Prologue
Disclaimer: events, characters, places, incidents, etc, are all work of fiction.
Warning: this story is unedited so it may have grammatical errors and typographical.
Ps: Feel free to correct me kung may grammatical errors. Thanks!
TW: THIS STORY CONTAINS VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE.
-
"Huh?! pinagsasabi mo?! Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo! Kaya pakawalan niyo na ako please lang!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Nakatali ang dalawa kong kamay sa likod ng upuan at yung mga paa ko naka tali rin. Kanina blinind fold nila ako, pero nung nagkaroon ako ng malay, tinanggal nila ang blindfold sa mata ko.
"Manahimik ka! Gusto mo bang mamatay?!"
I screamed for help as high as I could ngunit nakaramdam ako ng isang malakas na suntok at paghampas ng baseball bat sa tiyan ko. Hinang hina ako sobra. Wala akong lakas. Parang kulang nalang isuka ko yung mga organs ko sa loob ng katawan ko sa pagkaka hampas nila sakin.
Bago pa man ako maka sigaw ulit para murahin sila nang todo-todo, nakaramdam ako ng pag hampas ng baril sa muka ko. Napahiga ako sa sahig kasama ang upuan dahil nakatali ako. Hinang hina ako, wala na ako kakayahang sumigaw pa para manghingi ng tulong.
Ramdam kong unti-unting nagiging inaudible na ang parinig ko, kasama ang pag tawa ng apat na lalaki na nakasuot na itim habang naka mask upang hindi sila makilala. Bago pumikit ang aking mga mata dahil sa panghihina, may narinig ako ng boses ng lalaki.
"Faizah?!"
Pagkatapos niyang tawagin ang pangalan ng babae, my vision went black.