Shaynne's POV
Magdamag akong gising no'ng araw na iyon dahil sa sinabi ni Violet. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Kilala niya ba ako? Ano'ng gusto niyang mangyari?
Gano'n lang ako sa loob ng 4 na araw. Lagi ring nakabuntot sa akin si Violet simula nong araw na 'yon. Tinatanong niya kung payag ba akong magpagupit, kung ano'ng haircut daw ang gusto ko, kung gaano kahaba ang puputulin. Katulad na lang ngayon, nakabuntot na naman siya sa akin. Isa lang ang sagot ko...
"Pag-iisipan ko," mahinang saad ko sa kaniya bago ko siya muling iwasan.
"There's a trending hair cut today. 'Yong wolf cut, I guess that would look good on you. But if you wanna change your appearance, siguro a short bob cut will do," suhestiyon nito bago sumunod sa akin.
"Violet—" pagsasabihan ko na sana siyang lumayo sa akin ng tinawag niya ni Tatay Lime.
"Oras na para mag-training, hinihintay ka nina Teal," wika ni Tatay Lime sa kaniya. Agad ng humaba ang nguso ni Violet na tila ayaw niyang pumunta.
"Can I took a day-off? I will ask ate Red to train me tomorrow na lang," anas nito at pinagdigkit pa ang mga kamay. Sakto namang pumasok si Aqua sa sala mula sa kusina.
"Nako, ilang araw mo nang ginugulo ate Red mo. Baka gusto mo rin ng day-off sa pagiging buntot niya?" pang-aasar ni Aqua rito. Mas humaba naman ang pag-nguso ni Violet at humarap sa akin.
"I'm sure ate Red won't mind naman eh. Saka I like to spend time with her. I think I can learn more from her, she's the strongest gal in here," saad niya habang nakatingin sa akin ng may ngiti sa labi.
Hindi naman ako makasagot agad kaya marahan niyang tinapik ang braso ko.
"Ah... May lakad ako? Ngayon... Oo, may pupuntahan ako," nauutal na palusot ko. Hangga't maaari ay ayaw ko munang mapalapit sa kaniya. Medyo naiilang kasi ako dahil kilala niya ako, I mean ang pangalan ko.
"Can I come with you? Promise I won't be a nuisance," pamimilit nito. Sasagot na sana ako nang biglang dumating si White at si Black.
"You can't, mag-de-date kami. Gusto mong maging third wheel?" nakangising saad ni Black bago niya ako inakbayan at hinapit palapit sa kaniya.
Kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya. Ano na namang pakulo ng mayabang na 'to? Kung anu-ano ang pinagsasabi.
"Can I?" tanong ni Violet na tila okay lang sa kaniyang maging third wheel sa date namin. Wait! It's not a date, rason lang 'yon para tigilan ako ni Violet. "Promise, hindi ako magiging sagabal," pagmamakaawa niya.
Nakita kong lumapit si White sa amin at biglang kinarga si Violet na parang bigas. Napatakip tuloy kami ng tainga dahil sa sigaw nito.
"Ngayon parang nagiging sagabal ka na. Mamemerwisyo ka ng iba. Sinisira mo pa ang schedule ng mga training," inis na saad ni White habang naglalakad ito papunta sa training room.
"What the h-ll, Comfreak! Put me down," sigaw nito habang nagpupumiglas bago ito mawala sa paningin namin. Bahagya na lang kaming natawa dahil do'n.
"Hoy! Legit 'yon? Mag-de-date kayo?" agaw pansin na tanong ni Aqua sa amin habang may nakakalokong ngiti sa labi niya. Pati kilay nito ay gumagalaw ng taas-baba.
Agad ko namang tinanggal ang nakapalibot na kamay sa balikat ko at binigyan ang may-ari nito ng tingin.
"Of course not. Alibi lang 'yon para tumigil si Violet," saad ko.
"You're welcome," saad naman ni Black. Umirap na lang ako at hindi siya pinansin.
"Bakit ka ba kasi kinukulit ng batang 'yon? Ano bang gusto niya sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Aqua.
Hindi ako agad nakasagot. Baka gusto niyang malaman ang buhay ko? Baka gusto niya akong kilalanin pa, I mean ang dating ako. Maraming baka ang tumatakbo sa utak ko. That kid is so unpredictable.
"Haircut?" saad ko na lang matapos ng ilang segundong katahimikan.
"Magpapagupit ka?" tanong niya ulit. I shrugged my shoulders dahil hindi pa ako sure kung magpapagupit ba ako o hindi. I'm afraid that people might recognize me katulad ng sinabi ni Violet. Nakapost iyon sa social media kaya hindi malayong mamukhaan nila ulit ako ako.
"I know someone who can help us with this," saad ni Black saka marahang hinawakan ang pala-pulsuhan ko. Bago pa man niya ako mahila ay agad kong binawi ang kamay ko.
"Wala akong sinabing magpapagupit ako," usal ko rito.
"But you're considering it already. So ba't mo pa pahihirapan sarili mo?" sagot niya naman sa akin. Magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Aqua.
"Maiwan ko na nga kayo diyan, lovebirds," natatawang saad niya at naglakad na paalis. Bago pa man siya makalayo ay muli siyang hunarap sa amin. "Saka Black! Iuwi mong buo at birhen 'yan ah," dagdag niya bago tumakbo.
"Aqua!" sigaw ko kahit na alam kong hindi na ako nito maririnig. Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig niya eh.
"Let's go," wika ni Black saka hinila ako palabas sa kabila ng pagpoprotesta ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat sa isang sasakyan, mukha itong bago at mamahalin. Alam mo 'yong sasakyan na limited edition, gano'n ang dating no'n.
"Kaninong sasakyan 'to?" tanong ko habang hindi pa rin pumapasok.
"Mine," simpleng sagot niya bago hinawakan ang tuktok ng ulo ko at pinilit akong pinapasok sa loob. Nakasimangot lang ako habang tinitingnan siyang umikot papuntang driver seat.
Sa kaniya daw, saan naman siya nakakuha ng pera para makabili nito. Baka nga kay Prof ito eh, napaka-feeling niya naman. Nang-aangkin ng bagay na hindi sa kaniya.
"You should ask for Prof permission to use this," saad ko sa kaniya habang pinapaandar niya ang kotse. Binigyan niya naman ako ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa daan ng magsimula na kaming umandar.
"I told you, it's mine," saad niya ng may ngiti sa labi.
"As if you can afford this one," bulong ko habang ibinaling ang tingin sa labas. Narinig ko na lang ang mahinang tawa niya bago pumalit ang ingay ng isang kanta. Binuksan niya pala ang radio para makinig ng musika.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan papunta sa kung saan. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta eh. Bigla niya na lang akong hinila.
Lumipas ang ilang minuto ay nakita kong unti-unti nang dumadami ang tao at mga gusali. Marami na ring mga sasakyan ang dumadaan. Napatingin naman ako sa kasama ko. "Saan mo ko dadalhin?" nag-aalalang tanong ko.
"Hotel?" sagot niya habang pinasadahan ako ng maikling tingin. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko.
"Baliw ka ba?! Ano'ng gagawin natin sa hotel? Ano'ng gagawin mo sa akin?" inis na mantra ko nang lumiko kami sa isang parking lot ng isang hotel.
"I told you, we're gonna have our date," nakangising wika niya at kinindatan ako bago lumabas. Napatingin naman ako sa paligid may kokonting tao roon. Napaisip naman ako at nagsimulang mag-overthink. Paano kung isa sa kanila makilala ako? Ano'ng sasabihin nila? Ano'ng magiging reaksyon nila?
Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto sa tabi ko. Nakatayo roon si Black habang nakatingin sa akin. Hindi ito nagsalita, instead he lean forward kaya napaatras ako at napasandal sa upuan ko. Binuksan niya ang compartment at kinuha ang ibang black cap.
Humarap siya at isinuot iyon sa akin. "I'm here. You don't have to be afraid," mahinang wika niya. Dahil nasa sasakyan parin kami ay kokonti lang ang distansya namin mula sa isa't-isa. Nang mailang ako dahil sa titig niya ay marahan ko siyang itinulak bago lumabas ng sasakyan. Ibinaba ko ang cap para kahit papaano ay matakpan ang mukha ko.
Wala namang sinabi pa ang katabi ko at may kinausap lang sa cellphone niya. Teka? Ba't panay ang gamit nila ng cellphone? kala ko ba hindi kami puwedeng gumamit no'n maliban na lang kung may misyon.
"Okay, thank you," narinig kong saad ni Black nago binaba ang tawag. Humarap naman siya sa akin at itinago ang cellphone niya. "Tara?"
"Saan ba kasi tayo pupunta? Kapag ako pinagloloko mo, sasapakin talaga kita," banta ko sa kaniya pero sumunod naman ako rito. Ayaw ko namang maiwan dito mag-isa.
Sumakay kami ng elevator at huminto sa 9th floor. Pagbukas pa lang ng pinto ay namangha na agad ako. Iba't-ibang damit ang sumalubong sa amin. May dalawang tao ring nakaabang sa pinto.
"Sir—" lumapit ito sa amin at babati na sana ng pinutol ni Black ang sasabihin niya.
"Black, call me Black," wika niya bago tumingin sa akin at ngumiti.
"This way, Sir Black and Miss..." bati ng babae na tila 'di alam kung ano ang itatawag. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Pinaupo niya naman ako sa isang upuan sa harap ng malaking salamin na may mga ilaw sa paligid nito. Maraming gamit sa mesa sa harap ko, may mga makeup at iba pang bagay na hindi familiar sa akin.
"Gaano kahaba po ba ang nais niyong ipagupit?" tanong sa akin ng babae. Napatingin naman ako dahil sa sinabi niya bago tumingin kay Black at binigyan ng nagtatanong na tingin.
Nandito kami para magpagupit? Teka? Ano'ng lugar ba 'to? Bakit may ganitong lugar na alam si Black? Dito ba siya nagtatrabaho noon? Pero sir ang tawag sa kaniya ng babae kanina.
"You can cut it short like that one," si Black na ang sumagot habang itinuturo ang larawan ng isang babae na may maikling buhok. Wala naman sa akin kung puputulin ang buhok ko, pero masyado naman atang maikli 'yan.
"Hindi ba masyadong maikli?" isinatinig ko.
"Sa tingin ko po ay bagay sa inyo, maliit po kasi ang mukha niyo at hugis puso," sagot naman ng babae. Nag-alangan naman akong ngumiti bago tumingin ulit sa nais nilang haircut.
"They say, when a woman cuts their hair that means they going to forget everything behind and start a new journey," biglang saad ni Black. Nang silipin ko siya ay nakita ko siyang nagbabasa ng isang magazine.
Bumuntong-hininga naman ako bago tinignan ang sarili sa harap ng salamin. I also want to forget everything, I want to start a new journey but I just can't stop now hanggang hindi pa nakakamit ang hustisya na para sa amin. And I guess that would be may new journey.
Nilingon ko naman ang babae sa tabi ko at tumango. New hair, new me.