Chapter 40

1541 Words
Shaynne's POV "Sino ka? Ba't niyo ko sinusundan?" Hindi agad ako kumilos at tinatantya ang situation. He's wary of my presence, napansin niya na pala na kanina pa namin siya hinihintay. Itinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko. "I..." Tila hindi ko alam ang isasagot ko. "Kaninong utos ang sinusunod niyo? Isa ka ba sa mga tauhan nila?" tanong niya habang hindi pa rin ibinababa ang bagay na nakatutok sa akin. I'm not sure kung baril ba ito o kung ano man. Pero mas mabuti na ang maingat. "Listen, hindi ako narito para saktan ka," saad ko sa kaniya at bahagya siyang sinilip sa likod ko pero idiniin niya ang hawak niyang armas sa akin kaya hindi ko na lang itinuloy. "So ano? Bakit mo 'ko sinusundan? Don't tell me na idol mo 'ko at gusto mong humingi ng autograph?" tanong niya gamit ang panunuyang tono. Ang lakas pala ng tama ng lalaking 'to. Para tuloy gusto ko siyang sapakin, kahit isang beses lang. "No, it's not like that," saad ko bago inilibot ang paningin sa paligid. Masyadong tahimik ang paligid at wala masyadong taong dumadaan. Narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko ito maintindihan. Napansin ko ang isang pigura sa itaas ng building na katabi namin. Napagtanto ko na maaring isa ito sa mga nagtatangka sa buhay ng lalaking 'to. "Hey," tawag pansin ko sa kaniya. Hindi ko iniba ang ekspresyon ko, dapat maging natural at kalmado ako sa paningin nila. Hindi ko puwedeng ipahalata sa kanila na nakita ko sila. Wala akong dalang armas maliban sa kutsilyo na nakalagay sa harness sa baywang ko. "Ano," sagot niya naman sa akin. "I want you to trust me," bulong ko sa kaniya habang pinapakiramdaman ang taong nakamasid sa amin. Hindi ko alam kung nag-iisa ba ito o may kasama pa ito sa paligid. "Pinapatawa mo ba ako? Sinasabi mong magtiwala ako sa'yo? Isang estranghero?" saad niya. Napansin ko naman ang inis sa boses niya kaya wala akong ibang choice para harapin siya. "Just trust me," saad ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkabigla niya at napaatras sa akin habang unti-unting gumuhit ang pagkabigla sa mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin pero isang bagay lang ang napansin ko. "Ikaw—" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad siyang hinila pababa nang makita ko ang isang tao sa likod niya na nakatutok ang baril sa amin. Sinasabi ko na nga ba! Hindi siya nag-iisa! "Dapa!" sigaw ko at saktong pinaputok niya ang baril. "What the h-ck!?" bulalas ni Nicholai. Base sa ingay na nilikha nito ay masasabi kong gumagamit siya ng silencer. Agad kaming kumilos kung sakaling magpaputok din ang taong nasa ibabaw ng gusali at hindi nga ako nagkamali. As soon as gumalaw kami ay bigla itong nagpaputok. Nahihirapan akong kumilos dahil sa dalawang tao ang nagpapaputok sa amin at hindi lang iyon. Kailangan ko pang alalahanin ang kaligtasan ni Martinez. Lumitaw naman si Violet sa likod ng lalaki at pinukpok ang ulo nito ng hawak niyang kahoy. Where the hell did she get that? At bakit ngayon lang siya? Isinantabi ko muna ang mga tanong ko at agad na tumakbo habang hila-hila si Martinez. "Watch out for the guy in the roof and run," utos ko kay Violet at tumakbo niya. Agad naman siyang sumunod sa amin. Hindi paman kami nakakalayo at biglang may huminto na sasakyan sa harap namin. F-ck. "Can you fight?" tanong ko sa taong nasa tabi ko. "Are you seriously asking that question to an agent?" asar na saad niya. Napikon 'ata sa tanong ko dahil agad niyang kinalas ang pagkakahawak ko sa manggas ng jacket niya. "You mean a former agent and who knows, baka kinakalawang ka na," asik ko habang inihahanda ang sarili. "May the best fighter win," saad niya. "Can you please stop on boasting on who's the strongest. May kalaban tayo rito, haler!" saad niya Violet saka tumalikod sa amin. May dumating din pala na sasakyan sa likod. "Just avoid getting hit. Huwag kang umatake, dumepensa ka lang," paalala ko sa kaniya. "Wish me luck," bulong nito. Sakto naman ang nagsilabasan ang mga tao sa loob ng sasakyan na may bitbit na bat, kahoy, kutsilyo. Agad ko namang inilabas ang kutsilyo ko at inilabas naman ni Violet ang brass knuckles na kinuha niya kanina. Since her punches is not that strong, the weapon can help her inflict damage to her opponent. Agad kaming kumilos at iniwasan ang unang umatake bago ito sinapa at sinuntok ang paparating na isa. Nakita ko naman na ipapalo na sana ng isa ang hawak na bat kaya kumilos ako ng mabilis at sinipa ang braso niya at dinaplisan siya sa binti. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-atake kaya tinarget ko ang mga binti nila at sinugatan ang mga iyon para bumagal ang kilos nila. Agad kong nilingon sa Martinez na pinatumba ang huling kalaban niya. Nakakabilib lang dahil maski si Violet ay tila napatumba rin ang mga kalabang kaharap niya. Not bad. Napangisi naman ako dahil do'n baho lumapit sa kanila. "Oh my gosh, Ate! You're bleeding," anas ni Violet habang nakatingin sa braso ko. Marahil ay nadaplisan ako kanina habang sabay-sabay silang umatake. "It's not serious, but first, kailangan nating umalis dito," saad ko. Sumang-ayon naman sila at agad na kumilos ng makahanap na kami ng ligtas na pwesto ay saktong nag-vibrate ang phone na hawak ko. Napatingin naman ako kay Violet at nakitang tumingin siya sa akin. Tumango ako sa kaniya. Oras na para bumalik kami sa hideout namin. Umalis na kami ni Violet nang hindi nagpapaalam kay Nicholai. He was busy trying to catch his breath kaya hindi niya napansin ang pag-alis namin. Nang makarating kami sa hideout ay agad kaming sinalubong ng mga kasamahan namin. "Are you sure na iiwan siya? Pa'no kung balikan siya?" agad na bungad ko kay Prof ng makapasok kami. "They would be careful and silent for the meantime. Hindi nila inaasahan ang nangyari ngayon so they won't be that careless next time," sagot ni Prof. Nag-usap pa kami para sa susunod na araw, nagtalaga ng iba't-ibang task si Prof sa amin. Itinalaga niya kami sa iba't-ibang lugar para hindi na kami panay sunod sa kaniya. Nakatalaga ako shop na pinuntahan namin no'ng nakaraan. Napansin ko na malapit lang pala ito sa police station kaya kung ano man ang mangyari ay alam kong agad na makakaresponde sila. Matapos mag-usap ay pinagpahinga na nila kami. Nagamot na rin ni Aqua ang sugat. "Grabe, wala talagang kupas ang galing ni Red. Nakita namin ang sagupaan niyo," excited na saad ni Teal. "Na-hack kasi ni White ang CCTV malapit sa kung saan kayo nag-away kanina kaya nakita namin," paliwanag ni Aqua. "In fairness ha. Magaling din 'yong Nicholai," dagdag ni Aqua. "Magaling nga," sang-ayon ni Tatay Lime habang nakangiti. Nakakapanibago pa rin ang biglang pagsalita ni Tatay Lime pero hindi na lang namin ito pinansin. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa pangyayari ng biglang nagsalita si Black. "Violet," tawag niya sa katabi ko. Napatingin naman ako kay Black pero na kay Violet lang ang atensiyon nito. Ni hindi nga ito lumingon sa akin, ganito rin siya kanina. Hindi ko alam kung ano bang problema niya pero nakakapanibago lang. "Yes, kuya?" sagot ni Violet at umupo ng matuwid. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ko ang pagngiwi niya. "You should rest now, everyone, tama na 'yan at pagpahingahin niyo na sila," utos niya bago umalis. Nagsitayuan naman ang iba at pumunta na sa kwarto nila. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at kumuha ng ointment bago lumabas at pumasok sa kwarto ni Violet. Nakita ko naman siyang nakaharap sa salamin habang sinusuri ang malaking pasa sa braso niya. Sabi na nga ba eh. "Ate," tawag niya sa akin nang mapansin niya ako. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto niya at lumapit sa kaniya. Agad ko siyang hinila paupo sa kama niya at binuksan ang ointment at nilagayan ang pasa sa braso niya. "It's not really that painful, Ate. It will disappear in no time, aw!" daing niya. Hindi ko siya sinagot at hinila pataas ang damit niya para maghanap ng iba pang pasa. May roon din itong pasa sa likod at balikat niya. Maskin ang binti nito ay walang ligtas. "I told to avoid them," wika ko habang nilalagyan ng ointment ang mga pasa niya. Ngumuso naman siya at yumuko. Napabuntong hininga na lang ako dahil dito, mabuti na lang at wala siyang sugat. "I just wanted to help saka it's part of the fight. Masusugatan at magkakapasa ka talaga, hindi ba?" saad niya habang nakanguso pa rin na tila isang batang pinapagalitan. Inilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok nito. "That why you should train harder. Para sa susunod maiiwasan mo na ang atake nila," saad ko rito at tumayo na. Tumayo rin siya at nilakad ako papuntang pinto. "Opo ate! I will train 10x harder, gusto ko maging kasing galing niyo," wika niya. Napangiti naman ako ng maikli dahil do'n. "Good job today," saad ko sa kaniya saka tinapik ang balikat niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang dumaing. Nakalimutan kong may pasa pala siya sa balikat niya. "Sorry, I forgot," wika ko at sabay kaming napatawa dahil do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD