Chapter 28

1727 Words
Shaynne's POV Day 4 continuation "Umalis na ako sa mga Alonzo," wika ni Gomez. Napatingin naman kami nina Prof at tumango siya sa akin. "Lime, fetch the family. Aqua will be going with you," utos ni Prof. Tumango naman ang dalawa at tumayo na. Ginamit nila ang SUV para sunduin ang pamilya ni Gomez. Binalik ko ang atensyon ko sa cellphone nang makarinig ako ng ingay mula sa kabilang linya. "Don't worry, Gomez. We don't break any promises," saad ko sa kaniya. Nakarinig na naman ako ng isa pang ingay sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko ng ma-realize na ingay ito ng mga yapak, mabilis ito kaya masasabi kong tumatakbo siya. "Gomez? May problema ba? Nasaan ka?" tanong ko sa kaniya. Tanging ingay la mang ang naririnig ko sa kabilang linya, hindi siya sumasagot. Agad naman akong napatingin kay Prof at lumapit kay White. Inilapag ko ang cellphone sa mesa. Agad naman na nakuha ni White ang punto ko at sinumulan nang i-trace ang location ni Gomez. "Gomez?" tawag pansin ko ulit sa kaniya. Lumipas ang ilang segundo bago ito sumagot sa amin. "May nakita akong pamilyar na mukha kanina, pinapasundan nila ako," hinihingal na sagot ni Gomez. Patuloy pa rin za pag-tipa si White hanggang sa lumitaw ang mapa at ang tuldok sa mukha nito. Nagkatinginan naman kami nina Prof at agad siyang tumango kay Black. Nilingon ko si Black at napansing nakatingin din siya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya na sinuklian niya rin ng isang tango. Agad siyang lumabas para puntahan si Gomez at masiguradong ligtas ito. "Someone will come and fetch you, Gomez. Just stay on the call," saad ko sa kaniya. Si White naman ang gumagabay kay Black sa direksyon. Sumang-ayon naman si Gomez sa akin. Nilagay ko ito sa mute para hindi nito marinig ang pag-uusapan namin. Babalik na sana ako sa puwesto ko ng bigla itong nagsalita. "May SD card...Ang ebidensya...Nasa locket ng anak ko. It can help," saad niya. Hindi na ako sumagot pa at bumalik na sa puwesto ko. Pinindot ko ang ear buds ko para kausapin sina Aqua. "Aqua, Lime, the locket of the kid. Take it," saad ko sa kanila. Agad naman na sumagot sina Aqua kaya naman bumalik na ako sa ginagawa ko "Red, release it," utos ni Prof. Tumango naman ako at sinimulan na ang pag-type sa laptop na hawak ko. Ito ang kasong nangyari 3 years ago. Kung saan sinunog ang warehouse. Inulan agad ito ng matapos ko itong i-post na tila ba inaabangan nila ang susunod naming ipo-post. Lumapit akong muli kay White para tingnan ang location ng mga kasamahan namin. Ako na lang ang naiwan dito, gusto kong lumabas doon at kumilos pero hindi naman ako puwedeng gumalaw ng walang utos. "Call the Alonzo," utos ni Prof. Agad naman kaming tumango at tinawagan ang numero ng mga Alonzo. Nilagyan kasi namin ng hacking chip ang cellphone nito no'ng pumasok kami sa bahay. Nakita kasi namin ang burner phone na ginagamit nito sa drawer ng office niya or should I say library. Pagkatapos ng dalawang ring ay narinig na namin ang boses ng taong target namin sa misyong ito. "Who is this?" rinig kong tanong niya. Base sa tono ng boses niya ay masasabi kong takot at galit ito. Lumapit naman si Prof sa amin at pinagmasdan ang screen kung nasaan makikita ang mag-asawa na nakatayo sa living room ng bahay nila. Kitang-kita ang frustration sa mga mukha nito. "Did you like our surprises, Mr. Alonzo?" pagtanong ni Prof sa taong nasa kabilang linya. "You...Sino kayo! Malalagot kayo sa akin! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo, hindi niyo ako mapatutumba," sigaw nito. Nakamasid lang ako sa screen at binabantayan ang bawat kilos nila. Pinatay na nito ang tawag at kina-usap niya ang mga tauhan niya. Tumingin sa kaliwa at nakita ang location ni Aqua. "White, can you hack some of the CCTV's cam in Miranda's location?" tanong ko sa kaniya. "Susubukan ko." Nagsimula na naman siyang magtipa, habang naghihintay ay hinarap ko si Prof. "Don't you have anything to say to me? Wala ba akong gagawin?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at nanatili ang tingin sa screen. Humugot ako ng malalim na hininga at muling humarap sa screen. "Under the bed, take that bag at go to Miranda's location. Find a tall building near her location and be ready," biglang wika ni Prof. Napatingin naman kami ni White sa kaniya, hindi siya lumilingon sa akin kaya naman sinunod ko ang utos niya. Lumapit ako sa kama at tiningnan ang ilalim nito may bag roon parang case ng violin. "Alonzo are after Miranda, make sure she's alive," wika ni Prof. May kutob na ako sa laman nito kaya agad ko itong hinila at binuksan. Napalingon ako kay Prof at nakitang nakatingin siya sa akin. Tumango naman ako at sinara na iyon at pumunta na sa location ko. Ginamit ko ang bakanteng motor sa garahe at nagtungo na lokasyon ni Miranda. Kinausap ko si Teal na siyang nakabuntot kay Miranda. Inihinto ang motor sa harap ng sirang building. Malapit ito sa isang pabrika na malapit sa dagat kung nasaan si Miranda ngayon. Umakyat n ako sa rooftop ng gusali. Nang makarating ako sa itaas ay agad kong sinet-up ang sniper na laman ng bag na dala ko. Suot ko pa rin ang mask ko habang inaayos ang armas. Sinubukan ko ang scope nito at hinanap si Miranda sa likod ng mga container. "Where are you?" wika ko sa sarili habang hinahanap si Miranda. Nang makita ko ito ay agad akong nakarinig ng ingay ng mga sasakyan. Ibinaling ko ang tingin ko roon, may tatlong sasakyan ang dumating sa lugar. Nakita ko ang mag-asawang Alonzo sa isnag sasakyan at mga tauhan naman nito ang laman ng isang sasakyan. Pinindot ko ang ear buds sa tainga ko at muling ibinalik ang tingin kay Miranda. "Teal, the Alonzo are here, be careful," babala ko sa kaniya. Agad kong in-adjust ang scope ng armas at minanmanan ang kilos nila. Narinig ko ang sigaw ng Alonzo sa pagtawag nito sa pangalan ni Miranda. Nakita kong balisa si Miranda na naghihintay sa deck. "Mic activated," saad ni White sa kabilang tenga. Nakarinig ako ng pag-tipa sa kabilang linya hangang sa biglang tumahimik ang paligid. Habang tahimik akong nagmamasid ay napansin ko ang isang tao na umaakyat sa pinakamataas na container. Si Teal, malapit lang siya sa puwesto ni Miranda. "Teal, that's a stupid idea. If something's gonna happen, mahihirapan kang bumaba at aksiyunan si Miranda," komento ko sa kaniya. "Puwede naman akong tumalon mula rito," bulong niya. Napa-irap naman ako dahil do'n. Hindi nag-iisip sa malaking posibilidad na malulumpo siya kung gagawin niya iyon. dalawang pinagpatong-patong na malaking container din 'yon. That was at least 25-30 feet deep. Sarkastiko akong napatawa sa sinabi niya bago itinutok ang sniper kay Kapitan Alonzo ng makita nila si Miranda. "Then try it, let see if you'll become disable or you'll die," saad ko kay Teal bago zinoom ang scope kay Kapitan Alonzo. "Miranda Luzon, I'm happy to see you right now," rinig kong bati ni Alonzo kay Miranda. Ito siguro ang microphone na inactivate ni White gamit ang hacking device na naka-plug sa cellphone ni Miranda. Nang makita nito ang mga tauhan ng Alonzo ay agad niyang inilabas ang baril niya at itinutok sa mag-asawa. "Huwag niyo kong binabati! Ginawa ko lahat ng gusto niyo! Sinunod ko kayo at nanahimik, bakit ako ang pinupuntirya ng mga taong 'yon? Ang sabi niyo hindi niyo ako pababayaan!"sigaw niya sa mga Alonzo bago itinuro ang binti niya kung saan ko siya tinamaan noon. "Nilooban kami sa restaurant! Nabaril ako! Humingi ako ng tulong sa inyo! Hindi niyo ako tinulungan!" dugtong niya. "Miranda, I want you to relax. Hindi makabubuti ang galit kapag nag-uusap tayo," rinig kong saad ng asawa ni Kapitan. "Hindi! Hindi niyo ako nagawang protektahan! Hindi ko rin magagawang protektahan ang gusto niyo!" "Miranda, huminahon ka. Mapag-uusapan natin 'to," saad ng Kapitan. Unti-unti itong humakbang papunta kay Miranda. "May plano kami, gusto namin makinig ka muna. para ito sa lahat." Hindi naman kumibo si Miranda, nanatili lang itong nakatayo sa puwesto niya na tila hinihintay ang sasabihin ng Kapitan. Napansin ng Kapitan ang pagtahimik nito kaya nagsalita siyang muli. "We... just need someone to took the blame. And gusto naming gawin mo iyon, pinapangako namin na ilalabas ka namin sa kulungan sa lalong madaling panahon kung makukulong ka. Akuin mo lang ang mga kasalanan–" Hindi na natapos ng Kapitan ang sasabihin niya ng biglang tumawa si Miranda. "Kapitan..." saad ni Miranda nang huminahon na ito mula sa pagtawa niya. "Tatlong taon...tatlong taon akong nagtatrabaho sa inyo, tapos sa tingin niyo papayag ako sa gusto niyo?" Maikli itong natawa. "Sapat na ang tatlong taon para malaman ko kung gaano kayo karumi maglaro, kaya huwag niyong aasahan na susunod pa ako sa inyo. Hindi ako baliw," may panunuyang saad nito. Nakita ko ang pagkunot ng mukha ng Kapitan na nagpapahiwatig na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Miranda. "Mabuti kung sa gano'n, alam mo naman pala kung gaano kami kasama. Hindi ba dapat ay nagmamakaawa ka na amin ngayon? Hindi makatutulong sa'yo ang pagsuway sa amin," kalmadong saad ng Kapitan. "Alam ko, hindi naman ako tanga para gawin 'to kung wala akong plano." Nakita ko ang pagkilos ni Miranda at may kinuha sa bulsa ng suot niyang Jacket. Napakunot ang noo ko nang inilabas niya ang cellphone niya. "Nakikita mo 'to? Dahil dito ay may nakikinig sa usapan natin ngayon..." Namilog naman ang mata ko ng marinig iyon. Ibig sabihin ay alam niyang nilagyan namin ng chip ang cellphone niya. At alam niyang nakikinig kami ngayon. "At alam kong nasa paligid sila, nakatutok sa ulo niyo ang mga barili nila. Kung tuso kayo? mas tuso ang mga taong nakaharap ko," nakangising saad ni Miranda. Ibinaba nito ang hawak na baril at tiningnan ang cellphone niya. May pinindot siya roon at ipinakita sa mga Alonzo. "Nakakatawa lang dahil nakita ko itong video na ito sa Laptop mo. July 26, 2012, isang CCTV footage. This can be helpful for them, specially to this one specific person." Nagpantig ang mga tainga ko ng marinig ko iyon, hindi ko maiwasang isipin na ako ang tinutukoy niya. Ako lang ang namukhaan niya sa amin noon. "Familiar ang bahay, bahay ng mga abogado–" "MIRANDA!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD