I - Continuation

1661 Words
Unknown: There are some untold secrets you need to find out, Faizah. Jusko. Ang dami-dami ko na ngang iniisip dadagdag pa ito. Reply: Huh? Anong secret? Wala pang isang minuto, nag reply agad siya. I-meet ko raw siya sa Saturday kasama yong location na pupuntahan ko. Prank lang siguro 'to. Feel ko si Emma ito o Caleb. Puntahan ko kaya? Kinabukasan, wala ako sa sarili buong araw. Problemado ako dahil sa text kagabi. Gusto ko tanungin si Emma kaso useless pa rin. Baliw 'yon si Emma pero alam ko naman hindi ganpon kalakas trip non para pag tripan ko. Baka naman kasi importante 'yon. Hay. Sino ba kasi nag imbento ng secret?! Habang ako naglalakad sa second floor kung saan tahimik dahil wala masaydong tao, may naramdaman ako na parang may naka sunod sakin. Tumingin agad ako pero wala namang tao. Tangina, parang mauubusan na ako ng buhok sa dinami-dami kong iniisip. Naramdaman kong may biglang sumagi sa braso ko at wala sa sarili ko hinila yong braso niya na sobrang higpit sabay in-upper cut ko nang maramdaman kong lumaban siya. Nang matapos ko siyang i-upper cut, I twisted the arms and I kicked the tummy with all my strength. Nakita kong lumipad siya sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko sa tiyan niya, at naumpog sa pader. "F-fai-" Tangina kulang pa 'yan, eh. Sisikmuraan ko dapat sana nang may biglang humatak sakin and I got back to my senses. "Vera!" sigaw ng lalaki. Napatingin ako sa paligid ko at nanlaki ang mata ko. Nakita ko na hawak-hawak niya ang braso ko at kinalas ko rin ito agad. Napatingin ako sa paligid ko, mabuti nalang kami lang dalawa- Oh my god! Napatingin ako sa lalaking binugbog ko kanina. That made me gasped! Oh my f*****g god! Napahawak ako sa bibig ko at lumapit sakaniya. "K-kuya ayos ka lang?!" natataranta kong tanong, trying to get him up. "Muka bang 'ayos' lang ako?! Eh pucha, halos balian mo na nga ako ng buto nong nasanggi lang kita!" inis niyang sabi habang hawak hawak niya yung isang braso niya. "Sorry... sorry! Please wag mo akong isusumbong please lang!" pag mamakaawa ko. Oh god, what was that?! Ang bilis ng pangyayari! "Oo na, tangina. Pasalamat ka mabait ako!" sabi ng lalaki habang hirap na hirap tumayo. I helped him to stand up and I gave him an apologetic smile. Geez! I turned around para harapin ko yong lalaking umawat sakin kanina. "Thank you sa pag awat sakin kanina. Kung hindi mo'ko inawat-" "Learn how to control emotions. Don't let yourself get driven by your emotions, Vera." seryosong sabi ni Liam habang naka sandal sa pader. Napatulala ako nang ilang segundo dahil sa sinabi niya. He's right though... pero pucha first time ko 'to! Hayyy. Kasalanan kasi 'yon ng bwisit na text, eh. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin parin sakin si Liam. I took a deep breath as I closed my eyes aggressively. "Can I ask?" tanong ko nang idilat ang mata ko. "What is it?" I took a deep breath. "Bakit mo nga pala ako hinila sabay tinulak kahapon, ha?! May problema ka ba? Kong makatingin ka pa sakin noon sa labas ng school parang may atraso ako eh," I heard his laugh kaya mas lalo akong nairita. "Masama ba? Edi para saan pa itong mata ko kung bawal ako tumingin sa mga tao?" Sabagay. Pero hindi niya pa sinagot yung isang tanong ko! "Eh yong parang kinidnap mo ako kahapon, ano 'yon?!" Lakas kasi ng tama nito. Nakakainis pa yung tinulak ako. "Wala. Akala ko kasi kilala kita dahil may kamuka ka," Eh? sino naman 'yon? Daming alam ah. Mag re-reason out na nga lang hindi pa kapani-paniwala. "O baka naman may dinekwat ka sakin? Wala akong pera, Liam." He scoffed, "Wow naman, Faizah. Pakapalan na pala tayo ng muka ngayon?" "Ikaw nga tinulak mo ako, eh. Nag reklamo ba ako? Ha?! Mas makapal muka mo!" "Talagang makapal. Saan ka ba kasi nakakita ng mainipis na muka?" he fired back. Argh! Bwisit 'tong lalaki 'to! "Oh, tamo. Hindi ka nga maka sagot, eh. Sinong bobo-" "Oo na, bobo na! Leche!" naglakad ako papalayo dahil sa inis. Baka mamaya sa sobrang inis ko, baka mapatay ko pa 'to. Lakas maka kulo ng dugo eh. Buong week wala ako kundi ginawa ay mag aral nang mag aral. Balak ko nga rin pala maging working student para hindi na ako mahirapan bumili ng gamot ni Mama. I will do whatever it takes for her. Pagka sapit ng sabado, nag linis ako ng bahay dahil pupunta raw si Emma dahil mag ba-bake raw kami ng cookies. I wanted to refuse dahil naalala ko yung sa text, pero gabi pa naman 'yon. I won't let anyone find out about that. Pagkadating ni Emma, humiyaw siya kaya naman agad ko ito pinatahimik. Mabuti nalang wala si Mama at Aria, geez! "Cookies here I come!!! Gosh, ilang araw ako nag ca-crave nito, girl!" Nag hugas kami ng kamay pareho at inihanda namin yung mga ingredients. Flour, Oats, Baking Soda and Baking Powder, Sugars, Milk, Eggs, Butter Nanonood kami ng Youtube tutorial kung pano raw gumawa ng Chewy Chocolate chips. Hindi naman kasi ako ganon kahilig mag bake. I prefer ulam talaga pag mag luluto. Si Emma naman, yaya niya ang taga luto o bake para sakaniya. O minsan nag o-order siya. "The cookie dough is made from standard ingredients: flour, leavener, salt, sugar, butter, egg, & vanilla. It's the ratios of those ingredients that make this recipe stand out from the rest. Mix 2 and 1/4 cups of flour with 1 teaspoon of baking soda, 1/2 teaspoon of salt, and my favorite: cornstarch. I use 1 and 1/2 teaspoons of cornstarch in this recipe." Sabi sa Youtube. Ginawa namin ang steps kung paano mag bake ng cookies. Nang matapos kami, ipinasok namin ito sa oven at nag antay nang ilang minuto. Tumambay muna kami sa sofa habang kami nag k-kwentuhan habang nagpapatugtog. "Gutom na ako, gosh! Amoy na amoy ko na yung cookies, ang bango!" Natawa lang ako at patuloy na s-scroll sa i********:. May nag popped nanaman na notification kaya nakaramdam ako ng kaba. s**t! Yun ba yung nakaraan?! Unknown: Better to meet me tonight if you're willing to know those untold secrets, Miss Faizah. Nagiba bigla yung mood ko dahil sa basa ko. May halong kaba, confusion, at inis. Paano kung niloloko lang ako no'n? Paano kung malakas lang talaga ang tama niya?! Pero... paano kung legit?! "Faizah! Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag." I got back to my senses nang tawagin ako ni Emma. I'm spacing out again, f**k. "Ano ba 'yon?" mahina kong sabi. "Yong cookies 'te, luto na." she rolled her eyes. I gave her a small smile tapos tumayo para kumuha ng cookies. I took a big bite at napatitig ako sa cookies na kinagatan ko. "Ang sarap," ngiti kong sabi. "I know right?! Ganyan talaga pag maganda," she confidently said as she flipped her hair. Natawa ako nang kaunti. Ano connect non? Kahit kailan talaga feelingera itong babaeng 'to. Ang hangin masyado. "Wews," natatawa kong sabi. "Lah, basher amputa." natatawang sabi niya. "Ang hangin grabe," pangaasar ko ulit. I heard she cursed kaya natawa ako nang malakas. Nag kwentuhan lang kami about sa school at sa walang katapusang topic about sa crush niya. Jusko minsan nakakarindi na rin ito, eh. 6:00 pm na nanakuwi si Emma. Gusto niya pa ngang mag sleepover dahil sabado naman daw pero bago pa siya pumayag na umuwi, I declined thousands of times and I had to give uncountable reasons just to make her not sleep her. Pagka sapit ng 10:00 pm, everyone was sleeping already. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto dahan-dahan. I grabbed my gray hoodie at mask na itim. Naka jeans din ako at naka itim na t-shirt. But before I leave, nag dala ako ng pocket knife at linagay ko iyon sa may bulsa ng jeans ko. Ginamit ko yong bike ni Aria at sinundan ko yung location na binigay nung nag text sakin. I feel nervous and scared contemporaneously habang ako palayo nang palayo sa bahay namin. Baka naman kasi hindi na ako makauwi ng buhay! Mga ilang minuto, nakarating na ako sa location na binigay sakin. Tagong bahay siya. Yong dating para pang talyer yung itsura. Dahan-dahan akong umalis sa bike at naglakad sa loob. "H-hello?" nahihirapan kong sabi. I remember what Emma told me, I shouldn't show them na I'm afraid of them. Yes, tama. I should calm myself. But.. f**k, paano?! nanginginig talaga ako. Habang ako naglalakad, may naapakan ako tapos tumunog kaya halos mapatalon ako. Pagkatingin ko, kahoy lang pala. Leche. Nagpatuloy sa paglalakad at may napansin akong lalaking naka hoodie rin. Inilawan ko siya gamit ang cellphone ko, hindi ko siya mamukaan dahil naka mask din siya. "Ikaw ba? y-yong nag text s-sakin?" s**t! I stuttered. Hindi niya pinansin yong sinabi ko kaya napakamot ulo ako. Snobbed, amp! "Pasok sa loob," he pointed doon sa abonded house. Naglakad ako nang dahan-dahan kasabay siya. Habang kami palapit nang palapit, may naririnig ako ng boses ng babae at ng mga lalaki. s**t. Pagka pasok namin sa loob, nawala lahat ng ingay at naagaw ang atensyon nila samin. "Faizah? Oh my! There you are. I was the one who texted you," sabi sakin nung babae habang hawak hawak yong dalawang kamay ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at napaatras nang kaunti. "S-sino kayo ha?! Anong secret na pinagsasabi n-niyo?" I heard her laugh kaya mas lalo akong kinabahan. I turned around at bigla ako hinarang nung lalaking kasama ko kanina. "Faizah, there's no turning back, since you wanted to know all the untold secrets," Humarap ako sakaniya and she's smiling. f**k! Natatakot ako... nanginginig ako sa takot. Anong gagawin ko?! "Sino nga kayo?!" may halong inis at takot na tanong ko. "We are your allies and we are here to help you with everything," Everything?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD