CHAPTER NINETEEN

1778 Words
"A-anong ginagawa niyo rito?" tanong ko kay nila Patrick, at Letson na nakatayo sa harap ng pinto ng Visitor's Room. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nila dahil wala akong makitang reaksyon sa kanilang mukha. "Kasama mo ang Presidente sa loob?" tanong ni Patrick. "H-huh? O-oo.." alinlangan kong sabi. Ano ba kasing ginagawa nila rito? "Talaga?" dahan-dahang lumapit sa akin si Letson habang nanliliit ang mata. Sinusuri niya ang kabuuan ng mukha ko na para bang nanghihinala siya sa akin nang biglang... "Anong pinag usapan niyo? Close na ba kayo ng Presidente?" "T-tek-" "Mag kwento ka naman!" sunod na sabi ni Patrick, "Idol na talaga kita L.A., biruin mo? Nakausap mo ang Presidente?" buang na ata 'tong dalawang 'to. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pag lakad. "Weehhh... hindi namamansin," pagpaparinig ni Patrick. "Pinagalitan ako, okay?" pagdadahilan ko. "Ikaw? Pinagalitan?" biglang humarang sa harap ko si Patrick kaya natigil ako sa paglakad, "Bakit ka naman niya papagalitan? Magka-anak ba kayo?" "Syempre biro lang noh," pilit akong tumawa para mukha talagang nagbibiro ako, "Tinanong lang niya ako tungkol sa nangyayaring p*****n sa school." "Eh bakit ikaw?" Tanong ni Letson tsaka pumunta sa gilid ni Patrick. "Matalino raw kasi ako," biro ko. "L.A. naman oh! Seryoso kasi!" langhiya 'tong Letson na 'to. Para na ring sinasabi niya sa 'king 'di ako matalino. "Ang sabi ng Presidente magdadagdag daw siya ng mga security sa paligid. Magbibigay din siya ng mga taser sa lahat ng estudyante para sa self defense," hindi nakasagot ang dalawa. Mukhang hindi sila makapaniwala na kinausap talaga ako ng Presidente. Dahil mukhang wala na silang sasabihin pa, inilagay ko ang pares kong kamay sa pagitan nila at tinulak sila sa magkabilang gilid tsaka ako tuluyang naglakad. 'Kailangan kong magsinungaling sa kanila, dahil hindi pa ito ang tamang oras-pero teka lang ah! Totoo yung sinabi ko na matalino ako! ' Dahil na-suspende ang klase gawa nga ng nangyari kanina, dumiretso na ako sa bahay ni Professor Zhaiminous. Hindi ko na rin alam kung saan nagpunta si Izel. Malamang sisingsisi siya sa mga pinaggagawa niya. Pag bukas ko ng gate ay bumungad sa akin si Professor Zhaiminous sa sala at isang babae na kaharap niya. "Oh, here's my daughter!" tumayo si Professor Zhaiminous at sumenyas na lumapit ako sa kaniya. Hindi ko naman magawag tumanggi dahil mukhang ka sosyo niya yung babaeng kausap niya. Pilit akong ngumiti at lumapit sa kaniya. Bumungad naman sa akin ang babae na mukhang Chinese o Korean. Pero bakit pamilyar siya sa akin- "Ya! L.A.!" Aniya habang nakaturo sa akin. Kilala niya ako? "L.A. She's your childhood friend, Rae Min," unti-unting nanlaki ang mata ko at unti-unti ring bumalik ang mga ala-ala ko tungkol sa kaniya. "Rae Min!!" sa sobrang pagka miss ko sa kaniya ay 'di ko mapigilang mapayakap sa kaniya, "Eotteoke jinae?" ( How are you)? "Gwaenchanayo," (I'm fine) Kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa. "Wae irinya?" (What are you doing here?) Pinagkrus niya ang kaniyang braso tsaka tumingin kay Professor Luis na tila ba may nag-uusap sila gamit ang kanilang isip. Dahil mukhang nakakahalata na ako ay nilingon ko si Propesor, "Anong ginagawa niya rito? 'Diba nasa Korea siya?" "I called her because I need some help," seryosong sabi ng propesor. "For what?!" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya. "About the killings in your school. We need to find the killer, so we can stop the killings!" "At anong koneksyon ng kasong 'yan sa kaniya?" tukoy ko kay Rae Min. "The three of you need to be my spy," saglit akong natigilan. Anong ibig sabihin niyang spy? At anong ibig sabihin niyang tatlo kami? "Eirene will come with you and Rae Min will be our genius hacker," agad na nangunot ang noo ko. "Who's Eirene?" tanong ni Rae Min. Nakakaintindi siya ng tagalog dahil ilang years siya nanatili sa Pilipinas. Nakakasalita rin siya ng tagalog pero hindi siya confident kaya nag e-english nalang siya o kaya Hangeul. "His daughter," pakilala ko. Napa awang ang bibig ni Rae Min kasama ng panlalaki ng singkit niyang mata. "I adopted her," mas mabilis pa sa kurap ang pagbago ng reaksyon ni Rae Min. "I thought you had another woman!" natatawang sabi ni Rae Min, "By the way, where is she?" tukoy niya kay Eirene. "She's in the mall, for now..." tinignan ako ng propesor, "L.A., take Eirene to the guest room." "Geureom..." nilingon ko si Rae Min, "Gaja," nakangiting tumango si Rae Min tsaka sumunod sa akin dala-dala ang kaniyang asul na luggage. Dahil kailangan pang umakyat ay tumulong sa amin ang mga katulong hanggang sa maka-akyat kami. Ako na ang nag prisentang buksan ang pinto at sumunod naman siyang pumasok sa loob. "Magpahinga ka na dahil bukas siguradong kukulitin ka ni Professor Luis," natatawa kong sabi ngunit natigilan ako nang makita ang pilit niyang ngiti, "Wae?" (Bakit?) "Until now... you still call him Professor," agad akong napatingin sa ibang gawi. Pati papala 'yon napansin niya? "M-Mianhe..." (Sorry) muli kong binalik ang tingin ko sa kaniya tsaka pilit na ngumiti. "Nan gwenchana," (It's ok) Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin, "Jal ja," (Sleep well) "Mm," aniya habang nakangiting tumango. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan. Lumikha pa ito ng ingay nang bitawan ko ang seradura. Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng ingay na nanggagaling mula sa baba. Lumapit ako sa railings para silipin ang ibaba at bumungad sa akin si Eirene na may dala-dalang tig dalawang bag sa magkabilang braso niya. Nagmamadali siyang lumapit kay Professor Luis at agad naman siya nitong sinalubong ng yakap. "You bought so much of these!" Namamanghang sabi ng propesor. "Of course! Minsan lang ako makalabas sa isang buwan kaya tinodo ko na, 'diba?" "You're spending your money too much," nakangiwing sabi ni Professor, "Anyway, kumain ka na ba? May ulam pa rito. You should eat." "Yes sir!" nakasaludong ika ni Eirene. Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso na sa loob ng kwarto ko at agad na nakatulog. * * * Madaling araw pa lang ay nagising na ako. Dahil wala namang gagawin ay dumiretso ako sa banyo para maligo. 'Mission accomplished' Naka balot ng twalya ang buong katawan ko dahil mag to-toothbrush pa ako. Dumiretso ako sa sink kung saan may malaking salamin ang naka dikit sa itaas ng sink. Pag tingin ko sa salamin ay may tila ba kulay itim na likido ang namumuo sa ibaba ng mata ko at walang ano-ano'y tumulo ito patungo sa pisngi ko. Ilang minuto ko pa itong hinintay bago tumigil sa pag tulo. Nang tumigil na ito sa pag tulo, nag hilamos na ako na sinundan ko ng pag toothbrush. Pagkatapos kong mag toothbrush ay nag bihis na ako sa loob ng banyo. Doon ko na rin pinatuyo ang buhok ko. Dumiretso ako sa ibaba at pumunta sa pasilyo sa bandang gilid ng bahay. Hinanap ko roon ang Training Room at nang makita ko ito ay dali-dali kong binuksan ang pintuan. Bukas ang ilaw at may naririnig akong ingay sa loob. Hindi ko pinansin ito at pumunta sa lagayan ng mga iba't ibang klase ng Espada. Labing limang espada ang nakahilera roon, ngunit napansin kong may kulang na isa. Iyon ay ang pinaka paborito kong espada na Katana dahil... Bigay iyon ng lolo ko sa akin. Pero mukhang no choice ako kaya yung Urumi sword na lang ang pinili ko. Mabigat ito at halatang lumang luma na dahil galing pa ito sa medieval ages, pero siguradong kayang kaya nitong manghiwa ng-- Agad kong nilingon ang likod ko kasabay ng pagtutok ko ng espada sa kaniyang leeg. "You're here," nakangising sabi sa akin ni Eirene. Maging ang hawak niyang Katana ay nakatutok sa leeg ko. "Do you even know how to use that sword?" may bahid ng pang-aasar ang boses ko. Gusto ko siyang inisin dahil iyon ang nagpapagana ng araw ko kapag nandito ako sa bahay ng propesor. Syempre biro lang. "Of course. Your dad tought me how to use this sword. Sa totoo nga niyan, paborito ko ang espadang 'to," sarkastiko akong napangiti. "Before claiming other's things, I think you should at least know who's the owner of that sword." "Oh, really? Why? Is this your sword?" sarkastiko niyang sabi sa akin. "Maybe. Maybe not," Unti-unting nawala ang kaniyang ngisi. "I don't want to start a fight, but maybe playing with you is worthwhile, right?" "Try me," muling umukit ang ngisi sa kaniyang labi, ngunit kumpara kanina ay mas malaki ito. "If that's the case.... Let's see who's the loser among us," bago pa tumama ang espada sa leeg ko ay agad akong yumuko at umikot sa kabilang side tsaka ko buong lakas na sinipa ang sikmura ni Eirene dahilan para mapa-atras siya, "Tsamba," may halong pang-aasar ang kaniyang tono. 'Lul, sinong niloko mo?' Sumugod siya sa akin habang naka taas ang kaniyang espada na hawak ng kanang kamay niya. Mukhang balak niyang patamaan ang sikmura ko pero agad kong napatamaan ang kaniyang espada dahilan para mabitawan niya ang Katana. Yumuko siya para kunin ito, ngunit bago pa niya mahawakan ang espada ay sinipa ko ang likod niya dahilan para mapadapa siya sa sahig. Ipinatong ko ang paa ko sa kaniyang likod at tinutok ang espada sa kaniyang leeg. "Kung kaaway lang kita, malamang patay ka na ngayon," walang emosyon kong sabi. "Oh, really? So hindi pala tayo magkaaway? I hope you don't consider me as a friend, 'cause I will reject you," matunog akong ngumisi. "Hindi kaaway ang tingin ko sa mga taong katulad mo, at mas lalo nang hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo. Dahil kung magiging kaaway kita, ayaw kong isipin mo na lugi ka." "SHUT UP!" Mabilis niyang kinuha ang espada sa gilid niya at buong lakas siyang umikot hanggang sa tumama ang espada niya sa bewang ko sa bandang ilalim. Nagkaroon ng butas ang damit ko at sa sobrang tindi ng pag hiwa sa akin ni Eirene ng hawak niyang espada ay maraming dugo ang lumabas sa tiyan ko, "Ooops! Did that hurt you?" aniya at sarkastikong humalakhak. Muli siyang tumayo at ipapa tama muli ang espada sa sikmura ko, ngunit agad akong umikot patagilid at saktong pag harap ko ay tumama ang blade sa kaniyang kaliwang pisngi. Unti-unting bumuka ang kaniyang balat at unti-unting nagsi labasan ang dugo niya pababa. Hinawakan nya ang kaniyang pisngi at sa oras na ring iyon ay pinaluhod ko sya at umikot sa kaniyang likod tsaka inilapit ang aking espada sa kaniyang leeg. "WHAT ARE YOU DOING?!" pag lingon ko sa likod ko ay nakita ko ang propesor na nakatayo malapit sa gate habang kunot na kunot ang kaniyang noo. 'Nice timing, but wrong person.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD