Chapter 5
"Cance, kakain na. Bumaba ka na diyan." Rinig kong wika ni mama mula sa pinto ng kuwarto ko.
"Hindi pa ko nagugutom." Sagot ko habang sinusubukang hindi manginig ang boses ko. Kanina pa ako naiyak. I acted tough earlier pero gusto ko na talagang umiyak noon. I mean sinagot ko siya, of course I like him. But turns out he's a jerk. That motherfucker, dapat pala pinabasag ko na lang kila Keene ang bungo niya.
"Sige, pag nagutom ko may pagkain sa ref, initin mo na lang." Hindi ko na sinagot si mama at niyakap na lang ng mahigpit yung unan ko. Maya maya pa ay may narinig akong tunog ng gitara mula sa kabilang bahay.
'I should've stayed at home'
Siningot ko ang sipon ko saka tumayo ng kama at tinungo ang bintana ng kuwarto ko.
'Cause right now I see all these people that love me
But I still feel alone
Can't help but check my phone
I could've made you mine
But no, it wasn't meant to be and see, I wasn't made for you
And you weren't made for me
Though it seemed so easy'
I saw Keene in front of his window holding a guitar and singing while looking at me. I chuckled saka pinunasan ang luha ko na tumutulo sa mga mata ko.
Keene, he always made me feel alright sa mga ganitong sitwasyon. Katulad ngayon, he's singing for me kahit na alas-diyes na ng gabi.
'And that's because I wanna be your favorite boy
I wanna be the one that makes your day
The one you think about as you lie awake'
Umupo ako sa harapan ng study table ko saka pumangalumbaba habang nakatingin at nakikinig sa kaniya.
'I can't wait to be your number one
I'll be your biggest fan and you'll be mine
But I still wanna break your heart and make you cry'
'But won't you wait
You know it's too late
I'm on my own s**t now
Let me tell you how it feels to be f*****g great
I feel great
Woah, woah, woah, woah, woah
You need to be yourself
Love someone for loving you instead of someone really cool
That makes your heart melt
Who knows what you truly felt?
You're still my favorite girl
You better trust me when I tell you
There ain't no one else more beautiful in this damn world
In this damn world'
Napangiti ako. His deep baritone voice is really relaxing. He never failed to make me feel like I'm special.
'You're gonna wanna be my best friend, baby
You're gonna wanna be my best friend
I said that
You're gonna wanna be my best friend, baby
You're gonna wanna be my best friend (best friend)
You're gonna wanna be my best friend, baby
You're gonna wanna be my best friend
Best friend
You're gonna wanna be my best friend, baby
You're gonna wanna be my best friend
I say that I'm happy
I say that I'm happy
But no, no, no, no
No, no, no, oh
I still wanna be your favorite boy
I wanna be the one that makes your day
The one you think about as you lie awake
And I can't wait to be your number, your number one
I'll be your biggest fan and you'll be mine
But I still wanna break your heart and make you cry'
Napapa head bang ako at napapa-tap sa study table ko habang nakikinig sa kaniya.
'I still wanna be your favorite boy
I wanna be the one
I might just be the one'
Ilang segundo pa akong nakangiti na parang tanga nang matapos siya sa kanta niya.
"Feeling better now?" Tanong niya. I gave him a thumbs up.
"Ayos na, kahit medyo masakit sa tenga yung boses mo." Napasimangot siya dahil sa sinabi ko habang napahalakhak naman ako.
"I'm glad that you're better now." Saad niya na para bang nakahinga siya ng maluwag.
"Kaya ba sinuntok mo siya noon dahil alam mo na pinagpustahan lang nila ako?" Tanong ko sa kaniya.
"I overheard them." He casually said. Hinablot ko ang isang roll ng tissue paper saka binato sa kaniya.
"Gago ka, dapat sinabi mo na agad sa akin." Nakasimangot kong saad.
"You won't believe me." Sagot niya.
"And how sure are you?" Tanong ko na ikinakibit lang ng balikat niya.
"Bukas na kayo magligawan! Magsitulog na kayo! Mga batang 'to." Napasimangot ako nang biglang sumingit sa usapan si Aling Nenita, yung kapit-bahay namin na nagtitinda ng yelo.
"Bitter." I whispered, I heard Keene chuckled.
"We'll talk tomorrow." Wika niya.
"Of course we will." Saad ko naman.
"Good night."
"Night." Ani ko saka isinara ang bintana then after that I slept peacefully ng hindi si Mike ang nasa isip ko kung hindi si Keene at ang kanta niya.
-------
Nagising ako dahil sa panaginip ko na parang nahuhulog ako at totoo ngang nahuhulog ako dahil paggising ko ay nasa sahig na ako at wala sa kama ko. Maya maya pa ay tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya naman kinapa ko yun mula sa bedside table ko at gamit ang isang mata ay sinilip ko kung anong oras na.
Halos maitapon ko ang phone ko nang makitang 7:45 na, alas otso ang pasok namin! Basta basta ko na lang ibinato ang phone ko at hinablot ang bagong labang uniform ko na nakasabit sa likod ng pintuan ng kuwarto ko.
Naghilamos lang ako, nagtoorhbrush habang nagsusuklay at pagkatapos ay bumaba na habang nagsusuot ng sapatos.
"Ma!" Sigaw ko pagkarating ko ng kusina pero isang letter lang ang bumungad sa akin.
'May pinuntahan lang ako, pinagluto na kita ng sinangag kumain ka na lang diyan, batugan ka.'
Nilukot ko yung papel saka kumuha na lang ng tasty at mabilisang kinain yung hotdog. 7:55 na shocks! I'm so late. Habang kagat yung tasty ay lumabas ako ng bahay saka tumakbo ng mabilis. Walking distance lang ang school na ngayon ay naging running distance na.
Hinihingal ako nang may biglang humintong bike sa harapan ko.
"Sakay!" Nagmamadaling saad ni Keene.
"Late ka rin?!" Hinihingal na tanong ko.
"Dalian mo na!" Agad akong sumakay sa bike niya saka kumapit sa bewang niya.
"Manong sandali!" Sabay naming sigaw nang makita namin na isasara na ni manong guard yung gate.
"Kayo na naman?" Wika ni manong guard nang makita kami. "Hay nako, pumasok na kayo." Agad kaming pumasok. Bumaba na ako sa bike samantalang nagdire-diretso siya sa parking lot para i-park yung bike niya.
Habol ko ang hininga ko at napangiwi ako nang makita na may teacher na sa classroom namin. Dahan dahan kong binuksan ang pinto saka nag-squat para hindi ako makita ni ma'am.
Nakita ako nila Jack saka nanlalaki ang matang sinenyasan ako na bilisan kaya naman tumakbo ako patungo sa seat ko pero napapikit ako nang mariin nang may mabangga akong upuan dahilan para lumikha ito ng ingay.
"Miss Canales."
"Ma'am."
"You're late... Again." I bit my lower lip. Kasalanan 'to ni Keene eh. "Kagagaling mo lang sa suspension tapos ngayon ag magpapa-late ka." Opo, yes po. Na-suspend ako, pero hindi lang ako kung hindi buong member ng UP dahil sa commotion na ginawa namin noong isang linggo. Napaigtad ako nang ihampas niya sa teacher's table yung stick na hawak niya. "Do this again, Miss Canales. Makikita mo."
"I'm sorry ma'am." Saad ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa classroom namin. Nakahinga ako ng maluwag saka umupo na nang lumabas si ma'am para kausapin ang tao sa labas.
"Welcome back!" Sabay na saad nila Rouge at Jack.
"Akala ko kamatayan ko na, jusko." Wika ko naman.
"Kamusta bakasyon?" Ang tinutukoy ni Jack ay yung one week suspension ko.
"Boring as usual." Kibit balikat na sagot ko.
"Silence!" Natahimik kami nang bumalik si ma'am sa harapan kasunod ang isang babae na straight ang buhok at may bangs. Mukha siyang mahinhin. "Go, sit over there." Turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ni Rouge.
Nahihiyang naglakad yung babae sa gitna patungo sa bakanteng upuan na katabi nung kay Rouge. Nasa likuran kasi kaming tatlo dahil madalas akong tulog kapag nagka-klase, si Jack naman ay masyadong madaldal at si Rouge ay laging nagc-cellphone ng patago kaya minabuti naming sa likuran umupo.
"Miss Canales." Tawag sa akin ni Ma'am Arao.
"Po?"
"Sino nagsabing umupo ka? TAYO!" Muli akong napaigtad ng biglang tumaas ang boses niya. "Remain standing hanggang sa matapos ang klase ko." Dagdag niya nang tumayo ako bago muling bumalik sa pagtuturo niya.
"Urgh! Feeling ko namamanhid yung binti ko." Reklamo ko kanila Jack habang naglalagay sila ng lip tint sa mga labi nila.
"Bakit ba kasi lagi kang late?" Tanong ni Jack habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Grabe naman sa lagi! FYI isang beses pa lang akong na-late ngayong buwan." Nagmamalaki kong saad.
"Oo kasi nung first week this month ay na-suspend ka agad. Angas mo rin eh 'no?" I raised my middle finger at Rouge dahil wala na akong masabi na inilingan niya na lang bago ibinalik ang atensyon sa cellphone.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko kay Jack. "Gutom na ko, di ako nakapag-almusal kanina."
"Oh? Share mo lang?" Walang kuwenta niyang sagot. I rolled my eyes saka umambang babatukan siya nang may biglang kumatok sa pintuan.
"Yow yow yow!" Bungad ng malaking bunganga ni Zacharias. "What's up girls?" Dugtong pa niya.
"Ayos lang kanina tapos dumating ka. Hobby mo talagang manira ng araw 'no?" Sarkastikong saad ni Rouge habang sa cellphone nakatingin.
Napailing na lamang ako, mag-aaway na naman 'yang dalawang yan. Binalingan ko si Keene saka tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"Balita ko isang oras ka daw tumayo ah." I snorted then rolled my eyes saka siya inakbayan mas matangkad siya sa akin kaya kinailangan ko pang mag tiptoe para maabot yung batok niya.
"Balita ko gusto mo na raw mamatay ah. I can arrange that." Napangiwi siya sabay tanggal ng kamay ko sa batok niya.
"No thanks, maraming girls ang iiyak saka isa pa. Sayang ang kaguwapuhan ko." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa habang nakangiwi.
"Kumain na tayo bago pa ako maumay sa mga salitang lumalabas sa bibig ng gagong 'to." Paga-aya ko sa kanila.
Habang pababa kami ay nakasalubong namin si Mike na may cast sa leeg at may kaunting pasa sa mukha. Iniyuko niya ang ulo niya nang makita kami saka binilisan ang pag-akyat.
"He's afraid." Wika ni Zyd habang tumatango tango.
"Obviously." Gatong naman ni Keene na para bang nagmamalaki pa. I just rolled my eyes saka umiling.
"Stop bullying him." I said, nagdilim naman ang expression ng mukha ni Keene saka walang emosyong bumaling sa akin.
"You still like him?" Tanong niya.
"Nope, I just realized kinagabihan matapos ng komosyong ginawa natin sa cafeteria. I didn't like him, I mean, I cried yes, pero dahil yun sa pride. Imagine, Me tapos 20,000 lang ang ipinusta niya? I'm worth more than that." Paliwanag ko. Unti unti namang lumiwanag yung mukha niya saka ginulo ang buhok ko habang nakangiti.
"Pero beinte pesos na kwek-kwek rumurupok ka." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Keene?"
"Hmm?" He hummed.
"Shut up."
"Yes, boss, madam, ma'am." Nakangiti niyang saad. I snorted then rolled my eyes.