Chapter 33

1832 Words
Shaynne POV "This is our celebratory party for the success mission and a welcoming party for the new member!" "Cheers!" Sabay naming itinaas ang mga basong may laman na inumin namin at pinagdikit iyon. Sabay-sabay rin namin iyong ininom. Hindi na bago sa akin ang alak dahil simula nang sumali ako rito sa grupong ito. Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na ako malalasing. Kailangan ko lang kontrolin ang pag-iinom upang hindi ako malasing. Hindi ko matatawag na success ang misyon namin. Binalita kasi no'ng araw na iyon na natagpuang patay ang mag-asawa, wala roon sina Gomez at Miranda. Wala rin ang ibang mga tauhan nila. Nakapagtataka dahil alam naming hindi sila patay ng iwan namin pero malalaman na lang namin na patay na ang mga Alonzo. May kinalaman kaya rito ang taong nasa likod nila? Nasaan na kaya sina Miranda at Gomez? Napailing na lang ako at tumungga sa baso ko na may lamang alak. Kung buhay pa man ang dalawang iyon ay sisiguraduhin kong hahanapin ko sila. Kilala nila ang magulang ko, alam nila kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng magulang ko. "Why does my drink different from yours?" nakangusong saad ni Violet, ang bagong miyembro ng grupo namin. Napatingin naman kami sa kaniya, hawak niya ang isang baso ng orange juice. "Bawal kang mag-alak, bata ka pa," saad ni Aqua bago uminom sa baso niya. "Excuse me, I am old enough to drink alcohol," nakalabing wika ni Violet. Nagtawanan naman sila dahil do'n habang patuloy pa rin si Violet sa pagrereklamo sa inumin niya. "Inumin mo na lang, ang dami mong arte," inis na saad ni White. "You know what? You're such a meanie, ever since na dumating ako sa hideout, you treated me like I'm not welcome," nakasimangot na saad ni Violet saka ininom ang juice na binigay sa kaniya. "Mabuti naman at alam mo," pabulong na wika ni White pero narinig ko pa rin. Nakita ko naman ang mahinang pagsiko ni Teal, na katabi ko, kay White habang pinipigilan ito sa pagsasalita. "Tss. Pasalamat ka I like cute boys, so I can't really hate you totally," anas ni Violet. Nagtawanan muli silang lahat habang si White naman ay nakasimangot lang. Namangha rin ako kay Violet. Iyon ang unang misyon na sinalihan niya pero hindi mo maitatanggi na may alam siya sa pakikipaglaban. Pero kung babasehan mo ang kilos niya ay hindi pa sapat iyon. Maaari pa rin siyang mapahamak. Sumandal ako sa upuan ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Nasa isang bar kami ngayon dahil ito na ang huling araw ng pag-stay namin. Muntik na kaming hindi makapasok kasi hinarang nila si Violet at hinihingan ng ID. Mabuti na lang at nagawan siya ng pekeng ID nina Professor Gray at White. "Ayos ka lang?" rinig kong tanong ng katabi ko. Napalingon naman ako rito at nakita ang nag-aalalang mukha ni Aqua. Ngumiti na lang ako ng kaunti at tumango na bilang sagot. Hindi naman gano'n kalala ang injury na natamo ko. Daplis lang ng salamin na marahil ay dulot no'ng pagsabog. Ni hindi ko nga ito maramdaman. Napadako naman ang tingin ko sa harap at nakita ang seryosong mukha ni Black, agad din naman itong ngumiti nang makita ako. Pabiro kong kinunot ang noo at umirap sa kaniya, napangisi naman siya dahil do'n. Umalis ako sa puwesto ko at nagpaalam na mag-babanyo lang. Imbes na sa banyo ay pumunta ako sa labas at nagpahangin, naalala ko ang nangyari kahapon. Naalala ko ang huling sinabi ni Miranda at ng mga Alonzo. "Hinding hindi mo sila matatalo, mas tuso sila sa inaakala mo," nahihirapang saad ni Kapitan Alonzo. "Maling tao ang kinalaban ng magulang mo," saad ni Miranda. Sino ba talaga ang mga tao sa likod ng nangyari kina mama? Ano ba ang naging kasalanan ng magulang ko para gano'n ang mangyari sa kanila? Kung hawak ko lang ang huling kaso ng magulang ko ay malalaman ko rin kung sino ang mga ito. Kaso kahit anong sikap ko para hanapin iyon ay wala akong makita. Para itong nawala na parang bula. Napabuntong-hininga na lang ako saka niyakap ang sarili dahil biglang umihip ang malakas na hangin. Tumambay pa ako ng ilang minuto bago ko napagdesisyunan na bumalik na sa loob. Bago pa man ako makapasok ay nahagip ng mata ko ang isang pigura sa hindi kalayuan. Para itong nakamasid sa akin, I narrowed my eyes para makumpirma ito. Kumurap naman ako at muli na sanang titingnan ang pigurang iyon pero biglang nagsalita ang taong nasa harapan ko. "Papasok ka ba miss o hindi?" tanong ng bouncer. Napalingon naman ako rito at tumango. Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng pigurang nakita ko kanina pero wala na iyon doon. Namalik-mata ba ako? Naiiling na pumasok ako sa loob at bumalik sa table namin. "Bakit hindi colors ng rainbow?" narinig kong tanong ni Violet ng makarating ako sa table namin. Nakita naman ako ni Aqua at tinawag para paupuin sa tabi niya, kung saan ako nakaupo kanina. "Where's Black?" tanong ko nang mapansing wala siya sa kaniyang upuan. Sasagot na sana si Aqua nang biglang akong nakaramdam ng hininga sa likod ng tainga ko. "Miss me?" tanong nito sa mababang boses. Agad naman akong napahawak sa tainga ko sa nilingon siya. Nakangisi ito habang may dalang mga alak. Kumuha ata siya ng mga alak kaya siya wala sa puwesto. "Finally the drinks!" sigaw ni Violet. Nilapag ni Black ang alak sa mesa at umupo na sa tabi ko embes sa upuan niya. Napilitan tuloy kaming umurong para lang makaupo siya. "Bumalik ka nga sa upuan mo," anas ko sa kaniya bago kumuha ng alak. "Akala ko ba na-miss mo 'ko?" tanong niya suot ang nakakalokong ngiti. "In your dreams!" Kahit kailan talaga ang yabang ng lalaking 'to. "Don't get too drunk team. May biyahe pa tayo bukas," paalala ni Professor Gray sa amin na siya namang sinagot namin. Nag-inuman lang kami hanggang sa lumalim na ang gabi at nagpasyang umuwi na. Maaga akong nagising para ihanda na ang mga gamit para sa pag-alis namin. Nang bumaba ako sa sala ay nakita ko si Aqua roon na nakalublub ang mukha sa dining table. "F-ck! Parang mabibiyak ang ulo ko," reklamo niya sabay sabunot ng buhok. "You should have listen to Professor," kibit balikat sa sagot ko sa kaniya saka kumuha ng tubig. "Bakit hindi ka tinamaan?" nagtatakang tanong niya habang umupo sa tabi ko at uminom sa baso ko. Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Hindi na lang kumuha ng sarili niyang tubig. Binawi ko ang baso sa kaniya at agad na inubos ang laman no'n. "Marunong kasi akong magkontrol," wika ko sa kaniya. Lumabi naman ito bago muling nilublob ang mukha sa mesa. "Good morning." Napatingin naman ako sa taong kabababa ng hagdan. He's just wearing a plain black shirt at cargo pants. I just nodded my head at him, wala ako sa mood para makipagtalo sa kaniya. Tahimik lang kami habang nagtitimpla siya ng kape. Isa-isa namang nagsibabaan ang iba. Puro reklamo ni Aqua at Teal lang ang ingay sa kusina ng bigla kaming may marinig na palakpak mula sa hagdan. "Good morning everyone. It's a big day today, I supposed you guys are ready," saad ni Professor habang pababa ng hagdan. Nakasuot ito ng amerikana na tila ay may lakad siya ngayong araw. "What's with the get up, Professor?" tanong ni Violet habang binibigyan si Professor ng nagtatakang tingin. Hindi naman siya agad na sinagot ni Prof at tumingin sa wristwatch niya. "We exactly 45 minutes to prepare," wika nito. Hindi na kami nagulat dito, inaasahan namin na mangyayari 'to. Agad kaming kumilos at umakyat na sa kaniya-kaniyang kwarto. Hinila na lang ni Aqua si Violet dahil panay ito ng tanong sa nangyayari. "Tatakas tayo!" paliwanag ni Teal dito. "OMG! Wanted na ba tayo? I thought we're not gonna be arrested? Is that wrong? Mali ba na sumali ako rito?" tuloy-tuloy na tanong ni Violet. "Isang tanong pa, iiwan ka namin dito," banta ni White sa kaniya. Napatigil naman si Violet kaya napatigil din kami kasi nakasunod lang kami sa kanila. Inilagay niya ang kamay sa baywang at tinaasan ng kilay si White. "Ano ka desisyon?" mataray na tanong niya. "I am the designated driver for today. Ano'ng gagawin mo kung hindi kita papapasukin ng sasakyan," sagot naman ni White sa kaniya. "You can't do that!" pasigaw na saad ni Violet. "40 minutes!" rinig naming saad ni Prof. Agad naming itinulak ang dalawa na tila handa nang magsuntukan. "Nasayang ang 5 minutes namin sa pakikipag-usap sa'yo," pahabol ni White. "No one told you to do so," sagot naman ni Violet. Lumabi naman si White dito na siya namang ginawa rin ni Violet. Mga bata nga naman. "Kids tama na 'yan. Kunin niyo na gamit niyo," singit ni Teal sa usapan nila bago hinila si White. Hinila rin ni Aqua si Violet papunta sa kwarto nito. "Ang mga bata talaga ngayon," na-iiling na wika ni Tatay Lime. Napatawa na lang kami bago pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto. Minsan lang kasi magsalita si Tatay Lime. Kinuha ko na ang gamit ko at nagbihis na. Agad kaming bumaba at lumabas na ng bahay. Gaya ng plano namin ay dala-dalawa kaming lalabas ng bahay at magkikita sa ika-apat na kanto. Naroon ang pick-up namin. Unang lumabas sina Aqua at Violet, sunod naman ay si Teal at White bago ako at si Black. "Are you sure na iiwan natin ang ibang gamit dito?" tanong ko kay Prof habang tinignan ang mga naiwang gamit. "Baka may mahanap silang footprint or kung ano man na bubuking sa atin," dugtong ko. "Aren't that exciting? The thought of getting caught?" wika ni Prof sa akin bago ako binigyan ng kindat. Hinila na ako ni Black palabas ng bahay. We're just wearing a ordinary clothes, 'yong tipong sinusuot ng mga kabataan para gumala. "I don't get him. Ayaw niyang madakip tayo ng pulis pero bakit parang gusto niyang makilala tayo ng mga ito?" wala sa sariling saad ko. "Just trust him," sagot ni Black saka ako inakbayan. Nakarinig naman ako ng ingay na unti-unting papalapit sa amin. Namilog ang mata ko ng makita ko ang sunod-sunod na sasakyan ng mga pulis na papunta sa direksyon namin. "Act natural," bulong ni Black. "Pero—" Kinabig ako papalit ni Black sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya. Ang mga seryosong mata niya ay nakatitig sa akin. "Don't you trust them?" tanong ni Black. Hindi agad ako naka-sagot. Nakarinig kami ng busina mula sa likod namin. Sabay kaming napatingin doon at nakita ang dalawang tao na nakasakay sa isang container truck. It was Prof and Tatay Lime! "See, wala kang dapat ipag-alala," saad ni Black at agad akong tinangay sa paglalakad. Nang makarating kami sa tagpuan ay nakita ko ang isang SUV. Agad kaming pinagbuksan ni Teal. "Maghihintay sina Prof sa cargo ship," salubong na saad niya sa akin. Naghigh-five naman sila ni Black bago pumasok. "Let's all go home," magiliw na wika ni Black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD