Shaynne's POV
Day 4
Pasado alas tres na ng umaga ng bumangon ako sa kama ko. Ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog, magdamag akong gising habang inaalala ang nangyari kanina. Tama nga si Prof, hinayaan kong maapektuhan ako sa sinabi ni Miranda. Hinayaan kong umiral ang emosyon ko, na hindi dapat. Sa tatlong taon na pagsasanay, paghahanda na harapin ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng magulang ko.
Bumuntong-hininga ako bago nagpalit ng damit. Tahimik ang bahay tanda na nagpapahinga ang ibang kasamahan ko. Pero alam kong may gising pa sa amin para bantayan ang bawat kilos ng mga target namin. Salitan ang pagbabantay para makapagpahinga ng sapat ang bawat isa.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin at mag-ehersisyo. Dahil alas 3 pa lang ay wala akong nakitang tao sa labas. Itinali ko ang buhok ko at saka nagsuot ng ear buds para makinig ng musika. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ay naramdaman ko ang presensya sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita si Black na sumasabay sa akin sa pagtakbo.
"What are doing here?" matabang na tanong saka ibinalik ang tingin sa daan, pilit na binabaliwala ang presensya niya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.
"Nag-e-exercise. Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng mag-exercise dito?" bakas ang mapagbiro na tono sa pananalita niya kaya naman napa-irap na lang ako.
"Take the other route, I don't want a company," walang ganang saad ko. Tuluyan naman siyang natawa kaya namang kunot-noo akong napatingin sa kaniya.
Ano ba ang problema ng lalaking 'to?
"Who says I'm accompanying you?" saad niya saka naunang tumakbo sa akin. Bumagal naman ang takbo ko habang napatingin sa kaniya, napatawa ako ng kaunti dahil sa pagiging isip-bata nito.
Nakita ko naman ang pagbagal ng takbo niya saka humarap sa akin, patuloy pa rin siya sa pagtakbo ng patalikod. "The one who finishes the lap can be a winner, you don't like losing to me, aren't you?" sigaw niya. Napatingin naman ako sa paligid at tiningnan kung may nabulabog ba siya.
Siraulo ba siya? Alas tres pa ng madaling araw at heto siya at nagsisigaw sa daan? At saka sino'ng nagsabi na matatalo ako sa kaniya? Napangisi naman ako habang binilisan ang takbo ko para unahan siya. Agad din siyang humarap sa unahan at tumakbo na rin. We look like an idiot right now.
Habol hininga kami ng makarating kami sa harap ng gate ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto, naiiling naman ako na pumasok ng bahay. Kumuha siya ng 2 tubig habang pinupunasan ko ang pawis ko. Ibinigay niya sa akin ang isa kaya naman nagpasalamat ako rito.
"It was supposed to be a jog, but we made it look like we're from a marathon," natatawang saad niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong marathon? It's race! You're running like a maniac as if you're in a track in field competition. You're running on full speed," kontra ko sa sinabi niya. Sabay naman kaming napatawa dahil do'n. Uminom ako ng tubig nang mapansin kong naging tahimik siya. Nilingon ko si Black at nakita siyang nakatitig sa akin ng seryoso.
"May problema ba?" tanong ko na nakapukaw ng atensyon niya. Napailing na lang siya saka nag-iwas ng tingin at ngumiti.
"This is the first time that you laugh with me," nakangiting saad niya. "I mean, you didn't really laugh or smile that much when I'm around. You really hate me that much, huh," dagdag niya.
Naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Na-realize ko na tama siya, madalang lang akong ngumiti sa harap ng iba, lalong-lalo na kapag nandiyan siya. Paano ba naman kasi ako ngingiti kung puro pambabara at pang-aasar lang ang bukambibig niya?
"It's because you're always getting on nerve," saad ko sa kaniya bago uminom ng tubig.
"I hope that smile would last," seryosong saad niya bago nag-iwas ng tingin. Naguguluhan naman ako sa inaakto niya ngayon.
"Why are you being weird today?" tanong ko sa kaniya habang hinuhugasan ang pinaggamitan naming baso. Nilingon siya at nanatiling nasa mesa lang ang tingin niya. Nang matapos ako ay agad ko siyang tinapik, sabay pahid ng basang kamay ko sa kaniya. Tila hindi niya naman napansin iyon. "May problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing. Nagsasawa lang kasi ako sa mukha mong laging nakasimangot, gusto ko ngumiti ka naman para bago sa paningin," saad niya ng may ngisi sa mukha.
And now he's back.
"I would look like a fool if I keep on smiling without any reason." Naglakad ako palabas ng kusina, napansin ko namang sumunod siya sa akin.
"Oh come on, just smile for me, kapag nagsawa na ako sa ngiti mo, aasarin na naman kita," natatawang saad niya. Naparolyo naman ang mata ko dahil do'n. Kahit kailangan talaga, puro kalokohan lang ang alam ng lalaking 'to.
"Siraulo," nakangiting saad ko habang paakyat ng hagdan. Napahinto naman ako nang mapansin kong may nakaharang sa dulo ng hagdan. Tiningnan ko kung sino ang nakaabang sa dulo at nakita si Prof na seryosong nakatingin sa akin.
Pareho kaming napatigil ni Black at napalingon kay Prof. Tila napansin niya naman ang tensyon sa paligid pero parang wala lang sa kaniya. Nang walang kumibo sa amin ay nagpaalam na siya. Kami na lang ni Prof ang naiwan doon. Sinubukan kong umakyat pero at hindi magpaapekto sa presensya niya. Pero sadyang napatigil ako ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Shaynne," mahinang saad niya. Nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya. It's been a long ever since I heard that name. Ito ang pangalan ko pero parang estranghero ito sa pandinig ko.
"Shaynne is no longer alive," matabang na wika ko habang nanatiling nakatalikod sa kaniya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa damit ko. Nakakainis naman!
Hindi naman agad ito sumagot, nanatili lang akong nakatayo roon hanggang sa pinutol niya ang katahimikan sa pagitan namin.
"I'm... I'm sorry about last night," panimula niya. "I...I shouldn't have said that, I shouldn't have discarded how you felt..." Nakarinig ako ng yabag sa likod ko tanda ng paggalaw niya.
"But I wanted you to stay strong. This is just the starting line of the race Red, we will still be running and we will meet different challenges with different pain in it and I want you to stay focus to conquer it. We need to reach the finish line, Red. We need to catch the root of all this..." mahabang paliwanag niya.
I bit my lower lip to stop myself from sobbing, my hands started to form into a fist. I hate to admit na tama siya, simula pa lang 'to. Marami pa kaming dadaanan at kung patuloy akong magpapadala sa emosyon ko sa bawat laban na haharapin namin ay baka hindi ko na maabot ang huling level ng misyon. Baka hindi ko na mahuli pa ang pumatay sa magulang at kapatid ko. Hindi ko na makakamit ang hustisyang para sa kanila.
Naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa balikat ko. "I will do my best to protect you at all cost," rinig kong wika niya gamit ang malamlam na boses. Napayuko ako at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Saka tumingala at huminga nang malalim. Unti-unti akong humarap sa kaniya at sinalubong ang mga mata niya.
"I... I'm sorry," mahinang wika ko. Ngumiti naman siya ng tipid sa akin saka ibinukas ang mga kamay niya. Nakangiti naman akong lumapit sa kaniya saka yumakap, binalik niya naman ang yakap na iyon at marahang tinapik ang likod ko. Simula nang kupkupin niya ako pagkalabas ko ng kulungan ay hindi ko maiwasang tumingala sa kaniya at ituring siyang parang tatay ko.
Ako na ang unang kumalas sa yakap, sabay kaming napalingon sa likod ko ng may marinig kaming tumikhim. "Prof, gusto kang makausap ni White," saad niya. Tumingin naman sa akin si Prof at ginulo ang buhok ko bago umalis. Tuloy-tuloy lang sa paglakad habang sa malagpasan niya si Black, ni hindi niya ito nilingon o binati man lang. Umaakto siya na tila wala si Black doon.
"Nag-away ba kayo? I thought you're close," nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya ng tipid sa akin saka hinintay akong makalapit sa kaniya.
"Nah, we're really not that close..." kibit-balikat na wika niya.
"Not close? Eh, lagi ko kayong nakikitang magkausap ng kayong dalawa lang at ang seryoso niyo pa." Naglakad kami hanggang sa pinto ng kuwarto namin ni Aqua.
"Sabi nga nila, surround yourself with friends and enemy closer..." Nakangiting saad niya saka huminto sa tapat ng pinto ng kuwarto namin. "Anyways," Hinarap niya ako saka ipinatong ang kamay sa tuktok ng ulo ko. "It's good to have our Ace back, Red." Ginulo niya ang buhok ko saka umalis at pumunta sa kuwarto kung saan naroon sina White.
Naligo na ako at naghintay na magising ang iba naming kasamahan. Sabay na kaming nag-agahan at agad na nagtipon sa kuwarto kung nasaan si Miranda. Natutulog pa rin ito dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya, mabuti na lang at naagapan agad ito. Kailangan niya lang magpahinga upang makabawi ng lakas. Dinalhan namin siya ng pagkain saka naghintay na magising siya.
"We, now, have to convince Gomez to leave those crappy boss of his," saad ni Prof.
"Paano kung magsumbong siya sa pulis?" tanong ni White.
"He won't, he never trusted a police and if isusumbong niya tayo, matagal na sanang hinahanap ng pulis sina Red and Black." Sandali siyang tumingin sa amin. Alam kong ang unang paghaharap namin ang tinutukoy niya kung saad ako nahuli ni Gomez.
"He's awfully loyal to the family, how can we convince him to leave?" tanong ni Aqua.
"What do think? How can we convince him?" nakangiting tanong sa amin ni Prof. Napa-isip naman ako at naalala ang huling usapan namin bago kami lumuwas rito.
"He's family on Bataan." Sabay kaming napalingon ni Black nang sabay kaming nagsalita. Nagtawanan naman ang kasamahan namin.
"Sana all sabay," pang-aasar ni Aqua. Napailing na lang ako dahil do'n saka bumalik sa diskasyon namin. Pinagplanuhan namin ang gagawin namin mamaya, napalingon naman ako sa kama kung saan nakahiga si Miranda.
"Is it safe to talk about the plan here?" tanong ko nang hindi tinatanggal ang tingin kay Miranda. Napalingon naman sila roon.
"She's highly sedated just like how high she get on taking drugs, ang deperensya lang ay buong araw siyang tulog kaysa gumawa ng mga nakakabaliw na gawain," sagot ni White.
Napatingin naman ako kay White, kaya ba tinawag niya si Prof kagabi? Para rito? Nakakamangha lang na makita si White na ginagamit ang talino niya at ang kakayahan niya.
"Okay, so ano na? Final na 'to?"
"Oo."
Napatingin kaming lahat sa isa't-isa.
"Let's take Gomez out of the game..." determinadong saad ko.