CASTRIEL'S POV Inilabas ko ang telepono ko at tinext si Lethal. FROM: CASTRIEL Lethal, I need to tell you something. Meet me at Seville Street. I’ll wait. Pagkatapos kong i-send ay itinago ko na ang telepono ko sa loob ng bulsa ko tsaka binalingan ang benteng katao na ipinahiram sa amin ng leader ng Gang Orca. “Pumunta na kayo sa Seville Street. Make sure that you’ll kill her,” utos ko. “Yes, sir!” sabi nila at dinampot ang kanilang mga armas na dos por dos at sabay-sabay na lumabas mula sa kanilang kuta, samantalang ako ay nilapitan ang boss nila na nakaupo sa isang couch at humihigop ng kape. Tumayo ako sa gilid niya habang naka lingon sa bintana. “’di katulad dati maliit lang ang kuta mo, pero ngayon…Big time ka na!” ika ko at tsaka ngumiti. “How ‘bout you? Pati hanggang ngayon

