Chapter 6

1195 Words
Chapter 6 "Miss Canales? Nandito ba si Miss Canales?" Bigla akong napatayo nang sikuhin ako ni Jack na katabi ko. "Present!" Malakas kong sigaw na ikinatawa ng mga kaklase ko. Nakita ko ring nagpipigil ng tawa sila Jack at Rouge sa tabi ko kaya tinignan ko sila ng masama saka napahawak sa sintido ko. Ang sakit ng ulo ko peste, biglaan ba namang magising eh. "Natutulog ka na naman ba?" Napangiwi ako dahil napansin na naman ako ni Ma'am Arao. Idol yata ako nito eh. Nagbuntong hininga siya na para bang wala na akong pag-asa. "Anyway, ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng school year ay muling naghahanap ang school natin ng panibagong Student Council Presidenr. I'm thinking that you should run as the school president. Ayos naman ang grades mo at magaling kang mag-lead. You should give it a try." "Ma'am--" "Sure po ma'am, actually dati niya pa po gustong tumakbo kaso nahihiya lang siya." Nanlalaki ang mga mata kong nilingin si Jack na siyang nagsalita. Pinanlakihan ko siya ng mata saka inilingan na sinagot niya lang ng ngisi. "Really? Good, I'll least you down as one of the candidates." "Pero---" "But please know na this isn't a joke. You must be responsible lalo na kung mananalo ka dahil madadagdagan ang obligasyon mo." "Ma'am--" "And please know that I'm rooting for you. I know that you'll be a good leader." Saad ni ma'am saka yumuko at may sinulat sa papel na nakapatong sa teacher's table. "Excuse me--" "I'm done listing you down as one of the candidates. Good luck." Nakangiting saad niya. "May sasabihin ka ba?" Nagbuntong hininga ako saka umiling. Wala na, nalista mo na eh. "Good, you may take your seat." -------- I tap the tip of my toe sa sementpng sahig ng hallway sa harapan ng classroom nila Keene habang patingin tingin sa wrist watch na suot ko. Uwian na, pero ang professor nila Keene ay balak yatang matulog dito. Ang tagal naman! I bit my lip to contain my irritation when a hand suddenly covered my eyes at kilalang kilala ko kung sinong nagmamay-ari mg pabangong 'to. Malakas kong siniko si Keene na siyang nagtakip sa mata ko saka humalukipkip sa harapan niya. "Grabe ka, boss. Wala ka bang mas magandang pambati diyan? Nalalamog na tagiliran ko." Ani Keene. I rolled my eyes. "Ang tagal mo." "Kasalanan ko bang nag-overtime si prof?" Piningot ko siya sa tenga at agad naman siyang nag-react by shouting. "Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na sumagot?" "A-aray! Sorry na master!" I heard a clicking of tongue sa likod ko kaya naman hinarap ko iyon at nakita ko si Zacharias habang umiiling. "Wala pa ngang kayo, under ka na. Good luck tol." I grimaced dahil sa sinabi niya. Puta, cringe. "Anong kami? Tang inang yan, all this time may ganiyan kang iniisip? A best friend should always a best friend that's the golden rule. Grabe." Bahagya pang nanginig yung balikat ko. "Kadiri!" Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ko. Sinulyapan ni Zacharias si Keene na nasa likod ko at nagkakamot ng batok. Both of them exchanged a meaningful look pagkatapos ay nagkibit-balikat si Keene. "Good luck talaga sayo." Napasimangot ako. "Ano bang sinasabi niyo? Saka bakit ganon tinginan niyo, ha? May secret ba kayo sa akin?"  Naniningkit ang mga mata ko habang palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Ngumisi lang si Zacharias at bigla naman akong inakbayan ni Keene, yung akbay na nananakal. "Alis na 'ko. Mamaya may gig tayo wag mong kakalimutan." Saad nito saka naglakad na palayo. "Hoy--" natigil ang dapat na sasabihin ko nang biglang takpan ni Keene ang bibig ko habang nakaakbay pa rin sa akin. Nagpumiglas ako at nang hindi ako makatakas ay inapakan ko ang paa niya. "Aray!" He shouted pero hindi ko iyon pinansin. Humalukipkip ako sa harapan niya pero agad siyang tumakbo palayo sa akin. "Hoy! Ano yun?!" Sigaw ko habang hinahabol siya. "It's just between the boys and me, bawal babae!" "Gago ka!" Huminto ako at hindi na siya hinabol saka padabog na lang na tinungo ang gate palabas ng school. Maya maya pa ay may biglang umakbay sa akin. Ang unfair talaga kapag mahaba yung paa ng naghahabol sayo jusko, ayan naabutan agad ako.  Hindi ko siya pinansin saka tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at naglakad ng mas mabilis pa kesa kanina. "HOY!" Bahala ka jan pisti ka! "Galit ka?" Tanong niya nang maabutan niya na naman ako saka ako muling inakbayan. I hissed at him saka siniko siya sa tagiliran. "Wag mo kong kausapin, tang'na ka."  Maya maya pa ay hindi na nga sumunod ang gago kaya mas lalong sumama ang mukha ko. Seriously Cance? Pinapaalis mo tapos magagalit ka? I shook my head because of my thoughts. Minsan hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko eh. I suddenly stop walking nang mapadaan ako sa isang playground. I smiled dahil naalala ko, dito kami unang nagkakilala ni Keene. Nasa taas ako nang puno habang siya manghang mangha na nakatingin sa akin. Napapailing na lang ako habang naglalakad patungo sa swing. Umupo ako doon at tumulala, maraming memories dito ng childhood ko. May masasaya, meron din namang malungkot. Tulad ng naglalaro kami ng pogs tas masyadong ginalingan ni Zachariah, yung isang plastic ng pogs ko na pinagmamalaki ko pa sa kanila ay naubos. Hanggang ngayon dala dala ko pa yung sama ng loob na yun eh. Iyak ako ng iyak noon tas ilang beses kong sinumpa si Zachariah, buti na lang binigay ni Keene lahat ng napanalunan niya sa akin. I was busy reminiscing memories when I suddenly felt a cold thing pressed against my left cheek. Napaigtad ako saka pinalo sa braso si Keene na tumatawa lang. Tinignan ko siya ng masama. "Anong ginagawa mo dito?" Nginitian niya lang ako saka inangat yung plastic niya na may logo pa ng 7-eleven. "Bati na tayo." I rolled my eyes saka padabog na kinuha yung plastic. Nagningning ang mata ko nang makitang Ice cream ang laman non. This guy really knows my weaknesses. I cleared my throat. "Pasalamat ka..." "Thank you." Saad niya, inungusan ko siya at agad niya namang tinakpan ang ulo niya gamit ang braso habang tumatawa. Umupo siya sa katabi kong swing habang nagbabalat ng Ice cream. "So... Bakit ka bad trip?" Napasimangot na naman ako nang maalala ko yung nangyari sa classroom. "Paano ba naman kasi, tatakbo ako as a student council president sa susunod na school year at ang nakaka-frustrate pa, ni hindi man lang nila ako pinagsalita. I mean..." And there, I ranted all of my frustrations but he just sat there, accepting and hearing all of it habang lumalantak ng ice cream. "Gusto mo sabihin ko kay ma'am Arao na ayaw mo?" Tanong niya. Napanguso ako. "Wag na, parang gusto ko rin naman eh." "Bakit nagagalit ka?" Nagkibit balikat ako saka dinilaan yung cookies and cream na cornetto ko. "Wala lang gusto ko lang." "Tang ina." Mabilis ko siyang nilingon saka tinignan ng masama. "Minumura mo ba ako?" I said calmly but I made sure na may touch ng warning doon. "Minumura ba kita?" He innocently ask. "Hindi ah!" "Liar! I heard you!" "Mali ka lang siguro ng pagkakarinig." "Anong akala mo sa akin bingi? Halika dito, pahampas, sampu lang." Akmang aabutin ko siya nang bigla siyang tumayo. He struck his tongue out saka nagmamadaling tumakbo. "HOY! BUMALIK KA DITO!" And so, an another serye of habulan begins. But well, annoying each other is one of the reason why our friendship is strong. Pero sinto-sinto pa rin si Keene, period!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD