Chapter 32

1653 Words
Shaynne's POV Kinabukasan ay nagtipon kami upang ipagpatuloy ang misyon. "We were going to the port. Miranda and the Alonzo's are planning to escape papuntang China," saad ni White habang nakaharap sa computer niya. "We need to get there before them," saad ni Black saka ibinigay ang earbuds sa amin. Nilahad ni Teal ang kamay niya subalit nilampasan lang siya ni Black at ibinigay ang earbuds kay Violet. "Try not to get killed," Black said to her. Nakangiti namang tumango si Violet saka kinuha ang earbuds. "Okay everyone, go," saad ni Prof. Agad kaming kumilos at sumakay na sa SUV papunta sa port. Naiwan si Teal sa hideout dahil sa injury niya kasama si Prof. upang gabayan kami. White, Aqua, Tatay Lime, Violet, Black and me made our way to the port. "Tatay Lime will stay here for look out. White and Violet, samahan niyo si Tatay Lime at kung sakaling kailangan ng back up ay agad kayong pumunta," paalala ni Black sa kanila. "Wait, I am supposed to come with you," puna ni Violet habang pinipigilan kaming umalis. "Back up nga, 'wag ka nang magulo," inis na pukol sa kaniya ni White saka siya hinila at tumango sa amin. Tumango rin kami sa kaniya at umalis na. Naghiwa-hiwalay kami habang pumapalibot sa port. Nakita agad namin ang sasakyang gagamitin nila. Pumasok na si Aqua roon upang masiguradong hindi tatakbo ang Cargo ship. Kung ano man ang gagawin niya ay hindi namin alam. "Paparating na sila," imporma ni White gamit ang earbuds. Nilingon ko ang kabilang side ng port kung saan nakaabang si Black. Tahimik lang siyang nakamasid sa tulay kung saan dadaan ang sasakyan ng mga Alonzo. Napahinto ako nang makaramdam ako ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko. "Huwag kang magtatangkang gumalaw," saad ng taong nasa likod ko. Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses niya. A loyal dog will always be loyal to it's owner. "You're going to regret this, Gomez," saad ko sa kaniya habang nakatalikod pa rin. "I might, pero nananaig ang takot ko sa kanila kaysa sa inyo," saad niya sa akin. "Hindi niyo kilala ang binabangga niyo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. May alam ba siyang hindi namin alam? "Anong pinagsasabi mo? Sinong tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya. Sinubukan kong gumalaw upang harapin siya pero mas lalo niyang idiniin ang baril niya sa akin. "Hindi ko sila kilala, pero ayaw na ayaw ko silang makalaban," bulong niya. "I'm gonna start, Red. Be ready," rinig kong paalam ni Black sa kabilang linya. Hindi ako makasagot agad dahil sa sitwasyon ko. Gusto ko pang malaman kung ano pa ang nalalaman ni Gomez. May alam din ba siya sa magulang ko tulad ni Miranda? "Red!" rinig kong saad ni Black. Isinantabi ko ang mga katanungan ko at agad na humarap kay Gomez. Hindi agad siya nakapag-react dahil sa biglaang paggalaw ko. Sinipa ko siya sa tiyan niya bago sinipa ang baril niya. "I want to know more about it but let me finish this first," wika ko sa kaniya bago niya binatukan na ikinawala ng malay niya. "Ready," tanging sagot ko kay Black bago lumabas sa kinatataguan ko. Pinaputukan ko ang mga taong nakabantay sa labas ng kotse ng mga Alonzo. Kumilos na rin si Black at hinarap ang iba pang tauhan na malapit sa kaniya. Mahigpit ang bilin sa amin na walang buhay na mawawala kaya naman buong pag-iingat kong pinapatamaan ang mga baril na hawak nila bago sila atakihin. "Red!" sigaw ni Black habang nakatingin sa likod ko. Agad akong umiwas nang makaramdam ako ng paggalaw sa likod ko. Nadapa naman ang taong iyon at nabitawan ang kutsilyo na hawak niya. Agad ko itong sinipa papalayo sa kaniya at agad siyang sinipa sa mukha. "You're so harsh. Alam mo bang dapat iniingatan ang mukha kasi 'yan ang unang tinitingnan ng mga tao?" natatawang saad ni Black. Nang lingunin ko siya pinatamaan niya sa batok ang huling tauhan na kaharap niya. Tanging irap lang ang sinagot ko sa kaniya at hinarap ang nag-iisang tauhan na nanginginig sa harap namin. Malapit ito sa kotse ng mga Alonzo. Humakbang ako patungo sa kaniya habang siya ay umaatras hanggang sa bumangga ito sa likod ng kotse. "Boo," wika ko rito. Agad siyang napaupo sa takot at gumapang papalayo sa akin. "Sorry po. Hindi po ako lalaban," naiiyak na saad nito bago itinapon ang hawak na baril at tumakbo palayo. "Well, that was easy," komento ni Black at naglakad papunta sa puwesto ko. Wala na akong sinayang na oras at agad na lumapit sa kotse. Fully tinted ito at hindi nabubuksan sa labas, agad kong binaril ang lock ng pinto. Bago ko pa man ito mabuksan ay narinig ko ang boses ni White. "Red! Black! Papunta si Violet sa inyo, isa 'tong trap!" sigaw niya. Naguguluhan naman akong napatingin kay Black na ngayon ay nagmamasid na sa paligid. Trap? Nilingon ko ang kotse at pinakiramdaman ang loob nito. Sh-t! Bakit ba hindi ako nagtaka na hindi lumabas ang mga Alonzo simula kanina? Inis na binuksan ko ito na siya namang pagsigaw ni Violet na humahangos na tumatakbo papunta sa amin. "Ate! No!" sigaw niya. Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi niya dahil sa lakas ng pagsabog ng kung ano mula sa loob ng kotse. Lumikha rin ito ng usok kaya nahihirapan akong makakita at wala akong marinig. Napapikit ako ng mariin at napaubo. Tang-na! Alam kong hindi iyon bomba pero sapat na ang lakas nito para mapatumba ako at mabingi. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa magkabilang braso ko at pilit ako na itinayo. "You've underestimated us, woman," bulong ng kung sino. "Red? Ayos ka lang ba?" rinig ko sa nag-aalalang boses ni Aqua. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Aqua na ngayon ay hawak-hawak din ng isang tauhan ng mga Alonzo. "Nasa loob na sila nang makapasok ako sa loob. Nalaman nila ang plano," paliwanag ni Aqua. "Gomez," tanging saad ko habang pinandidilitan ng mata ang taong papalapit sa amin. Ito ay ang mga Alonzo kasama si Miranda at si Gomez. "Red!" Sabay kaming napalingon ni Aqua sa likod namin at nakita sina Black, White at Violet na nakikipaglaban sa ibang tauhan ng mga Alonzo. "How dare you people na kalabanin ako ng ganito. Hindi niyo ba kilala ang binabangga niyo?" galit na tanong ni Miguel Alonzo sa amin. Ngumisi naman ako sa kaniya. "Of course, we know who you are. A corrupt, addict and notorious gambler in town," nakangising wika ko. "And oh, you're also a Captain." Naramdaman ko ang pagbabanta sa akin ni Aqua pero hindi ko siya pinansin. Lalapit na sana sina Black ngunit agad silang tinutukan ng baril ng mga tauhan ni Miguel. "Humakbang ka at sasabog at ulo ng babaeng 'to," banta niya bago itinutok ang baril sa ulo ko. Walang gana akong napatingin kina Black. Wala itong mga reaksiyon sa mata nila maliban kay Violet. Suot pa rin nila ang mga mask nila. "You're not fair! 3 versus 1,2,3,4,5,6,7,8... Ah basta marami kayo!" inis na saad niya at binilang pa ang mga tauhan ni Alonzo. "Shut up, Violet," saway ni White sa kaniya. "There's nothing fare in this world sweetheart," saad ni Miguel kay Violet habang umiiling. "That's because you're all cowards," sungit ko sa usapan nila. Muling ibinaling ni Miguel ang tingin niya sa akin. "Anong sabi mo?" pikon na tanong niya at lumapit sa akin. "That you're a coward? Umaasa sa ibang tao kasi duwag ka. Hindi ka marunong lumaban ng patas," pang-aasar ko sa kaniya. Effective naman iyon dahil nakikita ko ang lalong pagkainis niya. Kung puwede lang ay may lumabas na usok sa ilong at tainga nito. "You're wrong, I'm not a coward! Malakas ako! Kayang-kaya kitang patayin," sigaw niya bago itinutok ang baril sa akin. Narinig ko ang pagsinghap ni Aqua. Napangisi naman ako habang tinitingnan ang baril niya na ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Humilig ako paharap at nilagay ang noo ko sa bibig ng baril niya. "Shoot me then, diyan ka lang naman malakas. I bet you can't even fight fist to fist," patuloy na pang-aasar ko rito. Naramdaman ko ang panggigigil nito bago lumayo. Napahilamos ito sa mukha niya at tumalikod sa amin. Bahagya kong nilingon si Aqua at binagyan ng makahulugang tingin bago tumingin kina Black. Napansin ko ang bahagyan pagtango nito kaya naman ibinalik ko ang atensiyon kay Miguel na ngayon ay humarap sa akin. "Bitawan niyo siya," saad niya sa mga taong nakahawak sa braso ko. Sapat na ang ilang minuto para bumalik ako sa katinuan ko. "Pero boss," puno ng pag-aalangang saad ng mga tauhan niya. "Sabing bitawan niyo siya!" "Listen to him because if you won't, I will do it myself," nakangising saad ko. Agad kong siniko ang lalaki sa kanan ko bago sinuntok ang nasa kaliwa. Nakita ko ang pagsugod ni Gomez sa akin kaya agad akong tumakbo papunta kay Miguel at sinipa ito bago inagawan ng baril. Paglingon ko ay bumaliktad na ang sitwasyon. Kami na ang may hawak sa kanila ngayon ang ibang tauhan nila ay bumagsak na samantalang ang iba ay hawak-hawak nina Black. Maging si Aqua ay nakalaya na rin. Dinampot ko si Miguel mula sa sahig ay agad na pinaharap sa kanila at itinutok ang baril dito. "Move and he'll die," banta ko ng magtakang lumapit si Gomez. "Miguel!" sigaw ng asawa nito habang nag-aalalang nakatingin sa asawa. "Gumawa kayo ng paraan!" naghihisterikal naman na saad ni Miranda habang sinasabunutan niya ang sarili. Narinig namin ang sirena ng pulis hudyat na kailangan na naming umalis. "Hinding hindi mo sila matatalo, mas tuso sila sa inaakala mo," nahihirapang saad ni Kapitan Alonzo. Nilingon ko siya at binigyan ng nakakalokong ngiti. "Mas tuso ako. And I'll prove to you na kahit sino pang diyos ang nasa likod mo, paniguradong iisa lang ang kahahantungan niyo. Kamatayan," saad ko saka siya sinuntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD