Chapter 31

1583 Words
Shaynne's POV Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang tinatahak namin ang daan pabalik sa hideout. Ang iba sa amin sa nakatulog na dahil sa pagod. Nakamasid lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga nadaanan namin. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang tangayin ako ng antok. Sakto namang pagkagising ko ay nakarating na kami bahay. Bumangon ako mula sa pagkakasandal at sandaling napatulala. Tiningnan ko ang tabi ko kung saan ako sumandal. Nakita ko ang isang itim na na hood na suot ni Black, wala sa sarili ko itong pinagpagan bago bumaba ng sasakyan. Napahikab ako ng makalabas ng sasakyan saka at inunat ko ang katawan ko. "Sa wakas! Tapos na rin," hiyaw ni Aqua ng makababa sa sasakyan, sumunod naman si Teal habang inaalalayan ni Tatay Lime. "Ibig sabihin makakpagcelebrate na tayo!" excited na dugtong ni Aqua. Patalon-talon itong pumasok sa loob habang kumakanta pa. "Tingnan mo 'to, parang walang sugatan na kapatid," inis na usal ni Teal habang sumunod sa kanila. "Kasalanan ko bang tanga ka at natisod ka? Saka ang OA mo, wala kang sugat. 'Wag kang feeling!" pagmamataray ni Aqua sa kapatid. Nagsimula na silang magbangayan kaya napailing na lang ako. Maglalakad na sana ako nang maramdaman ko ang isang malamig na bagay sa ulo ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Black na nilagyan ng ice pack ang noo ko. "Ipagamot niyo kay Aqua ang sugat niyo," saad niya saka pumasok sa loob. Naguguluhan ko siyang tiningnan at hinawakan ang noo ko. Ouch! Hindi ko man lang naramdaman na may sugat na pala ako sa noo. Marahil ay dahil iyon sa pag-headlock ko sa lalaki kanina. Ang tigas pa naman ng ulo no'n. Magpapasalamat na sana ako ng bigla kong maalala kung paano niya ako hinayaan kanina habang patuloy akong pinapuputukan ng bala ng baril. Inis akong napatingin sa kaniya saka hinawi ang ice pack. "Huwag mo kong kausapin," inis na wika ko saka pumasok na sa loob. Natatawa naman siyang sumunod sa akin sa loob. Nang makapasok kami ay siya namang pagbaba ni White. Nilingon ko ang likuran niya nang hindi ko makita si Professor Gray. Hindi sila sumama sa amin dahil may ibang lakad sila ni Professor. "Nakauwi na pala kayo," wika ni White. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng tubig. Ang nakapagtataka lang ay tila wala itong gana o wala sa mood. Nagtataka naman kaming sinundan siya. "May nangyari ba habang wala kami?" tanong ni Aqua. "Ba't parang wala ka sa mood?" tanong naman ni Teal. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tatay Lime. Napatigil naman siya at tiningnan kami, ngumiti siya ng pagak at lumapit sa amin. "Ayos lang ako, walang problema..." saad niya habang napakamot sa batok niya. "Sadyang nairita lang ako," dagdag niya. Napakunot naman noo namin sa pagtataka dahil do'n. May nangyari ba habang wala kami? "Si Professor?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko kasing tahimik ang bahay at hindi kami sinalubong ni Prof. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya nakita. "May binili lang si Prof, may tao kasing demanding," inis na saad niya. Magtatanong pa sana kami ng makarinig kami ng yabag na pababa mula sa hagdan. Sabay kaming napatingin roon, isang babae na nakasuot ng violet at pink na pajama, nakatali rin ang buhok nito magkabilaan habang may suot siyang headphone na kulay pink at may tainga pa ito ng pusa. "Oh? You guys are home?" manghang saad niya bago tinakbo ang pagbaba sa hagdan at lumapit sa amin. Inilahad niya ang kamay niya sa amin, mabilis naman akong kumilos at agad iyong tinanggap hindi para makipagkamayan kundi para pilipitin at inikot siya habang idinidiin ang hawak ko sa kamay niya sa likod. Sino ba 'to? "Ouch! What the hell? That hurts!" wika nito habang nagpupumiglas sa hawak ko. "Sino ka?" bulong ko sa kaniya. "Wait, can't you loosen your grip a bit? It really hurts," maiyak-iyak na saad niya. Nilingon ko naman sina Aqua at tumango. Itinulak ko ito patungo sa salas, umakyat naman si Aqua para kumuha ng pantali sa babaeng 'to. Bumalik siya dala ang tali kaya naman sinimulan na namin itong igapos sa sofa. "Hey! That really hurts! Bakit niyo ba ginagawa sa akin 'to?" angal nito. "Sino ka?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa amin habang nakasimangot. "I...I don't have a name yet pero I prefer to be called Violet if I have to choose," saad niya. Violet? Pinagloloko ba kami ng babaeng 'to? "Bakit ka nandito?" tanong ni Teal. "Paano ka nakapasok dito?" tanong naman ni Aqua. "Hey, relax. Ganito na lang, first untie me, second, I'll expla–" Natigil siya sa pagsasalita at tumingin sa likod namin. "Yah! You're here naman pala! Tell them to untie me, com-freak," saad niya. Napalingon naman kami sa likod at nakita namin si White na nakahilig lang sa door frame ng pinto sa kusina. Nagtatanong ang mga mata naming napatingin kay White pero nagkibit-balikat lang ito at tumakbo paakyat ng hagdan. Okay? "Hey! Why are you running! Com-freak!" sigaw naman ng babae. Agad kaming nakatakip sa tainga dahil sa tinis ng boses nito. Akala ko ay matinis na ang boses ni Aqua, may mas matinis pa pala. Narinig naman namin ang pagbukas ng pinto kaya doon naman kami napatingin. Pumasok si Prof habang may bitbit na paper bag. Nahinto naman ito sa paglalakad nang mapansin kami. "You're home! Welcome home and congrats," masayang bati nito saka inilapag ang bitbit sa mesa. "Hey, big head. Tell your alipores na pakawalan ako. My wrists are starting to burn," agad na saad ng babaeng nasa sofa. Napalingon naman agad si Prof sa gawi namin at agad na namilog ang mga mata niya. "What happened?" nagtatakang tanong niya saka lapit sa amin. Scratch that, lumapit siya sa babae at kinalas ang pagkakatali nito. "Why did you tie her?" "She a stranger and she's in our place. What do want me to do? Welcome her?" pabalang na saad ko habang pinagmamasdan ang babae na hinihipan ang mga pulso nito na namumula. "In fairness, your team is so rude. Lalo na siya," turo niya sa akin. "She so maldita," pabulong na wika niya kay Prof na naririnig ko naman. Napairap na lang ako rito at umupo sa kabilang sofa. Nagsiupuan din ang mga kasama ko habang hinihintay ang sasabihin ni Prof. If he knows the girl, then probably may sasabihin siya sa amin. "Familiar siya," bulong sa akin ni Aqua sa tabi ko habang nakamasid sa babae. Pinasadahan ko ito ng tingin at umiling. Nope. She's not familiar to me at all. "I guess everyone is here?" wika ni Prof matapos niya gamutin ang pulso ng babae. It's just a scratch. Ang OA naman ng bubwit na 'to. "Prof, wala pa si White," asik ni Teal. "It's fine. He already know," saad niya. Tumayo siya sa harap namin habang pinagsaklob ang mga palad niya. "Everyone! I want you to welcome our new member..." panimula niya at sunod na itinuro ang babae kanina. Ngumiti naman ito at tumayo. "Can I choose my name, right?" rinig naming tanong niya kay Prof. Tango lang ang sagot nito sa kaniya. Humarap siya sa amin ng nakangiti. "Hi everyone, thank you for the very warm welcome," nakangiting saad niya pero makikita ko ang ibang emosyon sa mata niya. She doesn't mean it. "Sa sobrang warm, I got this on my first day," saad saka ipinakita ang pulso niya na ngayon ay unti-unting lumulobo. "Anyway, I'm Violet. The new member of Crimiyola! And I, thank you," yumuko pa siya pagkatapos sabihin 'yon. Crimiyola? "Ano'ng Crimiyola?" tanong ni Aqua. "Crimiyola. Short for Criminal Crayons?" magiliw na sagot niya. Tumuwa naman si Aqua at Teal samantalang nangingiti sila Tatay Lime at Black but I didn't. Hindi naman nakakatawa 'yon. Ang dugyot pa nga pakinggan. "Are accepting minors now?" Hindi ko sila pinansin at binalingan ng tingin si Prof? "Excuse me," biglang singit naman ni Violet. Walang gana ko siyang tiningnan, ngumiti naman siya sa akin. "I'm already 20 years old. I'm not a menor de edad anymore," wika niya. Tumango lang ako at muling hinarap si Prof. "We can do our job perfectly. We don't need any recruits," patuloy ko sa pagsasalita. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. She really looks young, halos magkasing edad lang sila ni Sandy. And I won't deny the fact that I can see Sandy in her. Her attitude, her sassiness, her choice of speaking. "Oh come on! I'm not a pabigat, I can really work well with a team. I believe in the word teamwork," muling singit ni Violet sa usapan. "And also, wala akong mauuwian. I can't sleep on the street, maraming rats and cockroaches." Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. "Well, I think we should welcome her to our team. I'm Black. Welcome, kiddo," bati ni Black sa kaniya at ginulo ang buhok nito. "Omg, stop calling me kiddo," umiirap na angal ni Violet. "Ako si Teal, ito naman si Aqua at si Tatay Lime," pakilala ni Teal sa grupo. "Welcome bubuwit," wika ni Aqua saka pinisil ang pisngi nito. "At 'yan naman si ate Red mo," turo nito sa akin. Nabaling naman ang atensiyon nila sa akin. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanila. "Mabait talaga 'yan, sadiyang mailap lang sa tao," rinig kong bulong ni Aqua sa kaniya. "Anong mabait? Masungit talaga 'yan, masama ugal— Aray!" daing nito ng bigla siyang binatukan ni Tatay Lime. Hindi ko na lang sila pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD