Shaynne's POV
Umabot ng halos 1 oras ang paggupit ng buhok ko. Bino-blow dry na na lang ang buhok ko. Hindi ko pa nakikita ang sarili sa bago kong buhok sahil mas pinili huwag humarap sa salamin.
Nakita kong bumalik si Black kasama ang isang babae habang may tulak-tulak itong clothing rack na may mga nakasabit na iba't-ibang klase ng damit.
"Woah, muntik na kitang hindi makilala," saad nito gamit ang mapang-asar na tono. Inirapan ko na lang siya bago sinabi ng babae sa likod na tapos na raw siya. Hinga naman ako ng malalim bago unti-unting humarap.
Pumikit muna ako para hindi ko agad makita ang hitsura ko. Kinakabahan kasi ako dahil baka hindi ito bagay sa akin. Simula noon ay laging mataas ang buhok ko. Ang pinaka-maikli na gupit ko hanggang baga ko.
Naramdaman ko ang isang kamay na marahan tinapik ang balikat ko. "It's okay. You look good at it, I promise," bulong ni Black sa akin.
Minulat ko naman ang mata ko at tumitig muna sa kamay ko na nasa kandungan ko bago unti-unting tumingin sa salamin. Namangha ako dahil bagay nga ito sa akin, naninibago rin dahil first kong magpagupit ng ganito. Magaan sa pakiramdam at presko sa likod at leeg.
"I told you," wika ni Black habang nakatingin sa akin gamit ang vanity mirror sa harap naman. "Anyways, you should try this clothes," biglang saad ni Black bago lumapit sa clothing rack na dala nila kanina ng isa pang staff.
"Ano 'to? Dressing up game?" sarkastikong saad ko sa kaniya bago humarap sa kanila at tumingin sa mga damit. Mayroon 10 hanger doon kaya masasabi kong 10 damit iyon.
"If that's what you call it," natatawang saad ni Black bago kumuha ng isa damit doon at ibinigay sa akin. "There's a dressing room at the back," saad niya bago ito itinuro.
"No thanks," saad ko bago muling ibinigay sa kaniya ang damit.
"Come on, at least choose one or two," pamimilit niya bago hinila ang clothing rach at inihinto sa harap ko.
"These are dresses. Hindi ko magagamit 'to," wika ko.
"Who knows, baka isang araw kailangan niyong mag-undercover. It would be weird if you're wearing a hoodie, tshirt, jeans, sneaker or even our uniform," paliwanag naman niya habang kinukumbinsi akong pumili. Nagtalo pa kami ng ilang minuto, sa huli ay may bitbit akong apat na paper bag.
"Ano'ng nginingiti mo diyan?" mataray na tanong ko sa kaniya nang makapasok na kami ng kotse.
"Nothing," wika niya habang nakangiti pa rin. Naaalibadbaran ako sa ngiti niya. Magtatalo pa sana ulit kami ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Hello? Yes, magkasama kami...Okay," iyon lang ang narinig kong sinabi niya bago pinaandar ang kotse.
"Who's that?" tanong ko habang umaandar na ang kotse.
"White..."
Nang makalabas kami sa building ay napansin kong gabi na pala. Gaano ba kami katagal para maabutan ng gabi? Alas 3 ng hapon kami umalis kanina at sa tingin nasa alas 7 na ng gabi ngayon. Hindi na ako sumagot sa kaniya, alam ko na kasing may mahalagang pagpupulungan kami kapag tatawag si White.
Ilang minuto ang lumipas ay nakauwi na kami. Napuno ng asaran ang hideout nang makita nila ang bagong gupit ko. Hindi naman talaga iyon asaran, mga puri iyon na dinadaan sa pang-aasar. Maskin sila ay naninibago sa mukha ko, para daw'ng hindi ako sa unang tingin.
Nagsimula na ang meeting at napagdesisyunan na luluwas kami ng Manila bukas para sa isang undercover mission. Naroon kasi ang susunod na target namin pero sa ngayon ay mag-ma-manman muna kami habang nag-eensayo pa si Violet. Hindi puwedeng isagawa ang misyon hangga't hindi pa kayang makipaglaban ni Violet. Mapapahamak kami, lalo na siya.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para sa flight namin. Of course, we use fake ID's and passport. Mga 1 oras at 45 na minuto ang biyahe. Nag-check-in kami sa pinakamalit ng hotel ng makarating kami ng Manila. May kailangan pa kasing ayusin sa hideout namin dito dahil biglaan ang naging desisyon na 'to.
Gabi na ng napagdesisyunan namin mag-inuman muna. Nagprisinta si Black na bumili kaso pati ako ay dinamay niya.
"Nandamay ka pa," inis na saad ko kaniya. Naglalakad kami para maghanap ng convenience store. Wala na kasing dumadaang taxi ngayon dahil pasado alas 12 na ng gabi.
"It's our first day here. Enjoy the fresh air bago magsimula ang misyon," saad niya at bahagya pang lumanghap ng hangin. Napa-iling naman ako dahil.
"Fresh air? Maybe you meant polluted air?" sarkastikong saad ko. Tumawa lang siya bago kinuha ang cap ko. "Hey! Ibalik mo nga 'yan," pikon na saad ko bago iyon kinuha sa kaniya ngunit inilayo niya ito.
"Why are you wearing cap in the middle of the night?" nagtatakang tanong niya bago isinuot ang cap.
"Ano bang pake mo?" anas ko rito bago sinipa ang likod ng tuhod niya. Narinig ko siyang dumaing bago ko siya hinila sa kwelyuhan at inilibot ang kamay ko sa leeg niya saka kinuha ang cap. Nang masuot ko na iyon ay saka ko siya binitawan.
"That hurts!" reklamo niya habang hinihimas ang likod ng tuhod niya. Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ang lakad ko ng makakita ang ng convenience store.
There's actually a reason kung bakit naka-cap ako dis-oras ng gabi. Ito ang lugar kung saan ako nag-aaral. Nakatira kami sa Laguna pero sa Manila ako nag-aaral. This is the place I grown up. Natatakot akong baka may makakilala sa akin. Maraming tumatakbo sa isip ko pero pilit kong binabalewala iyon at mag-focus sa misyon namin. Kasi naniniwala akong isa iyon sa paraan para makakalap ako ng impormasyon sa nangyari sa pamilya ko.
Kung may alam si Miranda at ang mga Alonzo. Pakiramdam ko ay may alam din ang iba pa naming target.
Nauna akong pumasok sa loob at dumiretso sa stall kung nasaan ang mga inumin nila. Agad naman nakasunod si Black sa akiku. Tingnan mo 'to, ang drama. Alam ko namang hindi siya nasaktan sa sipa ko, nagdadrama lang talaga. Sadyang hindi niya lang inaasahan ang atake ko kaya gano'n.
Matapos naming pumili ay nauna na akong lumabas habang nagbabayad siya. Sumandal ako sa glass walk ng convenience store at tumingala sa langit.
Ang daming mga bituin ngayon, sabi nila kapag nawala ang isang taong mahal mo sa buhay. Titingala ka lang daw sa nga bituin at makikita mo silang kikinang tanda na nakatingin din ito sa iyo.
Ma, Pa. Pangako po gagawin ko ang lahat para makamit ang hustisya. Pangako ko po iyon.
"Let's go?" Napalingon naman ako kay Black ng makalabas na siya. Nagsimula siyang maglakad sa kabilang daan kaya naman nagtataka ko siyang tiningnan.
"Where are you going? Dito ang daan oh," saad ko sa kaniya at pasimpleng itinuro ang kabilang daan.
"That guy has been staring at you, kanina ko pa napapansin iyon," bulong niya. Lilingon na sana ako nang niyang pinalo pababa ang cap ko dahilan para matakpan ang mata ko. Inis ko siyang tiningnan at inayos ang cap bago ko siya sinuntok sa tiyan.
"Tara na, sumunod ka na lang kasi sa akin," saad niya. Umirap na lang ako sa kaniya at nauna ng naglakad. Gaya nga ng sabi niya ay sa kabila kami dumaan. Nang masiguradong wala na ito ay saka kami bumalik sa hotel.
Nang makarating kami do'n ay tanging si Teal na lang ang nasa sala habang nakaupo sa sofa.
"Oh? Nasaan na ang iba?" tanong ni Black. Lumingon naman sa amin si Teal gamit ang namumungay na mata. Kulang na lang ay pumikit na ito dahil sa antok.
"Ang tagal niyo. Nakatulog na ang iba," bungad naman ni Teal habang humihikab na tila inaantok na rin siya. Napatingin naman kami ni Black sa isa't-isa at sabay na nagkibit-balikat.