Dahil sa nangyari kanina ay napunta kami sa Dean's office. Ayon sa dean, hindi raw kami magsisimula hangga't hindi dumadating ang magulang namin. Nang tawagan naman ng Dean ang nanay ni Cindy ay dali-dali siyang pumunta rito. Hindi niya ako masigawan dahil nasa harap niya si Dean at gusto niyang magkaroon ng magandang imahe lalo na't may mga estudyanteng nakasilip sa labas.
TOK! TOK! TOK!
Agad na kumilos ang sekretarya ng dean. Binuksan niya ang pinto at iniluwa ang matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan. Kung hindi ko kilala ang isang 'to malamang aakalain ko istrikto siya dahil napakaseryoso ng kaniyang mukha.
"Good afternoon, Mr. Zhaiminous," tumayo ang dean at nakipag kamay sa propesor.
"Good afternoon too, Dean Llorel," nakangiting sabi ng Propesor. Hindi nagtagal ang kanilang kamayan at agad na naupo ang propesor sa tabi ko.
"Now, we're all here," panimula ng dean, "I know that you're all busy, but this is about your child," aniya at nilingon ng dean si Cynthia, "You know Mrs. Salazar, your daughter is such a troublesome here-"
"Excuse me dean, but I think that's very inappropriate. My daughter is a high achiever. She has manners too unlike that girl!" itinaas niya ang kaniyang braso at tinuro ako gamit ang kaniyang hintuturo.
Malamang hindi ako ipagtatanggol ng katabi ko. Tss, sana pala iba nalang ang tinawag ko.
"Pardon me but..." wala sa sariling napalingon ako sa propesor nang bigla siyang magsalita, "Can we please stop being biased just because it's our child?" nilingon niya ang dean, "Right dean?"
"That's right Mr. Zhaiminous," pag sang ayon ng dean.
"I'm not being biased! I'm just stating the fact!" desperado talaga ang nanay ni Cindy na pagmukhain akong masama.
"Mrs. Salazar?" nilingon ni Cynthia ang dean, "I think you should watch this," sinenyasan ng dean ang kaniyang sekretarya. Lumapit naman ang kaniyang sekretarya kay Cynthia at pinaharap ang cellphone nito sa mukha ng babae.
Habang patagal nang patagal ang panonood ni Cynthia ay unti-unting nanlalaki ang mata nito.
"No! That's not true!" dahil sa biglaang pag sigaw ni Cynthia ay agad na lumayo ang sekretarya sa kaniya. Malamang ang pinapanood nila ay yung tungkol sa pangayayari kanina.
"We found out that Cindy caused the trouble first," magalang na sabi ng Dean.
"No! That's not true! Hindi niyo man lang ba naisip na baka edited 'yan?" napatakip ako ng bunganga ko dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga nilalabas na salita ni Cynthia.
"Lahat ng estudyante na nakapalibot kay nila Cindy at L.A. ay vinideohan nila ang pangyayari. And I'm pretty sure that it's not fake-"
"No! I'm not accepting this!" namumula na ang mukha ni Cynthia at lumalabas na rin nag litid niya sa kaniyang leeg at sentido.
"Maybe those students were just faking it because of the incident that happened a weeks ago!" pag depensa ni Cindy sa sarili. Malamang ang sinasabi niya ay yung tungkol sa pag chea-cheat niya kay Azrael.
"Ms. Cindy, you need to accept your mistake-"
"NO!" Lahat kami ay nagulat nang biglang tumayo si Cindy, "I don't make mistakes! I am perfect! I am a member of the Salazar family!"
"Excuse me, but shouting at the dean is very inappropriate," maging ang sekretarya ay halatang naiinis na sa mag-ina.
"SHUT UP! YOU'RE JUST HIS SECRETARY!"
"CINDY SALAZAR!" Umalingawngaw ang malakas na hampas ni Dean sa ibabaw ng kaniyang table. Maging si Dean ay 'di na mapigilang mainis, "You're here as a student not as a royalty if that's what you think!"
Biglang tumayo si Cynthia at dinuro si Dean, "DON'T SHOUT AT MY DAUGHTER, YOU OLD HAG!" Nanlaki ang mata ko habang mahinang natatawa.
I can't believe what I'm seeing right now!
"Cynthia! Aren't you ashamed?!" maging ang propesor ay nakisali na rin. Habang patagal nang patagal 'to talagang nagiging interesante ang pangyayari rito.
"HUWAG KANG MAKISALI LUIS! YOU'RE JUST A f*****g ASSHOLE AND A COWARD WHO WAS FORCED TO MARRY THAT STUPID GIRL!" Dahan-dahang nawala ang ngiti ko. Kung kanina'y natatawa ako sa pangyayaring 'to pero parang gusto ko nang lumabas sa kwartong 'to. Naninikip ang dibdib ko at kahit hindi ko ipahalata sa mukha ko ay malamang makikita ito sa mata ko.
Lahat ay nanahimik. Kung kanina'y sigawan ang maririnig mo sa kwartong ito ngayon ay tanging mabibigat na hinga na lamang nila at tunog ng aircon.
Lumingon sa akin ang propesor habang may pag-aalala sa mukha, "L.A."
"Continue," nakangiting sabi ko, "Continue fighting."
"L.A..." lalapit na sana sa akin ang propesor ngunit nang maramdaman kong umiinit ang mata ko at unti-unti itong lumalabo ay agad akong umalis mula sa kinauupuan ko. Lumabas ako mula sa Dean's Office at tumakbo sa kung saan habang nakayuko.
Hindi ko alam kung saan na ako napunta. Hinahayaan ko ang paa ko na tumakbo basta't makalayo lang sa kanila. Nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako nito palapit sa kaniya. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig habang nakaalalay ang kaniyang kamay sa likod ng ulo ko.
"I'm sorry for what she did.... Seeing you like this....makes me feel sad and I don't know why," Wala sa sariling napa buntong hininga ako.
Ano nanamang ginagawa niya rito?
Itutulak ko na sana siya nang makita ko sa kaniyang likod si Izel na may dala-dalang dalawang coke na naka can.
Dahil baka bigyan niya ng malisya ang pagyakap sa akin ni Azrael ay agad kong tinulak si Azrael at inis na pinagpagan ang damit ko.
"Ano bang ginagawa mo rito? Bigla ka nalang sulpot nang sulpot," inis kong sabi sa kaniya ngunit hindi ko siya matignan sa mismo niyang mata.
"Sinundan kita."
"At bakit?"
"Ewan," kibit balikat niyang sabi.
"Tss," marahan ko siyang tinulak patagilid at naglakad patungo kay Izel. Walang pasabi kong kinuha ang hawak-hawak niyang coke tsaka binuksan ito, "Para sa'kin ba 'to? Ayos ah, ang sweet mo," pabiro kong sabi tsaka uminom. Bumuntong hininga siya ngunit ang kaniyang tingin ay nanatili kay Azrael. Bahagya ring naka kunot ang makapal niyang kilay.
"Hindi 'yan para sa'yo," natigil ako sa pag inom, "Para kay Cindy 'yan..." dahan-dahan kong binaba ang hawak kong can ng coke tsaka pinunasan ang bibig ko.
"B-Babayaran nalang kita-"
"Hindi umiinom ng coke si Cindy," napalingon ako kay Azrael, "She hates coke. She preferred Iced tea," sunod ko namang nilingon si Izel.
"I didn't ask you-"
"just sharing what I know--"
"And I don't care."
"Pati ba naman kayo mag-aaway?" natatawa kong sabi. Sabay nila akong nilingon, "Oh siya, ipagpatuloy niyo 'yan. Sibat na 'ko," nakangiwi kong sabi at nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway nang bigla akong tawagin ni Izel dahilan para lingunin ko siya.
"S-Samahan na kita," nangunot ang noo ko.
"Akala ko kikitain mo si Cindy?" ika ko sabay sulyap kay Azrael.
"A-Ano, hindi na. S-Sa totoo niyan, hiwalay na kami matagal na-"
"But you still want to comfort her using that coke?" tanong ni Azrael, ngunit hindi siya nilingon ni Izel.
"Can I come with you?" tanong ni Izel sa akin.
"Bakit ka naman sasama sa akin? Ma-bo-boring-an ka lang. Tsaka 'diba may klase pa kayo?" hindi siya nakapagsalita. Bago siya talikuran ay nilingon ko si Azrael tsaka na ako tumalikod ngunit nakaka dalawang hakbang pa lang ako nang bigla akong mapahinto.
"IZEL!" Pamilyar ang boses na 'yon...
Nilingon ko ang likod ko at bumungad sa akin si Lorraine na tumatakbo palapit kay Izel.
Katulad ko ay nilingon din ni Izel at Azrael si Lorraine. Nang mapunta na sa harap ni Izel si Lorraine ay kumurba ang malaking ngiti nito sa kaniyang labi.
"Hi!" ika ni Lorraine ngunit walang itinugon si Izel, "U-Uhm.... N-nakita lang kita rito k-kaya tinawag kita--"
"So?"
"Uhm... h-hindi ka pa ba papasok? I-Ilang minutes na lang mag sisimula na ang klase-"
"May mas importante pa akong dapat gawin-"
"G-gusto mong samahan kita?"
"May kasama na 'ko."
"Huh? Sino?" nilingon ni Lorraine si Azrael, "Siya ba?"
"No. Her," ika ni Izel sabay turo sa akin. Kitang kita ko kung gaano natigilan si Lorraine. Kitang kita ko ang pagka inis sa kaniyang mukha, Mukhang gusto niya akong sugurin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.
"G-Gano'n ba-"
"Pwede ka namang sumama kung gusto mo," agad kong sabi kay Lorraine dahilan para magulat si Izel, Azrael, at lalong lalo na si Lorraine, "And Azrael..." sabi ko tsaka nilingon si Azrael, "I think it's better if you come to Cindy. Comfort her," hindi nakasagot si Azrael. Ilang Segundo ko pa siyang tinitigan sakaling magsasalita siya ngunit para siyang estatwa na tanging pag kurap lang ang gumagalaw sa kaniya, "Huy!"
"H-huh?"
"H-huh?" pang gagaya ko sa kaniya gamit ang maliit kong boses, "Tsk! Alis na! Alis!"
"O-oo," aniya at tumakbo palayo sa amin ngunit napalitan ito ng lakad at maka ilang saglit ay muli siyang tumakbo.
Pagkatapos ay nilingon ko na sina Izel ay Lorraine.
"Let's go?"