Lethal’s POV Pag dating ko sa Seville street ay agad kong inikot ang paningin ko upang hanapin si Castriel, ngunit ni isang anino niya ay hindi ko makita. ‘Nasaan na ba ang ahas na ‘yon?’ Inilabas ko ang telepono ko upang itext sana si Castriel nang biglang may narinig akong kaluskos sa harapan ko sa bandang gilid. Nasa eskinita ako ngayon at sa kanan ko ay may mahabang pader hanggang dulo kung saan sa loob ng pader ay may mga magagandang bahay. Sa gilid ko naman ay may malaking basketball court at kung sino man ang nagtatago ay malamang nasa likod siya ng pader ng court na ito. Ibinalik ko ang telepono ko sa loob ng bulsa ko tsaka tumingin sa mahabang eskinita na nagmistulan nang pasilyo. “Lumabas na kayo,” walang gana kong sabi. Ang akala ko ay magtatagal pa sila sa pagtatago pero

