Perfect Match: Chapter 5 - Quit? No Way!

1779 Words
DAHIL SA INIS ay umalis si Cindy. Napatingin naman si Joel kay Cindy na naglalakad palayo. Naupo siya sa bench na medyo malapit lang din naman sa Registrar office. Habang nagce-cellphone siya at nagsusulat ng isang writing apps. Mahilig kasing gumawa ng mga storya at tula si Cindy. Isa iyon sa mga kinahihiligan niya kapag may free time siya. “Hello Cindy!” Nakangiting bati ni Aeron. Nagulat naman siya nang tumabi sa kanya si Aeron. “Hello Aeron.” Bati niya pabalik at inilagay niya sa bulsa ang cellphone niya. “Dito ka rin pala papunta, dapat pala sumabay ka na sa’min.” Friendly na wika niya. “Naku! Alam mo na.” at ngumiti ulit ito. “Si Joel pala?” Pagtatanong niya. Tinuro naman ni Cindy ang Registrar Office at nakita niya si Joel na nakatayo roon. “Nakapag-enrol ka na?” tanong ni Cindy sa binata. “Yap.” Tumango ito. “S’werte ni Joel sa’yo ah! Lagi siyang may kasamang maganda at mabait na katulad mo araw-araw.” Wika nito. Napatawa naman si Cindy dahil sa mga sinabi ni Aeron biglang dating ni Joel. Lumakad ito at nilagpasan lang sina Cindy at Aeron. Kaagad namang tumayo si Cindy. “Mauna na ko.” Paalam nito kay Aeron at saka tumakbo. “Sir.” Pahabol pa niyang sigaw. Patuloy lang sa paglakad si Joel at parang walang narinig. Nagbubulungan ang mga studyanteng madadaan ni Joel at mga kinikilig. Nang maabutan ni Cindy si Joel kaagad niya itong hinawakan sa braso. “Teka lang naman.” Inis na sabi niya. “Bakit ba nang-iiwan ka?” Reklamo pa niya kay Joel. Huminto naman ito sa paglakad at tinanggal ang pagkakahawak ni Cindy sa braso niya. “Ayaw kong kasama ka.” Seryoso niyang sabi. Hindi na nagulat si Cindy sa mga narinig niyang tinuran ni Joel. Noong unang pagtatagpo nila, akala niya ay maganda ang ugali ng amo niya ngunit hindi niya inasahang childish ito at walang pinipiling salita, basta kung anong gustong sabihin at gawin ay gagawin. Nginisihan niya si Joel habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Pagtataka ang nasa mukha ni Joel nang sandaling ngisihan lang siya ni Cindy. At mga ilang sandali… “Ah kaya pala.” At sumeryoso siya ng tingin kay Joel, “Sorry ka na lang at lagi mo na akong makakasama whether you like or not. Wala kang choice!” Nakangiti pa niyang wika. Cold pa rin ang ibinigay na tingin ni Joel kay Cindy. “Edi mag-quit ka na.” Saka ito lumakad ulit at nilagpasan siya. Sa huling sinabi ni Joel, halos mabingi siya. Hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin nito sa kanya. Hindi na sumunod si Cindy kay Joel pagkatapos niyang marinig ang huli nitong sinabi. Naglakad ito hanggang sa makarating parke na malapit lang sa paaralan nila. Naupo siya sa duyan at dinuyan-duyan ang sarili. “Mag-quit?” Inis niyang sabi. “No way!” at nagpatuloy siya sa pagduyan sa sarili niya. Nang magsawa na siya sa kakaduyan sa sarili niya ay naisipan naman niyang maglakad-lakad. Marami ring mga tao sa parke. May mga magka holding-hands, may magkakaibigan, at mayroon ding nagbo-bonding as family. Nang mapagod na siya kakalakad ay naisipan naman niyang maupo sa isang bakanteng upuang bato. Naisipan niyang kontakin ang kaibigan. “Hello friend?” bungad ng kabilang linya. “Kamusta ka na r’yan? Bakit ngayon ka lang tumawag. Nagpa-miss ka masyado ah.” Sunod-sunod sa wika ng kaibigan niya. Napangiti naman si Cindy. “Hello friend. Okay lang ako dito, naging busy lang kasi nag-enrol kami ng amo ko.” Sagot niya sa kaibigan. “Talaga? Ano kumusta ‘y ung amo mo? Gwapo ba? Mabait? May abs? Nako friend, ang s’werte mo… Anong age niya? Kasing edad lang din ba natin?” Excited at sunod-sunod nitong tanong sa kanya. “Ay naku, friend… Ayan ka nanaman sa gwapo. By the way, ikaw? Kumusta kayo riyan ni lola?” pag-iiba ni Cindy ng usapan dahil ayaw niyang pag-usapan ang amo niyang si Joel, naiinis siya sa t’wing naaalala niya ang mga sinabi nito sa kanya. “Okay na okay kami rito, ‘no! Nakapag-enrol na rin ako.” Kwento nito sa kaibigan. “At saka friend, Kami na ulit ni Arnold.” Pagkasabing-pagkasabi ni Mia no’n. “A-ano friend?” Gulat nitong reaksyon. “Hay naku, nagpauto ka nanaman!” Disappointed nitong wika sa kaibigan. Medyo na-disappoint si Cindy sa kaibigan nang malaman nito na nakipagbalikan ito sa kanyang ex-boyfriend pero hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung mahal pa niya ang ex niya at handa niya itong patawarin at tanggapin ulit. “Sorry friend. Mahal ko pa rin talaga siya eh.” Wika ng kaibigan sa kabilang linya. Napabuntong-hiningan na lang si Cindy. Alam naman niya kasing wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang desisyon ng kaibigan niya after nang lahat ng ginawa ng ex niya. “Hays. Okay! Ikaw bahala. Basta sinasabi ko sa’yo ha, ‘wag na ‘wag kang iiyak ulit kapag inulit niya ulit ‘yung pangloloko niya sa’yo. Dapat natuto ka na eh. Once a cheater, always a cheater.” Dere-deretsong sabi ni Cindy. “Nagbago na siya, friend.” Depensa ng kaibigan. “At saka, ako rin ang nasasaktan kapag binabalewala ko siya. Mas okay na patawarin na lang at magsimula muli.” Dugtong pa nitong sabi. “Ay bahala ka.” Tanging wika ni Cindy. At saglit na katahimikan ang umalingawngaw sa kanilang dalawa. “Oh siya, i-end ko na ang call ha! Baka kasi hinahanap na ko ng mga amo ko.” Pagpapaalam ni Cindy, “Wait lang, friend.” Pagkasabi ni Mia no’n, nagtaka naman si Cindy sa kabilang linya kaya hindi niya muna i-end ang tawag nila. “Bakit, friend? May sasabihin ka pa ba?” curious na tanong ni Cindy. “Hmm, friend… Nakita na pala ‘yung labi ng mga magulang mo.” Pagkarinig ni Cindy nang sinabi ni Mia, bigla siyang nanghina. Umaasa siya na sana ay matagpuan ang mga magulang niya na naka-survive sa trahedyang iyon ngunit para siyang nabingi sa pangalawang pagkakataon. “Friend, nand’yan ka pa ba?” tanong ni Mia sa kabilang linya, “Cindy?” “HA? K-kailan pa?” biglang nagbago ang boses ni Cindy, tuluyan na talagang mag-isa na lamang siya sa buhay dahil wala na talaga ang mga magulang niya. Napahinga pa siya nang malalim. “Sorry, friend. Hindi na ko nag-abala na tawagan ka. Ayaw ko kasing magbago pa ang isip mo at umuwi ka rito. Nung araw mismo ng alis mo, saka nahanap ang labi ng mga magulang mo.” Ramdam ni Mia na lumungkot ang kaibigan niya, at mukhang umiiyak na ito. “Sorry friend, hindi na kita tinawagan kasi ayaw kong bumalik ka pa rito at ipa-cancel ang scholarship mo.” Pagpapaliwanag ni Mia. Hindi kaagad nakapagsalita si Cindy sa ibinalita sa kanya ng kaibigan. Tumulo na lang bigla ang luha niya mula sa mga mata niya. Ilang araw na rin ang lumipas magmula nang mapagpag siya rito sa Manila. Ngayon lang niya nabalitaan na nahanap na pala ang bangkay ng kanyang mga magulang. Sa lumipas na mga araw, walang oras na hindi sumagi sa isipan niya ang mga magulang niya at walang araw na hindi niya hiniling na sana ay buhay pa ang mga ito. Mas lalong nanglumo si Cindy. Hindi man lang niya nasilayan ang mga magulang niya kahit sa huling sandali. “Friend, sorry talaga!” rinig niyang sabi ng kaibigan habang patuloy sa pagpatak ng luha ang kaniyang mga mata. “Maayos naman ang naging burol at pati ang puntod ay pinaayos ko rin.” Dugtong pa nito. Hindi pa rin kumibo si Cindy. “Cindy. Friend, are you there?” tanong ng kaibigan. “Cindy?” tawag pa nito sa kaibigan. Ibinaba ni Cindy ang linya at patuloy sa pag-iyak. Lumuwas siya sa Manila ng mag-isa. Natutuwa siya sa sarili niya dahil kahit sobrang hirap ay kinakaya pa rin niya. Hindi birong mawala ng sabay ang mga magulang kasabay pa no’n ay ang mga gamit at tirahan. Wala talagang makapagsasabi o makaaalam ng mangyayari sa hinaharap. Hindi rin kayang makontrol ang bawat sitwasyon sa buhay. Ang tangi lamang na kayang gawin ay kontrolin kung paano mag-re-react sa sitwasyon at hanapan ng solusyon. Life is like a wheel, paikot-ikot… may ups at may downs. Tumayo si Cindy at inayos ang sarili. “I can do it! I can do it! I can do it!” tatlong beses niyang inulit ang mga salitang iyon upang palakasin ang kanyang loob. Pagkatapos niyang mag-stay sa parke, nagpasya na siyang umuwi. Pagkadating niya sa bahay, nakita niya sina Misis Grace at Aeron sa sofa at mukhang may pinag-uusapan. Hindi naman niya intention na mapakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit, hindi na siya nakaalis sa kinatatayuan niya at para siyang na-statwa. “Auntie, Bakit ba binigyan ‘nyo pa ng personal assistant si Joel?” seryosong tanong ni Aeron, “Eh mukha namang hindi niya kailangan!” sa narinig ni Cindy na iyon, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Nasa isip niya na baka tanggalin siya ni Misis Grace lalo na at hindi sila sabay ni Joel na umuwi. “Aeron, anak. Alam ko rin iyon… Hindi naman talaga kailangan ni Joel ng personal assistant eh, kung hindi ako mismo. Ako ang may kailangan dahil alam mo naman hindi ba? Ayaw kong tuluyang malayo sa akin ang anak ko, iyon ang kinatatakot ko. Kaya kailangan ko si Cindy upang malaman ko lahat ng kilos ng anak ko at kung anong iniisip niya.” paliwanag ni Misis Grace kay Aeron. “Tita, malaki na si Joel… dapat nga mature na siya at hindi na parang bata kung umasta. Dapat tanggap na niya na kasal na kayo ng daddy ko at pamilya na tayo. Ayaw ba niyang makitang masaya ang mommy niya?” seryosong wika ni Aeron, “At saka, I like Cindy, tita.” Pagkasabi ni Aeron no’n, napatingin ng seryoso si Misis Grace sa kanya. Nagulat naman si Cindy sa narinig niya. “Aeron? You like Cindy as what?” paninigurado nito, “I also like Cindy, She’s kind and jolly person. Maganda at mukhang siya ang susi upang maintindihan ni Joel ang mga bagay-bagay.” At huminga ng malalim si Misis Grace, “Matalino naman ang anak kong si Joel, hindi lang niya matanggap kaya iyon ang purpose ni Cindy sa buhay niya.” dugtong pang sabi nito. At mas nagulat si Cindy sa huling narinig niya mula kay Aeron, at dahil do’n ay nakagawa siya ng konting ingay dahilan upang mapatingin sina Misis Grace at Aeron sa kinaroroonan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD