SUMERYOSO SI AERON at tumingin sa auntie niya,
“Tita, mag-request lang po sana ako. Gusto ko pong maka-close si Cindy. P’wede po ba? I like her… Kanina po, nang makita ko siya iba po iyong naramdaman ko… na-love at first sight po yata ako.” Dere-deretsong wika ni Aeron, natameme naman si Misis Grace sa narinig niya. Nagulat naman si Cindy kaya napa-atras siya dahilan kaya nagkaroon ng konting ingay, sa pag-atras pa niya at napasandal siya kay…
“J-jo…?” hindi pa man niya nabibigkas ang pangalan nito ay tinakpan na kaagad ni Joel ang bibig ni Cindy saka hinila at nagtago sila. Sa paglingon nina Misis Grace at Aeron sa malapit sa entrance ng bahay, wala silang nakitang tao. Nanatiling nakahawak sa bibig ni Cindy si Joel habang si Cindy naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ni Joel sa bibig niya.
“Aeron?” sumunod na sinabi ni Misis Grace, at hindi na nila pinansin ang naging ingay.
“Tita, I like her po. Mabait siya at mukhang masarap kasama. Gusto ko siyang mas makilala. Ayos lang naman sa’kin na personal assistant siya ni Joel… Ako naman ang magiging ka-close at kaibigan niya.” nakangiting wika ni Aeron. Naririnig naman ng dalawa ang usapang iyon.
“Okay sige. Ikaw ang bahala, Aeron ngunit… ilagay mo sa ayos ha? Ayaw kong hindi maging komportable si Cindy dito. ‘Wag masyadong kulitin ha?” bilin pa nito kay Aeron, tumawa naman ng mahina si Aeron.
“Si tita talaga…”
Nang matapos ng sa usapan ang dalawa, tinanggal na ni Joel ang kamay niya sa bibig ni Cindy.
“Mukhang type ka ni Aeron.” Nakangising wika ni Joel sa kanya at saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha niya. “Wala naman special sa itsura mo!” at saka tumalikod.
“Hoy!” inis na tawag niya kaya hindi na naglakad si Joel at hinintay ang sasabihin ni Cindy, “Sana inaayos mo ‘yong ugali mo. Wala na nga special sa itsura mo, hindi pa naka-a-atract ang ugali mo.” matapang na wika ni Cindy at saka tinalikuran si Joel.
Sa mga narinig ni Cindy, hindi siya makapaniwala. Napaisip siya ng malalim, at hindi niya ma-imagine kung kaya nga ba niyang mapagbago si Joel. Lalo na at mas nakikilala niya ang binata. Hindi niya malaman kung paanong way ang gagawin niya upang mapaamo ang lalaking iyon.
“Magandang gabi po, madam at Sir Aeron.” Pagbati niya sa dalawa na halos kakatapos lang sa pinag-uusapan nila. Kahit na narinig ni Cindy ang naging usapan nila, hindi siya nakaramdam ng pagka-ilang kay Aeron lalo na ng tingnan siya nito.
“Maupo ka muna, Cindy.” Alok ni Aeron sa kanya. Ngumiti naman siya at naupo.
“Cindy, where’s Joel?” kaagad namang tanong ni Misis Grace sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya.
“Nasa kwarto na po niya, madam.” Nakangiting sagot niya, “Nakapag-enroll na rin po kami… at saka po pala, hmm… madam, ‘yong anak ‘nyo po ba ay allergic sa mga babae?” dere-deretsong tanong ni Cindy, napatawa naman si Aeron sa narinig niya at si Misis Grace naman ay napangiti lang.
“A-no? Si Joel!? Allergic sa girls??? HAHAHA!” malakas na tawa ni Aeron,
“Oo…” seryosong sagot ni Cindy, “Eh kasi kanina, mayroon mga babaeng lumalapit sa kanya at nag-greet sa kanya kaso snob lang niya. Ni hindi man lang siya nag-greet back or kahit mag hi hello man lang.” nakasimangot niyang pagkukwento, “Kaya nagtanong ako, baka kasi allergic sa babae si Sir Joel ehh.” Pagpapaliwanag niya.
“Ganoon lang talaga si Joel.” Mahinahong wika ni Misis Grace habang si Aeron, pinipigilan na matawa ulit dahil sa mga sinabi ni Cindy tungkol kay Joel. “Ikaw ang umintindi, iha. May tiwala ako sa’yo… at alam kong kaya mong mapagbago ang anak ko. Ayaw kong maging aloof siya sa lahat, gusto kong makitang masaya at nag-e-enjoy ang anak ko.” Dugtong pang wika nito.
Tumango naman si Cindy habang nakangiti. “O-okay po, madam. I will do my very best.”
“Ang s’werte talaga ni Joel…” komento naman ni Aeron at saka tumayo, “Panik na po ako, tita.” at naglakad na siya, “Good luck sa’yo, Cindy.” At tuluyan nang umalis.
Narinig ni Joel ang sinabi ni Cindy sa mama niya na tungkol sa kanya. Inis na inis siyang pumanik at pumasok sa kwarto niya.
“Ibang klaseng babae!” inis niyang turan at naupo sa kama niya. Naalala niya ang nangyari kanina sa campus. Kung paano ay feeling close na kaagad sina Aeron at Cindy sa isa’t isa. Isang bagay na mas lalong nagpainit sa ulo ni Joel. Naiinis siya sa dalaga dahil napakadali nitong makuha ang loob ng kahit na sino. Naging dahilan pa ng inis niya ang biglang pagkawala ni Cindy sa likuran niya nang sandaling iwan niya ito. Ang akala niya ay susundan siya nito ngunit nagkamali siya, sa halip na matuwa siya dahil sa huling tinuran niya sa dalaga na mag-quit na ito… Mas lalo siya nainis. Napasabi pa siya sa sarili niya na mahinang nilalang lang pala ang babaeng iyon.
“Dapat pala hindi na ko nakonsensya kanina. Hindi ko na dapat siya hinanap kung alam ko lang…” at naalala niya ang ginawa niyang paghahanap kay Cindy nang bigla na lang itong mawala sa likuran niya. “Allergic?” at napangisi siya. “Ibang klases!”
Hindi niya matanggap ang sinabi ni Cindy at maging ang tawang pinakawalan ni Aeron. “Gusto ‘nyo ng laro p’wes… Humanda ka Cindy, I will give you the game you want at sa game na ito, mag-e-enjoy tayong pareho.” At humilata siya sa kama niya.
Pumanik na si Cindy sa k’warto niya at kaagad na humiga sa kama niya. “Nakakapagod na araw…” reklamo niya sa kawalan. Hindi niya expected na sa unang araw ng trabaho niya ay made-drained kaagad ang katawang lupa niya. Dinaig pa niya kasi ang may alagang bata… “Edi mag-quit ka na!” Inis na inis siya sa t’wing naaalala niya ang sinabi ni Joel, nagpapaulit-ulit kasi iyon sa kanyang isipan. “Palibhasa, rich kid siya kaya wala siyang problema sa buhay niya. Gumagawa lang siya ng stress sa bahay na ito. Akala naman niya kung sino siya g’wapo…” at napabangon siya sa pagkakahiga, “Oo nga… gwapo na siya pero hindi porket gwapo siya eh mag-a-attitude na siya… haysss! Dinaig pa ang babae.” Reklamo pa niya.
Bumalik sa isip niya ang balitang sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Mia at dahil do’n, napatingin siya sa larawang naka-save sa gallery ng phone niya. Ang huling litratong kasama niya ang mama at papa niya. “Mama… Papa… Kumusta na kayo riyan sa heaven? Sobrang miss ko na po kayo…” at tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa larawan. “Kung alam ko lang na maaga kayong kukunin at magkakawalay na tayo panghabang-buhay, sinulit ko na sana ang sandaling magkakasama tayo.” Malungkot na wika niya. “Sa totoo lang, mama, papa… Nagpapakatatag lang po ako dahil wala na akong choice. Kung nandito lang sana kayo, kahit papaano may masasabihan ako ng mga nangyayari sa buhay ko. Alam ‘nyo po ba, may isang lalaking ubod ng sungit at sobrang ma-attitude ang nakilala ko. Sa katunayan, amo ko po siya. Kung hindi lang po dahil sa scholarship at tirahan, hindi ko pagtitiyagaan ang ugali niya. Malala po kasi eh!” pagkukuwento niya.
Pagkatapos nang sandaling iyon, tumayo na siya upang magpalit ng damit at asikasuhin ang amo niya. Bumaba muna siya sa kusina upang i-check kung nakaluto na ng hapunan.
“Hello po, Manang Tess.” Bati niya, tumingin naman si manang sa kanya at saka ngumiti. “Itatanong ko lang po kung ready na po ang hapunan?” dugtong niyang turan.
“Oo, ine. Nasa dining area na, paki-tawag na si Sir Joel dahil naghihintay na sina madam at sirs sa hapag-kainan.” Pagkasabi ni manang no’n, biglang kinabahan si Cindy dahil na-late siya sa oras ng hapunan.
“Patay!” mahinang bulong niya, napatingin naman ulit si manang sa kanya.
“Nabasa mo na ba iyong note na bigay ko sa’yo?” seryosong tanong niya. Napailing naman ako, “Naku, ine… Basahin mo iyon baka makatulong sa’yo.” At ngumiti si manang sa akin.
“Sige po. Tawagin ko po muna si sir,” paalam niya at saka umakyat sa hagdan.
Mabilis niyang tinungo ang kwarto ni Joel at kumatok ng tatlong beses sabay tawag sa pangalan nito.