Shaynne's POV
Day 5 continuation
"Familiar ang bahay, bahay ng mga abogado–"
"MIRANDA!"
"Miranda! Ano bang pinagsasabi mo," sigaw ng Kapitan.
Hindi naman ako makagalaw sa puwesto ko, tila may kung anong mabigat na bagay ang pumipigil sa akin. Ako ba ang tinutukoy niya?
Tumahimik ang paligid at tulala akong napatitig sa kawalan.
"Red?" Napakurap naman ang mga mata ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Prof.
"Yes, Prof?" mahinang sagot ko.
"Focus." Isang salita lang ang sinabi niya, hindi na niya kailangan pang pahabain iyon para maintindihan ko. Dahil alam ko ang tinutukoy niya at alam niya kung ano ang epekto nito sa akin. Humugot ako ng malalim na hinga saka binalik ang tingin sa scope. Naroon pa rin ang mag-asawa pero napansin ko ang pagkawala ng ibang tauhan ni Alonzo.
Agad kong pinindot ang ear buds ko para kausapin si Teal. "Teal, nasaan ang ibang tauhang ni Alonzo?" tanong ko rito.
"Umalis sila, naglilibot para hanapin tayo, naniwala sila sa sinabi ni Miranda," saad nito sa mahinang boses. "Hindi mo ba nakita?" nagtatakang tanong nito. Tumikhim naman ako at napakamot sa batok. Mabuti na lang at hindi niya ako nakikita ngayon, magtataka iyon sa kinikilos ko. Hindi ko ugali ang napatulala lalo na sa gitna ng laban, lagi akong alerto.
"I guess, I zoom the scope to much at hindi ko napansin ang pag-alis nila," pagra-rason ko.
"Okay, humanap ka ng mapagtataguan, baka makita ka nila riyan," saad niya sa akin. Napabuntung-hininga naman ako bago umalis sa pagkakaupo at inayos ang gamit ko. Tatayo na sana ako ng biglang akong may maramdaman sa likod ng ulo ko.
"Huwag kang gagalaw," saad ng taong nasa likod. Napasilip naman ako sa gilid ng mata ko, hindi ko man sila makita ng maayos ay alam kong hindi siya nag-iisa.
"Red? What's happening," rinig kong tanong ni Prof sa kabilang linya. Hindi ako sumagot at nanatili lang sa puwesto ko nang hindi gumagalaw.
"Bitawan mo ang armas mo at itaas mo ang dalawang kamay mo," utos ng lalaki sa akin. Tahimik ko naman itong sinunod. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak na baril at unti-unting itinaas ang kamay ko tanda ng pagsuko.
"Tumayo ka at humarap," muling utos nito. Kalmadong sinunod ko ang mga utos nito at unti-unting humarap sa kanila. Nakasuot ako ng mask at cap kaya hindi makikita ang mukha ko maliban sa mata.
"Red? Ano'ng nangyayari?" rinig kong tanong ni Black mula sa kabilang linya.
"Sa tingin ko ay nahuli siya ng mga tauhan ni Alonzo," wika ni Teal. Hindi ko sila sinagot at ipinokus ang atensyon sa tatlong tao sa harap ko. Ang isa ay malapit sa akin, siya ang tumutok ng baril sa ulo ko kanina. Ang dalawa naman ay nasa 1-2 metro ang layo sa amin. Lahat sila ay nakatutok ang baril sa akin. "Tutulungan ko si Red," narinig kong saad ni Teal.
"No, stay on your spot. You're also on a tricky situation," mabilis na tutol ni Prof. Tahimik naman akong sumang-ayon rito, maaring dalawa kaming mahuli kung nagkataong tutulungan niya ako. At kung mangyari 'yon ay mahihirapan akong kumilos. "Black, Lime at Aqua, go," saad ni Prof.
Inilabas ng lalaki ang cellphone niya at may tinawagan. "Confirm, may isang tao rito. She's using a sniper," wika ng lalaking nasa harap ko bago muling ibinulsa ang cellphone. Tahimik kong inilibot ang paningin ko, napatingin ako sa pinto na nasa likod nila. Medyo malayo ap ito kaya delikado kung tatakbuhin ko ito.
"Kapkapan niyo siya at itali niyo ang kamay niya," utos ng lalaki. Agad naman na lumapit sa akin ang dalawa, napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko at unti-unting napangiti.
Nang makalapit sa akin ang dalwa ay agad nila akong kinapkapan. "Be careful on what you're touching, I hate being touch," saad ko sa kanila sa mababa na boses. Napatingin naman ang isa sa akin. Pareho kaming napatuod ng makaramdam ako ng kamay sa bandang puwetan ko. Unti-unti kong nilingon ang nagmamay-ari ng kamay at nakitang nakatingin siya sa akin.
Kita ko ang gulat at kaba sa mata nito. Hindi ako gumalaw, wala ni isa sa amin ang gumalaw. Pasimple kong sinilip ang lalaking nagsasalita kanina at nakitang naguguluhan ito. Sa isang mabilis na pagkilos sinipa ko ang isang lalaki sa harap ko bago ko hinawakan ang kamay ng lalaking nakahawak sa may puwetan ko at agad itong hinead lock saka inagaw ang baril nito at itinutok sa lalaking hawak ko. Hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kaniya.
"I told you, I don't like being touch," bulong ko sa tenga niya. Nilingon ko ang lalaki sa harap ko at nakitang nakatutok ang baril niya sa akin.
"Don't you dare to move, sasabog ang bungo nitong lalaking 'to," banta ko sa kaniya saka unti-unting lumapit sa pinto habang hawak pa rin ang lalaking 'to.
"At sa tingin mo ay matatakot ako?" may panunuyang saad ng taong ito. Nakita ko ang unti-unting paglapit nito sa akin, pasimple kong sinilip ang pinto sa likod ko. Nakita kong malapit na ito sa akin kaya muli kong hinarap ang lalaki.
Tahimik ko silang pinagmasdan, namimilipit sa sakit ang isang nasipa ko kanina, hawak ko ang isa pa nilang kasama. Itong lalaki na lang na nasa harapan ko ang magiging problema. Muli akong umatras patungo sa pinto.
"Tumigil ka o pagsisisihan mo ang ginagawa mo," may pagbabanta sa tono ng boses niya. Napangisi naman kahit hindi nito nakikita. Muli kong sinilip ang pinto sa likod ko bago ibinaling ang tingin sa kaniya.
"Make me," wika ko saka itinulak ang lalaki papunta sa kaniya at binaril sila sa paa. Agad akong umalis doon, pagbaba ko ay nakasalubong ko ang iba pang mga kasamahan nito.
Sh-t!
Huminto ako sa puwesto ko habang nakaharang sila sa daan. May mga dala din silang baril at iba pang gamit na kung gagamitin nila sa isang tao ay paniguradong magdudulot ng injury.
"Think, Red. Think!" saad ko sa isip ko habang nilibot ang paningin sa paligid. Walang ibang madadaanan dito dahil wala itong bintana o kung ano pang magiging Sumilip ako sa kaliwa ko at tinatantya ang layo ng hagdan sa kinaroroonan ko.
Tumingin ako sa itaas nang may marinig akong yapak mula sa taas. Nilingon ko iyon at nakita ang dalwang lalaki na pa-ika-ikang bumababa ng hagdan. Nilingon ko naman ang tatlong tao sa harap ko. Kung wala akong gagawin ay paniguradong mahuhuli nila ako.
Huminga ako ng malalim habang ipinikit ang mata ko. Isang ala-ala agad ang pumasok sa isip ko.
"Natatakot ka ba?" tanong ko sa kaniya ng mapansin ko ang panginginig ng mga paa niya. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakaupo doon at naghihintay ng tulong. Lumalalim na rin ang gabi at kahit na ako ay natatakot rin.
Pero naniniwala ako kina mama at papa. Mahal nila ako kaya sigurado akong hindi sila titigil sa paghahanap sa akin.
"No," sagot naman ng batang lalaki sa tabi ko, kung tama ang pagkakaalala ko ay siya si Lance.
Napangiwi naman ako sa sagot niya. "Ano'ng 'no'? Nanginginig ang paa mo, hindi naman gano'n kalamig para ginawin ka," usal ko saka ipinatong ang ulo sa tuhod ko.
"I told you, I'm not scared," sagot niya sa akin bago kinagat ang ibabang labi niya. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon bago itinuon sa harap ang paningin ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko muling panginginig ng paa niya at paglalaro niya sa mga daliri niya.
Napabuntong-hininga naman ako dahil do'n at napilitang humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinilit siyang tumingin sa akin.
"Hindi ko alam kung paano magpatahan ng bata kasi pareho lang din naman tayong bata. Pero susubukan ko kaya makinig ka, kung hindi mo maintindihan, sundin mo na lang gagawin ko," paliwanag ko sa kaniya. Nakatulala lang siyang napatingin sa akin at tila iniintindi ang mga sinabi ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Ibinuka ko ang kaliwang mata ko para silipin siya. Nang makita kong dilat pa rin ang dalawang mata nito, sumenyas ako sa kaniya sa pamamagitan ng kamay ko. Nakuha niya naman iyon at ipinikit niya ang mata niya. Nang masiguradong nakasara ito ay saka lang ako pumikit.
"Ngayon naman ay huminga tayo ng malalim, breath," paliwanag ko. "Inhale....exhale," saad ko na siya namang sinunod niya. Nagpatuloy ako ng dalawang beses bago muling itinuon ang atensyon sa kalalagyan namin ngayon.
"Let count, 1 to 10, okay!" saad ko sa kaniya habang nakapikit pa rin ang mata ko.
"1..." panimula ko. Hindi ko siya narinig kaya marahan kong pinisil ang kamay niya.
"2..." Narinig ko ang muting bises niya na nagsisimulang sumabay sa akin sa pag-bilang.
"3..." Lahat ng ala-ala ko noong mga panahon na minsan na rin akong humarap sa paghihirap. Nariyan ang mama at papa ko, kapatid ko at mga kaibigan ko. Nariyan si Lance, ang taong nakakasundo ko at kilala ako.
"4..." Ito ang ginagawa namin sa tuwing nagihirapan kami sa isang bagay. Ito ang ginagawa namin para kumalma kami at makapag-isip ng maayos.
"5..."
Ngayon mag-isa na lang ako.
"6..."
Pero hindi ako susuko. Mabubuhay ako hanggat makamit ko ang nais ko.
"7..."
Isang bagay na lang ang nagpapanatili sa akin para mabuhay.
"8..." 'Yon ay ang pagkamit ng hustisyang pinagkait sa akin, hustisyang pinagkait sa pamilya.
"9..." Maghihiganti ako sa abot ng makakaya. At hindi ako titigil hangga't hindi ko sila matuturuan ng leksyon.
"10..."
Mag-isa man ay haharapin ko ang lahat. Kakayanin ko ang lahat kahit pa kalabanin ang batas na dinungisan ng mga taong abusado sa kapangyarihang ibinigay sa kanila.
Iminulat ko ang mga mata ko, wala akong ibang maramdaman ngayon. I felt empty. Pero itong bagay na nag-iinit sa kaloob-looban ko ang nagpapanatili sa katinuan ko.
Ipinukol ko sa kanila ang tingin ko, nakita ko ang bahagyang pag-atras ng mga ito. Humakbang ako patungo sa kanila habang nararamdaman ko ang paglapit ng taong nasa likod ko.
"You b-tch!" sigaw ng lalaki kanina. Nang akmang aabutin niya na ako ay mabilis umiwas at hinawakan ang kamay niya saka hinila patungo sa tatlong lalaki nakaharang sa daan. Dahil sa hindi inaasahang pagkilos ko ay natumba silang apat. Agad ko naman sinipa ang isa pang kasama nila, kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumalon papunta sa kabilang hagdan.
"Habulin niyo!" sigaw ng isa sa kanila. Napangisi naman ako at agad na tumakbo pababa ng hagdan. Naramdaman kong may papalapit sa akin, mula ito sa ibaba. Sinubukan kong silipin iyon pero hindi ko ito matanaw mula rito. Napagdesisyunan kong salubungin ito. Inihanda ko ang sarili ko habang papalapit na ito sa akin. Nang umapak ito sa hagdan agad akong lumambitin at sinipa siya.
"What the hell! Red!" narinig kong sigaw nito. Narinig ko naman ang pagtawa ng iba. Gulat naman ako napatingin sa mga ito, Tatay Lime and Aqua was laughing while Black was holding his jaw habang nakasalampak sa sahig.
Oh my gosh! Ba't ba kasi sila nanggugulat.
"What are you doing here?!" tanong ko.
"We're here to help," saad ni Aqua habang pilit na pinipigilan ang tawa nito dahil sa matalim na titig ni Black sa kaniya.
"Why would you sneak up like that?" inis na tanong ko habang pinagmasdan ang mukha ni Black. Tinulungan ko na rin siyang tumayo. "Ayos ka lang ba?"
"No, malakas ang pagkakasipa mo," saad niya saka ngumiwi at dumaing.
"Sorry, put your mask back on. Umalis na tayo rito," saad ko saka sinilip ang itaas, pinangunahan ni tatay Lime ang pagbaba nang makalabas na kami sa hagdan ay agad kong isinara ang pinto, itinali ito mula sa labas para hindi siya makalabas pa. Humihingal naming nakarating ang labas.
Agad kong tiningnan si Black at sinuri ang pasa nito. Namumula at nagkukulay lila ang pasa niya sa kaliwang balikat, may pasa rin sa pisngi niya at sumabog ang gilid ng labi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitingnan ang pasa niya. Napalakas talaga ang pagsipa ko.
"I'm fine, let's get Teal first, we still have. A unfinished business," saad niya saka ginulo ang buhok ko. Wala na pala ang suot kong cap kanina, nahulog siguro ito habang nakikipaglaban ako kanina. Ginamit ko na lang ang hood ng jacket ko at itinakip sa ulo ko.
Pinindot ko ang earbudz ko para sana kausapin si Teal
"Teal, where are you? Pupuntahan ka namin," kalmadong saad ko. Hindi ako nakatanggap ng sagot pero nakarinig ko ang ingay mula sa kabilang linya. Ibig sabihin ay naka-open ang mic niya. "Teal?—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bumulabog sa lugar ang dalawang putok ng baril. Napaigtad ako sa gulat at nilingon ang pinanggalingan no'n.
F-ck.