Chapter 26

2252 Words
Shaynne's POV Day 4 continuation Naghanda na ang lahat para sa susunod na gagawin namin. Lahat kami ay nagsipuntahan na sa nakatalagang puwesto namin. Pumunta naman kami sa barangay hall at naghintay ng signal. Ngayon namin isasagawa ang pagkumbinsi kay Gomez na iwan ang mga Alonzo. "Is everyone good?" rinig naming tanong ni Prof sa kabilang linya. Narinig ko ang pagsagot ng mga kasamahan ko. "Lime, ready." "Teal, ready." "Aqua, present!" "Red, ready," wika ko. "Black ready," saad naman ng katabi ko. Napalingon naman ako sa gawi niya at nakita siyang seryosong nakatingin sa harap. Ito ang unang pagkakataon na tinignan ko siya ng malaya at mapayapa. Walang inis, galit o kung ano mang nakakaapekto sa pagtitig ko sa kaniya. Siguro ay dahil ibinaba ko na ang pader sa dibdib ko at piniling pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid ko ngayon. Tila bumalik na ako sa dating ako kung saan malaya akong nakakasalamuha ng ibang tao. Black might be secretive but I can tell that he's dedicated to what he is doing right now. Kung ano man ang dahilan niya ay alam kong para ito sa ikabubuti ng taong nasa paligid niya. He doesn't look like a revengeful person, kaya alam kong iba ang rason kung bakit siya sumali sa grupo. Baka may pinoprotektahan siya? "Are you okay?" Naputol naman ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses niya. Muli ko siyang nilingon at nakitang siyang nakatingin din sa akin. Impit akong ngumiti at tumango, itinuon ko ang tingin sa harap habang unti-unting napupuno ang utak ko ng mga tanong. Bakit ba kasi napaka-mausisa kong tao? "Are you sure?" tanong niya muli. Hindi naman ako sumagot agad, huminga ako ng malalim bago humarap muli sa kaniya. "Why did you join Prof Gray's group?" tanong ko. Nakita ko naman ang gulat sa mata niya dahil sa tanong ko, hindi niya inaasahan ang tanong kong iyon kaya naman kinuha ko itong pagkakataon para tanungin siyang muli. "Bakit ang close niyo ni Prof? You're always talking when no one is watching," tanong kong muli. Hindi agad siya nakasagot at nanatili lang na nakatitig sa akin. Kalaunan ay nag-iwas ito ng tingin at bumuga ng hangin. "I didn't expected that question," saad niya saka napatawa ng kaunti. Ako naman ang hindi sumagot ngayon at naghihintay lang sa sasabihin niya. Muli siyang tumingin sa akin. "Okay, let's just say na I'm the one with him when he started planning on creating this group. I'm his first recruit," nakangiting sabi niya. Kumunot naman ang noo ko dahil do'n, ibig sabihin siya ang unang miyembro ng grupo? Kaya pala parang close sila. "Then why did you decided to accept Professor Gray's proposal?" tanong ko. "Why did you join?" Umupo siya ng maayos at hinarap ang katawan niya sa akin saka sumagot, "Like I said before, I have reasons just like everyone else," sagot niya saka nagkibit-balikat. "What reason is it?" mausisa na tanong ko. "You know that disclosing personal information is prohibited, right?" natatawang tanong niya sa akin. Bumuntong-hininga naman ako at humarap muli sa kalsada. "Then, why did Aqua know most of the members life before coming here?" tanong ko sa sarili. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya muli ko siyang nilingon at pinaningkitan ng mata. "Ikaw lang ang miyembro na hindi alam ni Aqua. Anong tinatago mo Black?" tanong ko sa kaniya. Magsasalita na sana siya pero agad ko siya pinigilan at inunahan sa pagtanong. "May pinoprotektahan ka ba kaya sumali rito?" tanong kong muli. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin saka unti-unting tumango. "Yeah, sort of," nakangiting saad niya, pero ang ngiti niyang iyon ay hindi umabot sa tainga niya. Tila malungkot din ang boses niya. Okay, maybe I should stop asking. Sapat na siguro ang sagot niyang may pinoprotektahan siya kaya siya narito. Natigil na rin ang pag-uusap namin ng marinig namin ang boses ni Prof. "Okay, Black. Go in," utos nito. Sumagot naman si Black saka niya sinuot ang face mask. Lalabas na siya ng pinigilan ko siya. "I'll go," saad ko saka isinuot ang mask at lumabas ng kotse. Lumabas din at pinigilan ako sa braso. "Red, you're supposed to stay here for back up in case umalis si Gomez," saad niya. Tinapik ko naman ang balikat niya at nagsimula nang maglakad. Maraming CCTV sa paligid pero hindi namin alintana 'yan, alam naming kinokontrol na iyan ni White making our job easier. "Don't worry, I won't get in the way. I'll be on watch," saad ko. Bumuntong-hininga naman siyang sumunod sa akin. Napangiti naman ako dahil alam kong nagtagumpay ako. Totoo naman ang sinabi kong hindi ako manggugulo, gusto ko lang mapadali ang trabaho para masimulan na namin ang mismong misyon. Madali lang kaming nakapasok sa loob nang walang nakakapansin sa amin. Pumunta kami sa ikalawang palapag ng gusali kung nasaan ang office ng Kapitan at iba na ring office. Nagtungo kami sa CR at nagtago sa isang cubicle. "We're already inside Prof," paalam niya kay Prof bago humarap sa akin. "You should have stay at the car," bulong niya sa akin. "No, nakakabagot maghintay," saad ko saka pinakinggan ang paligid. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ng pinto ng CR. Nilagay ko ang hintuturo sa bibig niya para pigilan siya sa pagsasalita saka sinilip ang taong nasa loob ng CR na kasama namin. Nilingon ko naman si Black, tila nakuha niya naman ang ipinahiwatig ko dahil tumango ito. Dahan-dahan naming binuksan ang pinto saka lumabas. Nakaharap lang si Gomez sa urinal bowl habang sumisipol sipol. Napatingin naman ako sa pinto sa tinatantya ang layo ko rito. Kailang ko itong ma-lock para masiguradong walang makakapasok na kahit na sino at hindi rin siya makakalabas. Bago pa man ako makalagpas sa kaniya ay agad itong humarap sa amin at inatake kami. Mabilis naman kaming nakaiwas, agad kong tinakbo ang pinto na siyang tinakbo niya rin. Pinigilan ko siya sa pagbukas nito, puro depensa lang ang ginagawa ko. Hinila naman siya ni Black kaya natuon ang atensyon niya ro'n. Agad kong ni-lock ang pinto at hinarap sila na nag-aaway. Suntok dito, sipa roon, ilag dito, ilag doon. Kinalaunan ay tumigil na rin si Gomez dahil hawak na siya ngayon ni Black sa kamay. "Sino kayo?!" mariing tanong ni Gomez habang nakadikit ang mukha sa pader, hindi ito makagalaw ng maayos. "Miranda just left the house," rinig kong saad ni White. Napatingin naman kami ni Black sa isa't-isa at napatango. "Don't worry, we bring no harm. We're just here to talk," saad ni Black. Muli itong pumalag kaya naman hinigpitan ni Black ang hawak dito. "Ano'ng kailangan niyo!? Kayo rin 'yong nanloob sa bahay ng Gomez no'ng nakaraan, hindi ba?" tanong niya habang pilit pa rin na kumawala. Humilig ako sa pinto at tiningnan lang sila. "We are here to talk, so, if you cooperate with us, matatapos tayo agad," saad ko ng patuloy pa rin ito sa pagpalag sa hawak ni Black. Napatingin naman siya sa akin at unti-unti na ring kumalma. "Ano bang kailangan niyo?" kalmadong tanong niya. "We want you to leave the Alonzo," deretsahang saad ni Black. Kumunot naman ang noo nito at tiningnan kami na tila nahihibang na kami. "Baka nakalimutan niyong personal guard nila ako," natatawang sabi niya. "We know, and we also know that you are force to do this." Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya. Napangisi naman ako dahil do'n dahil alam naming alam niya ang tinutukoy namin. "Ano'ng pinagsasabi niyo?" maang-maangan niya. " You know what we are talking about, Gomez," saad ni Black. Patuloy pa rin ito sa pagtanggi. "Aqua is on the line," rinig kong saad ni White sa kabilang linya. Lumapit ako sa kanila at inilahad ang kamay ko sa harap ni Black. Tiningnan niya naman ako bago pinasadahan ng tingin si Gomez nang magsimula itong pumalag sa kaniya. Bumuntong hininga ako saka kinapa ang jacket ni Black, nakita ko naman ang cellphone na ibinigay sa amin kanina. Nagriring ito dahil sa tawag na natanggap. Sinagot ko ito at ni-loud speak saka inilapit kay Gomez. Pinindot ko rin ang mute button para hindi kami marinig ng nasa kabilang linya. "Nako, nag-aalala na nga ako dahil masyado na siyang nagpapakahirap sa pagtatrabaho. Madalang na siyang umuwi, madalas kasi dalawang araw sa isang Linggo uuwi siya rito. Ngayon ay halos isang araw sa isang buwan na namin siyang nakikita," tinig ng isang babae sa kabilang linya. Nakita ko naman ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya. Gulat at takot ang makikita rito. "L-Lany?" usal niya habang pilit na lumalapit sa cellphone. "Lany!" sigaw niya kaya agad kong pinatay ang tawag. Pilit niya itong hinabol at muling pumalag sa pagkakahawak ni Black. Tumingin siya sa akin ng matalim. "Ano'ng ginawa mo sa pamilya ko!?" sigaw niya. Ang maganda lang sa CR ng lugar na ito ay naka-soundproof kaya malaya kaming magsigawan dito. Nagkibit-balikat balikat ako saka binulsa ang cellphone at humarap sa kaniya. "We didn't do anything. Base sa narinig mo, kinakausap lang namin ang asawa mo, by the way, ang cute ng anak niyo," wika ko habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya tanda na galit na siya. "Huwag niyong gagalawin ang pamilya ko! Kapag may nangyaring masama sa kanila, tandaan niyo, ako ang makakaharap niyo!" sigaw niya habang pilit na kumakawala. Umupo ako sa harap niya kung saan nagiging lebel ang mukha namin. "We should be the one asking that, ano'ng ginawa ng mga Alonzo sa pamilya mo para maging utus-utusan ka nila?" tanong ko. "Wala! Wala silang ginawa," pagmaang-maangan niya. Narolyo naman ang mata ko saka muling kinuha ang cellphone. Pinindot ko ang isang video roon kung saan ang footage ni Miranda na umaalis ng bahay at pumunta ng bahay ng mga Alonzo. Inilapag ko ito sa harap niya, kunot-noo niya itong tiningnan. "I'm sure you know this woman...Agent Agustin Gomez," saad ko. Natigilan naman siya dahil do'n at unti-unti akong tiningala. Naalala ko ang sinabi ni Prof habang nagpaplano kami. "So how can we caught him off guard? Kilala si Gomez sa pagiging tapat nito sa mga Alonzo, 3 taon na rin siyang nagtatrabaho sa mga ito," tanong ni Teal habang nasa Classroom kami. Nilingon naman ni Prof si White, tumango naman si White bago may pinindot sa keyboard niya. Lumabas naman sa hologram ang larawan ng isang lalaki. "Teka...Si Gomez ba 'yan?" gulat na tanong ni Aqua. Napatingin naman kami sa larawan, isa itong picture ng mga special Agent na nagtatrabaho sa military. Kilala ang mga agent na ito na walang kinikilingan, wala sila sa panig ng pulisya o gobyerno. Ginagawa nila ang trabaho nila na sa paningin nila ay tama. "Si Agent Gomez ang nakatokang manmanan ang warehouse sa laguna kung saan pinaniniwalaan pinanggalingan ng mga illegal na export at import ng droga," saad ni Prof. "Isa si Gomez sa mga taong nadamay sa sunog na iyon at siya rin ang saksi sa pagkasunog ng warehouse. Sa katotohanan ay siya ang gumawa ng daan para makalabas ang mga tao roon na siyang nakita ni Miranda Luzon." Lumitaw naman ang mukha ni Miranda sa screen kasama ng isang video kung saan makikita ang nasusunog na silid. May lumitaw na isang lalaki roon at gumawa ng daan para labasan. Makikita mo ring sumigaw ito at tila may tinatawag. Bumalik ito sa loob at lumitaw ang isang babae na tila balisa. Nakita nito ang lagusan at agad na lumabas, nakita siya ng mga taong nagtatrabaho sa warehouse kaya agad itong sumunod sa kaniya. Malaki na ang apoy ng muling lumitaw ang lalaki na may kargang tao bago lumabas. "So hindi talaga si Miranda ang nagligtas sa kanila?" manghang saad ni Aqua. "Kung saksi si Gomez, bakit hindi niya ito isinumbong?" takang tanong ni Tatay Lime. "Sa kalagitnaan ng sunog at pag-aasikaso sa mga tao roon ay nawala niya ang cellphone niya. Sinubukan niya itong i-report sa mga pulis na dumating pero sa kasamaang palad ay tauhan ito ng mga Alonzo. Pinagbantaan siya ng mga ito... but Gomez tried again, he posted the truth about the fire. That's where his family was put in danger, nadisgrasya ang anak niya habang nasa fieldtrip ito at nasunog ang bahay nila," saad nila. "So ibig sabihin ang Alonzo ang may pakana ng sunog sa Warehouse at bahay ni Gomez? Pati ang pagkadisgrasya ng anak nito?" tanong ni Teal. Tumango naman ito. "At para pagtakpan ang impormasyong ipinagkalat ni Gomez, ginamit nila si Miranda at pinalabas na siya ang nagligtas sa mga taong nagtatrabaho sa warehouse. Dahil do'n ay agad na nakalimutan ng mga tao ang impormasyong hawak ni Gomez..." Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Tahimik itong umiiyak habang nakatingin sa cellphone. Kinuha ko ito at binulsa na. Binitawan na rin siya ni Black at tumayo na. "So it's up to you if you cooperate, Agent Gomez. If you will, we will ensure your safety as well as your family," saad ko. "Bukas ay pababagsakin namin ang mga Alonzo. Nasaiyo ang desisyon kung ano'ng gagawin mo," huling saad namin bago umalis gamit ang bintana ng CR. "We're done," saad ko sa mga kasamahan ko. "Good job, everyone can go home now," rinig kong saad ni Prof. Pumasok na kami sa kotse para makauwi na. "Sure ba talaga kayong hahayaan lang natin siya? Baka isumbong niya tayo sa mga Alonzo. Masisira ang plano," nag-aalalang saad ni Aqua. "We'll know about it tomorrow," saad ko. Pinaandar na ni Black ang kotse at tinahak na namin ang daan pauwi. I know everything will go smoothly, I can feel it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD