon na sasabihin sa akin. Siya lang ang paraan ko para malaman ang tunay na nangyari sa pamilya ko. Natigil naman ako sa paglalakad ng mapagtanto kong hindi ko alam kung saang hospital ito idinala. Pumunta ako sa pinaka-malapit na hospital sa coffe shop pinanggalingan ko kanina. Marahil ay doon siya idinala. Tumindig ang balahibo ko sa katawan ng maalala kong walang awa siyang binangga ng driver na iyon. Masasabi kong siya ang puntirya ng banggaan na 'yon sa lahat ng biktima ay siya ang may pinakagrabeng natamo. 'Yong iba ay nag-kapasa lang at sugat. Ano'ng impormasyon ang hawak niya para manganib ang buhay niya na ito. Nang makarating ako sa hospital ay sandali pa akong napatulala sa labas ng hospital. Sana ay narito siya, sana ay ayos lang siya. "Hindi ka ba papasok?" napaigtad ako sa biglang pagsalita ng tao sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita si Tatay Lime na nakatayo rin sa tabi ko ay nakatitig sa entrance ng hospital. Sa sobrang dami kong inaalala ay hindi ko na naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil paniguradong inutusan lang siya ng propesor na pigilan ako. "If you're planning on stopping me, nagsasayang ka lang ng oras," wika ko sa kaniya bago humakbang papasok sa loob ng hospital. Muli kong isinuot ang salamin ko kanina dahil wala an akong ibang disguise na puwedeng gawin. Lumapit ako sa reception area at nagtanong tungkol sa pasyente. "Yes ma'am, dito po na-admit si Nicholai Martinez. Kayo po ba ang pamilya niya?" tanong ng nurse sa akin. Nagdalawang isip naman akong tumango. "Nasa ICU pa po ang pasyente, Room 67.m," tumango naman ako at nagpasalamat dito. Agad kong itinungo ang kwarto at mabuti na lang ay pinayagan akong pumasok. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay agad kong napansin ang iba't-ibang tubo at hose na nakakabit sa iba't-ibang parte ng katawan niya. May malaking benda rin siya sa ulo at binti. Hindi ako nagsalita at tahimik lang na tumingin lang sa kaniya. Hindi ko na namalayan ang pagsapit ng oras ng biglang may kumatok sa pinto. Bubuksan ko na sana ito nang biglang pumasok si Tatay Lime habang sumisilip sa labas. "Wala nang oras, kailangan na nating umalis," wika niya at marahan akong hinila. Nagmatigas naman ako sa kaniya. "I'll stay here," wika ko. Napabuntong hininga naman ito at lumapit sa akin. "Red, hindi ko alam kong ano ba ang tunay na nangyari pero katulad mo ay gusto ko ring manatili rito at siguraduhing ligtas siya. Pero sa ngayon ay kailangan nating umalis dahil may paparating na pulis dito. Mahirap na kung mahuli tayo," paliwanagan niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ano naman ang rason niya para manatili rito? Isa lang naman siyang sunod-sunuran ng propesor. "Why would you care?" patawang tanong ko rito. Napansin ko naman ang pasimple niyang pagtingin sa lalaking nakahiga sa kama at ngumiti ng mapait. "Normal sa isang magulang ang mag-alala sa anak nila, hindi ba?" Humarap ito sa akin at ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nagulat naman ako sa narinig ko mula kay Tatay Lime. Anak? Anak niya si Nicholai Martinez? Napatingin ako sandali sa kaniya bago nagdesisyong sumama. Agad kaming nagtungo sa hagdan at ginamit iyon pababa. Paniguradong ginamit ng mga pulis ang elevator kaya naman iiwasan namin sila. Kapos hininga kami nang makalabas kami ng hospital. Ilang minuto pa bago kami kumalma. "Uuwi ka ba?" tanong ni Tatay Lime sa akin sa gitna ng katahimikan. Umiling naman ako habang napayuko. "No. Maghahanap na lang ako ng matutuluyan malapit dito," wika ko. May pera pa naman akong naiwan sapat na para makahanap ako ng panandaliang matutulugan. Nagpa-alam na ako kay Tatay Lime, napag-usapan naming babalik kami bukas upang bisitahin ang anak niya, si Nicholai Martinez. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang anak niya si Martinez. Kaya ba bigla siyang naging madaldal dahil sa anak niya. Naalala niya ang meeting nila tungkol sa misyong bantayan si Martinez, determinado ang matanda na iligtas ang buhay ni Martinez. May nahanap naman akong mumurahin lodging house sa ilang minuto kong paglalakad. Doon ko na lang naisipang matulog ngayong gabi at aalis bukas para bantayan ulit si Martinez. Sumapit ang sumunod na araw ay nagkita kami ni Tatay Lime sa labas ng hospital. Sabay kaming tumungo sa kuwarto niya ng mapansin naman ang dalawang pulis na nakatayo sa labas ng pinto niya. "Bakit may mga pulis sa labas ng kuwarto niya?" bulong ko. Napaupo kami sa isang bench na 15 metros ang layo sa kuwarto ni Martinez. "Hindi ko rin alam. Pero mukhang hindi muna tayo makakabisita rito," sagot naman ni Tatay Lime. Napatingin naman akong muli sa kuwarto ni Martinez at napabuntong hininga. Sumang-ayon ako at tumayo na kami. Aalis na sana kami ng bigla kaming may nakabangga. "Pasensiya na po," saad ng babaeng nakabangga namin. Sasagot na sana si Tatay Lime ng biglang humarap ang babae sa amin. "Tay?" usal nito habang nakatingin kay Tatay Lime. Napatingin naman ako sa dalawa, naguguluhan. "Nicki?" tawag naman ni Tatay Lime. Pareho silang gulat na makita ang isa't-isa. Ang gulat na iyon ang napalitan ng tuwa. "Tay, ikaw nga!" masayang bati ng dalaga bago niyakap si Tatay Lime. Niyakap din siya pabalik ni Tatay. "Ang laki-laki na ng bunso namin!" masayang wika ni tatay Lime bago tiningnan ang anak. Hinayaan ko na lang sila na magdiwang sa muling pagkikita nila. Mukhang isa rin ito sa mga anak ni Tatay Lime. "Tay, alam niyo po ba ang nangyari kay kuya?" tanong nito matapos silang magkamustahan. Tumango naman si Tatay Lime dito. "So, nandito po kayo para bisitahin si kuya?" "Oo sana, kaso..." tumingin naman si Tatay sa gawi ng kuwarto ng anak niya. Napatingin naman ang anak na babae rito at bakas ang lungkot sa mukha niya. "Galit pa ba ang kuya mo sa akin?" pag-iiba ni Tatay Lime sa usapan. Malungkot namang napatingin ang anak na babae sa kaniya at tumango. "Sabi ni kuya kung nag-antay ka lang daw po ay masisigurado niyang maiilabas ka niya at malilinis niya ang pangalan mo, kaso masyado ka rawng atat at hindi makapaghintay," wika ni Nicki. Tumango naman si Tatay Lime dito at marahang tinapik ang ulo nito. "Tay? Paano kung tulungan ko po kayong makapasok?" suhestiyon ng anak nito. Napatingin naman kami sa isa't-isa ni Tatay Lime. Doon lang napatingin sa akin ang anak niya at nagpagtantong kasama ako ng tatay niya. "Tay? Sino po siya?" tanong niya habang itinuro ako. "Ah, ito ang kasamahan ko sa trabaho," pakilala ni Tatay Lime sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagbati. Nailang naman ako ng tumitig ito ng husto sa mukha ko. "Alam mo, familiar ka. Hindi lang ako sigurado kung ikaw ba 'yon. Nakita ko kasi sa journal ng kuya ko no'ng bumisita ako sa kaniya. Mahaba ang buhok no'ng babae at mas bata tingnan, kapatid mo po ba iyon?" inosenteng tanong niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Doon ko nakumpirma n ang kasong hindi mabitawan ng kapatid niya ay ang kaso ko. "Nicki, tama na 'yan. Magkita na lang tayo bukas para mapagplanuhan ang natin ang pagbisita namin sa kuya mo," awat ni Tatay Lime dito. Tumango naman ito at malungkot na nagpaalam sa ama. Umalis na kami at nagdesisyon na bumalik na lang bukas. Dahil wala naman akong ibang mapupuntahan ay naglibot-libot na lang ako sa paligid. Napapaisip ako sa maaaring mangyari kung sakaling malaman ko ang salarin sa pagkamatay ng magulang at kapatid ko. Iniisip ko pa lang ay namumuo na ang galit sa puso ko. Sa ngayon ay kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan ni Martinez. Hindi ako dapat umasa sa iba. Kung ang kasong iyon ang dahilan para matanggal siya sa trabaho. Paniguradong may kinalaman ang awtoridad dito. Kaya kahit pulis ay hindi ko puwedeng pagkatiwalaan, 'yon ang sinabi niya sa akin. At isa pa ay kailangan ko ng damit pambihis, hindi puwedeng ganito ang suot ko araw-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD