I - Her

4772 Words
"Faizah!" Napalingon ako sa likuran ko nang mapansin kong pawis na pawis si Mia. Halatang inis na inis na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa tuwing na nakikita ko siya. "Bakit?" nahihirapan kong sabi. Nang makalapit siya, nakaramdam ako ng isang malakas na sampal. Halos napatulala ako nang ilang segundo, habang hawak hawak ko ang pisnge ko. "Yong research paper, nasaan na ha?! pasahan na ngayon, may defense pa!" she yelled at me at the top of her lungs. "Sorry... ginawa ko rin kasi yung research paper namin ng kagrupo ko-" "Wala akong pake!" she said hysterically. "'Di ba sinabi ko sa'yo na babayaran kita?! Tutal pulubi ka naman!" "Pero-" Sasampalin niya na dapat ako nang biglang dumating Caleb. "Babe, anong ginagawa mo kay Fye?" kunot noong tanong ni Caleb. "A-ah... siya kasi, eh! She tried to away me, you know?! Kaya nag self-defense ako," may halong arteng sabi ni Mia. Ako nanaman? Wala naman akong ginagawang masama. Siya nga 'tong biglang nanampal dahil hindi ko nagawa yung research paper nila ng kagrupo niya. Pero.. wala rin ako magawa. Anong laban ko roon? Pumapayag ako na ako ang gagawa ng mga activities nila kasi may kapalit naman na pera, which is 1k pesos 'yon. Sayang naman kung tatanggi ako. Ipinapang bayad ko 'yon para sa gamot ni Mama dahil may sakit siya. Ayoko nakikita siyang nahihirapan, lalo pag inaatake siya ng asthma niya, inaatake ako ng panic attack at anxiety ko. "Let's talk." "Hindi-" Biglang hinila ni Caleb ang wrist ko nang sobrang higpit papalayo kay Mia. Bago kami makalayo, tumingin ako sa gawi ni Mia, naka ngisi siya habang pinapa kulot-kulot ang buhok niya gamit ang index finger niya. Nang makalayo kami, inis kong tinanggal ang pagkakahawak ni Caleb sa wrist ko at napansin kong namula ito tapos bumakat. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon, Fye?! Bakit kasi hindi kana lang sumunod, ha?!" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, I clenched my fist dahil nagpipigil ako ng galit. Wala akong laban... "Caleb, grades ko ang nakasalalay roon sakin!" Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. I heard him scoffed tapos nakamewang. "Hindi ka naman ganito noon, Caleb... nag bago kalang simula noong nakilala mo si Mia. Ilang years ang friendship natin, Caleb! 7 years ang friendship natin tapos ga-ganituhin mo'ko dahil lang sa na nadinig mo?! Nagpapaniwala ka roon?! Sana naman inalam mo ang side ko!" I said while sobbing but I still managed to talk. Napansin kong nag bago ang expression ng muka niya pero nag bago rin 'yon agad. "Eh, kung hindi mo ako tanggap at kung hindi ka masaya para sakin, edi ano pang silbi ng pagkakaibigan natin?! Kung totoong kaibigan ka, tatanggapin mo ako kung sino ako!" "Tanggap kita, Caleb! Kilalang kilala kita pero ang laki ng pinagbago mo simula noong-" "Cut that! 'di ko kailangan ng opinyon mo, Faizah Vera!" - Later that day, mag hapon akong nakatulala sa klase. Hindi ko parin si-sink in yung nangyari kanina. Ganoon nalang ba 'yon? Ganoon nalang ba kadali sirain ang friendship namin dahil lang sa isang babae? O baka dahil mahirap lang ako, hindi kagandahan at hindi ganoon kakilala katulad ng mga ibang estudyante? Balita ko pag kasi mala perpekto ang tao, hindi nila kayang bitawan maging kung pagkakaibigan man 'yon o relasyon. Minsan kahit pinapahamak na sila noong tao na 'yon o halos sirain ang buhay nila, nag s-stay parin sila kasi nga gwapo o maganda. "Ma, nakauwi na ako." ngiti kong sabi nang matanaw ko si Mama nanonood ng T.V katabi ang kapatid ko na si Aria. "Kain kana riyan. Nag luto ako ng dilis. 'Yan lang muna ang ulam natin. Wala pang pera si Mama, pasensya na." "Ma, ano ka ba, ayos lang 'yon. Masarap nga 'to eh." sabi ko habang ngumunguya ng dilis. Nag prepare ako para sa dinner ko dahil sa sobrang gutom ko at pagod. Habang ako kumakain, gumagawa narin ako ng survey. Nang matapos ako gumawa ng assignment, biglang sumagi sa isipan ko yong mga pinagsasabi sakin ng mga tao tungkol sa pamilya ko. Marami kasing nagsasabi na hindi ko halos kamuka si Mama at Aria. Si Papa naman, may pumatay raw sakaniya noong wala pa ako. Pero totoo kaya lahat nang 'yon? Pwede ring buhay pa siya. Minsan kasi nahahalata ko na parang may tinatago si Mama sakin. Hay... sakaka nood ko 'to ng movies eh. Bahala na. Habang ako nakapikit naramdaman ko na parang may nakakasilaw kaya idinalat ko ang aking mga mata. "Istorbo 'tong araw na 'to." inis kong sabi. I stretched my body while my body was glued on my bed. "Mmm." I said while stretching. I rubbed my eyes as I yawn. Pagkabangon ko, napansin kong walang tao. Saturday naman ngayon kaya pahinga ko. Dapat tanghali pa ang gising ko, epal lang talaga yung araw. Tatayo na dapat ako nang bigla ko maalala yung panaginip ko kagabi. Kunot noo kong inaalala. Parang nasa action movies ako! Naglakad ako papuntang salas at umupo ako sa sofa. Shet. Ganoon ba pakiramdam pag main character sa mga movies?! Maya maya, may biglang kumatok sa labas ng bahay kaya agad ko itong pinagbuksan. "Fye!!!" sigaw ni Emma. "Ang aga mo, Emma. Ano ginagawa mo rito?" "Wala lang! Papasok ako ha?!" "T-teka lang naman... kita mo nang magulo pa bahay, eh!" "Wala akong pake, Fye. Sige naaaa!" pag pupulimilit niya. Hindi naman 'to pumupunta halos sa bahay. Anong problema nito? Na ba-baliw nanaman siguro 'to. "Ano bang problema?" kunot noo kong tanong. "Ahh... ehh... si ano kasi... si Aling Marites sinisngil ak-" "Ang yaman yaman mo tapos magkakautang ka? Aba hima-" Pinutol niya ang sasabihin ko dapat dahil bigla siyang pumasok sa loob ng bahay habang yung dalawang kamay niya nakahawak sa- Boobs ko! Nang makapasok kami, bago niya isira yung pinto, tumingin muna siya magkabilaan sa labas tapos isinara niya. "Basto-" "I have something to tell you kasi!" Napa singhal ako tapos nag kamot ulo. "Ano 'yon?" "Sinaktan ka nanaman ni Mia?" may halong inis at pagaalalang tanong niya. What?! 'Yon lang itatanong niya?! Tapos kung makapag madali siyang pumasok parang may humahabol sakaniya! "Huh? Absent ka kahapon ah..." Hindi niya pinapansin yung tanong ko. Dumiretso siya papuntang kusina tapos nag bukas ng refrigirator. Ang kapal ng muka! Kumuha siya ng tatlong crinkles tapos tumingin siya ulit sakin. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Fye? Nung grade 12 pa tayo ganyan. Hinahayaan mo lang na ganyanin ka nila tapos magtataka ka kung bakit ganyan ang trato nila sa'yo." sabi niya habang ngumunguya. Napakunot ang noo ko. "Akala mo ba ganoon lang kadali?" "No, that's not what I meant. I know it's hard, Fye. Pero wag mong hahayaang makita nila kung ano ang kahinaan mo at pag naduduwag ka. kasi they can take advantage of your weakness. Tignan mo ngayon." Isinubo niya yung pangalawang crinkles habang naka kunot ang noo. May point naman siya... kaso paano ba? "Anyway, alam mo ba na may napaginipan ako kagabi," ngiti niyang sabi. Napatingin ako sakaniya tapos biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang maalala ko rin yong panaginip ko. Kasali rin kaya siya sa movie ko?! "Ano 'yon?" "Nag kiss daw kami ni crush!!!" tumili siya nang malakas tapos inalog alog ako. Corny, amp! "My god, Fye! Baka sign na 'yon na may pagasa talaga ako?!" kinikilig niyang sabi. "Nako, wag kana umasa. Rineject kana nga noon eh," "Aray ha!" sabi niya sabay hawak sa dibdib na kunwaring nasaktan. "Nagsasabi lang ho ng totoo," I chuckled. "Mama mo blue," "Crush mo nagpakita ng motibo tapos rineject nong nag confess," I fired back. "Hay..." malakas niyang sabi na may halong dismayado. Ibignagsak niya ang katawan niya sa sofa, "Pfft. Saksakin mo nalang ako, Fye." Matagal kaming nag kwentuhan ni Emma. Wala kami kundi ginawa ay mag tawanan at mag biruan. Gusto ko sana mag kwento sakaniya tungkol sa panginip ko kaso feel ko ang O.A ko masyado. Pero... ikaw ba naman kasi maging main character sa movie, sinong hindi maa-amaze roon?! "Fye." Parang gusto ko na tuloy maging actor! "Fye!" Tapos ang una kong kakalabanin si Emma! Ang O.A, e. Puro crush yong bukambibig. "Hoy, teh!" Napatingin ako kay Emma tapos ngumiti. "Oh?" "You're spacing out! Hindi mo manlang pinapakinggan kung ano sinasabi ko," I gave her an apologetic smile. "Sorry na. Dami kong iniisip, eh." "Like?" Kunot noo niyang tanong. Ang chismosa ha! Bahala ka riyan. 'Di ko sasabihin sa'yo. "Nevermind that. Emma, magka muka ba kami ni Mama?" Bigla nag iba ang expression niya tapos tumawa nang pilit. "Huh? Oo... siguro? Bakit?" I pursed my lips, "Wala lang. May kutob kasi ako, eh," "Na ano?" "Baka ampon ako?" patanong kong sabi. Duh! Malay lang. Baka mamaya mala teleserye ang buhay ko. Tumawa ulit siya tapos hibampas braso ko. "Ikaw talaga! Joker ka rin pala 'no?!" I shook my head tapos huminga nang malalaim. "Hindi 'no! Siguro kamuka ko si Papa. Ano kaya itsura niya?" patanong kong sabi. "Yeah, I wonder. Anyway, uwi na ako, Fye. Thank you," she gave me a small smile. Tumango lang ako at unti-unting nag laho si Emma sa paningin ko. After a few weeks, sobrang nabusy ako sa studies ko. More on research, thesis, essays, activities, quizzes, at long test. Tapos bukas, midterm na nanin. Kakabahan ba ako? Nag aral naman ako, eh. Inaral ko nang mabuti yong topics na lalabas sa tests. Mabuti nalang mabait si Miss dahil binigay samin yong topics na ire-review. "Girl, wala ako naintindihan sa inis-study ko kahapon!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Emma. "Hala, edi para saan pa yong group study natin? Parang kala mo naman makakapag cheat ka roon!" "Bahala na. Kung 'di man ako makapasa, edi hindi. Sarili ko nalang ang isasabit ko sa kisame na parang parol," she joked. Pucha, lakas maka dark humour nitong babaeng 'to. Pero I agree naman. Kung mag fail man ako, edi I would hang myself against the ceiling. "Hoy, para kang gago riyan. Tumatawa ka magisa!" Natatawang sabi ni Emma. I got back to my senses when Emma poked me. Nag muka tuloy akong baliw. "Hindi ba pwedeng kaya ko patawanin sarili ko? Kaya dahil doon hindi ko na kailangan ng jowa?" Natatawa kong sabi. "Pfft. Weh, corny. Wala na," Epal talaga, oh! Wala na ako ginawa buong araw kundi mag linis, mag luto at manood ng T.V habang wala sila Mama. Nag laba na rin ako ng mga labahang damit para wala nang gagawin si Mama. Ang dami pa naman, 2 baskets na puno! Usually ang kasama ko mag laba si Aria, eh. Kaso may practice sila para sa graduation nila. Pagka Monday, napansin kong may nag kukumpulan sa may gate ng School. Ano nanaman 'yon? Sikat na estudyante? Transferee? "Manong, para po." sagot ko habang naka tingin parin sa gate ng school. Huminto yong tricycle tapos ibinigay ko kay Manong yong bayad galing sa bulsa ng palda ko. Agad akong lumabas ng tricycle tapos dahan-dahan lumapit. Napaawang ang labi ko nang mapansin ko ang lalaki na nakaitim tapos naka salamin na itim din. Pa mysterious ba 'to? Napatingin din ako sa likuran niya, nanlaki ang mata ko nang mapansin ko ang brand ng car. Ferrari 458 Italia?! Napatakip ako ng bibig. Tumingin ulit ako sa matangkad na lalaki, napatingin din siya sa gawi ko. Kumunot naman ang noo tapos tumingin ako sa magkabilaang side ko. Wala namang tao! Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya, tinanggal niya ang salamin niya habang nakatingin parin sakin. Problema nito?! I feel so uncomfortable! May dumi ba sa muka ko? Tumakbo ako papasok ng school kung saan wala masyadong estudyante. Ramdam ko parin na sinusundan niya ako ng tingin. May utang ba ako roon? gagawin niya rin ba akong alalay tulad ng ginawa ng mga ibang estudyante rito sakin? ipapahiya niya ba ako kasi mahirap lang ako? Pero imposible naman ata 'yon. Hindi nga namin kilala ang isa't isa eh. Ngayon ko lang din siya nakita. Habang ako nag lalakad sa mismong loob ng school, bigla namang humarang si MIa kaya halos mapatalon ako. "Do you know each other?!" bungad ni Mia. Napakunot ang noo ko. Huh? 'Do you know each other' daw? "S-sino?" ewan ko ba! Ang lakas ng t***k ng puso ko kapag malapit siya sakin at kinakausap ako. Siguro masyado lang talaga ako natrauma noong mga pinag gagawa niya sakin noon. "That guy!" she said while pointing to the guy na nakaitim. "Hindi ah," mabilis kong pag tanggi. "Oh, really? then why is he staring at you like that, huh?! I bet you know each other. Baka nga sipsip ka pa riyan or you flirted with him, you b***h!" That caught me off guard. Why would I do that?! Hindi ko nga 'yon kilala. Hindi ko rin maiwasang masaktan dahil sa pag ju-judge niya sakin. Sa totoo lang, bago ako makapasok dito sa private Catholic school, binalaan na ako ni Emma na mas malala ang bullying dito kaysa sa public. Some private schools daw mga manipulative sila at ibu-bully ka mentally hindi physically... pero si Mia iba, eh. Parehas ang ginagawa niya. Naging magkaibigan kami ni Mia noon kaya naman nakilala ni Mia si Caleb. Mia was my first friend. Siya ang nag approach sakin, tinour niya pa ako rito sa school. Madalas niya rin akong linelibre at tinutulungan sa mga assignments noong Grade 12 kami. Kaso ang bukambibig niya si Caleb. Trio kasi kami ni Caleb, ako at Emma. Sabay-sabay kami pumasok sa school na ito. Ang kaso nga lang, hindi namin kaklase si Emma kaya ang palagi kong kasama, si Caleb. Nagkikita lang kami ni Emma pag recess, sa cafeteria kami lagi. *Flashback* "Hey, you're Faizah... Andres... right?" I stared at her for a second. "Vera.. Faizah Vera," ngiti kong sabi. She gave me a wide smile, "Nice to meet you! Bago ka rito 'no? Do you want me to tour you here?" Hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko rin maikot itong school. Hindi naman ako makapagikot dahil baka mawala pa ako. "S-sure..." social anxiety... inaatake nanaman ako. Ugh! She held my hand tapos napatingin siya sakin habang hawak-hawak niya parin yong kamay ko. "You're shaking, ayos ka lang?" "Uh... y-yeah," I smiled at her. "For real? Girl, I think you're having an anxiety right now!" she held jer chest. "It's okay. There's no need to feel nervous. We can be friends... you can trust me though." she smiled. With that smile, I know we are meant to be friends. Ang bait niyang tignan. "Thank you," mahina kong sabi. "So... tara na?" I nodded as a response. Habang kami naglalakad sa hallway, bigla siyang tumigil sa paglalakad. Humarap siya sakin, "Are you friends with Caleb?" Napakunot naman ang noo ko. "Oo. Bakit?" She smiled. "I like him, can you reto me to him?" she said while trying to hide her smirk. Natawa ako nang mahina at nagisip ng sasabihin for a second. "Hindi ko alam kung ready pa 'yon makipag relationship, eh. Broken kasi-" "I don't care. With this face?" turo niya sa muka niya. "I can pull both genders. I can even change a cheater or some gagos into matino. Mostly na o-obsessed sila sakin," confident niyang sabi. Malakas ang charisma niya. Maganda siya. Matangkad, sexy, popular, and smart. I guess. Hindi ako sure kung matalino! "Sige. I will try to talk to him regarding that," "Regarding?" kunot noo niyang tanong. "Pinagsasabi mo, Faizah? Hindi ba dapat 'about' yon? Ikaw ha, akala ko ba naman matalino ka." umiling iling siya. "Hayaan mo, tutulungan kita sa acads. Tara na?" Parehas lang naman yon, ah? "Pero-" "No buts! Let's go na." she grabbed my hand tapos tinour niya na ulit ako. After a few months, unti-unting nagbabago si Mia the more na nagiging malapit sila ni Caleb. Minsan pinapahiya niya ako pero sa ibang way. Minsan pinag mumuka niya akong bobo kahit siya naman yong mali at minsan pinapahiya nya ako sa harap ng klase o mga kaibigan niya. And more na nakikilala niya ako, nagiiba ang trato niya sakin. "Seriously, nakapasok kalang dito sa scholar? So that means... wala kang pera pang bayad sa tuition kaya you took the advantage para makapasok ka rito?" she said with a shocked face. Naguusap kami ngayon kasama ang mga kaibigan niya, sinasadya niya pang lakasan. "H-hindi naman.." nahihiya kong sabi. "Faizah, stop lying. How come you have the guts to lie? Didn't I tell you before na you can trust me? And we are friends that's why you should tell me everything about you," she tried ro convince me. I licked my lower lip, "Hindi pa kasi ako komportable, Mia..." mahina kong sabi. Napatayo naman siya kaya napayuko ako. "So, what are friends for?! Are you saying na you don't trust me?!" she said hysterically. "I mean-" "f**k off! You don't know how it hurts pag hindi ka pinagkakatiwalaan ng isang kaibigan!" pinunas punasan niya ang cheeks niya gamit ang panyo kahit wala namang luha. "It's too personal kasi, Mia..." I tried to explain. Nakatikim ako ng isang malaking sampal kaya naman napatingin ako sakaniya as I stood up. "Ano bang problema mo, Mia? You can't just force someone to open up to you. Kahit magkaibigan pa tayo, that doesn't mean I don't trust you!" "Stop talking back, mali kana- babe, my god you came!" Bigla namang dumating si Caleb. Halata sa muka niya na nagaalala siya. "What's happening here?" pinagbalik balik niyang tingin niya samin. "Your kaibigan kasi eh! She said she doesn't trust me. I was just trying to comfort her." "Mia, Fye's life was too complicated kaya you can't just force her na mag open up sayo," mahinahon niyang sabi. "Can you please stop defending her?! May tinatago kayo 'no? Baka naman kasi gusto mo siya kaya ka ganyan. Caleb, jowa mo ako. At yang babaeng 'yan, kaibigan lang siya." she said while pointing at me. "She's important to me, Mia. Kung hindi dahil sakaniya, I won't meet you," "Kung hindi ko sinabi sakaniya na ireto ako sayo, hindi tayo magkakakilala-" "But still. Siya ang gumawa ng way. Siya ang nag trabaho kaya ako napalapit sa'yo. I wasn't ready for a relationship, but when I met a girl like you, I realized na I'm ready to be in a relationship again," He hugged Mia tapos naglakad sila papalayo. Hindi niya manlang ako tinanong kung ayos lang ba ako o kung ano ginawa sakin. Maglalakad na dapat ako papalayo nang mapansin ko si Emma nakasandal sa pader. "I heard the whole conversation," seryoso niyang sabi. "Hahayaan mo lang bang ganunin ka? saktan ka?" "Emma..." "Stop." nag stop sign siya gamit nag palad niya. "Pag makita ko pa ulit na ganyanin ka ng Mia na yan, hindi ako mag da-dalawang isip na sungaban ko 'yan." irita niyang sabi. Nakakakilabot, ah! Hindi naman ganito si Emma eh. "Isa pa 'yang si Caleb. Hindi na ako natutuwa. Mula noong nakilala niya si Mia, nag bago na. Nako lang. Babalian ko 'yan ng buto pag maubusan ako ng pasensya," Magsasalita na sana ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko paalis sa likod ng school. - End of flashback - Pagka pasok ko sa loob ng classroom, nag kukumpulan parin yong mga estudyante. Lah. Baka naman transferee rito yong lalaki kanina? Matatapos na yong first semester, ah? Dumiretso ako sa upuan ko tapos linabas ko ang notebook ko para aralin yong mga sinulat kong notes kagabi, may recitation kasi ngayon. Hindi ko pinansin yong mga nagkakaguluhan sa likod. Bahala sila, basta ako magaaral. Pagkadating ng teacher, agad kami nagsimula na mag recitation. Gamit yong index card para tawagin ang pangalan namin. Nang tawagin ang pangalan ko, nakasagot naman ako nang maayos kahit wala sa sarili akong nag explain ng sagot ko. "Very good! Okay next." Nakahinga naman ako nang malalim nang malaman kong tama ang sagot ko. I didn't really pay attention sa mga natawag. "Miss Mia?" tawag sakaniya ng teacher namin. I got back to my senses nang matawag ang pangalan ni Mia. May tinanong si Sir at napansin kong naka estatwa lang si Mia. Natawa ako nangmahina habang naka tukod ang kamay ko sa baba ko. "Sir, kasi naman eh... sila ano oh, tumatawa sila." pag de-deny niya. "Boys at the back! Ano ba?!" sabi niya habang nakatingin sa mga lalaki. Ibinalik niya nag tingin niya Mia at sinabi ulit ni Sir yong tanong. "Ah... eh... sir, sorry, I didn't review kasi, eh! There are so many projects po kasi!" "Projects?" kunot noo niyang sabi. May bigla namang sumigaw sa likuran ko, "Sir, wag kang maniwala riyan. Wala kami projects. Hindi lang yan maka sagot kaya ganyan." Napahigpit naman ang hawak ko sa ballpen ko sakaka pigil ko ng tawa. "Sit down. Babalikan kita mamaya," seryosong sabi ni Sir as he clenched his jaw. Nang tawagin si Caleb, naka sagot naman siya kaso mali raw. Ewan ko kung matatawa ako o maawa. "Liam Velasquez?" Nang tawagin yung pangalan nong lalaki, napatingin ako kay Sir. Halatang naguguluhan din siya. "Are you new here? Matatapos na ang first semester, ah. Hindi ba sa hassle 'yon sa'yo, nak?" Tumingin naman ako sa likod. Bago siya tumingin kay Sir, tumingin muna siya sakin kaya nagka eye contact kami nang ilang segundo. Tumingin siya kay Sir and he explained everything. Kanina pa 'tong weirdo na 'to. Exempted siya sa recitation dahil probably wala siyang alam sa topic. Adik din itong lalaki 'to. Alanganin mag transfer sa ibang school. Mabuti nalang tinanggap siya. Pagkatapos ng klase, nag ring na yong bell dahil recess na. Wala sa sarili akong lumabas ng classroom at puntahan si Emma sa classroom niya para yayain ko siya kumain sa cafeteria. Hindi ko rin kasi gusto yong atmosphere roon sa classroom. Habang ako naglalakad sa hallway, may biglang humila sakin. Sisigaw dapat ako nang biglang takpan ang bibig ko. Pilit akong nagpupumiglas ngunit masyadong malakas siya. Pucha, malas naman oh! Tsaka pati ba naman dito may kidnap na nagaganap?! Mahal ko pa buhay ko. Ang dami ko pang gustong- "L-liam?" kinakabahan kong sabi. "Faizah." tawag niya sakin nang mahina. "A-anong-" May narinig kaming papunta malapit samin kaya naman tinulak niya sa hallway kaya na out of balance ko. Pansin kong napatigil si Emma sa paglalakad at nanlaki ang mga mata niya. "Fye?! Gagi!" tarantang sabi niya. Tinulungan ako patayuin ni Emma, habang ako, nakatingin kung saan ako tinago kanina. Wala na siya?! Mas mabilis pa siya kay flash! "Sino tinitignan mo?" kunot noong tanong ni Emma. Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya as I stood up. "Wala," "Sino tumulak sa'yo, ha?!" may halong inis na sabi ni Emma. "Wala... ano, na nadulas lang ako," I gave her a small smile. Pagka dating namin sa cafeteria, agad kaming nag order ng pagkain tapos pumunta ng table seat. Hindi ako makakain nang maayos dahil doon sa lalaki kanina. Anong problema non? At ang lakas naman ata ng loob niya kanina ganonin ako? Ang kapal pa ng muka na itulak ako! "Lalim ng iniisip mo ah," sabi ni Emma habang nag lalagay ng pagkain sa kutsara. I chuckled. "'Di naman," I lied. I wanted to tell her! Pero I know she won't take it seriously. Tatawa lang ito. Tsaka mukang hindi niya naman kilala yong Liam. Habang kami kumakain, may narinig kaming nag titilian na mga estuduyante tapos flash ng camera. Napatingin ako kung saan yong ingay na 'yon. Napaawang ang labi ko nang mapansin ko na si Liam yong pinagkakaguluhan. "Amputa, saan ba banda yong kagwapuhan niyan? Pangit pangit nga, eh." seryosong sabi ni Emma. Tumingin ako kay Emma nang ilang segundo at tumawa nang mahina. Ibinalik ko ang tingin ko kong nasasaan si Liam, he was looking at me. What the f**k? Ano nanaman kaya balak nito mamaya?! "Hoy, kumain kana. Pag 'di mo kainin yan, ako uubos niyan." I got back to my senses nang magsalita ulit si Emma. Wala akong ganang kumain sa totoo lang. Maraming beses na ako sinaktan ni Mia pero yong kanina, yong pagkakahawak sakin ni Liam, iba eh. Ang lakas naman kasi ng pagkakatulak niya! May pasa kaya ako sa siko! Biglang nakaramdam ako ng pnanakit mg ulo kaya nabitawan ko ang kutsara dahil napahawak ako sa ulo ko sabay pumikit nang mariin. "Oh god, ayos kalang ba?! s**t. Ito oh! I have gamot," she offered. Napadilat naman ako nang makita ko na inabot sakin ni Emma yong acetaminophen. I smiled a bit kahit nakakaramdam ako nang kaunting hilo. "T-thanks." Inabutan niya rin ako ng tubig tapos ininom ko ylng acetaminophen. She's literally the best girl I have ever met. Siya yong laging nandiyan sakin; to protect me, help me, and comfort me. Minsan nga nahihiya na ako dahil grabe na yong naitutulong niya sakin. She's like a sister to me. Nang inumin ko ang gamot, biglang nag ring yong bell. Inalalayan ako maglakad ni Emma papuntang classroom. Dahil tuwing sumasakit ulo ko, nahihilo ako at pakiramdam ko mahihimatay ako. Pagkapasok ko sa room, inalalayan parin ako ni Emma hanggang sa makaupo ko. I tilted my head a bit at napansin ko napatingin si Emma sa likuran kung nasasaan lahat ng boys including Liam. Hindi ko na pinansin 'yon dahil masama pakiramdam ko. Pagkatapos ng klase, biglang sumalubong sakin si Emma sa labas ng classroom ko. "Tara. Hatid na kita," ngiti niyang sabi. I smiled. "Salamat," Pagka dating namin sa parking lot, may nakita akong lalaking naka hoodie na kulay itim. Ninja ba 'yon? Angas! Tumingin ako sa kanan at napansin kong may isa ring lalaki kaya napakunot yong noo ko. May dalawang ninjas?! Angas, ah. Mayroon pa palang ganoon?! "Hoy, tara na." tawag sakin ni Emma. Tumingin ako sa gawi ni Emma sabay nag lakad nang mabilis. "Kung saan saan ka nanaman nakatingin," Bago ako pumasok sa passenger seat, wala na 'yong dalawang lalaking naka hoodie. Sayang naman! Siguro nag parkour na sila paalis. Napa singhal nalang ako at tuluyang pumasok sa kotse. Matagal lang ako nakatingin sa bintana at napansin ko sa peripheral vision ko tinignan ako ni Emma. "Ang weird mo, Fye, ah. Hindi ka naman ganyan nitong mga nakaraan. Ano ba problema mo? Si Caleb? Mia? Gamot ng Mama mo?" sunod sunod niyang tanong. Hindi ko pinansin yung sinabi niya at patuloy lang ako nakatingin sa labas habang nakasandal. Ang dami kong iniisip. Oo nga pala, yong gamot din ni Mama mukang paubos na. Magiging slave nanaman ako ni Mia dahil ka-kailanganin ko ng pera. Ako nanaman ang taga gawa ng assignments or utusan niya. Hindi namalayaan na tumutulo na pala yung luha ko. Agad ko naman ito pinunasan at napansin ko sa peripheral vision ko na tumingin ulit si Emma. "Need mo ba ng pera?" Agad akong napantingin kay Emma saka umiling. Nakakahiya kung papayag ako. Never akong nanghingi ng pera sakaniya dahil baka isipin niyang ginagamit ko siya dahil mayaman siya. Ayokong ispin niya 'yon. Siya nalang din ang kaibigan ko na nag tagal. I love her so much. "Wala na bang gamot si Tita?" Hindi ko pinansin yong tanong niya. "Here," She grabbed my hand tapos linagay niya yong pera sa palad ko. Nanlaki yong mata ko nang mapansin ko na ang kapal. What the f**k?! "Emma-" "Shush. You need that," ngiti niyang sabi. Huminto siya sa pag d-drive at napansin ko na nasa labas na kami ng bahay ko. "Thank you. Maraming salamat..." my voice broke. "Ano ka ba! Wala 'yon." she chuckled. "Kailangan mo 'yan eh." I sniffed and I gave her a hug. "Without you, hindi ko alam kung anong gagawin ko." Humiwalay ako sakaniya tapos ngumiti. "No worries, basta para sa'yo. You're like a sister to me, Fye. Kaya ayan. Wag kanang papayag na bastos-bastusin kalang ni Mia ha? Be strong and know your worth," I nodded while smiling, Bago ako lumabas, nag 'thank you' ulit ako sakaniya. Pagka dating ko sa bahay, tahimik at madilim. "Ma? nakauwi na ho ako," Lumabas siya galing kwarto at inakap niya ako. "Kumusta ang araw mo?" tanong niya habang naka ngiti. "Okay lang naman po," inilibot ko ang paningin ko at napansin kong wala parin si Aria. "Si Aria, ma? Nasaan?" "Pauwi na raw- Oh, nariyan na pala," Tumingin ako sa likuran ko at halatang pagod na pagod si Aria galing sa school. Pansin ko rin na laging late siya umuuwi. Sabay-sabay sila kumain ng hapunan namin nang tahimik. Nang matapos ko hainan si Mama, pumasok ako sa kwarto para mag bihis at magpahinga. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. I decided to open my social media. Hindi naman ako gaano ka-active sa mga social media ko. May biglang na popped sa notification ko at pagka click ko, napakunot ang noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD