Bumili ako ng mga pagkain kanina bago ako pumasok sa school. Agad ko itong kinuha sa may refrigerator at inumpisahan kong magluto.
Simple lang ang ginawa ko sa may tree house namin, nilagyan ko lang ito ng kumot at mga abubot na mga nakasabit. Winalisan ko rin ito at nilagyan ng ilaw para maliwanag kapag sumapit na ang dilim.
"Ayos ka lang ba d'yan?" Sigaw ko mula sa likod na pinto ng bahay kay Patricia.
"Ayos lang," at thumbs up nito.
Mukhang nanunuod siya ng movie na nadownload ko kaninang umaga sa may may TV.
Flat screen 'yung TV na iyon, dala ni Papa galing sa trabaho. Kaya naman ginamit ko ito at sinet-up ko sa may tree house, natagalan nga ako sa pag-aayos ng mga cable dahil malayo ang outlet ng kuryente kaya naman nalate pa ako sa pagpasok.
Ang tatay ko kay ay magaling magbutingting ng mga appliances, ayon din ang isa sa mga sideline niya kapag wala siyang pasok sa original niyang trabaho bilang driver.
Alas syete sakto nang marinig ko na may patak ng ulan sa may bubong ng bahay, kaya dali-dali kong chineck si Pat kung nababasa ba siya at mga gamit na nandoon.
"Pat! Tumutulo ba d'yan?" Tanong ko kay Pat habang palakas nang palakas ang ulan.
"Hindi naman, wala akong nakikitang tumutulo," tugon ni Pat.
"Malapit na 'to maluto," sambit ko pa.
"Take your time, Mahal," sigaw ni Pat at balik sa panunuod.
Bumili ako kaninang tanghali ng mga streetfoods tulad ng hotdog, fries, kikiam at iba pa. Ayon lang kinayanan ng pera ko dahil binubudget ko pa 'yon hanggang makauwi sina Mama Gina.
Nang natapos na ako magluto ay agad ko na itong nilagay sa may malaking lalagyanan at dinala na sa tree house.
"Anong pinapanuod mo?" lapag ko ng mga niluto kong pagkain.
"Can't help falling in love ng KathNiel," tugon nito.
"Kakalabas lang sa sinehan n'yan diba?" Tanong ko pa kay Pat.
"Oo. Ay kapangalan mo 'yung character ni Daniel Padilla," wika ni Pat habang nasubo ng fries.
"Mark?" Tanong ko habang nakahiga sa may lapag.
"Hindi, Dos. Pareho kayong Dos," paliwanag ni Pat.
"Ay we? HAHAHA pareho pa kaming pogi," biro ko pa.
"Tse. Mas pogi si Daniel Padilla!" Naiinis nitong sagot.
"So, pogi rin ako?" Pang-aasar ko pa kay Pat.
Nakita kong nagblush si Pat at nakapout.
"Tse! Kumuha ka nalang ng maiinom!" Hampas nito sa akin.
"Osige, wait mo ko d'yan, Gab!" Patuloy kong pang-aasar kay Pat habang pababa ng tree house.
Gab kasi ang pangalan ni Kathryn Bernardo sa palabas na 'yon. Kapangalan ko naman si Daniel kaya tinawag ko skyang 'Gab'.
"Dalian mo na!" Bato nito sa akin ng fries.
Agad naman akong bumaba sa tree house upang pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom. Habang nagtitimpla ng juice ay biglang nagchat si Mama Gina sa akin.
Mama Gina: Nak, nakauwi kana ba?
Dos: Kakauwi ko lang po.
Mama Gina: Kumain kana lang d'yan, maraming maluluto diyan sa refrigerator.
Dos: Okay po. Ma, andito pala si Pat sa bahay. Diba gusto mo siyang makilala?
Mama Gina: Sige nga nak.
Mama Gina is Calling...
Sinagot ko ang tawag ni Mama Gina habang hawak-hawak ang juice at dalawang baso.
Dali-dali akong umakyat sa may tree house upang ipakilala si Pat kay Mama Gina.
"Pat! May gustong kumausap sa'yo," sigaw ko sa baba ng puno.
"Sino naman?" Silip nito sa may bintana ng tree house.
"Tulungan mo muna ako mag-akyat nito d'yan," sambit ko.
Agad nitong pinause ang pinapanood naming palabas upang tulungan ako sa pag-akyat.
"Sino ang gusto kumausap sa akin?" Tanong ni Pat sa akin.
"Oh," sabay abot ko ng cellphone ko kay Pat. "Gusto ka makilala ni Mama Gina," dagdag ko pa.
"Hoy, we?" Gulat na tanong ni Pat.
Dali-dali itong nag-ayos ng buhok at kumuha ng tissue para ipunas sa mukha niya.
"Hello po tita," bati ni Pat kay Mama Gina.
"Ikaw ba si Pat? Ang ganda mong bata," sambit ni Mama.
"Opo, salamat po tita," nahihiyang tugon ni Pat.
Habang nagbi-video call sila ni Mama ay inaasar ko si Pat kaya naman nanghahampas ito.
"Lagi kang nakukwento sa akin ni Dos," wika ni Mama.
"Crush na crush po talaga ako nito ni Dos, Tita," sambit pa ni Pat kaya tawang-tawa si Mama.
"Kaya nga e. Lagi kang bukambibig niyan sa akin," wika ni Mama Gina habang natawa.
"Ma, hindi naman e," nahihiya kong singit sa pag-uusap nila.
"Ikaw ah, lagi mo pala ako ikinukwento kay tita ha," pang-aasari ni Pat sa akin.
"Kamusta naman kayong dalawa ni Dos? Nagka-ayos na ba kayo?" Tanong ni Mama kay Pat.
"Opo maayos naman ho kami, nagkaliwanagan na rin po kami," tugon ni Pat habang nainom ng juice.
"Saan ka punta?" Tanong ni Pat sa akin nang makita niya akong pababa ng hagdan.
"Kukuha pa ng pagkain, ang takaw mo e," sambit ko at bumaba na.
Iniwan ko muna si Pat at si Mama na magkausap sa aking cellphone. Agad akong bumaba muna upang kumuha pa ng fries at hotdog na niluto ko dahil paubos na ang mga pagkain namin sa tree house.
Tinagalan ko sa may kusina para makapag-usap sila nang solo. Tiwala naman ako kay Mama Gina na hindi niya bubungangaan si Pat dahil hindi naman siya gano'ng nanay sa amin ng kapatid ko.
Nang makakuha na ako ng mga pagkain ay agad akong bumalik sa tree house. Kahit madilim na dahil maga-alas otso na ay maliwanag ang bakuran namin dahil nilagyan ito ng mga ilaw ni Papa.
"Antagal mo naman kumuha ng pagkain," bungad sa akin ni Pat.
"Nagluto pa kasi ako para madami pa 'yung makain natin," paliwanag ko.
"Nak, may sasabihin ka raw sabi ni Pat?" Tanong ni Mama Gina.
Nagtaka ako at tumingin agad ako kay Pat dahil wala naman akong sasabihin kay Mama.
Sumenyas sa akin ito. No'ng una ay hindi ko pa maintindihan pero naunawaan ko rin no'ng sinabi niya na sa akin nang pabulong.
"Ay oo nga pala, Ma. May balita ako sa'yong maganda," sambit ko nang nakangiti kay Mama Gina.
"Ano 'yon? H'wag mo sabihing nabuntis mo si Patricia, malilintikan ka sa akin pag-uwi ko!" Nakasimangot na sambit ni Mama.
"Hindi po tita," singit ni Pat.
"Ah gano'n ba, mabuti naman," malambing na tugon nito kay Pat.
Umamo bigla ang mukha ni Mama Gina nang magsalita si Pat. Mukhang bet na bet niya ito, samantalang kapag ako ang kausap ay mistulang nakawalang leon na galit na galit.
"Ma, kami na po," masaya kong balita kay Mama Gina.
"Talaga? Mabuti naman at sinagot mo 'tong anak ko Patricia?" Sambit pa ni Mama Gina.
Napaka-pangit ka-bonding ni Mama, ayaw nalang maging masaya na may girlfriend na ako HAHAHA.
"Mabait naman po 'tong panganay niyo," sambit ni Pat na nagpipigil ng tawa.
"Anong mabait, kamo pogi. Diba, Ma?" Nagpapakampi kong tanong.
"Medyo lang. Nagmana ka kasi sa tatay mo, kung nagmana ka sa akin e 'di sana gwapo ka," pang-aasar pa ni Mama Gina.
"Atleast pogi, Ma," tugon ko.
Napapangiti nalang si Pat sa usapan naming mag-ina. Gano'n kasi kami mag-usap ni mama, biruan.
"Baka ginayuma ka nitong anak ko ha? Malilintikan 'to sa'kin," sambit pa ni Mama.
"Ay hindi po tita Hahaha," tawa ni Pat dahil napaka-kulit ng nanay ko.
"Ihatid mo 'yan si Pat, Dos. H'wag kayong magpagabi sa daan dahil baka maaksidente kayo't madilim, marami pang mga adik," paalala sa amin ni Mama Gina.
"Okay po, Ma. Nanunuod lang kami ng movie dito," wika ko.
"Osige na, ako ay magluluto pa ng ihahanda. Ba-bye, Pat!" Sabay end nito ng call.
Attitude ka, Ma? Hindi man lang nagpaalam sa akin kay Pat lang, parang hindi anak HAHAHA.
Tawa nalang nang tawa si Pat no'ng ibaba na ni Mama ang tawag. Ang kulit daw namin mag-ina, alam niya na raw kung saam ako nagmana. Pero hindi niya alam ay mas makulit ang tatay ko.
Natapos nalang ang palabas na 'Can't help falling in love' kaya naman pumili siya ulit ng movie na nakadownload sa flashdrive ko.
"Ay ito, maganda 'to, Mahal! She's dating the gangster," sambit nito Pat at sabay pindot sa remote.
"Matagal na 'yan ah? May mga bago pa d'yan na movie," agaw ko ng remote kay Pat.
"Eeee, maganda nga 'yan eh," sabay pout nito sa akin.
Sa sobrang cute niya ay binitawan ko nalang ang remote na hawak ko at pinanuod na lang ang another movie ng KathNiel.
"Ilang beses ko na kasi napanuod 'yan, pero sige na nga," sambit ko, kita ko sa mukha ni Pat ang saya na parang batang nabigyan ng kendi.
Patuloy ang ulan no'ng oras na 'yon, kaya nahiga muna ako sa may tabi ni Pat. May dinala rin kasi akong unan at kumot doon para may mayayakap kami.
"H'wag ka matulog ha?!" Hampas nito sa akin.
"Oo, Mahal. I love you," sambit ko kay Pat.
"I love you too," at hinalikan ako sa cheeks nito.
Patuloy kaming nanuod ni Pat ng movie, pero dahil sa lamig ng panahon ay nakatulog ako at hindi ko na natapos ang palabas na pinapanuod namin.
Ginising nalang ako ni Pat nang tapos na ang palabas, huminto na rin ang ulan kaya naman bumaba na kami sa may sala.
"Andaya mo! Tinulugan mo lang ako e," nagtatampo nitong sambit.
"Ay sorry, Mahal. Ang sarap kasi matulog kapag ganitong panahon," paliwanag ko.
"Tara na, baba na tayo. Natapos ko na 'yung palabas e," aya sa akin ni Pat.
"Tara na," nagkukusot pa ako ng mata habang pababa.
"Wait lang, picture muna tayo. Sayang naman 'tong sinet-up mo," sambit ni Pat.
"Okay, 1, 2, 3 and cheese!" Kuha ng litrato ni Pat gamit ang iphone niya.
"Bagong gising lang ako e," wika ko habang nag-aayos ng damit at nagpupunas ng mukha.
"Ayos ang 'yan, gwapo ka pa rin naman para sa akin," tugon ni Pat at kuha uli nito ng litrato.
Nang makababa ako ay inalalayan ko si Pat upang hindi mahulog dahil madulas ang hagdan.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras, alas nueve y media na pala at kailangan ko nang ihatid pauwi si Patricia dahil baka mapagalitan na siya sa kanila.
"Tara na, Pat! Ihahatid na kita," kuha ko ng susi at helmet.
Nagmadali na akong nagbihis para makaalis agad kami ni Pat at hindi siya mapagalitan sa kanila.
Nilock ko na ang bahay at bumyahe na kami ni Pat.
Nang makarating kami sa harap ng bahay nila ay bumaba na si Pat.
"Nag-enjoy ako, Mahal. Salamat!" Halik nito sa aking pisngi.
"Mahal kita palagi, Pat!" Sambit ko.
"Pipiliin kita sa araw-araw, Mahal. Paalam, bukas uli," sabay pasok nito sa gate nila.
Hinatid ko na siya ng tingin hanggang makapasok siya sa pinto nila at umalis na rin ako.
Itutuloy...