CHAPTER SEVENTEEN

1898 Words
Napakatahimik ng table namin kumpara sa dati na puro kuwentuhan, tawanan, at biruan. Kasalanan 'to ni Izel eh! Ang awkward tuloy. "B-balita ko..." nilingon ko si Patrick na unang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa amin at abala sa pagkain, "Kaya raw pupunta rito ang presidente dahil daw tungkol sa p*****n na nangyayari sa school natin?" "Meron pa raw siyang mahalagang i-a-anunsiyo sa atin," dagdag ni Letson, "Sana bigyan tayo ng presidente ng relief goods," gulat akong napalingon kay Letson. "Siraulo. Bakit naman niya tayo bibigyan no'n?" tanong ko kay Letson. "Malay mo 'diba?" napangiwi ako sa kaniyang rason. Kahit kailan talaga walang kwenta ang rason ng lalaking 'to. "Oy bro," sinagi ni Patrick ang katabi na si Izel, "Ang tahimik mo ah? Naputulan ka na ba ng dila?" biro ni Patrick. Hindi naman sumagot si Izel at nagpatuloy lang sa pagkain. Sinipa ko sa paa si Patrick kaya agad siyang napatingin sa akin. Umiling ako sa kaniya upang isenyas na huwag na niyang guluhin si Izel. Agad naman niyang na intindihan ang ibig sabihin ko. Sa kalagitnaan ng pagkain ay may kung sinong estudyante ang tumayo sa gilid namin. Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. Doon ko napagtanto na siya yung bago naming kaklase. "H-hi!" bakas ang pagkakahiya sa kaniyang mukha at boses. Kitang kita ko rin ang pagkapula ng kaniyang mukha, "P-Pwede bang... m-makipag share ng table?" "Sure!" agad na sagot ni Letson tsaka niya sinensyas ang bakanteng upuan na nasa gilid ko. Napangiti naman si Lorraine at dali-daling nakiupo sa gilid ko. "A-ako nga pala si Lorraine," inilahad ni Lorraine ang kaniyang kamay patungo kay Izel, ngunit hindi ito napansin ni Izel dahil busy sya sa pagkain kaya naman palihim kong sinipa ang paanan niya sa ilalim ng mesa. Natigil siya sa pagkain at kunot noo niya akong nilingon. Sinenyasan ko naman ang kamay na nakalahad patungo sa kaniya. Nilingon niya ang kamay ni Lorraine ngunit muli siyang nagpatuloy sa pagkain na para bang wala siyang nakita. Hayup. Dahil mukhang napahiya siya ay ibababa na sana niya ang kaniyang kamay nang biglang nakipag shake hands si Letson kay Lorraine. Tatawa na sana ako dahil sa kakulitan ni Letson ngunit agad na nawala ang ngiti ko nang mapadpad ang tingin ko kay Lorraine. Nakangiti siya ngunit peke ito. Maganda ang kaniyang mata ngunit may halo itong pandidiri, habang nang ibaling ko ang paningin ko kay Letson ay talagang makikita mo ang saya sa kaniyang mukha at mukhang galak na galak siya nang makilala si Lorraine. Nang bitawan na ni Letson ang kamay ni Lorraine ay nahagip ng paningin ko ang pagpunas ng kamay ni Lorraine sa kaniyang skirt. Iintindihin ko na sana siya nang biglang may ibulong siya na talagang nagpakulo ng dugo ko. "That Ugly disgusting pig, ang dumi na tuloy ng kamay ko." Napabuntong hininga ako at napa inom ng tubig ng wala sa oras. 'She can be an actress in the future.' Naunang naubos ni Izel ang kaniyang pagkain. Tatayo na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Lorraine. "I-Izel?" agad na nagunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ni Izel? "How did you know my name?" walang reaksyong tanong ni Izel sa babae. Kitang kita ko naman ang galak sa mukha ni Lorraine dahil sa wakas ay napansin na siya nito. "U-Uhm... palagi ko kasing naririnig ang pangalan mo sa dati kong school," gulat kong nilingon si Izel. "Naks, artista ka na pala?" biro ko. Nilingon niya ako ng seryoso at doon ko lang naalala na dapat pala ay magkaaway kami. Shet oo nga pala. Take two! "S-Sa totoo nga niyan..." muli kong nilingon si Lorraine. Kinagat niya ang ibaba niyang labi tsaka inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanan niyang tainga, "S-Sabi sa akin ng mga kaklase ko bagay raw tayo," nakagat ako ng labi ko at bahagyang yumuko. 'Wag kang tatawa... 'wag kang tatawang impakta ka. Think of bad memories, okay-- Agad akong napatakip sa bibig ko nang muntikan nang lumabas ang hagikgik ko, "L.A. Are you okay?" tanong ni Patrick. Hindi ako makasagot sa kaniya. Para na tuloy akong nagmumukhang nasusuka nito. "Hey, are you okay?" sunod na tanong ni Izel. "Oh, tubig oh," inalok sa akin ni Letson ang tubigan ko, ngunit hindi ko siya pinansin. Sa wakas ay unti-unting humupa ang pag tawa ko. Inalis ko ang kamay ko sa bibig ko tsaka bumuntong hininga. "I'm fine... Nasobrahan lang sa hangin-este sa pagkain," ika ko tsaka palihim na nilingon si Lorraine. "Halika, samahan kita sa clinic," hahawakan niya na sana ang kamay ko nang biglang may nag anunsyo sa speaker namin sa cafeteria at iba pang parte ng school. "Good afternoon grade eleven and grade twelve students, please come to the Auditorium now." Maraming estudyante ang dali-daling tumakbo palabas ng cafeteria. Malamang excited sila na makita ang presidente ng personal. "Let's go!" magiliw na sabi ni Letson. Tumayo siya na sinundan ni Patrick, ako at ni Lorraine. Pinauna namin ang ilang mga estudyante na lumabas sa Cafeteria tsaka na kami lumabas. Naka organize ang upuan by section kaya kinailangan ko pang hanapin ang section namin. Sakto namang nakita ko ang adviser namin. Tinawag ko sina Patrick at tinuro kung nasaan ang section namin. Ayon naman kay sir, pwede raw kaming maupo katabi ng mga kaibigan namin basta huwag lang daw maingay kaya naman sa pinaka dulo ng upuan ay nandoon si Izel, sunod ako, si Patrick, Letson, at Lorraine. "Hey," hindi ko pinansin kung sino ito kahit na pamilyar sa akin ang boses niya, "Hey," sa pagkakataong ito ay may kumalabit na mula sa likod ko kaya naman nagtataka kong nilingon kung sino ito. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito, "Az-" sasabihin ko na sana ang pangalan niya ngunit biglang nabaling ang tingin ko sa katabi niya sa gilid na kahilera lang ni Izel. "Hi~" maarteng iwinagayway ni Cindy ang kamay niya sa akin. Kitang kita ko na mukhang good mood siya ngayon at alam ko na kung bakit. Nginitian ko na lamang ang dalawa at muling lumingon sa harap ko. 'Tignan natin kung magiging good mood ka pa pagkatapos nito.' Biglang namatay ang ilaw sa Auditorium at makalipas ang ilang Segundo ay lumabas ang Emcee. "MAGANDANG MAGANDANG MAGANDANG HAPON SA INYONG LAHAT!!! For those who don't know me, I'm your pretty Emcee, ELLEEEENNNN JAYCEEEEE!!!" Ang iba ay natawa habang ang iba ay pumapalakpak, "OH! SA MGA NAIINGGIT SA KAGANDAHAN KO, SABI NGA NILA PAG INGGIT...?" Tinutok niya ang kaniyang mic sa amin. "PIKIIIITTTT!!" Sagot ng iilan. "VERY GOOOOD! ANYWAY! May nakakaalam ba sa inyo kung sino ang special guest natin ngayon? Of course alam niyo na! Bakit pa ako nagtatanong 'diba? What a shame self..." "Ano kayang grade niya?" tanong ko sa sarili ko. Ilang beses ko nang nakita ang babaeng 'to pero ni isang beses ay hindi ko mahulaan kung anong grade niya. "She's grade 12, section 3-A" gulat akong napalingon kay Patrick. "Kilala mo siya?" "Of course, she's one of the prettiest emcees here in school," unti-unting nanliit ang mata ko. Aasarin ko na sana si Patrick na may gusto siya sa babaeng 'yon nang bigla namang magsalita itong katabi ko na nasa dulo. "Matagal pa bago magpakita ang presidente," panimula ni Izel, "May ipapakilala pa silang iilang guest kaya..." may inilabas siya sa kaniyang maliit na bag at bumungad sa akin ang kulay asul na neck pillow. "Nang iinggit ka ba?" kunot noo kong tanong, ngunit imbis na sagutin niya ako ay isang ngiti ang lumabas sa kaniyang labi at ang naging sunod niyang pag galaw ay 'di ko inaasahan. Inilagay niya ang neck pillow sa leeg ko at sinundan niya ito ng pag pisil sa magkabilang pisngi ko. "Sleep for a moment, gisingin nalang kita kapag nandito na ang Presidente," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil ganitong ganito ang Izel na nakilala ko. Sa tuwing nag aaway kami, gumagawa siya ng paraan para agad na magkabati kami at ang pagiging sweet ang specialty niya kaya nga minsan nauumay na ako sa kaniya. 'Yuck yuck yuck.' "Thanks," nakangiwi kong sabi. Isinandal ko ang batok ko sa upuan nang bigla namang may sumipa sa paanan ng upuan ko dahilan para bumagsak ako sa kinauupuan ko at tumama ang ulo ko sa sahig. Mula sa ibaba ay natanaw ko ang malaking ngiti ni Cindy. Sa ngiti palang niyang 'yan talagang aakyat na ang dugo mo sa ulo mo. "L.A.! Ayos ka lang?!" tanong nila Izel at Letson. Agad naman akong pinalibutan ng mga kaibigan ko habang si Azrael naman ay agad akong tinulungan makatayo. "Babe. Don't touch her." Mariing sabi ni Cindy sa nobyo ngunit hindi siya pinakinggan ni Azrael. "Ayos ka lang? may masakit ba? Kailangan mo bang pumunta sa clinic?" sunod-sunod na tanong ni Azrael. "Babe, I said don't touch her! She's a criminal!" sigaw ni Cindy muli sa nobyo. Napapatingin na rin ang ibang mga estudyante sa amin dahil sa lakas ng bunganga ni Cindy. "Ano ba Cindy?! Please stop!" lahat kami ay natigilan dahil sa biglaang pag sigaw ni Azrael sa nobya. Alam kong tao rin naman itong si Azrael, na nagagalit, pero 'di ko akalain na... sisigawan niya ang nobya niya. "W-What did you just say?" tanong ng hindi makapaniwalang si Cindy, "WHAT DID YOU JUST FREAKING SAY?!" Lahat ng estudyante sa paligid namain ay nagsimula nang magsi-alisan dahil sa takot kay Cindy. "Babe, calm down-" "SHUT UP IDIOT!" Napasinghap ang mga estudyante na nasa paligid namin. Maging sina Letson, Patrick, at Izel ay 'di inaasahan 'yon mula kay Cindy, "WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN AKO! WALA!" "EXCUSE ME?! ANONG KAGULUHAN ANG NANGYAYARI DIYA'N?!" Tanong ng lalaki na nasa stage. Pag lingon ko ay ang dean na pala iyon. Yari. Agad na lumapit sa amin ang mga adviser ng bawat section para awatin kami pero mukhang hindi talaga nagpapatinag itong si Cindy. "f**k OFF IDIOTS!" Tukoy niya sa mga teacher. Magalit man sila ay wala silang magagawa dahil sa katayuan ng pamilya ng bruhang Cindy na ito. "CINDY! That's inappropriate! They're our teachers!" suway ni Azrael kay Cindy, ngunit mukhang hindi rin ito inaasahan ni Cindy kaya sa isang iglap ay umalingawngaw ang malakas na sampal ni Cindy sa kaliwang pisngi ni Azrael. "Cindy..." Sa wakas ay nagsalita na ang isa pang nobyo ni Cindy, "Stay calm," tinignan ko ng mabuti kung ano ang magiging reaksyon ni Cindy, at 'di ko inaasahan na unti-unting kumalma ang kaniyang mukha. 'You pakening tape. Sarap ilampaso ng mukha mo sa sahig.' "I-I'm sorry everyone," pilit ngiting sabi ni Cindy, "I'm so sorry-" Nabulabog ang kaguluhan sa paligid namin nang pumasok ang mga naka unipormeng pulis. Nang makita nila ako sa 'di kalayuan mula sa gate ay dali-dali silang naglakad palapit sa akin. ' Ito na...' Pinosasan ako ng mga pulis habang may sinasabing salita sa ingles na hindi ko naman maintindihan kung para saan 'yon. Hindi makapagsalita ang lahat, maski ang mga kaibigan ko. Hindi nila alam ang nangyayari at ayaw na ng ibang madamay pa. Hinawakan ng dalawang pulis ang magkabilang braso ko habang naka posas naman ang kamay ko sa likod ko. Nang malapit na kami sa gate ay biglang may pamilyar na boses ang nagsalita gamit ang mic. "What are you doing?!" ' Here comes the president...'  Dahil sa sobrang pag ka excite... hindi ko na namalayan na unti-unti na palang umuukit ang ngiti sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD