Pagkatapos na pagkatapos ng pagsalita ng Presidente ay muling bumukas ang gate at bumungad doon ang nanay ni Cindy.
"Mom!" agad na tumakbo si Cindy papalapit sa ina.
"Mrs. Cynthia Salazar, hindi mo naman po sinabi na nandito ang presidente. Alam niyo po bang maaari kaming makasuhan dahil sa ginagawa namin?" ika ng isang pulis. May bahid ng takot at pag-aalinlangan ang boses niya. Yung tipo bang kaya siya natatakot dahil makapangyarihan ang nasa harapan niya at kaya siya nag aalinlangan dahil kahit ayaw niyang magsalita laban sa babae ay kinakailangan niya dahil nandito ang Presidente.
"Don't worry. I got your back," taas-noong sabi ng nanay ni Cindy, "I've known our President for years. He and my husband are friends, so don't worry," agad namang nakahinga ng maluwag ang pulis.
"Mr President! I can't believe you're here!" palihim akong natawa. Anong I can't believe ka diya'n? Kahapon pa lang alam mo na na pupunta rito ang Presidente, tuleg, "It's nice to see you!" sakto namang pinaharap ako ng pulis sa stage kaya nakita ko ang nanay ni Cindy na palakad paakyat sa stage kung saan naroon ang Presidente, ngunit kahit anong magagandang salita ang bitawan ni Cynthia ay hindi pa rin maalis ang pagka kunot ng noo sa mukha ng presidente.
Nang makatungtong ang nanay ni Cindy sa stage at doon na nagsalita ang presidente, "Who are you?" agad na nanlaki ang mata ko. Tatakpan ko na sana ang bibig ko dahil sa gulat pero naka posas nga pala ako at hawak hawak nila ang braso ko. Muling bumalik ang pag-aalala sa mukha ng mga pulis lalo na sa pulis na kinausap ni Cynthia Salazar.
"Mr. President, I'm Cynthia Salazar, remember?" ngunit hindi tumugon ang presidente. Tila ba pinoproseso niya pa ang sinabi ng nanay ni Cindy, "I'm Jared Salazar's wife!"
"Jared Salazar... Oh yes! I remember now."
Napa palakpak si Cynthia ng isang beses na tila ba nagagalak siya dahil nakilala siya sa wakas ng Presidente.
"I'm really really sorry Mr President for this little commotion, but as you can see..." nilingon ako ng nanay ni Cindy na may malungkot na mukha ngunit sa likod nito ramdam na ramdam ko ang pagka sarkastiko niya, "The girl over there is a criminal. Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon, ano?"
Nilingon din ako ng Presidente at nagtama ang paningin namin.
"Anong kasalanan niya?" tanong ng Presidente habang nakatingin pa rin sa akin.
"She accused my daughter of being a cheater-Oh! I almost forgot! Cindy! Come over here!" natutuwa namang naglakad si Cindy palapit sa kaniyang ina.
Nang bigla akong nakarinig ng mga bulong-bulungan na talagang makapangyarihan ang pamilya nila Cindy at kung ano-ano pang puri tungkol sa mag-ina.
"Hello po!" inilahad ni Cindy ang kanan niyang kamay sa harap ng Presidente habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi, "I'm Cindy Ray H. Salazar, nice to meet you po!" hindi naman nagdalawang-isip ang Presidente at tinanggap niya ang palad ni Cindy, ngunit 'di rin nag tagal ay kumalas ang dalawa sa pakikipag kamay.
"So, the girl over there accused you of being a cheater?" tanong ng Presidente. Naging sunod-sunod naman ang pag tango ni Cindy.
"She told me that I was cheating on Azrael -my boyfriend- without any proof!" tila ba isa siyang batang nagmamaktol sa harap ng ama.
"And that's really wrong," tatango-tangong sabi ng Presidente. Napa ngiwi tuloy ako ng wala sa oras. Partida, ginagatungan pa niya ang dalawang 'yon ah. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, "But I want to be fair here also, you said that she accused you of being a cheater, do you also have any proof?" Bago pa makasalita ang mag-ina ay inunahan ko na sila.
"She's telling the truth," lahat ng kanilang ulo ay nabaling sa akin, "Kahapon, pag dating ko sa school bigla nalang nila akong sinugod at pinagbabato ng kung ano-ano dahil sa kumakalat na tsismis. Nang sinabi ko na pwede ko silang kasuhan biglang nagsalita ang isa sa kanila na si inutusan lang daw sila ni Cindy-"
"LIAR!" Biglang sigaw ni Cindy.
"SHUT UP! Kung ayaw mong madagdagan 'yang kaso mo!" banta sa akin ni Cynthia, ngunit hindi ko sila pinakinggan.
"Tapos dumating si Cindy at kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin kaya nasabi ko rin 'yon sa kaniya."
"And I supposed... It's fake?" tanong ng Presidente.
Bago sumagot ay sinulyapan ko si Izel. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung saan siya nag-aalala. Nag-aalala ba siya na ma-expose ang sikreto niya, nag-aalala ba sya kay Cindy? o sa iisipin ng mga tao?
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa Presidente, "Yes. It's fake," lahat ay napasinghap habang ang mag-ina ay unti-unting kumurba ang nakakalokong ngiti nila kabaliktaran ng sa Presidente na nananatili pa ring seryoso.
"Ok, then..." muling nilingon ng Presidente ang dalawa, "What you did was right-"
"HINDI!" Lahat kami ay nabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Doon ko lang napagtanto na si Izel pala iyon. Nang ibaba ko ang paningin papunta sa kaniyang kamay ay napadpad ang mata ko sa kaniyang kamao na nakayukom at halos kitang kita ko na ang ugat at buto niya.
"Who are you, iho?" tanong ng Presidente.
"I-Izel Cohen po..." mahinang sabi ni Izel, "K-kaibigan ko po si L.A."
"Who's L.A.?" Kunot noong tanong ng Presidente. Wala sa sariling napa irap ako sa hangin.
"S-Siya po," itinuro ako ni Izel gamit ang kaniyang hintuturo. Nang tignan ko ang Presidente ay napasapo siya sa kaniyang noo.
"but her name is-Anyway, continue."
"T-totoo po yung s-sinasabi ni L.A.-"
"IZEL! STOP!" Sigaw ni Cindy kay Izel, ngunit hindi siya pinakinggan nito ni balingan man lang.
"S-Si Cindy po... ay may lihim na relasyon..." napayuko si Izel at naging sunod-sunod ang pag lunok, "....Sa akin," umalingawngaw ang bulungan sa paligid. Gulat na gulat ang mga tao lalo na yung isang lalaking nakatayo sa sulok habang ang kaniyang kanang kamay ay naka alalay sa desk ng silya niya. Mahigpit ang pag kapit niya rito at kahit hindi ko masilayan ng maayos ang kaniyang mukha ay alam kong maski siya ay nagulat din.
"I SAID STOP! GODDAMNIT!"
"CINDY! STOP CUSSING! THE PRESIDENT IS IN FRONT OF YOU!" Suway ng kaniyang ina. Agad namang nakinig si Cindy sa kaniya, "You kid!" itinuro ni Cynthia si Izel, "Didn't you say that you're friend with that girl?" tukoy niya sa akin, "I know that you're just covering her-"
"Halos isang buwan na ang relasyon namin," pagpapatuloy ni Izel, "Sa library kami unang nagkita. Alam kong mali kaya pinili naming itago ang relasyon namin."
"PLEASE IZEL! STOOOPPP!" Dumagundong ang stage nang mapaluhod si Cindy at kasunod no'n ay unti-unting tumulo ang kaniyang luha.
Ngayon.... Sino sa atin ang napahiya? Well... hindi pa dito natatapos ang lahat.
"So, it's true," ika ng Presidente.
"N-no no no no! T-that's not true President Drake Marquez, t-this is just a misunderstanding-"
"Mrs. Cynthia Salazar?"
"Y-yes President..."
"You need to face the reality," hindi nakasagot ang nanay ni Cindy. Napatigalgal siya at tila ba nabuhusan ng malamig na tubig. Sunod na nilingon ng Presidente ang mga pulis, "I expect so much in you," napayuko ang mga pulis, "As you can see, that girl is telling the truth so.... What?" agad namang nagsi kilos ang mga pulis na tanggalin ang posas ko. Isa-isa silang humingi ng pasensiya sa akin at tanging pilit na ngiti lamang ang itinugon ko sa kanila, "Dean Rodriguez?" agad na lumapit ang dean sa tabi ng Presidente, "Mukhang hindi ko matutuloy ang anunsyo ko ngayon. Siguro ikaw nalang ang umasikaso para sa akin at... gusto ko rin na asikasuhin mo ang mga estudyante mo."
"Y-Yes Mr. President!"
"Good. And..." sunod na nilingon ako ng Presidente, "I want to talk to you."
* * *
"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Kanina pa kami tawa nang tawa dito na halos sumakit na ang tiyan ko at napapaluha na rin ako, "Sabi ko sa'yo eh! Mapapahiya 'yang dalawang 'yan!" tukoy ko kay Cindy at Cynthia.
"Alam mo sa totoo lang, narinig ko na sinabi ni Mrs. Cynthia na magkaibigan daw kami ng asawa niya. Ang 'di niya alam nag pa-plastikan lang kaming dalawa, HAHAHAHAHA!" Muling umalingawngaw ang tawanan sa loob ng Visitor's room ng school. Dahil nga kilala ang paaralang ito ay maraming yayamanin at makapangyarihang tao ang bumibisita sa school katulad ng Presidente. Kung tutuusin pwede mo nang maging bahay ang visitor's room. Nakakainggit nga dahil mas malaki at mas maganda ang visitor's room sa bahay ko. Takte.
"Tsaka napansin ko nagiging ulyanin ka na ah?" biro ko. Kanina kasi nung sabihin ni Izel ang pangalan ko hindi niya naalala kung sino ako.
"Mas sanay kasi ako na tawagin ang buo mong pangalan," aniya at humigop ng tsaa, "Siya nga pala, paanong naging kaaway mo ang buong pamilyang 'yon?" kunot noong tanong niya sa akin. Sumandal ako sa couch at itinaas ang dalawang paa ko tsaka umupo ng indian seat.
'Maka buong pamilya 'to...'
"Hmmm... Ano nga ba 'yon-Ah! Noong nasa hagdan kasi ako sisipain na sana niya yung sentido ko eh yung sapatos niya may nakatagong kutsilyo-" napatigil ako nang bigla siyang tumayo.
"WHAT?! SHE ALMOST MADE HERSELF A MURDERER!" sabi sa akin ng Presidente habang nanlalaki ang mata.
"Exactly!" muli siyang bumalik sa pagkakaupo, "Kaso alam mo ang nangyari? Ako ang nakulong." natatawa kong sabi ngunit hindi ko maiwasang mabanas.
"WHAT?! ARE YOU f*****g SERIOUS?!"
"Oo nga! Dahil binantaan ko raw ang buhay niya eh... tinakot ko lang naman siya."
"Dapat kasi hindi mo na ginawa 'yon!"
"Eh gusto kong magtanda siya!"
"At nangyari ba?" saglit akong natigilan.
"H-hindi," ika ko tsaka iniwasan ang paningin niya.
"Tignan mo! Tsk, anyway, I didn't know you have friends?" inis ko siyang nilingon.
"Anong tingin mo sa'kin? Loner? Tss."
"Well... hindi lang ako makapaniwala na magkakaroon ka ng mga kaibigan. Noong bata ka kasi-"
"Blah blah, blah, blah," nakakairita na yung mga linya niyang Noong bata ka, noong bata ka kasi, noong bata ka pa, Hay nako! Wala na siyang nagawa kundi ang tumigil at tumawa na lamang.
"Siya nga pala, tungkol sa p*****n na nangyayari sa school niyo..."
"Oh?"
"Alam na rin naman ng tatay mo 'yon 'diba?" tumango ako, "For now, magpapalagay ako ng security sa paligid. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa inyo ng taser gun for self defense. As of now, wala pang nakukuhang bagong leads ang mga pulis na hawak ang kaso ng p*****n dito, but I believe.... That it was caused by someone who knew Science," ganun din ang nasa isip ko noon. Masyadong matalino ang gumawa ng ganoong bagay na hanggang ngayon hindi pa rin matukoy ng mga forensic scientist kung anong klaseng virus iyon.
"Who could it be?" tanong ng Presidente sa sarili. Sandaling namuo ang katahimikan sa paligid nang biglang may pumasok sa isipan ko.
"Kamusta na si Emillio sa Italy?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kuko ko na pinaglalaruan ko.
"He's fine. Do you want me to call him?" naging sunod-sunod ang pag iling ko.
"Wag na. Ayos lang."
" Va bene.." natatawa akong napatingin sa kaniya. Mukha namang napansin niya ako kaya nangunot ang kaniyang noo, "Oh, bakit?"
Natatawa akong napailing, " Nothing," Tumayo na ako at pinagpagan ang puwetan ko.
"Where are you going? The class' already ended," nakangiti ko siyang nilingon.
"Non lo so," (I don't know) natatawa kong sabi tsaka pinihit ang door knob at binuksan ito, ngunit bago pa ako makalabas ay muli kong nilingon ang Presidente, "Ciao, signor Presidente," Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot. Lumabas na ako ng Visitor's Room, ngunit 'di ko inaasahan ang bubungad sa akin sa labas.