May shoulder spica cast ako sa kanang kamay ko habang sina Letson, Patrick, at Izel ay nasa kaliwa ko. Nasa tapat kami ngayon ng gate ng school. Sabi kasi ni Patrick, sabay-sabay daw kaming papasok sa loob ng school para kapag may magtangkang sugurin ako, ma-po-protektahan daw nila ako.
Ang masasabi ko lang, napaka corny nila.
"Let's go!" maligalig na sabi ni Patrick ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang kaniyang pagiging alinlangan. Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Tahimik ang quadrangle ang kakaunti lang ang mga tao roon. Gumaan ang pakiramdam ko dahil walang estudyanteng sumugod sa akin.
"Diba may bibil'hin pa kayo sa Canteen?" tanong ko kay nila Patrick at Letson, "Sige na, mauna na kayo."
"Pero L.A.-"
"Ayos lang," nakangiting sabi ko kay Letson. Sa huli ay umalis na ang dalawa at dumiretso na sa canteen. Sunod ko namang nilingon si Izel na halatang naiilang sa akin dahil sa nangyari noon sa ospital, "May practice pa kayo ng basketball 'diba?"
"Hahatid na kita-"
"Malapit na ang intrams. Kung gusto mo'ng maging MVP, mag practice ka nang mabuti." napabuntong hininga siya.
"Ihahatid na nga kita-"
"Akala ko ba gusto mong maangatan si Azrael?" hindi siya nakapagsalita, "Ayos lang ako, Izel. Ang intindihin mo ang sarili mo."
"Pero hindi ba ang weird? Walang masyadong tao ngayon sa quadrangle-"
"Masyado ka nang nag-iisip. Sige na, umalis ka na."
"Tsk," tinignan pa niya ako ng ilang segundo, nag iisip kung susundin ba niya ako o hindi, "Fine!" matunog akong napangisi, "Mag-iingat ka ah," aniya habang dinuduro ako gamit ang kaniyang hintuturo. Pilit lang akong tumango tsaka tinapik ang kanang balikat niya. Tinalikuran na niya ako at tumakbo papunta sa court. Nang mawala siya sa paningin ko ay bigla akong nakarinig ng ingay sa paligid. Hindi ko 'to pinansin at naglakad na lang ngunit nakaka isang hakbang pa lang ako nang mapagtanto ko kung ano ito.
Nanlalaki ang mata ko habang nililingon ang paligid. Isang batalyong estudyante ang sumugod sa akin at mukhang kanina pa sila nakatago at naghahantay sa tamang timing para sugurin ako.
Kung mamalasin ka nga naman...
May hawak-hawak silang itlog, baking soda, kamatis, tubig, at kung ano-ano pa'ng pwede nilang maibato sa akin.
Napapalibutan nila ako at hindi naman pwedeng labanan ko sila.
"MALANDI!!"
"WHOOOREEE!"
"DIE BIIITTCCHHH!"
"TWO TIMER!"
Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang araw na 'to.... Chos.
Nang babatuhin na nila ako ay biglang may kung sino ang humapit sa bewang ko at ikulong niya ako sa kaniyang bisig.
"MALANDI TALAGA!" Lalo pa silang nagkaguluhan kaya lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya sa akin-kung sino man siya.
Itinaas niya ang kaliwa niyang braso na may hawak hawak na earphones. Inilagay niya iyon sa kaliwang tenga ko gayundin sa kabila.
I've been trying to forget you...But I can't
You made me a fool...It ain't cool
Hindi ako pamilyar sa kanta'ng ito pero... nakakagaan ng pakiramdam.
It's like there's something missing in my life
Maybe it's you...It is you
Marahan kong inilayo ang taong ito sa akin para tignan ang kaniyang mukha.
I just can't get you out of my head
Hindi naman siya umangal at maging siya mismo ay kusa niyang inilayo ang kaniyang katawan sa akin.
You are the reason that I wake up in my bed
Dahil matangkad siya ay kinailangan ko pang i-angat ang ulo ko, ngunit dahil sa araw ay napapikit ako dahilan para hindi ko makita ang kaniyang itsura, ngunit nawala ang sikat ng araw sa paningin ko nang takpan niya ito ng kaniyang ulo. Doon ko na napagtanto kung sino ito...
I got you stuck in my mind, Can't get out
... Hanggang sa nagtama ang paningin namin
Can't get out...
Ang lalaking nagligtas sa akin...
Please, get out
Ay si Azrael.
I got you stuck in my mind, can't get out
"A-anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Can't get out Please, get out
"Did you like my gift?" nakangiting tanong niya.
I didn't expect you to like me back
I'm a mess, I'm a fool
I don't know how to act with you
Wala sa sariling napatawa ako.
When I'm with you-
Inalis ko ang earphones sa magkabilang tenga ko tsaka tinulak palayo sa akin si Azrael dahilan para unti-unting mawala ang kaniyang ngiti sa labi.
Nilingon ko ang likod ni Azrael. Sakto namang may papalipad na mansanas sa kaniya kaya agad ko itong hinuli ng walang kahirap-hirap.
Nilingon ko ang babaeng nagbato no'n sa akin. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan at nanlaki ang mata. Sunod kong nilingon silang lahat.
"Lupet niyo rin noh?!" malakas na sabi ko sa kanila. Nangunot ang noo ng iilan sa kanila at lahat sila ay napatigil sa pag bato sa akin, "Nagsayang kayo ng oras at pera para lang dito?" natatawang sabi ko, "Alam niyo ba'ng pwede ko kayong kasuhan sa ginawa niyo?"
"EDI KASUHAN MO!!" Sambit ng iilan.
"NAPAG UTUSAN LANG KAMI!" napalingon ako sa gilid ko, "S-SI CINDY! SYA ANG NAG-UTOS SA AMIN!"
"TUMAHIMIK KA NGA KATY!" Suway ng kaniyang katabi, ngunit hindi siya pinakinggan ng babae.
"What? Why would she do that?" hindi makapaniwalang sabi ni Azrael.
"Wanna know why?" lahat ay nanahimik. Sabay-sabay nilang nilingon ang likod ko at mukhang alam ko na kung sino ang tinitignan nila.
Dahan-dahan kong nilingon ang likod ko at bumungad sa akin ang nakapamewang na si Cindy.
Padabog siyang lumapit sa kaniyang nobyo tsaka niya hinila si Azrael sa braso papalapit sa kaniya.
"Cindy tumigil ka nga-"
"SHUT UP!" Napasinghap ang mga manonood nang sigawan ni Cindy ang nobyo habang dinuduro ang mukha ni Azrael. Binitawan ni Cindy si Azrael at maarteng lumapit sa harap ko habang nakataas ang kaliwang kilay, "Well, well, well, ang lakas din ng loob mong pumasok pa dito sa kabila ng ginawa mo."
"Ano ba'ng ginawa ko?" mahinahon kong tanong.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib, "Ha! Nagmamaang-maangan ka pa ah? Bakit 'di mo nalang sabihin sa kanila na isa kang malanding nilalang," nagsitawanan ang mga estudyante sa paligid namin, "Ang lakas din ng loob mo, ano? Nasungkit mo na si Izel, nasungkit mo pa ang boyfriend ko,"
'Takteng babaeng 'to... Kulang na lang maglagay ako ng salamin sa harap niya eh.'
"Nagagalit ka ba dahil akala mo may relasyon kami ni Azrael o..." humakbang ako palapit kay Cindy at inilapit ang aking bibig sa kaniyang tenga, "....Nagagalit ka dahil akala mo may relasyon kami ni Izel?" sa kaniyang pagkabigla ay tinulak niya ako ngunit siya pa mismo ang napa atras sa kaniyang kagagawan.
"H-How dare you?!" pilit akong ngumiti sa kaniya para asarin siya, "You know what? I can sue you! And this time, I'll make sure that you will never gonna come back here!"
"Then sue me. Wala akong pake kung kasuhan mo ako ng ilang beses, dahil tutal naman makakalaya at makakalaya ako," hindi naman sa pagmamayabang pero... yeah.
"No, you will never! Ever! Gonna get out behind those bars!" pinagkrus ko ang braso ko, "I'm gonna use my mom-Oh! Maybe you don't know who's mom aren't ya? My mom is Cynthia Salazar! My mom is a big-time C.E.O.! She has a lot of connections mapa kompaniya man o gobyerno!"
"Edi Wow!" pang-aasar ko tsaka tumawa ng mag-isa. Natawa rin ang iba pero agad silang tumigil nang tignan sila ni Cindy ng masama.
"You don't believe me? Then come with me b***h," walang pasintabi niyang hinila ang braso ko at kinaladkad ako hanggang sa paglabas ng school.
'This crazy girl makes me want to laugh.'