Chapter 24

2469 Words
Shaynne's POV Day 3 continuation "Dapa lahat!" sigaw ni Aqua habang ginugrupo ang mga taong naroon. Nang maging mapayapa na ang mga tao sa baba ay nakita kong umakyat na si Black papunta sa direksyon ko. "Let's get it done," bulong niya sa akin bago binuksan ang pinto. Kalmado namang pumasok si Black kaya agad akong sumunod sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila lalo na nang mapansin nila ang hawak naming armas. Naalarma naman ang guwardiya sa loob at hinugot ang baril nito. Hindi naman ako nagpatalo at agad na itinutok ang hawak na armas sa kanila. Hindi hamak na mas nakakatakot ang hawak kong riffle gun kaysa sa pistol niya. Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha nito at agad na napatingin sa amin ni Black. 4 na guard ang nagbabantay sa lugar na ito ang tatlo ay nasa baba at siya lang ang narito sa baba. Napasuko na rin nina Aqua ang mga guwardiya sa baba kaya wala na silang magawa pa. "Drop the gun," utos ko sa kaniya. G 0Dahan-dahan niyang ibinaba ang armas saka itinaas ang dalawang kamay na nagpapahiwatig ng pagsuko niya. Itong mga taong ito na nabubuhay ng maginhawa at nagsasayang ng perang nakuha nila mula sa kaban ng bayan sa ilegal na bagay. Mayayaman na tao na ginagamit ang pera nila para pagtakpan ang mga kasalanang ginawa nila. Sa isang tingin ko pa lang sa kanila ay nandidiri na ako. "Walang gagalaw!" babala ko sa kanila nang may nagtangkang gumalaw sa kanila. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Black kaya agad ko siyang tinapunan ng matalim na tingin. Tingnan mo 'tong lalaking 'to, nagagawa pang mang-asar sa kabila ng situwasyon namin ngayon. "Relax, Red. Just go and get Miranda, I'll take the other guest downstairs," utos niya sa akin. Aangal pa sana ako pero tila naubusan na ako ng lakas makipagtalo sa kaniya kaya naman tinulungan ko na lang siyang kumpiskahin ang mga telepono ng mga VIP na narito. "Okay, ladies and gentlemen. I want you to fall in line and follow what I said to avoid any damage," anunsyo ni Black na siya namang sinunod ng mga tao roon. Natigil naman ang lahat ng may isang tao sa silid na nagreklamo sa utos ni Black. "Sino kayo para utusan kami ng ganito!" sigaw nito. Pumihit ako paharap sa kaniya at itinuon sa kaniya ang matalim na tingin na ibinigay ko kay Black kanina. Unti-unti akong lumapit sa kaniya, kita ko ang takot sa mga mata niya kaya naman napangisi ako. "That's right. You should be afraid," usal ko sa isip ko. Mariin ko siyang tinitigan saka bumaba ang tingin ko sa mesa sa harap niya. Nakaupo pa rin siya roon at nakatingin sa akin. Lumapit pa ako sa kaniya at yumuko para ilapit ang mukha ko sa kaliwang tainga niya. "Nice to see you, Miranda," bulong ko sa kaniya bago kinuha ang nakatagong telepono niya sa ilalim ng mesa. Tiningnan ko ito at nakitang may tinawagan siyang unknown number. Tumingin akong muli sa kaniya saka inilagay sa tainga ang cellphone. "Miranda? Bakit ka napatawag?" rinig kong tanong ng tao sa kabilang linya. Inilayo ko ito sa tainga ko at saka pinatay ang tawag. Ibinigay ko ang cellphone kay Black na tahimik na nagmamasid sa sulok. "Ako na ang bahala sa kaniya," saad ko rito. Tinanggap niya naman ang cellphone at binulsa iyon. Tinawag niya si Teal na agad namang lumapit sa amin. "Teal, I want you to guide this people downstairs and make them settle down and make sure they won't make any troubles," utos niya kay Teal. Pinangunahan niya ang pagpapalabas ng mga tao sa loob ng VIP room. Nang akmang sasama na si Miranda ay agad ko siyang pinigilan at muling pinaupo sa upuan niya. "You stay here," utos ko sa kaniya. Naguguluhan naman siyang napatingin sa amin. "B-bakit? Bumaba na silang lahat. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Nakuha mo na ang cellphone ko, hindi ba?" nauutal na wika niya habang nakatingin sa nakasarado nang pinto. "You're actually what we came for," saad ni Black saka lumapit. Inilabas niya ang duck tape saka ito inilapag sa mesa. "And your cooperation is the key for your freedom, sounds good?" dugtong niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Kung kanina ay sinubukan niyang itago ang takot na nararamdaman niya, ngayon naman ay kitang-kita na ito. Bumibilis na rin ang paghinga niya at panay ang singhot. "Ano kailangan niyo? Bakit niyo ginagawa sa akin 'to?" tanong niya sa amin. "Hindi niyo puwedeng gawin sa akin 'to! Hindi puwede!" mula sa takot ay naging agresibo siya at nagsimula nang magsisigaw. Nang sinubukan siyang hawakan ni Black ay agad niya itong itinulak at nagsimulang tumakbo. "Open that door and I'll blow up your brain," banta ko sa kaniya habang nakatutok ang baril sa kaniya. Natigilan naman siya dahil do'n at nanatili sa posisyon niya. Hindi siya gumagalaw at hindi rin lumilingon sa amin. Narinig ko ang pagtawa ni Black saka ito kampanteng umupo sa mesa. "Relax, Red. You're scaring her," natatawang wika nito. Hindi ko siya kinibo at nanatiling nakatuon ang atensyon kay Miranda. "Ms. Luzon, kung ako sa 'yo ay babalik na ako sa upuan ko at makikinig na sa amin. Nakakatakot oa namang magalit 'tong kasama ko," pagbabanta ni Black na tila isang bata ang tinatakot niya. Unti-unti namang pumihit paharap sa amin si Miranda saka palipat-lipat ang tingin sa amin. Itinaas niya ang dalawang kamay, agad akong lumapit sa kaniya at pinaupo siya sa upuan niya. Kinuha ko ang duck tape at sinimulang i-tape ang mga kamay at mga paa sa upuan. Nang pumayag na siyang makipag-negosasyon sa amin ay sinimulan na namin siyang tanungin. "Okay, Miranda Luzon. 36 years old, single, owns a restaurant, a chef, a hero, a gambler, a thief, a drug addict and an impostor," tuloy-tuloy na wika ni Black. Kita ko naman ang pagbilog ng mga mata ni Miranda na tila nagulat siya sa narinig niya. "H-hindi...Wala...wala akong alam sa pinagsasabi niyo," nauutal na saad niya saka umiwas ng tingin sa amin. Lumapit ako sa kaniya saka itinutok ang baril sa sintido niya. Agad naman siyang umiyak. "Sino ang boss mo?" mariing tanong ko. "W-wala...wala!" paghe-hysterical niya. Umiling-iling pa siya nang wagas at umiiwas ng tingin sa amin. "Wala?" tanong ko. Tumango naman siya pero hindi pa rin tumitingin sa amin. "Eh kung buhay mo kaya ang mawala?" pananakot ko. Muli na naman siyang nag-hysterical at umiyak na parang bata. "H-huwag...wala akong...Hindi ko sinasadya. Hi-hindi ko alam. Hindi ako ang gumawa," saad niya sa akin habang umiling-iling. Napakunot naman ang noo namin dahil do'n. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi sinasadya ang alin?" tanong ko sa kaniya. Unti-unti naman siyang tumingin sa akin bago tumingin sa paligid. "Ang sunog...'yong sunog..." nauutal niya pa ring saad na tila natatakot siya. Panay pa rin ang tingin niya sa paligid na tila ayaw niyang may makarinig sa pinag-uusapan namin. "Hindi ako ang may gawa...wala akong ginawa...wala akong kasalanan," wika niya. "Tulungan niyo ko, tulungan mo 'ko!" dagdag pa siya at muli siyang nagsimulang nagsisigaw. Agad kaming kumuha ng duck at tinakpan ang bibig niya. "Nagsisinungaling siya," saad ko. "O nagsasabi siya ng totoo," wika naman ni Black. "I'll call Prof, watch her," saad niya bago lumabas ng kuwarto. Naiwan naman ako roong napa-isip. Imposible, nagsisinungaling lang ang babaeng 'to. Gumagawa siya ng kuwento para hindi siya makulong. Ayaw niyang harapin ang kasalanan niya. Sa gitna ng pag-iisip ko ay naririnig ko pa rin ang ingay niya kahit may takip ang bibig niya. Tumingin naman ako sa kaniya at binigyan siya nang nagbabanta na tingin. Pero hindi pa rin siya tumitigil kaya inis akong lumapit sa kaniya at walang sabing tinanggal ang tape. Napahiyaw naman siya sa sakit no'n. "Mananahimik ka? O papatahimikin kita?" banta ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot ang nanatili lang nakatingin sa akin, lalo na sa mga mata ko. "Kilala mo ba 'ko?" kunot-noong taong niya sa akin. Nanatili lang na gano'n ang reaksyion ko, hindi ako papayag na makita niyang naaapektuhan ako sa mga sinasabi niyang wala namang kabuluhan. "I just know a criminal like you," saad ko sa kaniya. "Hindi! Kilala kita! Hinding-hindi ko makakalimutan ang mata na 'yan," saad niya. Napakurap naman ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito! Ikaw! Dapat ay tinulungan mo akong makalabas pero hinayaan mo kong makulong," bakas ang galit sa boses nito. Unti-unting kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Attorney Villegas!" sigaw niya. Bumilog naman ang mata ko dahil sa narinig ko, umatras ako mula sa puwesto ko na malapit sa kaniya. Paano niya nakilala ang magulang ko? Paano niya nakilala si mama? "Pero matagal ka nang patay! Paano ka nabuhay? Hindi! Imposible 'yan! Dapat kang mamatay! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!" sigaw niya. Lumapit ako sa kaniya at sinakal siya. Natigil naman siya sa pagsasalita at napa-ubo sa biglaang pagsakal ko sa kaniya. "Ano'ng alam mo sa kaniya?!" tanong ko sa kaniya. Niluwagan ko ang hawak ko sa kaniya nang mapansin kong gusto niyang magsalita. "Kinulong niya ko, wala akong kasalanan. Prinotektahan ko lang ang sarili ko, pero kinulong niya ako!" sigaw niya. Unti-unti namang bumalik ang ala-ala ko sa mga magulang ko noon kung saan nakita ko silang balisa. Nagising ako no'n kaya naisipan kong kumuha ng tubig sa baba. Pagbaba ko ng hagdan ay narinig ko ang boses ng mga magulang ko. Nasa sala sila at tila may pinag-uusapan silang importante. "Sally, wala tayong magagawa," rinig kong saad ni papa. "No. May magagawa tayo Edward, puwede nating i-appeal na self-defense ang ginawa niya," rinig kong saad ni mama. "Pero napatay niya ang tao, kahit saang anggulo tingnan ay may kasalanan pa rin siya," paliwanag ni papa. Kitang-kita ko ang frustration sa mukha nila. "Alam ko, hindi ko naman sinasabing hindi niya pagbabayaran ang ginawa niya ang sa akin lang ay sana man lang ay mabawasan ang sentensya niya. It's not entirely her fault, Miranda's father was abusive at napuno lang siya," malungkot na wika ni mama. Napaupo naman si mama at napahilamos sa mukha niya. Dinaluhan naman siya ni papa. "Alam ko, Hon. Tutulungan natin siyang hindi makatanggap ng habang buhay na pagkakakulong pero kailangan niya pa ring makulong," saad ni papa. Nabalik ako sa wisyo ko nang marinig kong muli ang boses ni Miranda. Hindi ko akalain na siya ang babaeng tinutukoy ng magulang ko noon. Pero ginawa nila mama 'yon para sa kaniya. Saka isa pa ay choice niya ang magpakalulong sa droga, hindi kasalanan ng magulang ko ang bagay na iyon. "You don't know anything," saad ko sa kaniya at akmang aalis na ng kuwarto ng muli na naman siyang nagsalita. "Sino ka ba? Ikaw ba ang anak nila?" tanong niya hindi naman ako sumagot. "Tingnan mo nga naman, nandito ka ba para maghiganti sa nangyari sa magulang mo? Ipakukulong mo 'ko? Gano'n ba? Magkatulad na magkatulad lang kayo ng magulang mo, gusto niyo akong mabulok sa kulungan. Pero hindi mangyayari 'yan! Hindi ako hahayaang makulong ng mga Alonzo!" Natigil naman siya sa pagsasalita nang ma-realize niya ang binitawan niyang mga salita. Unti-unti akong lumapit sa kaniya, dahan-dahan at seryosong nakatingin sa kaniya. "How I wish they let you rot in jail but I'm also relieved they didn't. 'Cause I'm gonna be the one who'll send you to hell,"saad ko sa kaniya. Tumalikod ako at umalis sa kuwarto, bago pa man ako makalabas ay muli akong huminto at humarap sa kaniya. "At isa pa ay mali ka ng inaakala. Hindi kami magkatulad ng magulang ko, they worship the law and I...worship nothing, no one." Agad kong hinugot ang caliber gun na ibinigay sa akin ni Black kanina at iyon ang ginamit ko para barilin siya. Umalingawngaw ang ingay niya sa buong silid saka ako lumabas. Bumungad naman sa akin si Black at nagtataka siya ng marinig ang boses ni Miranda. "What did you do?" tanong niya. Walang ekspresyon ko siyang tiningnan saka nagkibit-balikat. "Nothing." Bumaba na ako at hinayaan siyang umakyat at pumuntang kuwarto. Kinuha ko ang bag na may lamang gas mask at inihagis iyon kina tatay Lime at Aqua. "Let's wrap it up," sigaw ko. Tumango naman sila at lumapit na sa akin. Kinuha ko naman ang gas bomb na ginawa ni Aqua. Hindi ito nakamamatay, patutulugin lang nito ang taong makalalanghap ng amoy nito. Tinapon ko ito sa puwesto kung saan nakalugar ang mga tao. Narinig ko pa ang pag-ubo nila. Umakyat na kami sa second floor at bumungad sa amin si Teal at si Black na inaalalayan ang walang malay na si Miranda. "This is not part of the plan, Red," saad ni Black sa akin. Hindi ko muna siya sinagot at ibinigay lang ang mask sa kanila nang makita papaakyat na ang usok. "She's not dead yet, kaya umalis na tayo rito bago pa man siya maubusan ng dugo," saad ko saka nagtungo sa fire exit. Sumunod naman sila sa akin at sabay na kaming pumunta sa sasakyan. Pinindot ko ang ear buds ko para kausapin si Prof. Kanina ko oa kasi ito in-off. "We're going back," simpleng saad ko bago ito pinatay, hindi na hinayaang may masabi pa siya. Alam kong si Prof at si White ang nagsabi kay Black kaya nalaman ni Black na may ginawa ako. Pinapanuod nila kami sa CCTV na nasa restaurant kaya hindi na ako nagtaka pa. Nang makarating kami sa hideout ay alas onse na nang gabi. Sinalubong naman jami ni White sa gate at pinagbuksan kami ng pinto. Karga-karga nila si Miranda papasok sa bahay para gamutin ang tama nito. Papasok na sana ako ng tinawag ako ni Prof. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. "Hindi iyon kasama sa plano, Red," wika ni Prof. "Hindi ko siya pinatay," saad ko. "Pero binaril mo siya, hinayaan mong maapektuhan ka sa sinabi niya. Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na kontrolin mo ang galit mo, huwag mong sayangin ang ilang taong sinakripisyo mo para makarating ka sa punto na 'to," pangaral niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya, hindi namalayang umiiyak na pala ako. "At anong gusto mo? Hayaan ko siyang pagsalitaan ng gano'n ang magulang ko? Sa tingin mo hahayaan ko!" sigaw ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko pero hindi ko na iyon pinansin at nanatili ang tingin kay Prof. "What's the point of training yourself? Ibabalewala mo lang iyon?" mahinang saad niya. "Stop! Stop it! Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon! Wala kang alam," saad ko saka tumalikod sa kaniya. Nakita ko ang ibang kasamahan naman na nasa pinto at nakatingin sa akin. Bago pa man ako tuluyang makapasok ay narinig ko pa ang sinabi ni Prof. "Trust me, Red. I know what you felt, I know it..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD