CHAPTER TWENTY

1215 Words
Nasa clinic kami ngayon habang ginagamot ng propesor ang sugat ni Eirene sa kaniyang pisngi. "Why did you do that, L.A.?" mariing tanong ng propesor sa akin habang nakatingin sa sugat ni Eirene. "Did what?" pagmamaang-maangan ko. "This!" aniya at inis na lumingon sa akin, "Paano pala kung napatay niyo ang isa't-isa?! Ano ba ang pumapasok sa kukote niyo?!" muli niyang nilingon si Eirene at sunod niya itong nilagyan ng Gasa. "Pumunta lang ako sa training room para mag training," walang gana kong sabi. "Para mag training? Training ba ang tawag mo diya'n?! nasugatan si Eirene!" namumula na ang kaniyang mukha at lumalabas na rin ang litid niya sa kaniyang leeg at sentido. "Hindi pa naman siya mamamatay-" "Stop!" muli niya akong nilingon, "Huwag ka ngang maging pilosopo! Hindi ka nakakatuwa!" "Malamang. Hindi naman ako nag jo-joke-" "I said stop! Please L.A.! Please! Tumigil ka na sa kalokohan mo-" "Teka, bakit parang ako lang ang napapagalitan dito?" nilingon ko si Eirene na nakangisi sa akin, "Eh siya naman 'yung nanguna ah!" "Both of you are wrong! But L.A.! You hurt Eirene-" "Eh ano naman kung nasugatan siya? Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na tatanga tanga siya-" "L.A-" "Kasalanan ko ba na napaka lamya niya? Tsaka 'di naman siya mamamatay sa ganiyang sugat eh! As If naman napaka daming dugo ang lumabas sa sugat niya!" "Intindihin mo ang sitwasyon!" "IKAW ANG HINDI KO MAINTINDIHAN!" Pareho silang natigilan nang bigla ko siyang mapag taasan ng boses, "BAKIT BA LAGI NA LANG AKO? Porke ba siya ang nasugatan kaya siya na ang biktima?! Eh hindi naman mangyayari 'yan kung 'di siya mauuna! Siya ang nag yaya na maglaban kami! Kaya bakit ako ang pinapagalitan mo?! Tsaka alanganamang hindi ako lumaban? Ano ako? Magpapabaya? Baka kapag ginawa ko 'yon siguradong hindi na ako humihinga ngayon!" "Eirene will never do that thing-" "f**k THIS WORLD!" Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin. Nanginginig ang kalamnan ko at nag ngingitngit ang ngipin ko. Pumikit ako ng mariin at sinundan ito ng sunod-sunod na buntong hininga. Nang unti-unti na akong kumalma ay iminulat ko na ang mata ko at nilingon ang dalawa, "Mag-usap na lang tayo mamaya tungkol sa plano natin," ika ko tsaka walang pasabi na lumabas ng clinic. Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka kinuha ang first aid kit sa loob ng drawer ko. Nilinisan ko ang sugat ko tsaka kumuha ng karayom at sinulid at mag-isa ko itong tinahi hanggang sa mag sara ang sugat ko. Nilingon ko ang pinto nang may kumatok at muling nilingon ang first aid kit ko. Nagpalit ako ng damit tsaka lumapit sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin si Rae Min na malaki ang ngiti. "Annyeong!" masigla niyang sabi habang kumakaway pa sa akin. "Wae?" (Bakit)? Kunot noong tanong ko sa kaniya. "Nothing," Walang pasabi siyang dumiretso sa loob ng kwarto ko. Wala na akong nagawa kundi ang papasukin siya, "What is this?" tanong niya habang nakatingin sa first aid kit at sewing box, "Omo! There's a blood!" aniya habang nanlalaki ang mata at bahgyang napapatakip sa kaniyang bunganga. Agad kong kinuha ang sewing kit at first aid kit tsaka ito mabilis na tinago sa loob ng drawer, "Paint lang 'yan,"pagdadahilan ko tsaka naupo sa kama, "Anong ginagawa mo rito? Maaga pa ah?" "I can't sleep much," aniya at naupo sa tabi ko, "Anyway, I'm excited to see our plan! Feeling ko ako ang bida sa storyang 'to. Hehe," natatawa ko siyang nilingon. "Now, you speak Tagalog." "Kasi komportable ako sa'yo." "Bakit 'di mo kausapin yung iba gamit ang tagalog mamaya? Malay mo ma-boost 'yang confidence mo 'diba?" "Molla..." Kung kalian nagtatagalog na siya tsaka pa siya mag ha-hangeul. "Halika? Baba na tayo?" anyaya ko tsaka tumayo na, "Baka may pagkain na sa baba," nakangiti siyang tumango tsaka sumunod sa akin, ngunit bago pa ako makalabas ng kwarto ay biglang tumunog ang telepono ko dahilan para matigil kaming dalawa sa paglalakad, "Mauna ka na." "Okie!" aniya at dali-daling lumabas. Nang masiguro kong nakababa na siya ay tsaka ko kinuha ang telepono ko at bumungad sa screen ang pangalan ni Emillio. Pinindot ko ang kulay berdeng buton tsaka itinapat ang telepono sa tenga ko. Unti-unti namang gumuhit ang ngisi sa labi ko. "Ciao," pagbati ko sa kabilang linya. "Come sei stato ultimamente?"(How have you been recently?) Base sa boses niya mukhang nagagalak siyang marinig muli ang boses ko. "Sto bene," (I'm fine), "E tu?" (And you?) "Did you know that Professor Luis called Cynthia last week?" Saglit akong natigilan. Kahit alam ko na wala akong karapatang magalit sa kaniya ay hindi ko maitago ang hinanakit ko dahil kahit wala na ang nanay ko ay pakiramdam ko sinasaktan pa rin niya ito. 'Pero teka, ito ba ang dahilan kung bakit niya ako tinawag?' "non m'importa." (I don't care) Ibababa ko na sana ang telepono ko nang biglang... "Aspetta!" (Hang on!) Ano nanamang gusto niya? "About the killings in your school... I have something you don't know," Matik na nanlaki ang mata ko. "Spill it." * * * Nag tipon-tipon kami sa meeting room kung saan napakahaba ng mesa at napakaraming upuan eh iilan lang naman kami. "First, we need to find the killer even though they are not really the mastermind," nangunot ang noo ko sa sinabi ng propesor. "What do you mean?" tanong ni Rae Min. "I checked all the employees in L.A.'s school, unfortunately, all of them is not capable of making that kind of virus, that's why maybe they are just an ally," "But how can we spot them?" sunod na tanong ni Eirene. "First, the two of you will enroll in L.A.'s school. You need to keep an eye on everybody especially the employees--" "Pero marami sila," komento ko habang nakayuko at kinukutkot ang kuko ko. "Then first, check your teachers first. Tignan mo kung may kakaiba sa kanila." "At paano ko gagawin 'yon?" "Napansin ko sa mga katawan ng biktima, walang gusot ang kanilang uniporme, wala rin silang nakita na nanlaban ang biktima kaya malamang pinagkakatiwalaan iyon ng biktima o kaya naman ay kakilala nila kaya gusto ko na kausapin niyo ang bawat teacher at tignan niyo kung may kakaiba sa kanila--" "No need," Hindi ko man sila tignan ay ramdam ko ang pag tingin nila sa akin. "What do you mean?" kunot noong tanong ng propesor. "Emillio called me earlier, and he said that..." dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko hanggang sa nagtama ang mata namin ng propesor, "The killer already find a suitable host." "How did he know that?" kunot noong tanong ng propesor. "Ang sabi niya sa akin may pinadala siya ritong private detective para sa p*****n na nangyayari sa school. Nalaman niya na hindi lumalagpas ng isa hanggang dalawang linggo ang nagiging biktima. Pagkatapos ng pinaka huling biktima, lumipas ang tatlong Linggo pero wala nang sumunod pa na p*****n. Naikuwento mo rin ang hinala mo tungkol sa p*****n kaya ayon sa kaniya, posibleng nakahanap na ng host ang killer." "And that's possible," komento ng propesor, "But the question is... who's the host?" Pinag krus ko ang braso ko at sumandal sa kinauupuan ko, "I'm afraid it's one of my classmate," Kusang napangisi ang labi ko nang hindi ko man lang namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD