Lance POV
"Attention! Target is on move. Hold your fire."
Nakaabang lang kami sa kaniya-kaniyang puwesto habang naghihintay ng command. Hindi namin hinahayaang mawala sa paningin ang sasakyang papalapit sa Cargo ship kung saan isinakay ang mga batang nawawala sa iba't-ibang panig ng bansa.
They are the kids who have been kidnapped and sold.
Nakita naming pumarada ang Black SUV sa daungan ng cargo ship. Kasunod nito ang dalawang itim na van. Lumabas naman ang mga tao sa itim na SUV at pumasok sa loob ng cargo ship.
"Team 3 standby. Team 2, sniper team. Fire in my command. Team 1, move!" wika ng aming commander.
Napabilang ako sa Team 1 kaya naman agad kaming kumilos at lumapit sa mga van kung saan naiwan ang mga driver. Dalawa sa amin ang lumapit upang alamin kung ang tao sa loob ng mga sasakyan.
"There's 3 of them, sir," saad ni officer Williams tukoy niya sa unang van.
"There's 4 at the second van, sir," saad naman ni officer Lee.
"Get them boys! Make sure not to kill them, I want them alive and kicking," agad na utos ng commander namin.
Napangisi na lang kami dahil do'n. Commander Banks might be a strict and cold commander sa paningin ng iba. Pero ang hindi nila alam na sa oras ng mission, lumalabas ang pagiging action fan nito.
Wala na kaming sinayang pa at pumuwesto na sa labas ng van habang sinisigurado g hindi kami napapansin ng tao sa loob. Sabay kaming kumatok sa bintana ng driver seat. Nang buksan nila ito ay agad naming itinapon sa loob ang tear gas na siyang ikinataranta ng mga tao sa loob.
Kusa na silang lumabas sa kanilang sasakyan kaya naman kinuha namin iyong pagkakataon para atakihin sila. Agad kong binatukan ang lalaking malapit sa akin dahilan para mawalan ito ng malay.
Agad na kumilos ang Team 3 para itago ang mga katawan upang hindi mahalata na nawawala ito sa mga puwesto nila. Pumasok na kami sa loob ng cargo ship ng may buong pag-iingat. Ako ang nangunguna sa grupo namin.
"Officer Mariano..." rinig kong saad ng commander namin mula sa earpiece na suot namin. Bago pa man ako makasagot ay muli itong nagsalita. "Make sure the safety of the hostages," dugtong niya.
"Copy," sagot ko rito at agad na kumilos. Inutusan ko ang ibang kasama ko para i-check ang iba pang parte ng cargo ship naito.
Narating na namin ang kwarto kung saan ginaganap ang meeting nila. Nakalock ang pinto nito kaya naman tumango ako sa isa kong kasama upang pasabugin ang pinto.
"Standby," bulong ko habang hinihintay ang report ng mga kasamahan ko. Nang makatanggap ako ng clear signal ay agad akong nagbigay ng order na pasabugin na ang pinto. Tumabi naman kami bago pumasok matapos sumabog ng device.
"This is FBI! Nobody move! You are all under-arrest!" sigaw ko.
Sunod-sunod na pumasok ang ibang kasamahan namin at inaresto ang mga tao sa loob. Wala na silang oras para pumalag kaya naman madali naming naisagawa ang mission. Agad akong pumasok sa isa pang pinto at gaya ng hinala ko ay naroon ng mga batang nawawala.
Agad kaming pumasok para siguraduhing maayos ang kalagayan nila. Ang iba sa kanila ay may mga pasa at galos pero ang iba ay maayos naman. May bahid ng mga luha ang mga pisngi ng mga ito.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan idamay ang mga bata sa krimen ng iba.
I immediately scan the surroundings sabay inaalo ang ibang batang umiiyak pa rin. I'm just hoping na wala sila rito.
"Hey, dude! This kids are from Philippines," tawag pansin ng isang kasamahan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa grupo ng batang tinutukoy niya. Kinakabahan ako, baka hindi ko sila mamukhaan. It's almost 10 years since the last I saw them.
Isa-isa kong sinuri ang mukha ng mga batang iyon pero sigurado akong wala roon si Shaun at Sandy.
"Hi," bati ko sa kanila. Lumapit ako sa isang bata na sa tingin ko ay ang pinakamatanda sa kanila.
"Ligtas na po ba kami?" agad na tanong nito.
"Ate, baka hindi tayo maintindihan. Kasi english ng english 'yong kasama eh," sagot ng batang yakap-yakap nito. Napakamot naman ito sa ulo at tila nag-iisip ng sasabihin.
Binigyan ko sila ng ngiti at ginulo ang buhok ng batang nasa tabi ko na tila na-cu-curious kung sino ako. "Ligtas na kayo. Wala nang makakasakit sa inyo," I assure them.
Namilog naman ang mga mata nito at tila nagulat ng marinig nila akong magsalita ng tagalog. "Marunong po kayong magtagalog?" tanong ng isang bata.
"Oo naman. Pinoy 'to," sagot ko sa kanila.
"Weh? Hindi ka naman po mukhang pinoy eh!" usisa naman ng isa. Nagsimula na silang magtipon sa akin at sinisilip ang mukha ko na tila kinukumpirma kung totoong pinoy ba ako.
"You're still famous even with the kids," narinig kong komento ng isa sa kasamahan ko. Kasama nito ang commander namin. Nagpaalam muna ako sa mga bata upang lumapit sa kanila.
"Sir," bati ko rito at sumaludo sa kaniya. Ngumiti naman siya at sinilip ang mga bata sa likoran ko na ngayon ay nakangiti na.
"You did a good job. Such a shame that we're gonna lose you," saad nito.
Napayuko naman ako at binigyan ng tipid na ngiti ang commander namin.
"I just think it's time to go home, sir. And also, I'm not gonna leave my job, I'm just going to start a new journey at my hometown," paliwanag ko sa kaniya. Tinapik niya naman ang balikat ko.
"Right, right. Then do a good job in the Philippines," saad niya bago umalis.
"We're gonna miss you bro!" anas ni Mykel, or Officer Lee. Umakbay siya sa akin habang papalabas kami sa cargo. Dumating na rin ang mga medic at ibang Child welfare foundation.
"Yeah, man! We're gonna lose our ace here, especially in looks," singit naman ni Val Russo.
"Hey, you guys still have me," malokong wika ni Oliver Williams.
Sila ang mga kasamahan ko sa trabaho na naging barkada ko. Sabay kaming nag-aral ng Psychology dito bago nagdesisyon na mag-aral sa Military academy.
Napa-iling na lang ako dahil sa kakulitan nila.
It's already been years mula ng mamatay si Dad. I chooses to stay para asikasuhin ang ibang iniwan niya, his business and career. It took me 2 years para masanay even though there's Benjamin, whom I can trust with Dad's business. Mom is not even interested, I don't know why Dad was in love with mom saying that they were happy before. Hindi naman nagpapakita ng interest si mom kay dad. Maybe they fall out of love when I was born?
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng mag-empake. Tomorrow will be my departure date. Matagal ko na rin 'tong pinagplanuhan pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.
Kamusta na kaya siya? Natuloy ba siya sa pagiging Lawyer? Maalala niya pa ba kaya ako? O kung may boyfriend na ba siya?
Marami akong tanong pero natatakot ako. Simula kasi ng makarating ako rito ay madalang na lang akong makipag-usap sa kaniya. Natatakot kasi ako at naging maingat. She doesn't like me and she rejected me, kaya hindi ako sigurado kung gusto pa niyang makipag-usap sa akin.
Maraming nagsasabi na once you admit your true feelings to your bestfriend, magbabago ang lahat at hindi iyon maitatanggi. I just regretted it, kung hindi lang sana ako umamin, hindi kami magiging ganito kalayo. Wala sanang pagdadalawang-isip, takot at pagdududa.
Pero ngayon ay desidido na ako. I actually tried to call her but she's not answering. Kahit sina tita at tito. I tried to contact our friend, 'yong iba ay walang alam at ang iba naman ay nasa abroad din. Wala rin akong makuhang sagot kay Mom dahil lumipat siya ng Manila and she's also too busy from travelling. Hanggang ngayon ay isa pa rin siyang tanyag na modelo. Kaya naman nagdesisyon akong umuwi, bahala na kung anong sagot niya.
There's actually someone who replied to me, pero napaka-imposible naman kasi ng sinabi niya. Ang sabi niya kasi ay narinig niyang tumigil raw ng pag-aaral si Shy. Ang kilala kong Shy ay walang sinusukuan kaya hindi agad ako naniwala.
Maaga akong pumunta ng airport para naman hindi ako mahuli sa flight ko. Adi, one of our highschool friends drive me to the airport. After maka-graduate ng college ay pumunta siya ng amerika para i-handle ang business ng parents niya.
"Uunahan mo pa talaga ako sa pag-uwi," natatawang wika niya.
"Yeah, it's almost 10 years already so I guess it's time to go home," sagot ko sa kaniya.
"Yeah right. You're gone for way too long..." saad niya. Napatingin naman ako sa kaniya ng mapansin ko ang mahinang pagbulong niya. "I just hope you're ready though," dagdag nito.
Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Why did you ask? May gusto ka bang ipaalam sa akin?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. He shook his head as he gave me a small smile.
"You'll find out when you got there," wika niya.
Gusto ko pa sanang magtanong pero knowing Adi, he's still as mysterious as he is since high school. Kaya kahit pilitin ko siya ay alam kong wala na siyang sasabihin pa sa akin. At dahil do'n ay mas naging desidido akong makauwi.
Ano kayang nangyari?