Chapter 27

2046 Words
Shaynne's POV Day 5 "Good morning!" maligayang bati ni Aqua habang pababa ito hagdan. Nakaupo lang ako sa sala at umiinom ng kape. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa pumunta ito sa kusina at kumuha ng baso. Sinalinan niya ito ng tubig at lumapit sa akin. "It's 2 o'clock and it's still dark outside but yeah, it is another day. Good morning," bati ko sa kaniya pabalik. Umupo siya sa tabi ko habang sumimsim sa tubig na dala niya na tila isa itong kape, bumuntong-hininga rin siya na akala mo talaga ay umiinom siya ng mainit na inumin. Napailing na lang ako sa ginagawa niya. Napansin kong inilapag niya ang baso niya sa mesang nasa harap namin. "Why are you awake?" rinig kong tanong niya. Nakita ko siyang tumingin sa akin sa gilid ng aking mata. "Kasi hindi ako makatulog?" sarkastikong sagot ko. Nilingon ko naman siya at nakitang nakatingin siya sa akin at sa basong hawak ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa kapeng iniinom ko, may laman pa ito kaya naman inalok ko ito sa kaniya. "Gusto mo? You can have it," alok ko sa ka niya. Kinuha niya naman ito pero imbes na inumin ay inilapag niya lang ito sa mesa, katabi ng basong na dala niya. Muli siyang humarap sa akin. "Hindi ko ito tiningnan dahil gusto kong uminom ng kape. Sa tingin ko lang kasi ay dapat hindi ka umiinom ng caffeine specially wala kang tulog. May problema ka sa pagtulog at hindi nakakatulog ang kape riyan," saad niya. Umiwas ako ng tingin at sumandal sa sandalan ng sofa. Ipinagpahinga ko ang katawan at ulo ko, ipinikit ko rin ang mata ko at bumuntong-hininga. Sa hindi maipaliwanag na rason ay bigla akong nakaramdam ng pagod. "Red, I know you're battling on something. It's making you anxious and angry, but you really need too have strength para harapin ang lahat ng 'yan. Alagaan mo ang sarili mo," advice niya nang hindi ako nagsalita. Ibinaling ko ang ulo ko sa gawi niya. Nginitian ko siya saka muling nagpakawala ng malalim na hininga. "Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Sadiyang hindi lang talaga ako makatulog ngayon," paliwanag ko sa kaniya. Nanatili lang ang tingin niya sa akin hanggang sa tumango siya at sinuklian ang ngiting iginawad ko sa kaniya. Tumayo siya at kinuha ang dalawang baso sa mesa. Ininom niya ang tubig habang dinala ang baso ko sa kusina, at nilagay ito sa sink. Tahimik lang akong nagmamasid sa kaniya habang hinuhugasan niya ang pinaggamitan naming baso. "I'll head up to my room, matutulog na ako. Ikaw? Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang maghugas. Pinunasan niya ang kamay niya saka humarap sa akin. "I'll try," simpleng saad ko. Tumango naman siya saka nagpa-alam at umakyat na papuntang kuwarto namin. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa harap, nakatitig lang ako sa display na TV. Sa tatlong araw ng pamamalagi namin dito ay hindi pa nabubuksan ang TV na ito, ginawa lang siyang display para naman magmukhang normal na bahay ang tinutuluyan namin. Ngayon na ang ika-limang araw ng misyon, isang araw na lang at matatapos na rin ito. It's almost been a week na ginagawa namin 'to. I just hope that everything will went well. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nakatulog pala ako sa sofa nang hindi namamalayan. Bumangon ako at saka napansin ang kumot na nakabalot sa akin. Ang huling tanda ko ay nakaupo ako hindi nakahiga. Sino kaya ang nagbigay ng kumot sa akin? Umiling na lang ako at iniligpit ang kumot bago umakyat sa kuwarto para maligo. Matapos kong magbihis ay nagtipon kami sa hapag-kainan para mag-agahan. "Sa tingin niyo? Sinumbong ba tayo ni Gomez?" tanong ni Aqua habang kinakain ang toasted bread na ginawa niya. "Ipagdasal nating hindi kung hindi masisira ang plano natin," sagot naman ni Teal. "Pansin ko lang wala si Black," saad ni White habang inilinga-linga ang tingin sa paligid. Tumingin din ako sa paligid at saka lang napansin na wala nga siya rito. Wala rin si Prof, magkasama na naman ba ang dalawang 'yon? Sakto namang bumaba si Prof galing sa ikalawang palapag. "Morning, Prof," bati namin sa kaniya. Ngumiti naman siya at sinaluhan kami. Ibinigay naman ni Aqua ang parte niya sa agahan. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga gusto naming gawin pagkatapos ng misyon. "Gusto kong mag-party! Sa bar or club, ngayon lang tayo nakabalik rito kaya sulitin na natin habang nandito pa tayo," na-e-excite na saad ni Aqua. Pinagsaklop pa nito ang mga kamay niya at bahagyang tumingala na tila ini-imagine niya ang party na gusto niya. "Babalik ba tayo ng Mindoro pagkatapos nito Prof?" tanong ni Teal. Tumango naman si Prof na siyang ikinalungkot ni Aqua. "But can stay here for a day, I have some business to do too before we go back," bawi ni Prof. Agad naman na lumiwanag ang mukha ni White at Aqua. Natawa na lang kami nang magsimula na naman silang magplano sa mga gusto nilang gawin pagkatapos ng misyon. Napatingin ako sa oras at nakitang alas otso na ng umaga. Kung hindi magkasama si Prof at Black, nasaan siya ngayon? Nang matapos kaming kumain ay bumalik na sila sa kuwarto nila. Naiwan naman kami ni Teal sa kusina para magligpit at maghugas ng pinagkainan. Nag volunteer kasi ako na maghugas kaya naman inalok niya ako ng tulong. Hindi na ako tumanggi pa. Sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ay biglang nagtanong si Teal. "Wala bang sinabi si Black sa 'yo kung saan siya pumunta?" tanong niya sa akin habang pinupunasan ang mga pinggang binanlawan ko. Kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya. Bakit naman ako pagsasabihan ni Black sa pupuntahan niya? Ni hindi naman kami nag-usap kagabi. "Why are you asking me? Mukha niya ba akong nanay?" pagbibiro ko. Narinig ko naman ang pagtawa nito bago ibinalik sa lagayan ang mga pinagkainan namin. "Nakita ko kasi kayo kagabi sa sala, nasa sofa kayong dalawa pero tahimik lang kayo," saad niya. Nagtataka akong napatingin sa kaniya. That's impossible. Hindi kami nagkita kagabi, hindi kami nag-usap. "You might see wrong, hindi kami nagkita kagabi," saad ko habang pinupunasan ko ng malinis na tissue ang kamay ko. Hinarap ko naman siya. "Baka nga, pero tinanong ko si Aqua hindi naman daw sila nagkita ni Black. 2 lang kayong babae rito," saad niya saka umalis ng kusina. Napa-isip naman ako at pilit na inaalala ang nangyari. Naalala ko ang kumot na nakabalot sa akin. Siya ba ang naglagay sa akin no'n? Kung oo, malaki ang posibilidad na nagkita kami nang makatulog ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, akala ko ay lumabas ng bahay si Teal hanggang sa marinig ko ang boses niya. "Black? Where have you've been, bro?" tanong ni Teal. Napalingon naman ako sa pinto kung saan natatanaw ko ang front door. Nakatayo sila ni Teal doon. May hawak siyang paper bag habang kinakausap si Teal. "I just went outside to buy this," tukoy niya sa paper bag na hawak niya. "Natulog ka ba? Ikaw ang nagbantay kagabi, hindi ba?" tanong ni Teal. Hindi agad sumagot si Black, inilibot niya ang paningin niya hanggang sa dumako ito sa akin. Hindi niya sinagot si Teal at naglakad papunta sa gawi ko. "Hey," bati niya sa akin saka inilapag ang isang paper bag sa mesa. Inilabas niya ang laman ng paper bag, mga pagkain ito at canned drinks. "Hi," bati ko pabalik sa kaniya. "Are you okay?" tanong ko. "Of course," sagot niya saka inilagay sa ref ang pinamili niya. Tumango naman ako at tinulungan siya roon. Sabay na rin kaming umakyat sa taas, isasagawa namin ang susunod na plano para sa misyon. "Is everyone ready?" tanong ni Professor Gray nang makapasok siya sa loob. Sabay naman kaming sumagot sa kaniya. "The location?" tanong ni Prof habang may binabasa sa folder. Isa ito sa mga folder na nakuha namin ng pinasok namin ang bahay ng Alonzo. "The couple is at the office," wika ni White. Binigay naman sa amin ni Prof ang mga papel kung saan nakalagay ang mga bagay na kailangan naming i-post. Kinuha naman namin ang extrang laptop at nagsimula ng magtype. "Issue number 1, released it," utos ni Prof. Tumango naman si Teal at nagsimula nang magtype. Pinost niya sa isang secured website ang issue na iyon. "Paano natin mapapasunod ang mga Alonzo sa atin?" tanong ni Teal. Nasa classroom kami ngayon para pag-usapan ang susunod na plano kung sakaling matapos naming kumbinsihin si Gomez na umalis sa panig ng mga Alonzo. "We're gonna be spreading rumors that will caught them off guard, a rumors that will push them to act recklessly," saad ni Prof. "Rumors? Sa tingin niyo maaapektuhan sila sa isang chismis? Maniniwala sila?" "Yes, especially if that rumors are true," nakangiting saad ni Prof. "And where can we found that rumors?" "We need to go there and find out..." At ito ang nagdala sa amin sa bahay ng mga Alonzo para kuhanin ang mga papeles ng kaso o balita na nadawit sila. And now we are using it against them. "Posted!" saad ni Teal matapos niyang mai-post ang issue na iyon. Naghintay kami ng ilang minuto bago ito sunod-sunod na tumunog. Binaha ng mga komento ang post ni Teal sa website na iyon. Ito ang issue ni Kapitan Alonzo kung saan binayaran niya ang mga watchers sa halalan para manalo siya bilang Kapitan ng Barangay. Iba't-ibang komento ang nabasa namin doon. Ang iba ay galit at hindi makapaniwala, may iba ring taga-suporta ng kapitan at sinasabing 'fake news' daw ang post. "Grabe naman 'to kung maka-fake news. Hoy! Lokaret! Mas fake 'yang kapitan niyo!" asar na saad ni Aqua ng mabasa niya ang comment. Napatawa na lang kami dahil do'n. "Aqua, Issue number 2," saad ni Prof. Agad naman na bumalik si Aqua sa puwesto niya at nagsimula na ring magtype. Matapos ng isang minuto ay natapos na rin siya at pinost na iyon. Kagaya ng una ay naghintay kami ng ilang minuto bago ito muling binaha ng reaksyon mula sa sambayanan. Ito ang issue ni Marlyn Alonzo, ang asawa ng kapitan kung saan nakita siyang hinuli ng pulis dahil sa illegal na pagsusugal nito. Hindi ito lumabas sa public noon dahil agad nilang binayaran ang pulis at media para manahimik. Nangyari ito matapos maihalal na kapitan ang asawa niya. Sinamahan pa namin ito ng litrato kung saan naka-posas siya at dinakip ng pulis. "Edited 'yan. Sinisiraan lang nila ang mga Alonzo, mga seloso?" hindi makapaniwalang basa ni Aqua sa isnag comment. Bago pa man ito maglabas ng hinanakit ay agad nang tinakpan ni Teal ang bunganga ng kapatid. "Number 3," saad ni Prof. Tumango naman si White at hindi pa umaabot ng isang minuto ay tapos na siya. Pinost na niya iyon sa isang website. Ito ay ang tungkol sa illegal na pasugalan ng mga Alonzo sa Restaurant na pagmamay-ari ni Miranda. Ito 'yong gabi kung kailan nabaril ko sa binti si Miranda. Daplis lang naman iyon kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Naghintay kami ng kaunting minuto ng binaha ito ng komento. Nagsisimula ng magduda ang mga tao dahil do'n. May mga larawan ito kung saan makikita ang nakakalat ng mga baraha, chips, at iba-iba pang pang-sugal. Ito ang mga larawang kinuha ni Aqua nang nasa restaurant kami. "Miranda called the Alonzo," wika ni White habang nakatingin sa isnag burner phone kung saan naka-connect ang hacking devices na nilagay ni White sa cellphone nito. "Nangako kayo na tutulungan niyo ako. Nangako kayo na hindi ako makukulong basta susundin ko ang mga utos niyo. Hindi kayo tumupad!" rinig naming saad ni Miranda sa kausap. Tahimik lang kaming nakikinig. Hindi sumagot ang kausap nito kung saan ang mga Alonzo. "Isusumbong ko kayo! Hindi pupuwedeng ako lang ang lalaglag! Sama-sama tayong babagsak!" sigaw ni Miranda bago pinatay ang tawag. "Monitor her location, the Alonzo will come to stop her. Teal, sundan mo si Miranda," utos ni Prof. Tumango naman si Teal saka umalis na ng kuwarto. Narinig naman namin ang pag-ring ng isang cellphone. Napalingon kami roon, ito ang cellphone na ginamit ko para kumbinsi. Napangiti naman ako ro'n saka ito kinuha at sinagot. "Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ko sa taong nasa kabilang linya. "Gomez?" "Tuparin niyo ang pangako niyong magiging ligtas ang pamilya ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD