CHAPTER TWENTY SEVEN

1563 Words
Brent’s POV Kakabisita lang ng magulang namin ni Patrick sa ospital pero panandalian silang umalis dahil may binili sila sa Canteen kaya mas lalong u-m-awkward ang paligid dahil tanging ako, si Patrick, at ang tatay ni L.A. kasama ang isang babae na mukhang maldita ang naiwan. “I’m really sorry about what happened. Nadamay pa tuloy kayo,” sincere ang pagkasabi ng propesor sa amin ni Patrick, na mas lalong ikina guilty ko. Pinagsisihan ko ang pagdududa ko kay L.A. Kaya malamang hindi siya sumama sa tatay niya dahil ayaw niyang makita ako, “L.A.’s not here, because she’s with her cousin,” Teka, ibig sabihin kaya wala siya dito dahil kasama niya ang pinsan niya? Kung gano’n, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi na pala ako na gui-guilty. “She’s Eirene by the way, L.A.’s sister-“ “No way,” rinig kong bulong ng babae, ngunit hindi ko siya pinansin. “I know that you are confused about L.A.’s true identity. Sa pagkakakilala ko sa anak ko, hindi siya palatago sa mga pinapahalagahan niya, but this time… It’s serious, that even me-L.A.’s most hated man needs to follow my order,” Hated man? Ibig sabihin ba no’n, hindi maganda ang relasyon ni L.A. sa kaniyang ama? “But because L.A. trusts you, maybe I should answer your questions, but I can’t promise that I’ll answer all of them,” nagtinginan kami ni Patrick. Tinanguhan ko siya na siya na ang unang magtanong dahil medyo nahihiya ako, ‘di tulad ni Patrick na makapal ang mukha. “Noong kinidnap po kami, may koneksyon po ba ‘yon kay L.A.?” Nakangiting umiling ang propesor, “Nope,” “Pero totoo po ba na namatay sila dahil sa car accident?” “Yes,” “Eh bakit sabi po nung isang kasamahan nila, si L.A. raw po ang dahilan kung bakit sila namatay?” “Hmmm… that’s half true. L.A. fought those bastards that leads to car accident,” “Fought?” sunod na nabaling sa akin ang propesor, “Saan po natutong makipag laban si L.A.?” “She was five at that time when I trained her. Yung simpleng suntok at sipa lang. Pinapanood ko rin siya ng mga action scenes hanggang sa isang araw nagulat na lang ako nang kopyahin niya ang mga galaw ng pinapanood niya. I think she was six at that time, so I trained her how to punch, kick, jump, and different styles of fighting with the help of my friend who mastered Martial arts. I also trained her how to run faster than a bullet,” “Than a bullet? Ano pong ibig sabihin niyo?” “Noong pitong taong gulang siya, i-n-ensayo ko siya na tumakbo ng mabilis habang inoorasan siya. Hangga’t hindi niya na pe-perfect ang ensayo niya hindi siya titigil. Pagkalipas ng isang buwan ay na-perfect niya ang ensayo niya kaya naman para masubok ang bilis ng kaniyang pag takbo ay pinaulanan ko siya ng bala-“ “WHAT?!” sabay naming sabi ni Patrick. Hinintay ko kung may idadagdag pa siya na joke pero mukhang totoo ang sinasabi niya. “K-kung gano’n…” panimula ni Patrick, “Marunong po ba siyang gumamit ng armas?” “Of course! Tinuruan ko siyang gumamit ng iba’t ibang klaseng armas sa edad na walo. Sa pagkakatanda ko na-master niya ang lahat ng iyon sa edad na sampu. Pero alam niyo ba ang pinaka paborito niyang armas?” hindi kami nagsalita. Nakatitig lang kami sa kaniya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin, “She like knives and a Katana gave by her grandfather,” “Nasaan na po ang lolo ni L.A.?” Tanong ni Patrick. “Unfortunately, he’s dead,” hindi kami nakapagsalita. Pagdating kasi sa usapang pamilya napaka sensitibo na ng usapang iyon, “Ano ba kayo? Naka move on na kami,” natatawang sabi ng propesor. “May isa pa po akong tanong!” ika ko. “Yes?” “Ano pong-“ bumukas ang pinto at bumungad ang nanay ko at nanay ni Patrick na may dala-dalang plastik bag. “Ay! Nag uusap pa pala kayo? Sige alis muna-“ “No, it’s fine,” nakangiting sabi ng propesor sa nanay ko. Muli akong nilingon ng propesor at nginitian, “Take care Brent and Patrick. Nice to meet you two,” nakangiti kaming tumango ni Patrick. “Pwede po bang makausap ang dalawa kahit saglit lang?” napalingon kami sa babaeng kasamahan ng propesor. Napalingon ang propesor sa kaniya na may halong pagtataka, ngunit sa huli ay pinayagan niya ito. Nang mag sara ang pinto ay nilingon kami ng babae. Mukha talaga siyang maldita. “You have one last question, right? Are you talking about the real L.A.?” tumango tango ako, “Like you, I also asked that thing to professor and since that day, I still don’t know what he meant,” “G-gusto ko ring tanungin kung anong tunay na pangalan ni L.A.” Ika ni Patrick. “The professor said to me that… Your questions can be answered with only three words,” nangunot ng todo ang noo ko. Anong ibig sabihin niya? “She. Is. Lethal,” Matik na nagtinginan kami ni Patrick. Maging siya ay naka kunot ang noo at hindi maintindihan ang sagot ng babae. “Pero ang tinatanong ko ay kung anong pangalan niya-“ “I already answered you, didn’t I? She is Lethal,” “Eh yung tunay niyang pagkatao-“ “I’m gonna say this once… your friend…. Is Lethal,” L.A.’s POV: BANG! BANG! BANG! BANG! Lumapit ang papel sa akin na ginawa kong target. Kinuha ko ito at walang gana na tinignan ang isang pirasong butas sa pinaka gitna ng bilog. Sunod ko itong pinatong sa lima pang papel na pinag barilan ko. “Aren’t you tired? You’re here for almost an hour! Gosh Misia!” kinasa ko ang baril at mabilis na nilingon siya sag awing likod ko tsaka itinutok sa kaniya ang hawak kong baril. Agad na nanlaki ang mata niya at matik na napataas ang dalawa niyang braso, “Hey! What are you doing?!” “1….2…” “MISIA! STOP!” “….3,” Ika ko tsaka pinindot ang gatilyo, “Bang!” napatakip siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang braso dahilan para matawa ako ng sobra, “Walang bala ‘to sira! HAHAHAHAHA!” Napa hawak ako sa tiyan ko sa sobrang tawa. Sana pala na bidyuhan ko ang reaksyon niya. Laptrip ‘yon promise! “You know what? You almost gave me a heart attack! What If I die because of your stupid prank!” “Wow! Hiyang hiya naman ako sa ginawa mong pag kidnap sa akin. Oh ano ngayon? Nakakakaba ano?” “So you did that for revenger?” sarkastiko niyang sabi. “Nope. I did it just for fun,” nakangiti kong sabi tsaka ibinalik ang baril mula sa lalagyanan nito. Nasa Shooting range kami ngayon ni Emillio sa mismong loob ng bahay niya. Meron nga ring court ang Mansyon niya. Halos lahat ng paborito niyang gawin ay nandito na sa loob ng kaniyang mansyon. “I’m hungry, let’s eat,” anyaya ko. Nauna namang lumabas si Emillio at na agad kong sinundan. Dumiretso kami sa dining room niya na sakto namang may nakahanda nang pagkain. “Ang dami naman ng inihianda mo. May iba ka pa bang bisita?” Natatawang tanong ko sa kaniya. “We’re not the only one who will eat, the other maids and my drivers will also join us,” kusa akong napangiti. Maka-ilang saglit ay naupo na ang mga katulong at drayber ni Emillio. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag kainan kaso nga lang mukhang nainsulto si Emillio dahil nag-uusap kami gamit ang wikang Tagalog. Kakaunti lang kasi ang alam niya sa tagalog kaya kadalasan nag uusap kami sa wikang Italiano o ingles. Nang matapos na kaming kumain ay saktong tumawag ang propesor na kailangan na nila kaming dalawa ni Emillio sa Mansyon. Para maka libre ng pera ay nagpahatid na ako sa sasakyan ni Emillio. “Ayos ‘to ah?” ika ko habang sinusuri ang Kaniyang sasakyan, “Ano nga ulit tawag dito?” tukoy ko sa kaniyang sasakyan. “Lamborghini Veneno. That’s my most favourite car,” tumango tango ako. Hindi ko mapigilang ikumpara ang sasakyan niya kay Batman, “I know what you’re thinking,” natatawang sabi sa akin ni Emillio, “But you also have cars right? It’s still inside the Mansion, I think,” “Hindi ko pa nagagamit ‘yon dahil wala pa kong license,” nakangiwing sabi ko sa kaniya. “If my memory was right, you have One Bugatti Veyron and a Terzo Millennio. Your dad bought it for you at the age of 14, right?” “Oo na-“ “Oh! You also have Kawasaki Ninja H2R! Your grandfather bought it for you for your 13th birthday!” “Will you please shut up?” minsan talaga hindi matigil ang bunganga ng isang ‘to. Pumasok na ako sa loob ng kaniyang kotse at sinuot ang seat belt. Siya na ang nagsara ng pinto ng kotse niya tsaka siya pumasok sa loob at naupo sa driver’s seat. “Are you ready?” aniya at sinara ang pinto at inayos ang seat belt, “Let’s go!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD