Malawak ang garden nila pero kumpara sa Mansyon ni Professor Zhaiminous ay nasa likod ng bahay ang sa kanila habang nasa harap naman ng Mansyon ang garden ni Professor Zhaiminous.
"Malawak ang garden nila pero kumpara sa Mansyon ni Professor Zhaiminous ay nasa likod ng bahay ang sa kanila habang nasa harap naman ng Mansyon ang garden ni Professor Zhaiminous.
"I have some questions for you, then you need to answer them correctly. You will be given five to twenty seconds depending on the question, and for every correct answer that you make, you will be given one point. Understand?" tumango kami, "Okay, the first question, there is a room with no doors nor windows, but a man was found hanging from the ceiling and on the floor, there was a puddle of water. How did he die?" wala sa sariling napa buntong hininga ako.
Ano bang klaseng tanong 'yan? Akala ko mahirap.
"That's so hard!" ika ni Cindy habang si Azrael naman ay malalim ang iniisip nang biglang...
"Block of ice," napatingin kami kay Azrael, "He used a block of ice to reach the ceiling and hung himself that's why there's a puddle of water on the floor," biglang pumalakpak ang propesor.
"Very good! One point for you, next! What is the longest word in English?" sabay na nagtaas ng kamay ang dalawa, "Dahil sabay kayo raise your hand again when I said Go okay?" tumango ang dalawa, "3....2...1... GO!" Dahil inoobserbahan ko ang dalawa ay mas naunang nakataas ng kamay si Cindy, "Cindy, what's your answer?"
"pneumonoultramicroscopicsilicovolcanokoniosis!" napapalakpak ang propesor.
"One point for you, next! What... is the strongest muscle in the body?" agad na nagtaas ng kamay si Azrael, "Okay, Azrael!"
"Uh... ano nga ulit 'yon?"
"5! 4! 3! 2-"
"Tounge! Tounge!" aligaga niyang sabi.
"Ok, very good! Tounge! Next! Which sea creatures have three hearts?"
"OCTOPUS!" mabilis na sagot ni Cindy.Naka ilang tanong pa ang propesor ngunit sa huli ay nagwagi si Cindy. Mukhang
pinagbigyan lang siya ng kaniyang nobya, dahil ayaw ni Cindy ang natatalo lalo na't sa harap ng kaniyang tatay, "Why aren't you answering, L.A.?" Nakangiti ngunit naka kunot noong tanong ng propesor sa akin.
"Hindi ko po kasi alam 'yung sagot," pagsisinungaling ko habang may ngiti sa kaing labi.
"Bobo kasi," rinig kong bulong ni Cindy sa tabi ko.
Lumabas na kami mula sa garden. Paglabas namin ay mahabang hallway ang bumungad sa amin. Nauna sina Cindy at Azrael sa harap habang nag uusap. Naka hilera naman ako kay Professor Jared.
"Quanti anni hai?" (How old are you?) bigla akong napalingon sa kaliwa ko kung nasaan ang propesor. Nakatingin siya sa harap at 'di ako sigurado kung ako ba ang kausap niya kaya hindi ko nalang siya pinansin, "I'm talking to you," muli akong napa baling sa kaniya, ngunit katulad kanina ay nakatingin pa rin siya sa kaniyang harap, "I said how old are you?"
"Seventeen po," tugon ko tsaka tumingin sa daanan ko.
"You know how to speak Italian right?" wala sa sariling nangunot ang noo ko, "And earlier, you already know all the answers to my questions, right?" Ano ba'ng pinupunto niya? "You are not a show-off ," he laughed.
"Hindi ko po alam kung anong tinutukoy niyo-"
"And you're not my daughter's friend too, right?" doon na ako natigilan sa paglalakad. Maging siya ay natigil sa paglalakad at nakangiti pa akong nilingon, "I know Luis for so long, but he didn't tell me that he has a daughter," Muling nangunot ang noo ko at bumilog ang aking mata. Lahat ng kaniyang sinabi tungkol sa akin ay tama. Hindi na nakakagulat iyon pero bakit... bakit parang may mas malalim pang dahilan kung bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng ito? "Oh, I'm sorry! Am I being too close to you? I didn't mean to offend you or something-"
"How about you?" taas-noong tanong ko sa kaniya. Wala na akong pake kung kaibigan siya ng tatay ko o mataas ang katayuan niya sa buhay. May gusto lang akong malaman sa kaniya, "Do you think that I'm gonna fall from your trap? I'm not an idiot. Just get to the point. What do you want?"
"Pardon me?"
"You're not surprised that Professor Luis has a daughter. You already knew, didn't you?" hindi siya nakapagsalita, "When we met, you didn't give any signs of surprise. Why? Because you already knew. Oh! And also, you invited your friends for meal-what nonsense by the way- you invited them for your own interest. I wonder what is that-- "
"You're being too rude, L.A.-"
"Oh, I'm sorry! Am I being too close to you? I didn't mean to offend you or something," pag-uulit ko sa kaniyang sinabi kanina, ngunit may halo itong pag ka sarkastiko, "Buona giornata," (Have a nice day) Sa huling pagkakataon ay nginitian ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nasa labas na kami ng mansyon nila Professor Jared habang kinakausap si professor Luis na may dalawang body guard sa gilid. Nasa gilid naman niya si Cynthia at katabi ni Cynthia si Cindy na kausap ang nobyo.
Hindi ko na sila hinintay pa at nauna na ako sa loob ng Limousine. Sinara ko ang pinto na sinundan ko ng pag buntong hininga. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may mapansin akong kakaiba.
Wala ang dalawang body guard sa loob ng Limousine.
Kaya naman nilingon ko ang likod ng kotse at bumungad sa akin ang dalawang lalaki na naka itim na suit habang nakasalampak sa ibaba, ngunit sa ibabaw ng upuan ay may napansin din akong lalaki na naka dapa sa ibabaw ng upuan.
Iyon ang driver.... Kung gano'n... sino yung nasa driver's seat?
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na nilingon ang lalaki na naka upo sa driver's seat. Tumayo ako at hinawakan ang balikat niya upang ilingon sana sa akin, ngunit bigla akong nakaramdam ng pag hilo dahilan para muli akong mapa upo. Pinilit kong labanan ito, ngunit habang patagal nang patagal ay unti-unti akong nawawalan ng gana hanggang sa maipikit ko nalang ang aking mata.
* * *
Unti-unting nagising ang diwa ko. Nang buksan ko ang mata ko ay ang nakakasilaw na ilaw agad ang bumungad sa akin mula sa kinahihigaan ko sa itaas. Kahit Malabo ang paningin ko alam kong isa itong ilaw kaya naman kinusot ko ang mata ko tsaka naupo. Nang makuntento na ako, ay ibinaba ko na ang kamay ko at bumungad sa akin ang magarbong paligid. Napagtanto ko rin na nakahiga ako sa isang malaking kama.
Agad na nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang nangyari.
Dali-dali akong umalis sa kama at hinanap ang pinto. Nang mahanap ko ito ay hinawakan ko ang door knob at pinihit ito. Akala ko'y naka lock ang pinto ngunit taliwas ito sa akala ko. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakakabinging ingay at madilim na paligid na tanging ang mga iba't ibang ilaw lang na nagmumula sa itaas ang gumagabay sa mga tao na busy sa pagsayaw.
Agad kong isinara ang pinto at napa sandal sa pintuan.
'Ano 'yon?!'
Pansin ko rin na soundproof ang kwartong ito kaya malamang hindi mo maririnig ang tugtog at hiyawan ng mga tao.
Ano bang klaseng lugar 'to?!
Bumuntong hininga ako at hinarap muli ang pinto. Bubuksan ko na sana muli ito nang kusa itong bumukas kaya agad akong napa atras.
Bumungad sa akin ang lalaking naka suit and tie at naka ayos ang buhok pa gilid.
Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Naliwanagan na rin ako kung sino ang kumidnap sa akin at dinala ako rito.
"EMILLIO!" lumapit ako sa kaniya na may ngiti sa labi. Maging siya ay napangiti nang makita ako. Itinaas niya ang dalawa niyang braso upang salubungin ang yakap ko, ngunit taliwas sa isip niya ang tunay kong pakay.
BLAAAGG!
Walang pag aalinlangan ko siyang sinapak.
"Ouch!" aniya habang hawak-hawak ang kaniyang panga.
"Sei pazzo?!" (Are you crazy?!) ika ko tsaka tinulungan siyang makatayo, "Alam mo? Hanggang ngayon hindi ka nagbabago. Alam mo bang pinakaba mo ako do'n?"
"Until now, you're still not used to it? C'mon Misia! Grow up!" imbis na lalo pang mainis sa kaniya ay hindi ko mapigilang mapangiti. Sa ilang taon na namuhay ako, muli ko nanamang narinig ang pangalang 'yan,"Che?" (What?) Tanong niya nang mapansin niya ang paraan ng pag tingin ko sa kaniya. Wala nang sabi-sabi ay agad ko siyang niyakap.
"Ti Manco? (Do you miss me?)
Wala na siyang nagawa kundi ang yakapin nalang din ako kahit sa loob-loob niya ay alam kong nandidiri siya.
Itinulak niya ako palayo sa kaniya tsaka nandidiri niya akong tinignan, "That's disgusting, you know?" wala sa sariling napangiwi ako.
"Ano nga palang trip mo? Bakit mo 'ko dinala rito?" Kunot noong tanong ko. Aksidente naman akong napatingin sa orasan na nakasabit sa itaas ng pader.
Mag se-seven na pala...
"Cosa fai stasera?" (What are you doing tonight?)Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Emillio.
"Perche?" (Why?)
"There's a new shop nearby. Wanna grab a drink?" aniya at itinaas baba ang kilay. Parang timang.
"Sure."
Binuksan niya ang punto at muling bumungad sa akin ang nakakabinging ingay.
"What the f**k is this place?" kunot noong tanong ko.
"This is my bar," napalingon ako kay Emillio, "I owned plenty of bars in Italy, that's why I also want to have some bar in the Philippines," Pag labas na pag labas pa lang niya ay agad na siyang kumanan kung saan may isang pintuan ang muling bumungad sa akin. Binuksan niya iyon at bumungad sa akin ang madilim at payapang kalsada kumpara sa loob.
Dumiretso kami sa isang coffee shop na malapit lamang sa kaniyang bar. Ngayon ko lang nakita ang coffee shop na iyon at mukhang kakabukas lang.
Nag order ng espresso si Emillio at dahil siya ang nagyaya ay nilibre na rin niya ako. Naghanap naman ako ng mauupuan sa paligid. Pinili ko yung malapit sa bintana para kitang kita namin ang kalsada.
Maya-maya'y bumalik si Emillio na may dala-dalang dalawang espresso.
"Grazie," (Thank you) ika ko. Kinuha ko ang straw at tinusok ito sa plastik na nagsisilbing takip ng cup tsaka na ako uminom. Nang maka upo na siya sa harap ko ay inalis ko na ang straw sa bibig ko, "Hai fatto un buon viaggio?" (Did you have a good trip?)
"Si." (Yes)
"Oh, really?" sarkastiko kong sabi tsaka bahagyang tumawa. Muli ulit akong sumipsip ng coffee nang biglang nagsalita si Emillio sa gitna ng katahimikan.
"I'm just wondering... after the bitter and darkest days you've encountered... you're still here. Not giving up and still breathing," hindi ko mapigilang mapangiti. Muli kong inalis ang straw sa bibig ko at nilingon siya tsaka sumandal sa silya na kinauupuan ko.
"Just like you, I'm also curious too. I can't believe that I'm still alive and breathing," napa buntong hininga ako, "But then... I think I found the answer."
"What is it?" aniya at sumipsip sa straw.
"Despite all these challenges, I'm still standing because...." Wala sa sariling natawa ako dahil sa rason ko, "I chose not to give up."
"Oh..." mukhang hindi siya bilib sa sagot ko.
"You should ask me why I chose not to give up, idiot!" natatawa kong sabi habang umiiling.
"Then, why you chose not to give up?" pilit niyang tanong sa akin.
"Because...." Kumorte ang ngisi sa labi ko, "I still need to explode someone's body."