CHAPTER TWENTY TWO

1756 Words
Kung kanina ay wala pang kalaman laman ang mga upuan, ngayon ay napuno na ito ng mga bisita. Sa pinaka dulo ng mesa sa bandang gitna ay nakaupo roon si Professor Jared na kahilera si Professor Luis. Tumayo siya at ngumiti ng malaki sa amin. "Buon appetito!" (Enjoy the meal!) aniya at tumayo habang nakataas ang kamay na may hawak-hawak na wine glass. Nagpasalamat sa kaniya ang ibang bisita tsaka muli na siyang naupo. "Let me guess, you don't understand what he said," kung minamalas ka nga naman ay naging katabi ko pa itong si Cindy. Siya kasi mismo ang nag request sa tatay niya na umupo sa tabi ko dahil bestfriend daw kami. Hindi na ako nagsalita dahil baka mag mukhang masama ako sa paningin ng propesor, "It's a surprise that you are the daughter of the great Professor Luis Zhaiminous. I wonder if he regrets having you as his child," hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag kain, "Hey, are you listening?" ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko at nilingon siya. "May sinasabi ka ba?" pagmamaang-maangan ko. "What?! How dare you-" "Ms. L.A. Zhaiminous," ibinaling ko ang tingin ko kay Professor Jared. Narinig ba niya ang pag-uusap namin? "So, you are my daughter's friend. Is she doing good in school?" "Uh..." nilingon ko si Cindy. Nanlalaki ang kaniyang mata at bumubulong sa akin na "Sige subukan mo" muli kong binaling ang tingin sa propesor, "She's doing good." bwiset. bakit ko ba pinagtatanggol ang bruhildang 'to?! "I see..." aniya habang tumatango, "Oh! Emillio!" ibinaling ko ang tingin kay Emillio na nakatingin sa propesor habang may ngiti sa labi, "I heard that your business is doing great in Italy. Congratulazioni!," "Grazie tante." (Thank you a lot) "And Mr. Lim? I heard that your son passed the Bar exam. I bet he's the one who will inherit your business." "Thank you, Professor. The truth is, I already told him about that," nakangiting sabi ni Mr. Lim. Lumipas ang pag-uusap ng matatanda habang ako ay busy lang sa pagkain, ngunit nang kukunin ko na ang baso sa gilid ko ay nagawi ang tingin ko sa mata ni Professor Zhaiminous. Hindi siya nakikitawa kay nila Professor Jared dahil nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa iisang babae. Nang sundan ko ang kaniyang tingin ay dumapo ito kay Cynthia Salazar na katabi ang asawa. Bumigat ang pakiramdam ko kaya naman kinuha ko ang baso at uminom, ngunit sa kalagitnaan ng pag inom ng tubig ay biglang tinabig ni Cindy ang kamay ko kaya nadulas ang baso sa bibig ko at nahulog ang tubig sa damit ko. "Omy! I'm so sorry!" kunwari'y concern na sabi sa akin ni Cindy. May pa omy-omy pa siya diyan. Ulol. nakaka 'omy' pag arte mo. Korni. Natahimik rin sila nang magsalita si Cindy at lahat ng kanilang paningin ay natuon sa akin. "L.A., are you okay?" tanong sa akin ng propesor ngunit ni tanguan o balingan ng tingin ay 'di ko na inabala pang gawin. "Excuse me," ika ko tsaka nilingon si Professor Jared, "Where is the bathroom?" tanong ko sa propesor. "Just turn left in the kitchen." nakangiting tugon sa akin ni Professor Jared. "Thank you," ika ko tsaka naglakad papunta sa direksyong sinabi niya. Nang makapasok ako sa kanilang restroom ay namangha ako nang makita ang laki at ganda ng kanilang bathroom. May tatlong maliliit na chandelier sa ceiling. May tatlong pintuan din sa loob at tatlong sink habang may malaking salamin. 'Parang restroom lang sa mall ang peg?' Pumunta ako sa harap ng malaking salamin tsaka kumuha ng tissue sa gilid at pinunasan ang dibdib ko at damit ko, ngunit sa kalagitnaan ng pagpupunas ko ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Cindy. I-n-lock niya ang pinto at dumiretso sa pangalawang sink na katabi lamang ng sink na nasa harap ko ngayon. Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang kamay. "It's a shame that you don't know how to speak Italian. Your father is half Italian, right?" "Masyado ka nang maraming nalalaman sa pamilya ko," sinara niya ang gripo at kumuha ng tissue. Pinunasan niya ang kaniyang kamay at iniharap ang katawan sa tatlong pintuan ngunit nasa akin ang kaniyang paningin. "Sa dinami daming tao.... Ikaw pa ang naging anak ng propesor. Nakakahiya. Bukod sa panget ang ugali mo, mukhang wala kang namana sa kaniya ni isa." And I'm glad with that, "Hindi kita papatulan ngayon dahil nandito ako sa loob ng pamamahay niyo," ika ko tsaka naglakad palapit sa pinto pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at pwersahan akong pinalingon sa kaniya. "Show some respect b***h!" "Show some respect?" matunog akong napangisi. Napakamot ako sa dulo ng kilay ko habang nakatingin sa baba. Muli ko siyang nilingon at ibinaba na ang kamay ko, "Ikaw ang walang respeto. Partida mismong pamamahay mo binabastos mo-" "SHUT UP IDIOT!" "Ako nga ba ang idiot dito o ikaw? Sinasabi mong hindi ako marunong mag Italian eh ikaw? Marunong ka ba?" "Of course b***h!" unti-unting nawala ang ngisi ko nang muli niya akong tawaging 'b***h' "Oh ano? Hindi ka na makapagsalita-" "Chiudi la bocca..." (Shut up) Dahil 'di niya inaasahan ang aking pagtugon, tila ba naputulan siya ng kaniyang dila. '"W-What?!" Itinaas ko ang hintuturo ko at tinulak siya gamit ito, "Sei." Muli ko siyang tinulak dahilan para mapa atras siya, "Una," Muli ko siyang tinulak, "Stronza" (You are a b***h) sa huling pagkakataon ay muli ko siyang tinulak, "I like how the way you say we're friends," ngnitian ko siya at hinawakan ang kanang balikat niya at tinignan na para bang magkaibigan kami, "Cazzone..." Nilakihan ko ang ngiti ko at inalis na ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang balikat, "Kapag lalabas tayo huwag kang sumimangot, ah? Buona fortuna, stupido!". Nginisian ko siya ng todo para mas lalo siyang asarin habang siya ay pilit na pinipigilan ang sarili na atakihin ako. Naka kunot ang kaniyang noo at sunod-sunod ang pag buntong hininga. Nakakuyom din ang kaniyang mga kamao at namumula ang mukha. In Italian superstition, if you wish someone good luck, bad things will happen. I'm looking forward to that. Tumalikod ako at binuksan ang lock ng pintuan ng banyo tsaka tinulak ito papasok. Dumiretso ako sa kainan at bumalik sa silya ko. "Where's Cindy?" tanong ni Professor Jared. "Nasa cr pa po," nakangiting sabi ko tsaka kinuha ang baso ko at muling uminom. Habang patagal nang patagal ang oras ay nagsisi alisan na ang mga bisita hanggang sa pagsapit ng ala sais ay tanging kami nalang ng propesor ang natira. Niligpit na rin ng mga katulong ang mga kinainan namin at nilinis ang mesa. "So, there's only five of us," nakangiting sabi ni professor Jared, "Ah, Luis, do you know my wife?" dahil sa biglaang tanong ng propesor ay hindi siya agad nakasagot, "Luis, she's my wife Cynthia," pakilala ng propesor sa kaniyang asawa. Nag tinginan ang dalawang mag-asawa at sabay na ngumiti tsaka muling nilingon ni Professor Jared si Professor Luis, "Cynthia, he's my friend and also my colleague, Professor Luis Zhaiminous. I bet you already know him since he has so many successfull inventions that made him famous." "Y-Yeah..." sunod kong ibinaling ang tingin ko kay Cynthia na mukhang hindi komportable sa sitwasyon, "I-it's my pleasure to meet you professor Zhaiminous." "Y-you too," sakto namang bumalik na si Cindy, ngunit 'di katulad kanina ay tumabi na siya sa kaniyang ina. "Great! Everyone's here, does any of you know how to speak Italian except Luis?" walang nagsalita. Lahat ay nakikiramdam sa isa't-isa. Hindi ko na rin balak magsalita pa dahil hindi naman kami close hanggang sa may ideyang pumasok sa loob ko. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko dahilan para mapalingon silang lahat sa akin, "Ang sabi po sa akin ni Cindy marunong siyang mag Italiano" ika ko at nilingon si Cindy na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin, "Gusto ko pong marinig kung paano siya mag Italiano" "Really, Cindy? You know how to speak Italiano?" hindi makapaniwalang sabi ng propesor sa anak. Pilit namang ngumiti si Cindy sa kaniyang ama. "A-A little," tugon ni Cindy. "Good! Keep it up-" DING DONG! Bumukas ang pintuan ng mansyon at bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang mukha dahil malayo siya sa amin ngunit nang unti-unting luminaw ang paningin ko sa kaniya ay agad na nanlaki ang mata ko. "I forgot! I also invited your boyfriend here," tumayo si Professor Jared at sinalubong ang nobyo ni Cindy na si Azrael. Nagkamayan ang dalawa at binati nila ang isa't isa, "You may seat here with us." "Thank you po," saktong pag upo ni Azrael sa kabilang side ay nagtama ang paningin namin. Kitang kita ko ang pagkabigla at panlalaki ng kaniyang mata. Mukhang maging siya ay 'di makapaniwala na makikita niya ako sa Mansyon nila Cindy. "Azrael, I believe that you two knew each other," tukoy ng propesor sa akin. "O-Opo, tito." "That's interesting! Because I want to know more about you, including my friend's daughter, L.A." agad namang nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig, "I heard that Azrael is smart, also my daughter, so I have a brain game for the three of you. And the one who will win can have a tour in my laboratory," Nanlaki ang mata ng dalawa. Malamang hindi pa sila nakakapasok sa laboratory ng propesor. Ayon din kasi sa kumakalat na Chismis, kakaiba raw ang laboratory ng propesor at iba't-ibang klase ng bagay ang makikita mo sa loob no'n. Pero kung ako ang tatanungin hindi ako interesado dahil wala naman akong pake sa laman ng lab niya. Ang kaso nga lang ayaw ko namang mag mukhang walang galang, "At hindi lang 'yon! Makaka tour rin kayo sa lab ni Professor Zhaiminous," lalong nanlaki ang mata ng dalawa. Mukha namang hindi iyon inaasahan ng propesor, "Bakit nasama ako?" "C'mon Luis! Tour lang naman eh!" "Fine," natatawang ika ng propesor. Tumayo si Professor Jared at inayos ang kaniyang suit, "For now, let's go to the garden to start the game," tumayo kaming tatlo nang biglang tumayo si Professor Luis para sana sundan kami ngunit... "No, no, no, you'll stay here Luis. Saglit lang kami." "W-what? But why?" tanong ng propesor at palihim na nilingon si Cynthia na nakatuon ang paningin sa asawa at may pilit na ngiti. "Saglit lang kami tsaka baka mamaya turuan mo 'tong mga bata. Sige na, maiwan na muna namin kayo," ika ng propesor sabay nag iwan ng malaking ngiti sa asawa. What is going on?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD