Chapter 35

1791 Words
Lance POV "Sh-t, Tanso! Ikaw nga!" umalingawngaw ang sigaw ni Jerome sa airport ng makita niya ako. Kasama niya si Maki at Darlene. They are Shaynne's high school buddies. "Grabe, 10 years na ang nagdaan. Tanso pa rin?" reklamo ko sa kaniya bago nakipag-fist bomb Maki at binigyan ng half hug si Darlene. Kaibigan ko na rin sila, lahat ng kaibigan ni Shaynne ay kaibigan ko rin. "Paano kasi laging tanso sa ML. Ang talino sa Acads pero bobo sa online games," pang-aasar ni Darlene dito. Nagtalo naman silang dalawa dahil do'n kaya napailing na lang kami ni Maki sa kanila. "Akala ko talaga nagbibiro si Adi no'ng sinabi niyang uuwi ka," saad ni Maki. "Yeah, it's good to be here again. Nakalimutan ko kung gaano kainit ang Pinas," natatawang wika ko habang pinupunasan ang pawis na unti-unting namumuo sa noo ko. "Ayan, nasanay kasi sa 4 seasons," singit ni Darlene tanda na tapos na silang magbangayan ni Jerome. "Sana nagdala ka ng snow! Akala ko ba dadalhan mo ko! 'Yan ang sinabi mo noong paalis ka!" singit naman ni Jerome. Natawa naman ako ng malala ko ang tinutukoy niya. Ito 'yong araw na hinatid nila ako sa airport. Ang kukulit kasi, dapat si mom at si Shy lang maghahatid sa akin. Sumama ba naman sila, gusto lang ata nilang makita mom ko. "Siraulo, ang tagal na no'n. Nauna pang nabulok ang Ice box bago pa ako makauwi rito," pagsakay ko sa trip niya. Nagtawanan naman kami dahil do'n. Tinulungan nila ako sa ibang kong gamit, hindi naman 'yon marami. Sakto lang, mga damit at importanteng dokumento lang. Lihim akong tumingin sa paligid, nagbabakasakaling makikita siya kahit na no'ng una ko pa lang makita sina Jerome ay alam kong wala siya. Gusto ko sanang magtanong pero naunahan ako ni Darlene. "Are you staying for good?" tanong niya. Napalingon naman ako sa kaniya habang tinatahak namin ang daan papunta sa sasakyan ni Jerome. "Yup," sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at namayani ang katahimikan sa amin. Maliban kina Jerome at Maki na pinagkakaisahan ang dala kong pasalubong sa kanila. Panaka-naka akong tumingin kay Darlene, gusto ko sana siyang tanungin pero isinawalang bahala ko na lang. Alam kong madidismaya lang ako sa sagot niya. "If you're gonna ask about her. Wala akong maibibigay na sagot, pero may alam akong tao na makakasagot sa tanong mo," biglang usal ni Darlene bago pumasok sa sasakyan. "Ano'ng sagot?" usisa ni Maki ng makapasok ako sa backseat. "Sa tanong, kung bakit ka mahalaga..." pakantang sagot naman ni Jerome habang binubuhay ang makina ng kotse. Dahil do'n ay nagsimula na naman silang magbangayan. Mga isip-bata pa rin. Dumeretso na ako sa Hotel na tutuluyan ko. May napili nang condo si mom para sa akin, pero wala pa itong gamit dahil bukas pa raw darating ang in-order na furniture. She chooses a customized one kaya naman natagalan ang pagdating ng mga ito. Sinipat ko ang orasan at nakitang alas 8 na ng gabi. Gusto ko sanang puntahan ang bahay nila ngunit marami akong gagawin ngayong linggo. Aasikasuhin ko pa ang pagtransfer ko rito at bibisitahin ang mga batang narescue namin no'ng nakaraan. Aasiksuhin ko rin ang condo para naman makalipat na agad ako roon at kukunin ko pa ang sasakyan ko. Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kesami. "Gusto ko na siyang makita," bulong ko sa sarili habang unti-unting pumikit ang talukap ng aking mga mata. Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Nakalimutan ko palang i-adjust ang orasan ko. Sinipat ko ang wall clock sa kwarto at nakitang alas 12 pa ng gabi. "F-ck," bulong ko bago bumangon at kumuha ng tubig sa kusina. Nakalimutan ko ring kumain ng dinner kaya naman ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Tumingin ako sa balcony ng kwarto at halos wala nang dumadaan na sasakyan. Pero natanaw ko naman sa 'di kalayuan ang isang convenience store. Agad kong kinuha ang wallet ko at lumabas na. Naglakad lang ako patungo sa convenience store. Nang makapasok ako rito ay wala itong ibang customer. Kumuha ako ng isang cup ramen, isang cheesy tuna sandwich at isang canned beer. Inilapag ko ang pinamili ko sa counter at sinimulan na iyong i-punch ng cashier. Napalingon ako sa entrance ng pumasok ang isang babae at isang lalaki. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang babae habang buntong hiningang nakasunod sa kaniya ang lalaki. "232 po sir," saad ng cashier dahilan para mapalingon ako ulit sa kaniya. Agad kong ibinigay ang credit card ko dahil wala pa akong dalang cash. "Nako, Sir. Wala po kaming transaction ngayon. Nasira po kasi ang network ngayong gabi," wika ng cashier. Nako naman, kung kailan pa ako gutom saka pa ako pinagkaitan ng pagkain. "May cash po kayo, Sir?" tanong ng cashier. Sinilip ko naman ang laman ng wallet ko at nakita ang ilang dollar bills doon. Sana pala humiram muna ako ng pera kina Jerome oh hindi kaya nag-withdraw. "I only have dollar bills, tumatanggap ba kayo nito?" tanong ko. Umiling naman ito. Dismayado akong napatingin sa binili kong pagkain nang may biglang lumapag ng canned beers sa counter. "Isali mo 'to and here's the payment. Isama mo na 'yong sa kaniya and keep the change," wika ng lalaking pumasok kanina. Napalingon naman ako sa kaniya, wala na ang kasama nito. Nang sumilip ako sa labas ay nakita ko ang kasama niyang babae na nakasandal sa glass wall. Maikli ang buhok nito at nakasuot siya ng cap. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaki habang naghihintay ito sa pinamili niya. "You don't have to, but thanks man," pasasalamat ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya at kinuha ang plastic bag na may lamang beer. "You've been staring on the food intently, I guess your really hungry," wika niya bago umalis. Kung hindi lang niya binayaran ang pagkain ko ay baka nasagot ko na siya. Para kasing sinasabi niyang takam na takam ako sa pagkain eh. Kung hindi lang talaga ako gutom hindi ko talaga tatanggapin tulong niya. Muli ko silang tinignan, kinuha ng lalaki ang cap mula sa kasama niya at naunang naglakad. Nakita ko naman ang mahinang pagdabog ng babae bago sumunod dito. Hindi ko matanaw ang hitsura nito dahil bahagya itong nakatalikod sa akin. Tanging pisngi lang ang nakikita ko. Nagpasalamat na lang ako sa cashier bago lumabas at bumalik sa hotel. Kinabukasan ay agad kong pinuntahan ang condo unit ko. Mayroon na itong kama, sofa at dining table. Buong linggo ako naging busy, mabuti na lang talaga at dumating din agad ang kotse ko. Napakahassle pa namang mag-commute, traffic pa rin ang Edsa hanggang ngayon. Iyon lang ata ang nakita kong hindi nagbago. Sa sampung taon na na lumipas ay ang dami na palang nagbago sa bansa. Pero ang bahay na nasa harap ko ngayon ay tila hindi nagbago. Gano'n pa rin ang disenyo nito, medyo kinakalawang na ang gate pero matibay pa rin naman. Kinakabahan akong nakatitig sa pinto nila. Gusto siyang surpresahin. Bahala na kung ano'ng reaction niya, pero sana naman ay matuwa siya. Sinubukan kong kumatok sa pinto, ilang beses din akong kumakatok pero walang sumasagot. Wala bang tao? Lumipat naman ako sa tabing bahay para magtanong. Isang katok ko pa lang ay sumagot na agad ito. "Teka lang," rinig kong sigaw ng maybahay bago bumukas ang pinto. "Sino sila?" "Ah. Magandang araw po. May itatanong lang po sana ako," bati ko sa may-ari saka itinuro ang bahay nina Shy. "May nakatira pa po ba rito?" Sinilip naman iyon ng ginang at napakunot ang noo nito. "Nako dong, matagal nang walang nakatira sa bahay na 'yan," wika niya. "Ho? Lumipat po ba sila?" tanong ko. Hindi siya pamilyar sa akin kaya alam kong bago siya rito. Hindi ito si ate Linda na kapit bahay nina Shy noon. "3 taon pa lang ako rito dong, pero sabi-sabi ng mga nakatira rito ay minasaker daw ang bahay na 'yan. Patay lahat ng taong nakatira riyan, pati 'yong mga bata," na-iiling na kuwento niya. Nakaramdam ako ang panlalamig sa katawan ko. That's not true. Prank ba 'to? Nalaman niya ba na uuwi na ako kaya siya nangpapaprank ng ganito. Pinagmasdan ko ang ginang sa harap ko pero walang bahid ng ngiti o pag-acting ang mukha niya. Ang dami ng tanong ang pumasok sa isip ko. Sampung taon akong nawala at wala akong narinig tungkol sa nagyayari rito. Bakit hindi ko alam 'to? Natigil naman ako sa pag-iisip nang muling magsalita ang ginang. "Oo nga pala, may isang buhay sa kanila. 'Yong panganay? 'Yon daw 'yong killer eh. Nako, 'di talaga ako makapaniwala." Agad akong napatingin sa kan'ya nang sinabi niya iyon. She's referring to Shy, pero bakit naman gagawin ni Shy ang bagay na iyon. Siya ang pumatay sa pamilya niya? Pero alam kong hindi niya magagawa 'yon. Mahalaga sa kaniya ang mga magulang at kapatid nito. "Nasaan na po ang panganay nila," bakas ang pag-asa sa boses ko. "Nakulong daw 'yon eh. Hindi ko na alam dong, 'di ko naman kilala 'yong bata. Bakit dong? Kukunin mo ang bahay? Hindi ko alam kung sino ang care taker, eh. Sorry," saad nito. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at nagpaalam. Muli kong tiningnan bahay nila. Tahimik ito at nakalugay lahat ng kurtina sa bintana. I should start working as soon as possible. Iyon lang ang paraan para malaman ko kung nasaan siya. "Kuya Pogi!" Iyon agad ang narinig ko nang makarating ako sa Playground. Naisipan ko kasing bisitahin ang mga batang na-rescue namin. "Kamusta kayo?" bati ko sa kanila bago inilapag ang mga pinamili kong pagkain. Imbis na sagutin ako ay natuon agad ang atensiyon nila sa dala ko. "Kuya, fried chicken po ba ito?" tanong ni Danilo. Ang pinakabata sa kanila. Tumango naman ako at binuksan iyon at ibinigay sa kanila. Matapos no'n ay nakipaglaro ako sa kanila. Masaya akong makita na maayos na ang kalagayan nila ngayon. 3 silang naiwan sa bahay ampunan, ang iba kasi ay nakauwi na sa kanilang pamilya. At silang tatlo lang ang naiwan dahil wala na raw silang magulang. "Danilo, 'wag mo kasing lakasan! Nakakapagod kayang maghabol ng bola," reklamo ni Theo bago hinabol ang bola. Napansin kong umabot na ng kalsada ang bola at may paparating na sasakyan. Paniguradong masasagasaan siya kung kukunin niya pa ang bola. Agad akong tumakbo habang sumigaw para pigilan si Theo. Pero bago pa man ako makarating ay may taong humila na sa kaniya. "Are you okay?" rinig kong tanong ng taong nagligtas kay Theo. Natigilan ako ng marinig ko ang nag-aalalang boses nito. "Opo, salamat po." Para naman akong nagising at nakitang umalis na ang babae. I'm sure it's a girl kahit na nakasuot ito ng hoodie. Sinubukan ko itong habulin sa hindi malamang dahilan. Pero para itong bula na biglang nawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD