Lethal’s PoV “Bago ang lahat, gusto ko munang malaman ang nangyari sa bangko,” sabi ko sa kaniya. “Anong bangko?” tanong ng propesor, ngunit hindi ko siya pinansin. “Lahat ng mga tao sa bangko ay kasabwat ko pati ang mga pulis kaya nang tumawag ka ng 911 ay walang mga pulis na pumunta." “Paano mo nalaman na tumawag ako ng pulis?” “So my guess was right. You called the police,” wala sa sariling napa irap ako. “Eh yung mga binaril mo? Bakit mo ginawa ‘yon? Tsaka may sinabi ka pa na inutusan ka ‘diba? Anong tungkol do’n?” “Napag-utusan ako na sumali sa isang gang kung saan ang plano nila ay magnakaw ng bangko. Ni-rekomenda ko naman ang bangko na katapat lamang ng Big Day kung saan doon palagi kayong naglalaro-“ “Paano mo nalaman?” “Hindi mo lang alam Lethal pero… maraming nakamasid s

