Nasa Field kami ng school habang naka upo sa bench na naka palibot sa bawat gilid ng field.
"The killings in the school stopped..." sabi ko tsaka nilingon si Izel, "I wonder why," tsaka ko sinulyapan si Lorraine.
"Oo nga ano?" muli kong tinignan si Izel, "Baka may nangyaring masama sa kaniya? Buti nga sa kaniya," napangiti ako tsaka nilingon ang kalangitan.
"Hindi pa ba kayo babalik sa classroom niyo? Baka mapagalitan kayo," sabi ko sa kanila.
"It's fine. I'm good at lying you know," tugon ni Lorraine.
"I wonder what kind of lies you have."
"Excuse me?" nilingon ko si Lorraine.
"Sorry, did I offend you?" ayaw kong ipahalata na sarkastiko ako sa pagkasabi no'n pero sa kabilang banda gusto kong ipamukha sa kaniya na sarkastiko ako sa sinabi ko. Gulo 'noh?
"L.A." Nilingon ko si Izel, "So it's really true that your dad is the legendary Professor Luis Zhaiminous..." aniya at tinignan ako sa mata, "Actually, hindi na ako nagulat," nangunot ang noo ko, "Noong bumisita kami sa ospital, nakita ko siya sa loob ng kwarto mo. Nagkausap pa kami panandalian kasama sina Patrick at Brent. Doon ko na rin pinag suspetyahan na... baka tatay mo siya," nilihis ko ang paningin ko sa kaniya.
"S-Sina Patrick at Letson nga pala? H-Hindi ko sila nakita kanina."
"Kasama ko pa sila kanina tapos sabi ni Patrick mauna na raw sila sa classroom ni Letson. Baka nasa classroom na sila?" tumango na lamang ako. Aksidente ko namang naibaling ang paningin ko kay Lorraine na nakatingin sa kalangitan habang may nakaka pangilabot na ngiti sa labi.
Doon na ako kinutuban.
Wala sa sariling napatayo ako. May sinabi pa sa akin si Izel pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Agad akong tumakbo papunta sa building namin. Walang tigil ang pagtakbo ko hangga't hindi ako nakakarating sa classroom namin.
Nang buksan ko ang pinto ay agad na hinanap ng paningin ko sina Patrick at Letson.
"L.A.! Why are you late-" agad kong isinara ang pinto nang mapagtanto kong wala roon sina Patrcik at Letson.
Tumakbo ako pababa ng hagdan at habang tumatakbo pababa ay kinuha ko ang telepono ko at dinial si Rae Min.
"Do wa jweo!" (I need your help!) Nag mamadali kong sabi sa kabilang linya.
"Why? what happened?"
"My friends got kidnapped, track their phones. Hurry!" hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na pinatay ang linya tsaka ko nilagay sa loob ng bulsa ng palda ko.
Tumakbo ako papunta sa gate. Pipigilan na sana ako ng gwardiya pero agad akong nakatakas sa kaniya. Nag-abang ako ng Taxi at habang nag aabang ay biglang tumunog ang telepono ko. Pag bukas ko sa telepono ko ay bumungad sa akin ang isang text message mula kay Rae Min. Nilalaman ito ng lugar kung nasaan ang dalawa.
Sakto namang may Taxi na huminto sa harap ko. Agad kong binuksan ang pinto ng Taxi at pumasok sa loob.
"Sa Rolez street po sa may abandonadong ospital," aligaga kong sabi sa driver. Mabuti na lang at walang trapik dahilan para mapabilis ang pagpunta sa destinasyon namin, "Eto po oh," inabot ko sa driver ang bayad at hindi na hinintay ang sukli. Dali-dali akong lumabas sa Taxi at tumakbo papasok sa loob ng building.
Sa unang palapag ay walang katao tao kaya umakyat ako sa pangalawang building ngunit katulad ng sa ibabang palapag ay wala ring tao. Umakyat pa ako hanggang sa makarinig ako ng ingay sa ika-sampung palapag.
Nang silipin ko kung ano ito ay bumungad sa akin ang anim na kalalakihan na pinag papalo ng kahoy ang dalawang lalaki na nakasalampak sa sahig habang ang ulo nila ay nakabalot sa plastik. Duguan ang kanilang ulo at damit at dumadaing rin sila sa sakit ngunit mahina lamang ito kaya malamang ay may nakatakip sa kanilang bibig.
"A-Anong... ginagawa niyo sa kanila?" hindi ko mailakas ang boses ko sapagkat nawalan ako ng gana nang makita ko ang estado ng dalawang kaibigan ko. Nang marinig nila ako ay tumigil sila sa paghampas kay nila Letson at Patrick tsaka nila ako nilingon.
"Nandito na pala ang bida natin! Ang bilis mo ah?" maangas na sabi ng lalaking naka pula habang nakapatong ang dulo ng kahoy sa kaniyang balikat.
Napa hilamos ako sa mukha ko na sinundan ko ng malalim na hininga at muling nilingon ang anim.
Nang lumakad ako palapit sa kanila ay bigla akong nakaramdam ng mabilis na hangin papunta sa leeg ko sa bandang kanang gawi ko. Agad ko itong iniwasan dahilan para tumama ang bala sa pader. Bago pa muling maka baril ang lalaking iyon ay agad akong yumuko sabay ikot upang kunin ang basag na salamin na nasa ibaba ng paa ko. Bago muling lumingon sa lalaking nagtatago sa itaas ng hagdan ay agad kong tinapon ang basag na pirasong salamin papunta sa lalaki hanggang sa tumama ang basag na kapirasong salamin sa kaniyang leeg dahilan para sumirit ang dugo nito at mabitawan niya ang hawak-hawak niyang baril.
Muli kong nilingon ang anim. Naglakad ako palapit sa kanila at bago pa ako tuluyang makalapit ay agad na sumugod ang isa sa kanila.
Aatakihin na sana niya ako ng kaniyang hawak na kahoy ngunit agad ko itong naiwasan pa gilid. Sinipa ko ang kaniyang tagiliran na sakto namang sumugod ang isa pa nilang kasamahan. Binato niya sa akin ang hawak niyang kahoy na akala niya'y tatama sa akin, ngunit nahuli ko ang kahoy at walang pag aalinlangan na pinalo siya sa kaniyang ulo dahilan para mawalan siya ng malay at matumba sa harap ko.
Muli akong sinugod ng lalaki na unang sumugod sa akin.
Sunod-sunod ang kaniyang pag atake gamit ang kaniyang kahoy na walang hirap ko namang naiilagan. Nang makita ko na bumagal siya ay pinalo ko ang kamay niya gamit ang kahoy na hawak hawak ko. Nabitawan niya ang hawak niyang kahoy at agad na nanlaki ang kaniyang mata. Kukunin na sana niya ang kahoy ngunit agad kong hinawakan ang kaniyang kaliwang braso at buong lakas na binuhat at binagsak ang kaniyang katawan patungo sa isa pang lalaki na susugod pa sana sa akin.
"ANO PANG GINAGAWA NIYO?! SUGURIN NIYO NA SIYA NANG SABAY!" Sigaw ng lalaking naka pula. Agad namang sumugod sa akin ang dalawang lalaki na nanlalaki ang mata habang pa-atras abante ang galaw nila.
Gusto kong matawa dahil mukhang hindi nila alam kung susugod ba sila sa akin o hindi.
Dahil mukhang hindi sila maka desisyon ay binato ko sa kanila ang hawak kong kahoy. Napa takip sila sa kanilang mukha dahil akala nila ay tatama iyon sa kanilang mukha. Bago pa sila muling makalingon sa akin ay sinipa ko ang sikmura nung nasa kaliwa habang ang nasa kanan ay pinalo ko ang kaniyang lalamunan gamit ang gilid ng kamay ko. Napahawak siya sa kaniyang lalamunan habang pilit na hinahabol ang hininga.
Nang lingunin ko ang naka pula ay isang pistol ang bumungad sa akin.
"HAHA! ANO KA NGAYON?! Kahit anong lakas ng katawan mo wala pa rin 'yang tabla sa bala ng baril ko!"
"Baka nakakalimutan mo? Nailagan ko yung bala ng isa niyong tao?"pag mamayabang ko.
"Tignan natin kung makakailag ka pa ngayon!" nang kalabitin niya ang gatilyo ay agad akong nakaiwas patagilid. Sinundan niya ito ng tadtad na pag baril kaya naman tumumbling ako pabaliktad upang iwasan ang kaniyang bala hanggang sa mapunta ako sa likod ng pader.
"Oh? Ba't ka nagtatago? Akala ko ba matapang ka?"
"Sinong nag-utos sa'yo?!"
"At bakit ko sasabihin? But because I'm kind, I'll give you a clue. She is our most important client. Why? Because she's dangerous more than you."
"Hearing you talking like that makes me want to laugh. You don't know what danger means, unless... You'll experience it," kinuha ko ang kahon na nasa gilid a tinapon ito sa labas ng pader. Nang barilin niya ang kahon ay tsaka na ako lumabas, Mabilis akong tumakbo papunta sa gilid ng pader. Nang mag tama ang paningin namin ay tumalon ako at lumipad papunta sa kaniya.
Para bang naging slow-motion ang lahat. Naging mabagal sa paningin ko ang pag taas ng kaniyang braso na may hawak na pader at naging mabagal din sa paningin ko ang panlalaki ng kaniyang mata.
Bago pa niya matutok ang baril sa akin ay natamaan ng paa ko ang kaniyang panga. Doon na muling bumilis ang lahat.
Patagilid siyang natumba sa maruming semento. Sinipa ko ang baril palayo sa kaniya tsaka inapakan ang kaniyang leeg.
"S-SASABIHIN KO NA KUNG SINO! P-PALAYAIN MO LANG AKO!" Nagmamakaawa niyang sabi.
"Hindi ko na kailangan ng sagot mo, dahil alam ko na kung sino ang nag utos sa inyo. Ngayon, alam mo na ba ang ibig sabihin ng delikado?" bago pa siya makasagot ay sinipa ko ang ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.
Dali-dali naman akong pumunta kay nila Letson at Patrick. Inalis ko ang itim na plastik sa kanilang ulo. Bumungad sa akin ang pawisan nilang mukha na may halo ng luha. Duguan at bugbog na rin ang kanilang mukha habang tumutulo ang dugo sa sentido ni Patrick at putok ang kaniyang labi. Bali naman ang ilong ni Letson at namamaga ang kaniyang mata.
Aligaga kong inalis ang scotch tape sa kanilang bibig. Inalis ko rin ang tali sa kanilang kamay at paa tsaka tinulungan silang maka upo.
"A-Ayos lang ba kayo-"
"L.A..." Natigilan ako nang biglang magsalita si Letson. Mahina ito at may halong pagka seryoso na ikinakaba ng dibdib ko, "A-alam mo ba kung anong sabi nila sa amin ni Patrick?" hindi ako nakasagot. Nananatiling nakatitig ang mata ko sa mata ni Letson. Natatakot ako sa susunod pa niyang sasabihin, "Na.... hindi raw talaga kami ang target nila? Na... pain lang kami nila para dumating ka? At alam mo ba na.... ang sabi nila sa amin, nadadamay lang kami dahil sa'yo kaya dapat daw layuan ka na namin," hindi ko matagalan ang titig kay Letson dahilan para mabaling ko ang tingin sa ibaba, "Pero hindi kami naniwala dahil... gusto namin ni Patrick na manggaling sa'yo mismo na hindi totoo ang sinabi nila."
"T-Tatawag muna ako ng ambulansiya-"
"Sino ka ba? L.A. ba talaga ang pangalan mo? Bakit kahit ilang taon ka na naming nakasama nananatili ka pa ring misteryo sa amin?! Ano bang tinatago mo?!" hindi ako komportable sa sitwasyong 'to. Nakakapanibago. Ito lang ang pinaka unang beses na sinigawan ako ni Letson. Gusto kong sabihin sa kanila ang totoo, pero kapag nalaman nila ang tunay kong pagkatao baka mas lalong mapahamak sila. Baka gamitin sila ng iba laban sa akin. At ayun ang pinaka iiwasan ko.
Mabuti na lang at biglang dumating ang ambulansiya. Malamang si Rae Min ang nagtawag ng ambulansiya.
Tinulungan nila sina Patrick at Letson na makatayo papunta sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang at wala akong natamong sugat. Habang busy sila sa pag asikaso kay nila Patrick at Letson ay umalis na ako sa labas ng building tsaka dinial si Emillio.
"Oh, L.A, perche?" (Why?) tanong ni Emillio sa kabilang linya.
"Dove abita?" (Where do you live?)