PARK RAE MIN'S POV
It's so much fun being back in the Philippines because, unlike in Korea, I have no closest friends—I mean, I hung up with them, I walked with them, I laughed with them, I ate with them, but still I feel that I'm an outsider to them, unlike here with my best friend, L.A. I'm comfortable with her.
Anyway, It's my first day in L.A.'s school called what is it again-Oh! I remember now! It's Ethereal International. As far as I know, It's one of the most prestigious international school in Asia.
"L.A. left so early, now I feel uncomfortable and my anxiety is attacking me," I whisper beneath my breath, but It looks like that Eirene who's beside me, glancing at the big gate of E.I. heard my whisper, because I saw her smirked.
Is she mocking me?
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" She said, smirking. Her head turns slowly in me and her smirk grew much bigger, "So you have anxiety, huh?" She squeaked, mocking me and I feel really embarrassed now. My hands are trembling and my brain's not working. I don't know what to reply! even my body can't move. She walked towards me and stopped in my front with only 3 inches left. She put her bag in front of her and pulled the zipper to open it. She grabbed something in there and surprisingly, she held my right hands and put a small thing above it.
When I looked at it, my eyes grew wider.
'It's a pill for anxiety!'
But I don't understand! Earlier she's mocking me but then....
I lift my head so I can thank her, but unfortunately, she's nowhere to be found. I searched my surroundings using my eye until I saw her walking inside the campus.
I entered the gate and the guard checked my I.D. when the guard verified that I am a student, he let me in.
I run towards Eirene so I can catch up with her, but before I get really close to her, a girl runs towards Eirene, causing Eirene to stumble on the ground. I quickly ran towards her so I could help her. I stretched my arms, so she could stand up again with my support, but unfortunately, she refused.
She stands on her own and faces the girl who accidentally pushed her.
"Woah, easy girl! You're so scary ya know?" the girl said, mocking Eirene. I also found the girl pretty.
Eirene raised her left eyebrows and looked at the girl from head to toes. The girl seemed annoyed at how Eirene looked at her, "I can tell that you're good at judging people," Eirene remarked, "How did you know that I'm scary? Ngayon lang tayo nagkita. Ano ka? Manghuhula?" Eirene planned to walk towards the girl again, but the girl raised her pointer finger at Eirene.
"Don't you dare! Hindi mo ba ako kilala? I..." the girl walked closely to Eirene, "Am..." she tapped Eirene's right shoulder using her pointing finger, "Cindy Salazar. The daughter of Cynthia Salazar!" My eyes widened when the hands of the girl named Cindy flew on Eirene's cheeks, but before the hand of the girl land on Eirene's face, Eirene quickly catch the girl's wrist and just in a blink, the girl flew far away from Eirene when Eirene kicked her stomach.
"Wala akong pake kung sino ka. Wala rin akong pake kung kaninong pamilya ka pa nanggaling. Estudyante tayong lahat dito kaya pantay-pantay lang dapat ang turingan sa isa't-isa, kaya kapag sinuntok mo 'ko.... Susuntukin rin kita. Ang kaso nga lang nakakarindi 'yang bunganga mo, ayan tuloy sumobra ako," After that, Eirene glanced at me and without saying a word, she turned around and walk in the middle of the crowd.
I run again so I can catch up with her, but before I passed through the girl whose name is Cindy, I clenched my fist and breathe deeply then I turned around to face her, "Gae saekiya!" Then I run away.
L.A.'s POV
Sa section 3-E nakalagay si Eirene samantalang sa Section 3-A naman si Rae Min. Doon sila inilagay dahil lahat ng teacher na nasa grade 12 ay nagtuturo sa section nila, samantalang sa section naman namin ay may tatlong teacher na nagtuturo sa elementary pero mukhang napilitan silang mag turo rito dahil sinabi ng Dean. Exam rin namin ngayon pero sina Eirene at Rae Min ay excempted dahil bago lang sila rito.
Bago rin ako umalis kaninang umaga, sinabi sa akin ng propesor na inimbitahan daw kami ni Professor Jared Salazar. Isang scientist rin tulad ng propesor at ang mas pinaka malala, siya ang asawa ni Cynthia at tatay ni Cindy.
"Prepare your pen and eraser, and good luck with your Exam," nakangiting sabi sa main ni Sir Jericho. Isa-isa niya kaming binigyan ng questionnaire na may kasamang dalawang candy na Dynamite, para raw may makain kami habang nag e-exam.
Bumalik na si sir sa kaniyang upuan sa harap habang nakatingin sa amin, "L.A.?" Ibinaling ko ang tingin kay sir tsaka itinaas ang dalawang kilay senyales na bakit niya ako tinatawag, "Nakausap ko ang lahat ng teachers mo. Ang sabi nila sa akin, lagi raw Zero ang score mo sa assignment, test, quiz, at missing ka naman pag dating sa project. Gusto mo bang bumagsak?"
"Sir... lagi naman po akong nag re-recite,"
"Yes, I know that at masaya ako na palagi kang nag re-recite, pero ang inaalala ko, paano yung assignments mo? Quiz? Paano ka makakapasa niyan? Lalo na itong exam! Nag review ka ba?" dahan-dahan akong umiling, "L.A. naman... please, be the better version of yourself! I know that you can do better than this!"
"Sorry po..."
"Please, do your best to catch up with your classmates, okay?"
"Yes sir," tanging ngiti lang ang iginanti ni sir.
Aaminin ko, wala akong pake sa pag-aaral ko dahil alam ko namang makakahanap ako ng magandang trabaho, pero mukhang... na gui-guilty na ako sa ginagawa ko. Fine! I-pe-perfect ko na 'tong exam na 'to.
Lumipas ang sampung minuto ay agad akong tumayo at lumapit sa desk ni sir. Inilapag ko ang papel sa ibabaw ng kaniyang desk at kumuha ng susunod na papel para sa ibang subject, pero bago pa ako makabalik sa upuan ko ay nagsalita si sir.
"You're done already?"
"Po? Opo,"
"Hinulaan mo nanaman, ano?"
"Hindi po!" mukhang nababanas na sa akin si sir.
Kunot noo niyang kinuha ang papel ko at i-n-scan niya ang bawat page sunod niyang binuksan ang drawer niya at kumuha ng puting papel. Pabalik-balik ang tingin niya sa papel ko at sa puting papel at habang tumatagal ay nanlalaki ang kaniyang mata.
"L.A..." Aniya at iniangat ang paningin sa akin, "Did you cheat?" napamaang ako.
Grabe naman 'to makapag bintang. 'di ko na kailangan ng kodigo. Ang kodigo ang may kailangan sa'kin.
"Hindi po ah! Tignan niyo pa kamay ko eh, o kaya yung mga gamit ko."
"O-Oh...." Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel ko, "S-Sige na, mag sagot ka na uli," bumalik na ako sa kinauupuan ko at dali-daling tinapos ang apat na subject. Saktong nag ring nag bell hudyat na recess na. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lalabas na sana ng classroom nang tawagin ni sir ang pangalan ko.
"Bakit po?" tanong ko.
"You.... You really didn't cheat?" nakaka dalawa na 'to ah?
"Hindi po talaga," ika ko tsaka pilit na ngumiti, "B-bakit po?"
"You... y-you perfect the exams," hindi na ako nagulat na na-perfect ko ang exam. Kung tutuusin, kaya kong i-perfect ang mga pinapagawa ng mga teachers ko pero 'di ko na inabala pa. Mahangin ba? pagbigyan niyo na. Ngayon lang naman, "You're not surprised?"
Umiling ako, "Hindi po."
"Wait..." aniya at pumunta sa harap ko. Dahil matangkad si sir kinailangan ko pang i-angat ang paningin ko, "The assignments and quizzes that your teachers gave you... you can perfect that, but you didn't bother to, aren't you?"
"O-opo..." Hindi nakasagot si sir. Hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang kaniyang mata, "Sir-"
"What's your IQ?" bigla niyang tanong.
"Bakit po-"
"Just say it!" napahawak pa ako sa dibdib ko nang bigla siyang sumigaw. Minsan talaga nakaka gulat si sir.
"178-"
"WHAT?!" napa atras ako sa kinatatayuan ko, "I-I'm sorry... I mean... I just can't believe it! You're not joking, right?" umiling ako,
"You're really something..."
"Ah, sir?"
"Yes?"
"Pwede po bang umalis na ngayon tutal tapos ko naman po yung test," katulad nga ng sinabi ko kanina, inimbitahan kami sa Mansyon nila at 3:00 p.m. ang oras na sinabi ni Professor Jared.
"Sure, take care," nakangiti akong tumango tsaka nag paalam na kay sir.
Pagkauwi ko ay nadatnan ko na naka bihis na ang propesor. Inaayos niya ang kaniyang kulay pulang neck tie habang nakatingin sa malaking salamin.
Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana sa kwarto ko pero bago ko pa siya malagpasan ay bigla siyang nagsalita.
"Eirene bought you a dress on the other day," walang reaksyon ko siyang nilingon. Nang maayos na ang kaniyang neck tie ay nilingon niya ako, "It's in your room," pilit na lang akong tumango bilang pag tugon tsaka dumiretso na sa kwarto ko.
Pag bukas ng pinto ay bumungad sa akin ang malaking kulay puti na paper bag sa ibabaw ng kama ko.
'Talaga bang binil'han niya ako ng damit o nakiusap lang ang propesor sa kaniya?'
Naupo ako sa tabi ng paper bag at sinilip ang loob tsaka ipinasok ko roon ang kamay ko para ilabas ang damit. Kulay pula ito at sleeveless. Mataas ang tela ng nasa unahan at mukhang aabot ito hanggang sa itaas ng tuhod ko habang ang likod nito ay mahaba kumpara ng nasa unahan.
Naligo na ako at pinatuyo ang buhok ko. Sunod kong sinuot ang dress at binun ang buhok ko. Dahil wala naman akong make up dito ay hinayaan ko nalang ang maputla kong mukha.
Aalis na sana ako nang may mapansin akong kulay itim sa loob ng paper bag. Dahil sa kursyonidad ay sinilip ko iyon at bumungad sa akin ang magkapares na sandalyas na kulay itim.
Inilabas ko ito sinuot ko. Sinubukan kong maglakad pero bigla akong napaupo nang mawalan ako ng balanse. Hinawakan ko ang bedsheet ng kama upang suportahan ang sarili na tumayo muli. Dahan-dahan akong naglakad tsaka binitawan ko na ang bedsheet. Hindi rin nagtagal ay nasanay na ako sa suot kong sandalyas.
Naging dahan-dahan din ang pagbaba ko ng hagdan at todo hawak ako sa railings dahil baka mawalan nanaman ako ng balanse.
"You look good," nakaharap ang propesor sa salamin habang nasa akin ang kaniyang tingin. Agad naan niya akong nilingon, "Are you ready?"
"Mm," nauna na siyang lumabas ng bahay kasama ang dalawa niyang body guard. Sumunod naman ako sa kaniya palabas. Saktong paglabas ko ng bahay ay may dalawang body guard ang sumalubong sa akin at inalalayan nila ako papasok sa Limousine.
Naupo ako sa tabi ng propesor ngunit malaki ang agwat namin sa gitna.
Tahimik ang loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa Mansyon ng mga Salazar.
Naunang bumaba ang mga dalawang body guard ng propesor na sinundan ng dalawa pang magkaibang bodyguard upang alalayan kami palabas.
Malaki ang Mansyon nila at pansin ko na may pagka Roman o Italian ang style ng bahay nila.
Inalalayan kami ng mga katulong ng Salazar patungo sa loob ng Mansyon nila. Nang makapasok kami sa loob ay kitang kita ko na ang pinagkaiba ng Mansyon namin kaysa sa kanila dahil ang sala nila ay may napakaraming gamit.
May mahabang lamesa rin doon at maraming upuan katulad ng sa Meeting room.
May malaking Chandelier sa itaas at puno ng pagkain ang ibabaw ng lamesa. Tila ba nasa Italian restaurant ka dahil halos lahat ng pagkaing ito ay galing sa Italy.
"You're here," sabay kaming napatingin ng propesor sa kanan namin. Katulad ni Professor Luis Zhaiminous ay nakasuot rin ng suit and tie si Professor Jared Salazar. Sa gilid niya ay nakatayo ang kaniyang asawa na si Cynthia Salazar at ang katabi naman ni Cynthia ay ang anak niya na si Cindy.
Nang magtagpo ang tingin namin sa isa't-isa ay nanlaki ang kanilang mata. Hindi sila makapaniwala na makikita nila ako rito kasama si Professor Luis.
"Thank you for inviting us, I wonder if you only invited us," nakangiting sabi ng Professor Luis.
"Don't worry, I also invited the others, but take a seat first," Tugon ni Professor Jared at sunod niya akong nilingon.
"Oh! I almost forgot! She's my daughter, L.A." Pakilala sa akin ng propesor. Pagkatapos no'n ay nilingon ko ang mag-ina habang may nakakaasar na ngisi sa labi ko.
"L.A. is that her real name or her nickname?" agad kong ibinaling ang tingin kay professor Jared.
"That's my real name," nakangiting tugon ko.
Saktong bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang iba pang inimbitahan ng propesor. Isa na ro'n ang pamilyar na lalaki na taas-noong naglalakad palapit sa gawi namin. Habang patagal nang patagal akong tumititig sa kaniya ay unti-unti ring nanlalaki ang mata ko hanggang sa mapagtanto ko kung sino ang ginoong ito.
'Anong ginagawa ni Emillio rito?!'