Chapter 36

1391 Words
Shaynne's POV 3 araw na ang nakalilipas mula nang matapos namin ang unang misyon. Bumalik kami ng hideout namin. 'Yong truck na gamit nina Prof sa pagtakas ay naglalaman ng mga yaman ng Alonzo. Hindi pala, pera iyon ng mga taong niloko nila at pera na bunga ng illegal na gawain. 70% ng nakuha namin sa mga Alonzo, we donated it to the orphanage. Ang 30% ay iponondo na namin para sa kagamitang kailanganin namin sa susunod na misyon. "Hindi ba mas maganda kung uniform tayo? We're not an ordinary vigilante, we should be a classy and sassy!" nangibabaw ang boses ni Violet habang nakatambay kami sa labas ng bahay. Alas 7 pa nang umaga pero heto siya at nagbabahagi ng mga gusto niya. "And also, I suggest wearing a face mask on our mission!" dagdag nito. "Pero nakasuot naman tayo ng mask ah?" naguguluhang saad ni Aqua. Napailing naman si Violet bago kinuha ang notebook na dala niya. She's been obsessing on that simula ng makauwi kami. Binuksan niya iyon at ipinakita ang laman no'n. May mga larawan roon na tila iginuhit niya. "I draw some designs na puwede nating gamitin sa mask natin," she explained as she flip the pages. Samu't saring itsura ang nakaguhit do'n. "So ibig mo sabihin sa face mask ay maskara? 'Yong natatakpan talaga ang mukha?" tanong ni Aqua habang nakatitig sa mga drawing ni Violet. Masasabi kong magaling itong gumuhit dahil napakadetalyado ng mga larawan niya. "Tinagalog mo lang but yes, that's what I'm talking about," sagot ni Violet sa kaniya saka inilapag sa mesa ang notebook niya. Agad naman iyong tinignan ni Teal. "That's actually a good idea." Napalingon naman kami sa likuran at nakita si Professor na papalapit sa amin. Agad namang napangisi si Violet do'n at umupo sa puwesto niya nang pumunta si Prof sa harap namin. "I know right," mayabang na saad ni Violet bago sumimsim sa gatas niya. "Since we are being careful on not to get caught. We should do something about our face, kapag namukhaan nila tayo, unti-unti ay malalaman nila ang grupo natin," saad ni Professor. "You guys can discuss this over at nang masimulan na natin ang paggawa ng mga mask," saad ni Prof saka umalis. "Ano'ng pipiliin natin dito? Maganda naman lahat eh," nagtatakang tanong ni Aqua habang tinitingnan pa rin ang mga drawing ni Violet. "Of course maganda 'yan lahat, since I'm the one who drawn it," Violet confidently says. Napaismid naman si White na nasa tabi ko ngayon. Hindi tulad ni Aqua ay hindi nito binigyang pansin ang drawing ni Violet. "Lumaki naman ulo mo, pinuri ka lang," inis na saad niya habang nakatingin sa malayo. Agad kaming napatingin sa isa't-isa dahil do'n. Alam na kasi namin ang mangyayari, they've been arguing since we came back. Parang mga aso't-pusa kung mag-away, ayaw magpa-awat. "You're just jealous kasi you don't have a bit of creativity in you. Lagi ka na lang kasing nakaharap sa computer at cellphone mo. Even a grade schooler can use a computer this day kaya you don't have to be proud of it," sagot naman sa kaniya ni Violet. "If it's that easy, then palit tayo ng position. Baka hindi pa umaabot ng 10 segundo, mabulilyaso na tayo," hindi paaawat na sagot ni White. Lumabi naman si Violet sa kaniya kaya bago pa tumaas ang bangayan nila ay sumingit na ako. "That's enough. Pumili na lang tayo para matapos na," saad ko. Agad naman silang tumigil at ibinaling nag atensiyon sa notebook. "I actually have a suggestion. Since our codenames are colors, I suggest we should use this clown mask. Then the nose would be our colored names like kuya Black. He will have a black colored nose," suhestiyon ni Violet habang ipinapakita ang larawan ng tatlong clown na maskara. Ang isa rito ay nakangiti, may malungkot at galit. "That's it. We'll go with that," saad ni Black bago kinuha ang notebook at ibinigay kay White. "Oh? Bakit sa'kin mo binibigay? Hindi naman akin 'to," kunot-noong saad ni White na tila ayaw hawakan ng notebook. "We need a digital version of this para sa mask. Who else would do that job?" tanong ni Black sa kaniya. Tila napaisip naman si White do'n at tiningnan ang notebook. Parang napilitan naman itong tanggapin iyon at umalis na. Napagdesisyunan din namin na gumawa ng uniform. Sa babae ay napagdesisyunang leggings para kumportable kung gumalaw, isa namang jagger pants sa mga lalaki at combat shoes para sa lahat. We chooses 1 design for the non-zip hoodie at gray shirt to represent our Professor. Nang sumapit na ang gabi ay bumalik na kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Nagpapatuyo ako ng buhok nang may kumatok sa pinto ko. Hindi ko ito sinagot pero bumukas pa rin ito. "This is you, right?" bungad na tanong ni Violet habang ipinapakita sa akin ang cellphone niya. It was my highschool yearbook picture. Natigilan naman ako dahil do'n, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ang bata ko pa sa picture pero hindi maipagkakailang iisang tao kami. "I knew it!" saad niya bago muling hinarap sa sarili ang phone. Nanatili pa rin akong nakatulala at nakatingin sa kawalan. Paano niya nakita 'yon? Paano niya ako nakilala? "I saw someone resembles this criminal girl from the past. Nakalaya na ba 'to? Bakit nila pinalaya?" salaysay ni Violet na tila may binabasa siya sa phone niya. Napaigtad naman ako ng marinig ko salitang criminal. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nanatili lang akong tahimik hanggang sa naramdaman ko ang pag-init sa braso ko. Napansin naman iyon ni Violet at agad na inagaw a blower sa kamay ko na nakalimutan kong i-off. Nakatutok na pala ito sa braso ko kaya nakaramdam ako ng mainit. "Are you crazy? Look what you've done, napaso ang braso mo," nag-aalalang saad ni Violet habang sinusuri ang braso ko na namumula. Agad nitong hinanap ang first aid ko at kumuha ng ointment para sa balat ko. "I didn't show it to bully you. Alam kong 'yan ang alam niyo sa akin. That I'm a spoiled bully rich brat," wika niya habang binabalot ng bandage ang braso ko. "I showed it to you cause I'm concern. The photo didn't look recent so maybe it was from the past few years simula since your released," dagdag niya saka ako hinarap. Hindi ako sumagot sa kaniya, hindi ko alam ang sasabihin ko. "Alam ko ang feeling ng napagbibintangan. I've been always accused of something I didn't do since I was a child. Although it's not that extreme like yours..." "Like mine?" wala sa sariling wika ko. "Let's just say na alam kong hindi ka masamang tao, everyone in this house. And also because Professor trusted you guys," saad niya. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Kilala niya ba si Professor? "Kilala mo si Professor Gray?" tanong ko. "Kind-off. Pero like you, hindi ko alam ang pangalan siya o sa'n siya nakatira. It just that he's been with me since I was in grade school. I was crying that time kasi iniwan ako ng family ko sa mall when he suddenly shows up. He comforted me and that continues until high school. I consider him as my father, he saved me and my sister multiple times. I trusted him even though wala akong alam sa kaniya. Kahit nga noong nasa center ako ay siya lang ang bumibisita sa akin," natatawang kuwento niya. "You shouldn't be telling me this," saad ko sa kaniya. 'Yon kasi ang nasa rules namin. "Who cares? I have nothing to lose and hide," kibit-balikat na saad niya. Sa hindi ko malamang dahilan "Anyways, I'm here to suggest na you should get a hair cut. I've seen some of your pics on the internet. Hindi naman nag viral and it's not clear but still we need to be careful. Mahirap na kung makilala ka ulit nila." "You have a lot of suggestions this day," naiiling na saad ko. She just pouted kaya naman tinapik ko ang ulo niya. "We can discuss that tomorrow. Gabi na," saad ko sa kaniya. Pumayag naman siya. Aalis na sana siya ng bigla siyang may maalala. "Oh, before I forgot..." wika niya. "I wnat to introduce myself." Tumayo siya sa harap ko at inilahad ang kamay niya. "I'm Alexandra Suarez, nice meeting you Ate Shaynne," nakangiting saad niya at umalis na. What the h-ll?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD