Hinatid na ako ni Emillio sa mansyon. Nadatnan namin na napapalibutan ng mga pulis ang harap ng Mansyon. Akala ko may nangyaring masama, 'yon pala magsisimula na sana sila sa paghahanap sa akin.
Agad naman naming naipaliwanag sa mga pulis ang nangyari, habang ang propesor ay mukhang naiinis pa rin sa ginawa ni Emillio.
"You shoudn't get mad at your nephew. Kakauwi pa lang niya sa Pilipinas, pag pahingahin mo naman," biro ko, ngunit mukhang hindi niya nagustuhan ito.
"Shut up L.A.! You don't know how worried I am!" Kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Lumalabas na rin ang ugat niya sa kaniyang leeg at sentido, "At talagang nagawa mo pang mag biro ah?"
"Hindi naman ako napahamak eh-"
"STILL! You made me worried!" hinarap niya si Emillio, "And Emillio! Stop doing that bad habit of yours! You're making people worry! Paano nalang pala kung magka heart attack sila dahil sa kagagawan mo?"
"I'm sorry zio."
"NO! I DON'T NEED YOUR SORRY! Just promise that you'll never do this again!"
"I promise, zio" napa awang ang bibig ko at 'di makapaniwalang nilingon si Emillio.
"I can't believe that I'm seeing this!" natatawa kong sabi tsaka tumayo mula sa sofa at nilingon si Emillio, "You're the heir of Vriztaleia family Emillio Marco Vriztaleia. How the heck did he managed you to say that?" tukoy ko sa propesor.
"Watch your mouth L.A.!" suway sa akin ng propesor, ngunit hindi ko siya pinakinggan.
"Professor!" sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan. Bumungad si Eirene na may malaking ngiti sa labi habang naka buntot sa kaniyang likod si Rae Min na may malaking ngiti rin sa labi.
"Saan ka nanggaling?" kunot noong tanong ng propesor.
"Nilibot ko lang po si Rae Min," aniya tsaka nilingon si Emillio. Namuo ang pagtataka sa kaniyang noo, "Sino po siya?" bago magsalita ang propesor ay agad na tumayo si Emillio at inilahad ang kamay kay Eirene.
"I'm Emillio Marco Vriztaleia, nice to meet you," nangunot ang noo ni Eirene at alinlangang tinanggap ang kamay ni Emillio.
"Eirene," maikling pagpapakilala ni Eirene. Hahalikan na sana ni Emillio ang kamay ni Eirene, ngunit agad na binawi ni Eirene ang kaniyang kamay mula kay Emillio.
"Hi! I'm Park Rae Min, nice to meet you," kinawayan ni Rae Min si Emillio. Nginitian naman ng malaki ni Emillio si Rae Min at kinawayan din.
"By the way, Emillio, why are you here in the Philippines?" tanong ng propesor. Gano'n din sana ang gusto kong itanong kay Emillio kanina. Nawala nga lang sa utak ko.
"I want to help you in your mission."
"Does your dad know about this?"
"Of course. He's the one who suggested that I should go to the Philippines and help you."
"And how can you help us?" tanong ng propesor habang nanliliit ang mata.
"I can give you extra bodyguards or men in case you need to go to a war. I also have weapons in my house and vest and other inventions from Italy where you can use for fighting," napatango ako. Well, I can't deny the fact that he's useful to us.
"Fine..." wala sa sariling napangiti si Emillio nang tanggapin siya ng propesor. Sunod namang nilingon ng propesor sina Eirene at Rae Min, "Ano nga palang nangyari kanina sa school?"
"They seemed nice," tatango-tangong sabi ni Eirene.
"I also checked their backgrounds and I even searched deeply, but none of them seemed like peculiar," ika ni Rae Min.
"Pwede mo bang ibigay sa akin yung nakuha mong information?" tanong ko kay Rae Min.
"No need, I memorized them," Isa sa pinaka nakaka bilib ay bukod sa magaling siyang hacker ay matalas ang kaniyang memorya, "I found out that the dean had an affair with a teacher 15 years ago. I also found out that the guidance counsellor is a science teacher 4 years ago in another school, but he resigned, then he applied in your school and became the guidance counsellor,"
"Bakit siya nag resign?" tanong ko.
"Back then, there's a rumor that he killed a student using poison, but the police said that he's innocent. That's when he went to your school and became the guidance counsellor."
"But how did he became the guidance counsellor?" kunot noong tanong ng propesor kay Rae Min.
"I don't know," kibit baikat na sabi ni Rae Min, "I also found out that Mr. Cruz, our Filipino teacher, her husband is a drug addict and she has two kids. One girl, one boy. There's also a rumour spreading about Ms. Annalita-our MAPEH teacher- that she's mad at the dean because instead of giving her the Science subject, the dean gave her MAPEH subject which she absolutely hates. I also found out about the new teacher, Mr. Jericho Mendez, the science teacher, he was an orphan," marami pa siyang kwinento sa amin ngunit ni isa ay mukhang wala namang koneksyon sa kasong iniimbestigahan namin.
Dahil gabing gabi na ay napagpasyahan ng propesor na ipag bukas nalang daw ang pag pa-plano pagkatapos ng uwian namin.
Kasalukuyan akong nakahiga sa ibabaw ng kama ko. Gusto kong ipikit ang mata ko ngunit nananatiling gising ang diwa ko. At kapag hindi ako makatulog, kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko.
Sa paanong paraan kaya ako mamamatay? Totoo kaya ang langit at impyerno? Sa mga oras ba na 'to may katulad ko na 'di rin makatulog?
Dahil sa sunod-sunod na pag iisip at tanong na lumilitaw sa isipan ko, unti-unti na akong nakakaramdam ng antok.
SCHOOL
Hindi ko aakalain na ganito ang bubungad sa akin pagpasok ko palang ng school. Wala talagang araw na hindi ako na bo-boring sa school dahil kay Cindy.
Nakapamewang siya sa harap ko habang may hawak na mikropono. Nkapalibot din sa amin ang mga estudyante habang nakatutok sa amin ang mga camera nila.
"Let me guess... your father wants to keep it a secret so he will not be embarrassed that he has a stupid, b***h, daughter, right?"
Pinagsasabi neto?
"CINDY! STOP!" Lahat kami ay napalingon kay Azrael na papatakbo palapit kay Cindy, "Please! Stop this nonsense!" nagmamakaawang sabi ni Azrael sa nobya.
"What now Azrael? Siya na ang kinakampihan mo ngayon?"
"Cindy-"
"f**k off!" sigaw ni Cindy habang nakatutok ang mic sa kaniyang bibig.
"Ganiyan ka na ba ka desperado na pati siraan ako ay gagawin mo para lang mapagtakpan 'yang kabahuan mo?" lahat ay napasinghap sa sinabi ko, "Alam na ng lahat na two-timer kang demonyita ka-"
"SHUT U-"
"Kaya ba ginagawa mo 'to para lang mapagtakpan 'yang ginawa mo?"
"WAG KANG GAWA-GAWA!"
"Siraulo ka ba? Anong gawa-gawa? Lahat ng estudyante ay nasaksihan ang nangyari sa loob ng auditorium tapos gawa-gawa? Baka gusto mong palamon kita sa Leon?" natatawa kong sabi.
"You know what? Shut the f**k up! I'm here to announce that this girl..." tinuro niya ako at nilingon ang mga estudyanteng naka palibot sa amin, "Is the daughter of Professor Luis Zhaiminous!" umalingawngaw ang bulungan at mapang insultong tingin sa akin.
"L.A.!" Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko sina Izel, Patrick, at Letson na patakbo palapit sa akin.
"Tumigil ka ngang bruha ka!" galit na sabi ni Letson kay Cindy. Dahil 'di inaasahan iyon ni Cindy ay hindi siya agad nakapag salita,
"Anong pinagsasabi mo diya'n?! Wala nang magulang si L.A.! NAPAKA HIBANG MO TALAGA!"
Hindi ko mapigilang ma-guilty. Gusto kong sabihin sa kanila na tama ang sinasabi ni Cindy, pero natatakot din ako na baka... layuan nila ako dahil sinekreto ko iyon sa kanila.
"What's going on here?" Pamilyar ang boses na 'yon. Nang lingunin ko muli ang likod ko ay bumungad ang nag-aalalang mukha ni Rae Min at ang katabi niyang si Eirene na naka kunot ang noo.
"Oh, I see..." muli kong nilingon si Cindy, "You make friends, huh? I know that Korean girl, she's from my class. And that girl-wait... y-you're the one who kicked me! OMG! This is getting interesting! You two knew each other?" aniya at humalakhak.
"Bakit? Na-miss mo ba ang sipa ko kaya gusto mo ulit makatikim?" hindi ko man makita si Eirene ay malamang nakangisi siya kay Cindy.
"You know what? I can make you all kneel in front of me in just a second."
"You mean by telling your mom that we're bullying you?" natatawa kong sabi sa kaniya.
"Why? Are you afraid?" aniya at humakbang palapit sa akin tsaka dinuro ang noo ko, "You're such a moron L.A. Little did you know that I'm playing with you-" bago pa madikit ang daliri niya sa noo ko ay hinuli ko ito at pinaikot dahilan para mapayuko siya patagilid habang mababakas ang sakit sa kaniyang mukha.
"Remember this Cindy... play me once... I'll break you thrice," mariin kong sabi sa kaniya at tinulak siya dahilan para mapaupo siya sa semento. Agad naman siyang tinulungan ng kaniyang nobyo ngunit tinulak siya ni Cindy at kusang tumayo mag-isa.
'Now, this is getting more interesting.'