Chapter 30

1508 Words
Shaynne's POV "Teal! Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Ang ingay na iyon, hindi iyon nagmula sa kampo namin. Alam ko ang bawat ingay na dulot ng mga armas na ginagamit namin. White did his job on customizing our weapons kaya hindi ito natutulad sa mga ordinaryong baril. Sinadya talaga iyon ni Professor Gray para matukoy namin ang isa't-isa. What a fat brain he has! Napatingin kami nina Black sa isa't-isa bago tumango. Agad kaming tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Teal saka naghiwahiwalay upang hanapin siya. "Teal?" tawag ko sa kaniya mula sa kabilang linya. Hindi pa rin ito sumasagot subalit nakaririnig ako ng ingay mula sa linya niya. It sounds like a footsteps. God, I wish he's fine. Sa kalagitnaan ng paghahanap ko sa kanya ay muli akong nakarinig ng ingay mula sa linya niya. Agad akong napahinto at tinanggal ang earbuds. Agad ko rin naman itong ibinalik at pinakinggan ang ingay mula sa kaniya. Narinig ko ang mga munting kaluskos sa kabilang linya. Ang nakapagtataka lang ay bawat kilos ko ay nakaririnig ako ng ingay mula sa kabilang linya. Maya-maya pa ay narinig ko ang muling pagtunog nito sa hindi nakakaayang paraan. Inilibot kong muli ang paningin sa paligid bago nagdesisyon na umalis. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng may bigla akong naramdaman sa paanan ko. Nang idiniin ko iyon ay biglang lumikha ito ng matinis na tunog sa earbuds namin. Agad kong tiningnan ang bagay na nagdudulot ng ingay na iyon, kaya naman umalis ako sa kinatatayuan ko para makita ko kung ano ang bagay na naapakan ko. Napatitig ang ako rito hanggang sa unti-unting itong naging malinaw sa mata ko. Agad akong yumuko para kunin iyon saka pinindot ang earbuds. Ito ang earbuds ni Teal! Huminga ako ng malalim bago nag-report. "Teal is missing, nasa akin ang earbuds niya pero hindi ko siya makita," saad ko saka muling humakbang at nagpatuloy sa pag lilibot. "Ano'ng ibig mong sabihin?" rinig kong tanong ni Aqua sa nag-aalalang boses. Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng sigaw mula sa hindi kalayuan. Napatingin kami sa isang malaking warehouse sa bandang kanan namin. Si Teal ba 'yon? Pero hindi naman gano'n ang boses niya. "Warehouse," rinig kong saad ni Black sa kabilang linya. "Everyone, let's go." Agad kaming pumunta doon, sinilip ko naman ang laman ng bala ng baril na nakuha ko sa mga lalaki kanina. May dalawang bala na lang ito, humugot ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa Warehouse. Teal, hang in there. Nagkita-kita kami sa isang container na malapit sa warehouse. "Sure ka bang kay kay kuya ang nahanap mo?" bungad na tanong sa akin ni Aqua. Tiningnan ko naman siya at tumango, kinuha ko ang kamay niya at binigay ang earbuds ng kapatid niya. "Don't worry, Teal will be fine," saad ni Black sa kaniya. Hinagod naman ni tatay Lime ang likod ni Aqua habang tahimik itong tumango. "Let's go! We still need to get Miranda and the Alonzo," saad ni Black. Sumang-ayon naman kami at agad na naghiwahiwalay. Nagtungo si Tatay Lime sa likod samantalang si Aqua naman ay nagtungo sa emergency exit ng warehouse. Umakyat naman si Black para umatake mula sa itaas, and me? I just entered at the main entrance of the place as if I just entered my house. Tahimik ang paligid nang pumasok ako, nilibot ko ang paningin ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Ipinikit ko ang mata ko. Sanay na ang katawan ko na makiramdam sa paligid ko. It was part of our training, we even trained blindfolded and in the dark. Naramdaman ko ang paggalaw ng kung sa likod ko, pinakiramdaman ko ito hanggang sa binuksan ko ang mga mata ko at agad na humarap rito at binaril ang kamay nitong may hawak na baril, namilipit naman ito sa sakit at nabitawan ang armas. Naglakad ako patungo sa kaniya at kinuha ang baril niya. Nang tingnan ko ang laman nito ay wala pala itong bala. Inis akong napalingon sa lalaki. Ang lakas-lakas mong itutok sa akin 'to, wala naman palang kwenta! Agad na naagaw ang atensiyon ko nang makarinig ako ng ingay sa likod, sunod na nangyari ay nagpaulan ito ng bala sa kung saan-saan. Agad akong tumakbo at nagtago sa mga shelf, agad kong sinilip ang laman ng bala. Isa na lang ang natitira. Muling nagpaputok ng baril ang hayop na lalaking iyon kaya naman napayuko ako at umalis sa puwesto ko. "Black, do something!" saad ko sa kaniya sa pamamagitan ng earbuds. "Look up," rinig kong saad niya kaya naman tumingala ako at nakita siyang kumaway sa akin. Napabuga ako ng hangin, hindi makapaniwala sa kaniya. Nagbarilan na nga at lahat pero nagawa pa niyang kumaway-kaway. Inis ko siyang tiningnan at muling nagtago nang nagsimula na namang magpaputok ang lalaki. "Hindi ka ba tutulong?!" inis na bulyaw ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang ito saka humikab. Napansin ko pa ang pagsandal nito sa bakal sa likod niya habang dinuduyan ang mga paa na parang bata. "It's been a long since I've seen you fight, mag-isa lang 'yan, I'm sure you can handle it," rinig kong wika niya. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to! Sinasabi ko na nga ba at masama ang ugali niya. Why did I even care kung nasaktan ko siya kanina? Deserve niya naman iyon! "D-mn it!" bulong ko sa sarili at umalis za puwesto nang tahimik. The least thing na gagawin ko ngayon ay ang gumawa ng ingay. He is holding a f*****g rifle! Hindi pa ako makahanap ng timing para atakihin siya at saka isa, kung maaari ay ayaw kong gamitin ang natitirang bala. "Lumabas ka!" rinig kong sigaw nito habang nagpapaputok sa kung saan-saan. Napamura ako sa inis dahil sa ingay at sa lalaking nasa itaas. Ang sarap niyang ibuking sa kalaban para tamaan din siya ng bala. Sinilip ko siya sa itaas at nakita itong komportableng nakaupo habang nakamasid sa amin. Nakangisi ito nang makita niya ako at muling kumaway. Inis na itinaas ko ang gitnang daliri ko sa kaniya bago tumakbo muli paikot. Kailangan kong makarating sa likod niya. Napadapa ulit ako ng muli diyang nagpaputok, sumasakit na ang tainga ko dahil sa ingay. Sinubukan kong gumalaw nang may nasagi ang kamay ko. Tiningnan ko ito at nakita ang isang walang laman na lata. Sinilip ko naman ang kinaroroonan ng lalaki at nakita siyang nakatayo sa gitna habang lumilinga-linga sa paligid. Mahigpit kong hinawakan ang lata saka ito itinapon sa kabilang bahagi ng warehouse. Agad naman itong napalingon doon at muling nagpaulan ng bala. Muli kong tiningnan ang paligid ko at nakakita ng dalawa pang lata. Agad ko itong kinuha at muling itinapon sa kabila. Walang humpay ang pagpapaputok kiya niya hanggang sa tumigil na ito. Agad ko siyang sinilip at nakitang pinapalitan niya ng magazine ang baril. Got'cha, Assh-le! Kinuha ko itong pagkakataon para tumayo at atakihin siya. Sinipa ko ang hawak niyang baril saka siya sinipa. Nawalan ito ng balanse at agad na natumba. Napa-ubo ito dahil sa lakas nang pagkakasipa ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya. "Where is he?" may diing tanong ko rito. May pasa ito sa pisngi niya at pumutok rin ang gilid ng kanyang labi. Napaismid ako sa hitsura niya. Weak. "Are you guys looking for me?" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Agad akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Aqua na akay-akay ang kapatid. Walang bakas ng sugat at pasa ang mukha nito pero umiika-ika ito sa paglalakad. Hinarap kong muli ang lalaki at hinigpitan ang hawak ko sa kanya kaya siya nasakal. "What did you do?" nagbabantang tanong ko. Hindi naman ito nagsalita pero panay lang ang iling nito. "Relax babe, napatid lang ako ng container. They didn't even catch me," mayabang na saad ni Teal nang makalapit ito sa puwesto namin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at agad na sinapak ang lalaki dahilan upang mawalan uto ng malay. Agad kong hinarap si Teal at pinukol ng matalim na tingin. "Ano?" nag-aalangang tanong nito. "Tara na nga, mamaya mo na ako pagalitan. Baka bumalik pa 'yong mga asong ulol dito," aya niya saka nauna nang umalis. Tumulong naman si Tatay Lime sa pag-akay kay Teal. Atleast, he's fine. Agad akong napatingin sa taas at nakita siya roon na nakadungaw sa amin. Walang pasabi kong itinutok ang baril sa kanya at pinaputok ito. "What the hell! Are trying to kill me?" Black asked. Nakalambitin na ito sa kabilang bakal, naiwasan niya kasi agad ang bala. Expected ko na rin iyon. "Funny gow you avoided the gunshot but ang sipa hindi?" may panunuyang saad ko. Sasagot pa sana siya pero biglang nagsalita si Aqua. Binalikan siguro kami nang mapansing hindi kami nakasunod sa kanila. "Hoy! Ano pang ginagawa niyo riyan? Round two p*****n?" tawag ni Aqua mula sa entrance. Muli kong tiningnan si Black at inirapan ito bago umalis. Next time, I will make sure na hindi niya maiiwasan ang bawat atake ko sa kanya. I'm gonna break that big ego that he has. Mark my word, Black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD