Third Person's POV
Mahigit 5 araw na ang nakalipas ng simulan nilang bantayan si Martinez. Ang pinagtatakahan nila ay sa loob ng limang araw na 'yon ay walang ni-isa ang nagtangka sa buhay ni Martinez.
"Everyone, nakapuwesto na ba ang lahat?" tanong ni Black sa kaniyang mga kasamahan habang naka-abang sa labas ng apartment na inuupahan ni Martinez. Siya ang panandaliang nangungupahan sa harap ng apartment nito.
Nakasuot lang ito ng sweatpants at Nylon shirt habang nag-aabang sa paglabas ni Martinez. Naisipan niya kasing magpanggap na nag-eehersisyo upang masundan si Martinez na hindi mahahalata.
Sa kabilang linya naman ay matiyagang hinihintay nina Red ang impormasyong ibibigay ni Black. Tahimik lang silang naghihintay sa puwesto nila habang nakasuot ng normal na damit. Naisipan naman ni red magsuot ng simpleng bestida at salamin habang tahimik na nagbabasa ng libro.
Si Violet naman ay kasama ni Tatay Lime dahil sa natamong pasa ay hindi nila ito puwedeng hayaan na mag-isa. Naghihintay sila sa park at nagpapanggap si Tatay Lime na tindero habang si Violet ay nakikipaglaro sa mga bata . Si White ay naghihintay sa isang arcade cafe. Nakapuwesto siya sa harap ng bintana upang makita si Matinez. Si Aqua ay pansamantalang nagta-trabaho sa isang kainan habang nagpanggap na taxi driver si Teal.
"He's leaving," narinig nilang saad ni Black. "Red, be ready. He might go at the coffee shop," saad ni Black. Agad naman na sumagot si Red at naghanda na. Hindi naman gano'n kalayo ang bahay nito sa shop.
Tahimik na sinusundan ni Black si Martinez habang nagpapanggap na nag-jo-jogging. Nang matanaw ang shop ay pasimple niya nilingon si Red at tumango. Hindi na sila nagulat nang pumasok ito.
Naging alerto si Red sa pagpasok ni Martinez. Umorder ito ng isang kape at agahan pumuwesto sa pinakasulok na mess kung saan mas malapit sa mga libro. Inoobserbahan niya ito habang nagbabasa ito ng libro at nagsusulat.
"Red, report," tanong ni Black mula sa kabilang linya.
"Nothing important. Just reading and writing," sagot ko bago itinuon ang atensiyon sa libro. Minu-minuto ay sinisilip ito ni Red hanggang sa tumayo na ito. Kumunot ang noo ni Red ng mapansing may inilagay na papel si Martinez sa librong ginamit niya. Hinintay niya munang maka-alis ito at nag-report. "He left," saad ni Red bago lumapit sa puwesto ng lalaki kanina.
Agad niyang hinanap ang libro na ginamit nito. Hindi naman ito nagtagal sa paghahanap dahil agad niyang napansin ang libro na may nakaipit na papel, nakasilay ang papel nito na tila sinadya ito para makita agad. Kinuha niya ang papel at binuksan ito.
Sa loob ng 5 araw ay 5 beses din na sinubukan na hanapin ni Nicholai ang babaeng nakilala niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya, kilala niya ito at hindi siya nagkakamali. Alam niyang ang babaeng iyon ang dalagitang nasa kaso na hawak niya. Nag-iwan siya ng kung ano-anong mensahe sa iba't-ibang lugar. Kung tama ang hinala niya ay alam niyang nakamasid lang ito sa kaniya. Araw-araw ay nararamdaman niyang sinusundan siya. Hindi na nito alintana kung gaano nanganganib ang buhay niya. Ang mahalaga kay Nicholai ay malaman ni Red ang totoong nangyari at tunay na salarin.
Nang makarating siya sa shop na malapit sa apartment niya ay naisipan niyang mag-iwan ng sulat. Ito na lang ang lugar na hindi na naiiwanan ng mensahe. Sa 5 menhase ay ni-isa rito ay hindi tumugon dalaga.
Nagulat naman si Red ng mabasa ang sulat nito. 5 araw na pala siyang hinahanap ng lalaki. Alam niyang siya ang tinutukoy sa sulat dahil sa pangalang halos 10 taon na niyang kinalimutan. Nanginginig ang kamay niya habang paulit-ulit na binabasa ang sulat. "Alam niya. May alam siya," bulong nito sa sarili bago lumabas.
Ayon sa sulat ay maghihintay ito sa mismong shop mamayang gabi para sabihin ang nalalaman nito. Hindi mawari ni Red ang nararamdaman niya, halo-halo ang nararamdaman niya sa punto na nahihirapan siyang magsalita. Naging matiwasay ang araw na iyon nang walang nagtatangka sa buhay ng lalaki.
Hindi ipinag-alam ni Red ang tungkol sa natanggap na sulat. Nakalagay kasi roon na mag-isa lang dapat siya at huwag magtiwala sa iba. Dumako ang gabi ay napagpasyahan na nilang bumalik sa hideout. Nagpaiwan naman si Red at nag-abang sa harap ng shop.
Sa kabilang banda ay tahimik lang na nanunuod ng tv si Black. Dahil siya ang malapit kay Martinez ay ang naatasang rumesponde kung sakaling may mangyari sa loob ng pamamahay nito. Habang umaalis si Martinez ay nag-iwan siya ng microchip, isang maliit na recording device, sa loob ng sala, kwarto at kusina. Sa pamamagitan nito ay malalaman niya ang nangyayari sa loob ng pamamahay nito.
Sa kalagitnaan ng panunuod niya ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napakunot naman ang noo niya ng makitang alas 8 na nang gabi. "Saan kaya ito pupunta?" isip niya. Agad siyang nagbihis at sinundan si Martinez, mabuti na lang at hindi pa ito nakakalayo. Ilang kilometro ang pagitan niya sa lalaki upang hindi nito mahalatang sinusundan niya ito. Habang papalapit sila sa coffe shop ay nakita niya ang isang familiar na tao.
Mahigit 20 minutes nang naghihintay si Red sa labas ng shop ng matanaw niya si Martinez. Nasa kabilang lane ito kaya kailangan pa nitong tumawid para makarating sa puwesto niya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang may nagpaharurot ng sasakyan dahilan para mabangga si Martinez. May iba ring nadamay pero mas malubha ang lagay ni Martinez dahil tumilapon ito habang tumakas naman ang bumangga sa kaniya.
Hindi makagalaw si Red sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng lalaki.
"No..." mahinang usal niya habang unti-unting papalapit sa lalaki. Halos hindi niya na ito makita dahil sa dami ng taong pumapalibot. Wala sa sarili siyang nanatiling naglalakad papunta rito habang nakatitig pa rin sa katawan ng lalaki. Kumakalat na ang dugo nito sa kalsada nang marinig nila ang serina ng pulis at ambulansya.
Malapit na sana siya sa puwesto ni Martinez ng bigla siyang hinila ni Black paalis sa lugar. Hindi pa rin niya ma-proseso ng maayos ang nangyayari. Tila ayaw tanggapin ng utak niya ang nasaksihan.
Nang makarating sila sa hideout ay inalalayan ni Black si Red papasok. Nagulat naman ang mga kasamahan nito ng makita ang dalawa.
"Oh? Black ba't nandito ka? Hindi ba nagbabantay ka kay Martinez?" nagtatakang tanong ni Aqua habang nakatingin sa dalawa.
"Ba't kasama mo si Red?" tanong ni Teal.
Narinig ng propesor ang ingay mula sa baba kaya naisipan niyang tingnan ang nangyayari. Tulala lang si Red hanggang sa makababa na ang propesor.
"May nangyari ba?" tanong ni tatay Lime na tila kinakabahan. Bumuntong-hininga si Black habang pinaupo si Red sa sofa. Tulala pa rin ito.
"What happened?" tanong ng propesor sa kanila. Inobserbahan niya ang kilos ng bawat isa sa kanila.
"Martinez got into hit by a car, it's probably one of those people who's threatening his life," paliwanag ni Black. Napasinghap naman ang mga kasamahan nito dahil sa gulat habang tahimik na napaisip ang propesor. Itinuon niya ang pansin kay Red na tahimik lang na nakaupo.
Tila natauhan naman si Red at hinanap ang katawan ni Martinez. Tumayo at agad na tinungo ang pinto sa kabila ng pagtawag sa kaniya ng mga kasama. Pigilan naman siya ni Black sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.
"I need to go! Bitawan mo 'ko," mahina pero mariing wika ni Red habang nagpupumiglas sa hawak nito.
"Red..."
"Ano ba! Bitawan mo 'ko sabi eh!" Patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Red habang pinapakalma siya ng mga kasamahan niya. Nagulat sila dahil ito ang unang beses na nagkakaganito si Red. Umiiyak ito, bagay na hindi niya ginawa sa 4 na taong pagsasama nila.
"Red, that's enough," awat ng propesor sa kanila at pilit na hinaharap siya. Agad naman na itinulak ni Red ang propesor habang binigyan ito ng masamang tingin.
"No! May sasabihin siya sa akin, kailangan kong bumalik doon," wika ni Red at nagtangkang umalis. Mabilis naman siyang pinigilan ng propesor.
"Red! You're ruining the plan! Are you willing to expose yourself for that meaningless information?!" napataas na ang boses ng propesor. Natahimik naman ang mga tao sa loob ng bahay na iyon. Maskin si Red ay tila nagulat dahil sa sinabi ng propesor.
"Meaningless?" hindi makapaniwalang saad ni Red habang nakatingin sa propesor. "Fine, I quit! I don't care about your plan! No'ng una pa lang naman ay wala na talaga akong pake sa mga plano mo. Kaya lang naman ako sumali sa walang kwentang grupo na 'to kasi nangako ka!" sigaw ni Red habang dinuro-duro ang propesor. Umaagos ang luha nito sa pisngi niya. "Nakalimutan mo ba? Ha! O sadyang wala kang pake dahil sariling interes mo lang ang iniisip mo! Walang kang pake sa amin, wala kang pake sa buhay namin. Ginagamit mo lang kami dahil makasarili ka!"
"Red..." mahinang tawag ni Aqua sa kaibigan. Hindi niya alam ang nangyari pero alam niyang nasasaktan si Red ngayon.
"I joined because you promised to help me! Tapos ngayong may tutulong sa akin, pipigilan mo 'ko?" sigaw ni Red. Hindi na niya alintana ang mga tao sa paligid niya. Tanging ang propesor lang ang nakikita niya, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito habang nakatingin sa propesor na minsan na niyang hinahangaan.
"That's because your reckless and impatient. I have everything in plan, if your gonna wait—" hindi natapos ng propesor ng biglang tumawa si Red.
"Wait? You want me to wait? Hindi pa ba sapat ang 10 taon? Ilang taon pa ba ang kailangan kong hintayin? 5? 10? 20?"
"Red, just trust me!" pakiusap ng propesor pero umiling lang si Red at lumayo sa kanila.
"No. I've had enough," wika nito bago tumakbo palabas ng bahay. Tinawag naman siyang mga kasamahan pero hindi ito nakinig. Hahabulin sana nila ito pero pinigilan sila ni Tatay Lime.
"Ako na ang susunod sa kaniya," saad nito. Nilingon naman siya ng propesor at tumango rito.
"Make her safe," saad ng propesor. Tumango naman si Tatay Lime at umalis na. Ang tanging nasa isip niya ay muling makita ang anak sa huling pagkakataon.