CHAPTER SIXTEEN

2081 Words
Hindi talaga siya nagbibiro. Kinaladkad niya ako sa loob ng kaniyang kotse kung saan naroon pa ang driver kaya naihatid niya kami sa bahay nila Cindy. Malaki ang bahay nila, in fairness. Hanggang sa pagpasok ng kanilang bahay ay hindi pa rin niya ako binitawan. "Ma'am Cindy-" "BACK OFF!" Sigaw ni Cindy sa kaniyang katulong. Agad namang umalis ang kaniyang katulong. "What's happening here?" napadpad ang tingin ko sa babaeng naka dress pababa sa kanilang hagdan. Grabe hanggang bahay naka dress pa rin? "Cindy? Who's that-wait! I remember you!" kunot noong lumapit sa akin ang nanay ni Cindy tsaka sinuri ako mula ulo hanggang paa, "Y-you! How did you get out?!" tanging pagbikit balikat lamang ang itinugon ko sa kaniya. "Mom, she's accusing me of cheating on Azrael!" naguguluhan ko siyang tinignan. "I didn't say anything that you were cheating on Azrael!" natatawang sabi ko sa kaniya. "SHUT UP!" Aniya habang nanlalaki ang mata at butas ng ilong. "I'm gonna call the police, right now!" kinuha ng nanay ni Cindy ang kaniyang telepono sa hawak hawak niyang pouch tsaka niya inilapit ang telepono sa kaniyang tenga, "Hello, Chief Rondo, YES! I NEED YOUR TEAM TO BE HERE! No, no, no, there's this one girl who accused my daughter of being a cheater! Make sure that this girl will be locked in jail forever!" Napaka OA naman ng mag-inang 'to. Dahil malapit lang ang police station sa bahay nila ay agad na nakarating ang mga police. Partida, buong team talaga ang dumating sa bahay nila Cindy. "Lock her up! NOW!" Lalapit na sana sa akin ang mga pulis nang lingunin ko sila. Sabay sabay silang natigilan nang makita ako. Malamang natandaan nila kung sino ako, pero mukhang hindi nila kasama yung inspector Lorenzo ah? "What are you waiting for?! Dal'hin niyo na siya sa police station!" "Uhm..." hindi malaman ng chief kung susundin ba niya ang sinasabi ng nanay ni Cindy o hindi, "Pwede niyo ba po munang sabihin sa amin ang bawat detalye?" kalmado at magalang na sabi ng pulis kay Cynthia. "BINGI KA BA?! ILANG BESES KO BA'NG UULITIN NA PINAGBINTANGAN NG BRUHANG 'YON..." tinuro niya ako, " NA NANGANGALIWA ANG ANAK KO!" Sunod na tumingin sa akin yung Chief na para bang hinihintay ang depensa ko, "Wala akong sinabing gano'n, tsaka isa pa, siya nga ang dapat makulong dahil inutusan niya yung ilang estudyante na pagbabatuhin ako sa quadrangle namin dahil sa kumakalat na pekeng chismis." "It's not fake! It's true!" Ika ni Cindy. Para siyang nagmamaktol na bata. Nakakairita, "NOW LOCK THAT b***h!" matunog akong napangisi. Ilang beses na niya akong sinasabihang b***h at sobra na siyang nakakairita. Yumuko ako at naging sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko upang kontrolin ang sarili ko. "Mukhang lugi ako dito ah," ika ko, "Pwede bang..." sa huling pagkakataon ay bumuntong hininga ako. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko sa kanila at matunog na ngumisi, "Bukas niyo nalang ako ikulong?" nangunot ang noo ng mga pulis maging sina Cindy at ang kaniyang nanay. "Do you think we're dumb?" ika ni Cindy habang nakataas ang kaliwang kilay. "I still have an unfinished business, so if you don't mind bukas niyo nalang ako hulihin," nilingon ko si Cindy, "Kung gusto mo hulihin mo pa ako sa loob ng Auditorium. Sa pagkakaalam ko, bibisita ang presidente at may mahalaga siyang i-a-anunsyo bukas sa Auditorium. Ayaw mo no'n?" inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, "Mapapahiya mo ako sa maraming tao?" hindi siya nakasalita. Mukhang hindi niya inaasahan na sasabihin ko sa kaniya 'yon, "Stop doubting, I know you like it too," ika ko tsaka siya kinindatan. 'Sige lang kumagat ka sa pain kong hinayupak ka.' Nagtinginan silang mag-ina at nang tumango ang kaniyang ina ay muli akong nilingon ni Cindy. Pinagkrus niya ang kaniyang braso, "Nakakaawa ka. Anyway, fine. Besides, ang sarap mong panuorin habang pinagtitinginan ka ng mga tao dahil sa kalokohang ginawa mo," pilit na lamang akong ngumiti. Hindi ko na inabalang magpaalam pa sa kanila. Lumabas ako ng kanilang mansiyon at naglakad palayo sa kanilang bahay. Habang naglalakad sa gitna ng daan ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko tsaka siya dinial. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ispin ko palang kung anong magiging reaksyion ng mag-ina, baka hilingin nilang makain sa lupa. Bumalik ako sa school at hindi na inabala pang magpalit ng uniform dahil late na late na ako. 20 minutes na akong late at mukhang bubungangaan nanaman ako ng teacher namin, ngunit hahawakan ko na sana ang seradura nang biglang may kung sino ang naunang nakahawak ng door knob. Paglingon ko ay isang estudyante na hindi pamilyar sa akin ang mukha. "A-Ay, sorry," agad niyang binitawan ang seradura, "S-Sorry, hindi ko sinasadya," aniya at bahagyang yumuko na tila ba nahihiya pa. "Hindi, ayos lang, ikaw ba yung transferee sa class na 'to?" agad niyang iniangat ang kaniyang ulo at bumungad sa akin ang nanlalaki niyang mata. "O-opo! Ako nga po," aniya at inilahad niya ang kaniyang kamay, "I'm Lorraine Bliss Gallardo, nice to meet you!" inabot ko naman ang kaniyang kamay. "L.A." Tumaas ang dulo ng kaniyang kilay na para bang hindi naiintindihan ang sinabi ko. Hindi ko na inabalang mag explain pa sa kaniya. Binitawan ko na ang kaniyang kamay at pinihit na ang seradura. Lahat ng ulo ng mga kaklase at teacher ko ay nabaling sa akin ang paningin. "L.A.! YOU'RE LATE!" Alam ko. "Pasensya na po," walang gana kong sabi. "LAGI KA NALANG GANIYAN! NAKAKASAWA NA! LUMABAS KA SA KLASE KO AT HUWAG KANG PAPASOK HANGGAT HINDI PA NATATAPOS ANG KLASE KO! UNDERSTOOD?!" Pilit na lamang akong tumango. Pag talikod ko ay bumungad sa akin muli ang babae. Agad naman siyang nag iwas ng tingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang lumabas ng classroom. 10 minutes lang naman ang hihintayin ko. Ayos na 'to. Habang nakaupo sa labas ng room ay bigla kong naalala yung mp3 player na binigay sa akin ni Azrael. Inilabas ko ito sa bag ko tsaka inilagay ang earphones sa magkabilang tenga ko. Inalam ko pa kung paano ito paganahin. Mabuti na lang hindi ako natagalan. You leapt from crumbling bridges Watching cityscapes turn to dust Filming helicopters crashing In the ocean from way above Wala sa sariling napangiti ako habang pinapakinggan ito. Kung may makakakita sa akin baka akalain nila na nababaliw na 'ko. Got the music in you, baby Tell me why Got the music in you, baby Tell me why You've been locked in here forever And you just can't say goodbye Ipinikit ko ang mata ko na sinundan ko ng pagbuntong hininga. Pagkalipas ng ilang Segundo ay naramdaman ko na para bang may taong humaharang sa harap ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang nakangiting itsura ni Azrael. "PORCA VAC-" Natigil ako sa pagsasalita nang takpan niya ang bibig ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang maliit niyang pagtawa. "Shh!" natatawa niyang sabi. Sa inis ko ay hinawakan ko ang pulsuhan niya ay inis iyong inalis sa bibig ko. "Kadiri," bulong ko tsaka pinunasan ang bibig ko gamit ang collar ng uniporme ko, "Ano ba'ng ginagawa mo?! Sino'ng nagsabi sa'yo na pwede mo na lang basta-bastang hawakan ang bibig ko? Paano pala kung madumi 'yang kamay mo?" tuloy-tuloy ang pag-reklamo ko sa harap niya. Gusto kong iparamdam na naiinis ako sa ginawa niya, pero kung titignan mo ang mukha niya ngayon, mukhang natutuwa pa siya sa reaksiyon ko, "Loko ka ah? Kita mo na ngang naiinis ako sa ginawa mo tapos ngumingiti ka parin? Gusto mong tahiin ko 'yang bibig mo?" pagbabanta ko habang nanlalaki ang mata. "Grabe ka naman," aniya at ngumuso, "Natutuwa lang ako dahil nakita kita dito," nilingon niya ang pinto ng classroom at muli niya akong tinignan, "Ano nga palang ginagawa mo rito? Pinalabas ka ba ng teacher mo?" "Tss. Ano bang ginagawa mo rito? 'Diba may klase kayo?" "Pinalabas kasi ako ng teacher ko eh," nanlaki ang mata ko. Siya? Papalabasin? Masyado siyang mabait para palabasin sa room nila, "Alam ko 'yang iniisip mo..." nakangiti niyang sabi tsaka naupo sa tabi ko at tumingala, "Nalaman kasi ng adviser ko na..." nakangiti niya akong nilingon, "Nag cutting ako noon," Saglit akong napatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Naka tatlong beses pa akong kumurap bago ma-absorb ng utak ko ang rason ng teacher niya. "Cutting?" tanong ko. Dalawang beses naman siyang tumango, "Yun ba 'yon nung... nasa Big Day tayo?" kunot noong tanong ko. Muli naman siyang tumango, "Takte! Seryoso ba 'yang teacher mo?" hindi ko makapaniwalang sabi, "Ilang araw na ang lumipas tapos ngayon lang niya malalaman?" natatawa kong sabi sa kaniya. "Hayaan mo na..." paungol niyang sabi tsaka muling tumingala at tumingin sa kisame. "Teka, paano pala nalaman ng teacher mo?" Nakakapagtaka. Ilang araw na ang lumipas pero ngayon lang nalaman ng teacher niya na nag cutting siya. Posible kayang may nag sumbong? Pero sino naman? Tsaka bakit ngayon pa? "Cindy reported it," napatigalgal ako. "Cindy? Y-yung jowa mo?" pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko dahil baka mamaya mainis sa akin si Azrael. Nilingon niya ako na naka kunot ang noo. "Tinatawanan mo ba 'ko?" napahawak ako sa dibdib ko. "Ako? Bakit naman kita tatawanan? Tch," pag tatanggi ko tsaka tumingin sa ibang gawi. "Tumatanggi ka pa eh halata naman na," napalingon ako sa kaniya. Hindi naman siya mukhang galit o naiinis. Mabuti naman, "Anong pinapakinggan mo?" "Hm?" nilingon niya yung hawak-hawak kong mp3 player na binigay niya sa akin, "Ah eto ba," inilahad ko sa kaniya ang isang pares na earphones, "Gusto mo?" nakangiti naman siyang tumango. Inabot niya ang earphone na binigay ko sa kaniya tsaka niya ito isinuksok sa loob ng kaliwa niyang tenga malapit sa kanan kong tenga na nilagyan ko ng earphones nang biglang... "Why are you here?" sabay naming iniangat ni Azrael ang paningin sa itaas at bumungad sa amin ang kunot noong mukha ni Izel na nakatingin kay Azrael. Ngumiti si Azrael kay Izel tsaka tumayo hanggang sa nagharap ang dalawa, "Pinalabas ako ng teacher namin. Sakto namang nakita ko si L.A. sa labas ng classroom niyo kaya nakitabi ako sa kaniya pansamantala," sunod naman akong nilingon ni Izel. "Sabi ni Ma'am, mag recess na raw tayo dahil mamaya bibisita ang presidente sa auditorium," magsasalita pa sana ako nang bigla siyang yumuko palapit sa akin at hawakan ang pulsuhan ko tsaka niya ako hinila patayo. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Hindi na rin ako nagpumiglas sa paghila niya sa akin ni hindi ko na nga rin nalingon si Azrael dahil sobrang bilis niyang maglakad at baka kapag nilingon ko ang nasa likod ko baka matapilok ako nang wala sa oras. Nang makarating kami sa cafeteria ay agad siyang naghanap ng bakanteng table. Sakto namang may bakante pang table sa gilid. Doon niya ako pinaupo at tumayo sa gilid ko habang nakapamewang. "Oh? Bakit?" nagtatakang tanong ko. Kakaiba ang mood niya ngayon. May nakaaway kaya ang isang 'to? "Bakit mo kasama 'yung Azrael na 'yon?" nangunot ang noo ko. "Diba sinabi niya na sa'yo-" "That's not what I mean!" napahilamos siya sa kaniyang mukha na sinundan niya ng pagbuntong hininga at muli niya akong hinarap. "Ano ba'ng problema mo? Bakit tuwing nakikita mo si Azrael laging sumasama ang mood mo?" "What? No way-" "Ah, oo nga pala," matunog akong ngumisi, "Dahil ba kay Cindy?" mahina kong sabi sa kaniya. Agad siyang natigilan at base sa reaksiyon niya mukhang tama ang hula ko, "Alam mo ba na nakukonsensya na ako sa ginagawa ko?" padabog akong tumayo at tumingala upang salubungin ang kaniyang paningin, "Sa t'wing nakakausap ko siya at nakikita ko siya, gustong gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko masabi ang na yung girlfriend niya ay may lihim na relasyon sa kaibigan ko," muli ay hindi siya nakapagsalita. "Kaya hangga't maaga pa Izel, sabihin mo na sa kaniya dahil hindi mo gugustuhin na ako pa mismo ang magsabi," padabog kong kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng upuan ngunit ang mata ko ay nananatili pa rin sa kaniya. Aalisan ko na sana siya, ngunit paglingon ko sa kaliwa ko ay bumungad sa akin si Letson at Patrick na hindi maipaliwanag ang reaksyon. "L.A.... Izel..." malungkot na sabi sa amin ni Letson. Napabuntong hininga na lamang ako tsaka pilit na ngumiti sa dalawa, "Kain na tayo?" anyaya ko. 'Bwiset na buhay na 'to. Pasalamat siya at dumating sina Letson at Patrick kundi wa-walk out-an ko talaga siya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD