Chapter 39

1506 Words
Shaynne's POV "Nicholai Martinez, he's an expert agent. Magaling siya sa trabaho niya kaya maraming tao ang humahanga pero mahigit 6 taon na siyang tanggal sa serbisyo," saad ni Prof. Ilang araw na ang nakalipas mula nang lumipat kami sa hideout namin dito sa Manila. Nagtipon-tipon kami sa living room para takalayin ang susunod na misyon. "Bakit natanggal siya Prof kung magaling siya?" nagtatakang tanong ni Teal. Ngumiti naman ang propesor at inilagay ang litrato ni Nicholai sa white board saka gumuhit ng question mark sa tabi nito? "Bakit nga ba?" saad niya. Napaisip naman kami ng dahilan. "Baka nagkasala siya? O may ginawang illegal?" sagot ni Aqua. Umiling naman si propesor dito. "Prof, we're not a manghuhula. Can't you just say the reason?" inip na saad ni Violet habang nakasimangot ito. Nagtawanan naman sila roon habang napakamot na lang ng batok si Prof. "Fine. Like what I've said. Magaling siya sa trabaho niya, 7 years ago ay may pumukaw ng atensiyon nito. A murder case or let say m******e case." Agad naman na nagpantig ang tainga ko ng marinig ko ang salitang iyon. Parang ito'y isang magic word na biglang bumuhay sa diwa ko. Mas lalo kong itinuon ang atensiyon ko sa diskusyon namin. "Ano meron sa kasong 'yon, Prof?" tanong ni white habang nakaharap pa rin sa laptop niya. "He saw some fault or mistake and want to correct it—" Hindi natapos ni Prof ang sasabihin niya ng bigla sumingit si Black sa usapan na tila kararating lang. Maaga kasi siyang umalis kanina dahil may pupuntahan siya, may iniutos siguro ang propesor. Nakasuot lang siya ng black polo at slacks, aakalain mong isa siyang empleyado ng kumpanya na umattend ng meeting. "But his boss was against it," dugtong niya sa sinabi ni Prof. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n at hindi napigilan ang sarili na magtanong. "Why though?" tanong ko. Ibinaling ni Black ang tingin sa akin at napansin kong may kung anong emosyon ang dumaan sa mata niya. Hindi ko iyon mawari dahil agad niya itong iniwas. "Kasi binayaran ang kaso na 'yon," sagot niya bago umupo sa tabi ni Tatay Lime sa kabilang sofa. Nagtaka naman ako sa inakto niya, madalas kasi ay lagi siyang umuupo sa tabi tuwing nagpupulong kami. Ito ang unang beses na hiwalay siyang umupo sa akin. "So if wala siyang kasalanan, bakit natin siya pinag-uusapan? From what I know, masasamang tao lang tinutugis natin," tanong ni Violet. "Currently, may mga taong nagtatangka sa buhay ni Martinez. Kahit na wala na kasi ito sa trabaho ay patuloy pa rin nitong iniimbestigahan ang kaso and he has a very important intel. And we need that one to identify our next target," saad ni Prof. "Ang ibig sabihin ay poprotektahan natin siya sa kung sino mang nagtatangka sa buhay niya at hikayatin na sumali sa atin." Napalingon kami sa gawi ni Tatay Lime ng bigla itong nagsalita. Hindi kasi pala-salita si tatay Lime kaya naninibago kami tuwing nagsasalita siya. Nakita ko ang determinasyon sa pananalita niya pero may nakita akong kaba at takot sa mga mata nito. Bakit kaya? "I want Violet and Red to do a undercover misyon to protect Martinez," saad ni Prof bago tumingin sa amin. "Wait? Isasabak niyo na agad si Violet? Mahigit isang linggo pa lang siyang nagsasanay Prof," sabat ni White na tila hindi siya sang-ayon sa desisyon ni Prof. Kahit na ako ang papipiliin ay hindi ko rin isasalang si Violet, hindi pa siya handa. "Aww, are you worried that I'm gonna be hurt? No need to worry but thank you the concern," malambing na saad ni Violet kay White na kaharap niya lang. Umasim naman ang mukha ni White dahil sa sinabi niya. Heto na, magtatalo na naman sila. "Yak, in your dreams. Nag-aalala ako na baka pumalpak kami dahil sa katangahan mo," wika ni White. "Alam mo, minsan talaga nakakapikon ka. No! It's not minsan, it's always. I'll prove to you that I'm not gonna mess up and I'm gonna be a better fighter than you. Since you're always just facing your computers, freak," rebut ni Violet sa kaniya bago ito binelatan. Sasagot pa sana si White pero agad na tinakpan ni Black ang bunganga nito habang tinatakpan naman ni Aqua ang mukha ni Violet para matigil ito sa pang-aasar niya. Lahat kami ay napabuntong hininga na lang sa ugali ng dalawa. Kinaumagahan ay maaga kaming umalis ni Violet sa hideout para bantayan si Nicholai. Buti na lang ay hindi na gaanong makulit si Violet ngayon, hindi niya na rin binubuksan ang usapan namin no'ng una. "Just stay close, 'wag mong hayaang mawala siya sa paningin mo. Pero huwag mo ring hayaang mapansin ka niya," paalala ko sa kaniya habang binabaybay ang daan patungo sa pupuntahan namin. Sa isang coffee shop kami pupunta kasi ayon sa nalaman namin ay madalas na pumunta si Martinez dito. Marami kasing libro dito na puwedeng basahin. Nang makarating kami roon ay saktong kakabukas lang ng shop, agad kaming pumuwesto sa bandang likod kung saan naroon ang mga libro. "Do think pupunta siya rito?" bulong ni Violet habang nakatingin sa entrance ng café. Tahimik ko lang na binabasa ang librong kinuha ko kanina. "If get lucky then that's good, if not, we'll try again," saad ko. Naghintay kami ng mahigit dalawang oras bago namin nakita si Martinez. Ang problema lang ay hindi ito pumasok sa shop at dere-deretso lang sa paglalakad. Agad kong siniko si Violet para agad na kumilos. Lumabas na kami para sundan si Martinez pero nawala ito na parang bula. "D-mn it," mahinang bulong ko. "Let's look for him separately," utos ko kay Violet. Patingin naman siya sa akin na may pag-aalinlangan. "Can't we just look for him together?" tanong niya sa maliit na boses. "You'll be fine. Just don't approach him suddenly, just tail him and report to me immediately. Saka isa pa, hindi ba gusto mong patunayan na magiging mas magaling ka kay White?" tanong ko sa kaniya. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at mas naging determinado ito. "Of course! Don't worry ate, I'll look for him everywhere," masiglang saad niya. Naghiwalay kami sa paghahanap, nilibot ko ang lugar. Lahat ng posible niyang daanan, halos kalahating oras na rin akong naghahanap. Narinig ko naman ang pagtunog ng telepono ko. Nang silipin ko iyon ay nakita kong si Violet ang tumatawag. Agad ko 'yong sinagot. "What's the matter?" bungad na tanong ko sa kaniya. "I already found him, Ate. Nasa may playground siya but something feels off," report niya sa akin. Narinig ko naman ang ingay ng mga bata mula sa kabilang linya. Ano kayang problema? "What is it? Something strange?" tanong ko. "There's a person sitting behind him. I can't identify if it's male or female. They seems to be talking," sagot niya sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Prof na may importanteng intel si Martinez. Marahil ang kausap niya ngayon ay ang intel na tinutukoy ni Prof. We need to get him in our group. I want to know kung anong kaso ang ayaw niyang bitawan. "Okay, copy. 'Wag mo hayaang mawala sila sa paningin mo. That person might be his intel. Papunta na ako riyan," utos ko sa kaniya bago kumilos. Sa pagkakaalam ko ay may malapit na palaruan at parke rito. Kung susuwertehin ako, baka ito ang tinutukoy na palaruan ni Violet. Hindi ko binaba ang tawag kung sakaling may mangyari. Ilang minuto lang ay natanaw ko na ito, maraming mga bata at tao ang naroon. It's weekends kaya hindi na ako nagtaka sa dami ng tao. Pero kahit na alam ko ay kinakabahan pa rin ako. Taga-Manila sila, baka makilala nila ako. Napa-iling ako habang marahan na sinampal ang sarili. "There's no time for this," mantra ko sa sarili. Mas importante ang buhay ng taong sinusundan namin ngayon. Isinuot ko ang hood ng suot kong jacket at pumunta na sa palaruan. Nakita ko naman ang papalikong sasakyan nang biglang may batang hinahabol ang bola. Nakita kong papunta sa direksyong iyon ang sasakyan kaya naman agad akong kumaripas ng takbo para hilain ang bata. Mabuti na lang at nakarating ako sa tamang oras at nahila siya sa tabi. "Are you okay?" tanong ko habang sinusuri ang katawan niya para sa posibleng galos. Maskin ito ay tila nagulat din sa pangyayari dahil sa mahinang panginginig ng tuhod niya. "Opo, salamat po," sagot niya. Sasagot na sana ako sa kaniya ng biglang nagsalita si Violet. "Target is moving," saad niya. Hindi na ako nagkaroon ng oras na magpaalam sa bata at agad na hinanap si Violet. Agad ko siyang nakita na tila may hinahanap. "Violet," tawag ko. "Ate! Papunta siya sa direksyon na 'yon," turo niya. Tumango naman ako at agad na hinabol si Martinez. Pero gaya kanina ay mabilis siyang nawala. Habol-hininga ako napalinga-linga sa paligid. Bakit ba ang bilis niyang kumilos? He's an agent kaya hindi na dapat ako nagtaka. Aalis na sana ako ng biglang may kung anong nakatutok sa likod ng ulo ko. "Sino kayo? Ba't niyo ko sinusundan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD