Lumipas ang school year na 'yon na puno ng malulungkot at masayang alala. Kahit bakasyon ay patuloy pa rin kaming nagkikita ni Pat para pumasyal at kumain sa labas.
Ilang buwan na rin kami ni Pat na magjowa, minsan ay may tampuhan at away pero agad naman naming pinag-uusapan at inaayos ang mga ito. Hindi kasi ako nakakatiis na magkagalit kami at hindi nagpapansin. Kaya naman ako lagi ang sumusuyo kay Pat kahit na minsan s'ya na ang may kasalanan ng pag-aaway namin.
Marupok ako eh HAHAHA.
Dalawang buwan din ang lumipas nang matapos ang pasukan ngunit, ito na naman ang enroll-an for being third year student.
May 31, 2017
Napagpasyahan namin ni Pat na magsabay pumunta sa aming school para magregister at makaenroll na.
Maaga akong nagising para makapaghanda dahil balita sa akin ng iba kong kakilala ay mahaba raw ang pila kaya dapat agahan.
Chinat ko na agad si Pat nang magising ako. Ala sais palang ay naga-asikaso na ako sa bahay dahil alas syete ang bukas ng school at usapan din namin ni Pat na pumunta.
Dos: Mahal, gising kana ba? Goodmorning!
Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi niya pa rin siniseen ang message ko kaya agad na akong naligo at naghanap ng mga damit na susuotin ko.
Paglabas ko ng palikuran ay agad kong kinuha ang cellphone ko para i-check kung nagreply na si Pat sa chat ko. And luckily, gising na siya at nagreply na.
Pat: Goodmorning din, Mahal! Bababa na ako para kumain at mag-asikaso. Be right back.
Nireply-an ko agad siya nang mabasa ko ang message niya sa akin.
Dos: Tapos na ako maligo, kakain nalang and ready na para sumibat dito.
Habang nagtatype ay dumaan si Mama Gina, nakita ata na may kachat ako at nakangiti kaya naman inasar ako nito.
"Aba, ang aga-aga nakangiti ka agad d'yan sa cellphone mo ha," bati sa akin ni Mama habang may hawak na sinampay.
"Ma!" Nagulat ako nang sumulpot siya. "A-ay h-hindi, si Pat 'tong kachat ko. Sasabay kasi siya sa akin magpa-enroll," paliwanag ko habang nagpupunas ng buhok.
"Ang aga mo kiligin ha," at labas nito sa may bakuran.
"Si Mama lahat napapansin e," tugon ko kay Mama Gina.
"Kumain ka muna d'yan bago ka umalis," sambit ni Mama habang nagsasampay sa may bamuran.
"Mukhang masarap 'to ah, champorado," at dali-dali kong kuha ng mangkok at kutsara.
"Malamang, ako nagluto n'yan. Kapag pangit ang lasa, ang tatay mo ang nagluto niyan," pang-aasar ni Mama Gina kay Papa na nagkakape sa may sala.
Narinig pala ni Papa ang sinabi ni Mama kaya sumagot ito.
"Hoy! Mas masarap ako sa'yo magluto ano," sabay higop ng kape.
Agad pumasok si Mama Gina sa bahay nang marinig niyang nagsalita si Papa.
"Wow! Noong nagluto ka nga, parang ayaw mong ipakain dahil sa pangit ng lasa," tugon ni Mama Gina.
"Hoy, babae! Kapag nagluluto ka nga para kang walang panlasa. Minsan matabang, minsan ang alat!" Pang-aasar pa ni Papa.
Natapos na ako sa pagkain ng champorado na luto ni Mama Gina. Agad na akong nagtoothbrush para hindi naman nakakahiya kapag nakikipag-usap ako nang harapan kay Pat.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sabay hampas ni Mama kay Papa.
Tawa nalang nang tawa ang nakakabata kong kapatid na si Yna sa kanilang dalawa. Pati si Papa ay tawang-tawa na rin dahil napikon niya na naman si Mama. Gano'n kasi sila maglambingan mag-asawa nagsisigawan pero normal lang nila 'yon. Nasanay nalang ako dahil sa araw-araw ay lagi silang gano'n.
Hindi na ako nakinig sa pag-uusap nila dahil anong oras na. Agad na akong umakyat sa taas para kuhain ang susi ng motor ko at ang nga helmet ko.
Bumaba na agad ako at nagpaalam kina Mama at Papa. Nag-aasaran pa rin sila pagbaba ko.
"Ma, Pa! Una na po ako," paalam ko sabay suot ng helmet ko.
"Mag-ingat ka nak!" Sambit ni Mama Gina na hinahampas pa rin si Papa Mak sa braso.
"Ingat, Junior!" Wika naman ni Papa Mak.
'Junior' ang tawag sa akin ni Papa Mak dahil kapangalan ko siya. Ayaw niya ako tawaging 'Dos'. Ewan ko ba kay Papa.
"Kuya, ingat ka! Pasalubong ko ha," sambit ng nakakabata kong kapatid na si Yna.
Lumabas na ako dahil alas sais y media na at susunduin ko pa si Pat sa kanila. Kaya inistart ko na ang makina ng motor ko. Ngunit bago ako umalis ay dinukot ko muna ang cellphone ko upang tignan kung nagmessage na ba si Pat sa akin.
Nagreply na pala ito kanina pa, hindi ko napansin dahil naaliw ako sa lambinga nina Mama at Papa.
Pat: Oum, tapos na ako kumain. Nagbibihis na lang.
Pat: Saan kana, Mahal?
Dos: Sorry late reply. Papunta na ako, love. Wait mo ako d'yan.
Pat: Okidoki. Mag-ingat ka sa pagdadrive.
Dos: Okay, Love.
Umalis na ako para makarating agad kina Pat. Malapit lang naman ito sa amin, looban lang kami kaya medyo napapalayo ako ng daan.
Nakita ko na agad siya sa may gate nila na nag-aantay. Ang ganda niya sa suot niyang floral dress. Agad ko siyang nilapitan.
"Goodmorning, Mahal!" Bati ko kay Pat habang nagchachat sa cellphone.
"Andyan kana pala. Ang tagal mo, baka marami na ang nakapila doon," sambit ni Pat.
"H'wag ka mag-alala, 6:45 palang oh," sabay patingin ko ng relo ko kay Patricia.
"Osige na, tara na!" Aya sa akin nito.
Bago pa siya sumakay ay pinatay ko muna ang makina ng motor ko at bumaba. Sinuotan ko kasi siya ng helmet para maayos ang pagkakalock. Lagi ko 'yon ginagawa kapag siya ang iaangkas ko dahil gusto ko safe siya.
"Ang sweet naman, ang aga-aga," bati sa amin ng ate niyang si Ate Danica. "Sana all," dagdag pa nito.
"Oy, si Ate Danica. Goodmorning te!" Bati ko. "Alis na po kami," paalam ko.
"Mag-ingat kayo!" Kaway nito nang makaalis na kami sakay ng motor.
Ilang minuto nalang ay magbubukas na ang gate ng school kaya naman binilisan ko ang pagpapatakbo, ngunit pansin pa rin ang pagiging maingat ko dahil hindi ako sumisingit at nag-aantay lang ako. Ayoko kasing makurot sa tagiliran.
Mabuti nalang at hindi gano'n katraffic sa dinaanan namin ni Pat. Mabilis kaming nakapunta sa school. Nang makarating kami ay kabubukas pa lamang ng gate ng school namin.
Pagdating namin ay may iba't-ibang table na nasa field at gym, nakapaskip ang mga course. Ang pila ni Pat ay doon sa loob ng gym kaya hindi mainit, ako naman ay doon sa field na sobrang init dahil umaga. Nag-usap kami na chat nalang kapag natapos ang isa sa amin.
"Hello, ito po ba 'yung pila ng Fine Arts?" Tanong ko sa babaeng nasa dulo ng pila.
Pagharap ay nakita kong si Shyr pala. Matagal din akong walang balita sa kaniya, hindi ko rin nakikita ang mga post niya sa f*******:. Mahilig kasi siyang magpost o magmyday ng mga picture niya sa social media. Mukhang nag-deactivate.
"Oy, Dos! Dito nga ang pila. Kumusta ka?" Tanong nito sa akin.
Mukhang hindi niya kasama ang mga mean girl na kabarkada niya.
"Ayos lang naman ako. Ikaw ba?" Tugon ko kay Shyr at pumila ako sa likod nito.
"Ito, medyo may problema lang pero kinakaya naman," sambit ni Shyr sabay ngiti nito.
"Ayos lang 'yan, napagdadaanan talaga 'yan. Magiging okay ka rin, take time to rest," sambit ko kay Shyr.
"Thank you, Dos! Bakit anong oras kana dumating pala, hindi mo ba nakita 'yung announcement sa group chat?" Tanong ni Shyr.
"Nakita naman, hindi ko lang inaasahan na ganito na agad kadami ang tao. Ang aga pa kaya," paliwanag ko.
"Ang haba nga e. Pero mukhang mabilis lang ang proseso kasi nakita ko 'yung isa nating kaklase, tapos ba agad siya," sambit ni Shyr na nakangiti.
"Mabuti naman, sobrang init kaya," reklamo ko habang nagpupunas ng towel sa mukha.
Kinuha ko ang cellphone ko para ichat sana ang dalawang kolokoy, sina Aldrin at Von. Papindot palang ako ay may biglang bumatok sa akin.
"Ang aga mo ah," bungad sa akin ni Aldrin.
"Oy! Hi, Shyr. Kasabay mo si Dos?" Tanong ni Von kay Shyr.
"Hello! Hindi, may kasama atang iba 'yan si Dos," sambit pa nito.
"Sino kasama mo?" Tanong ni Aldrin habang napila sa likod ko.
"Si Pat. Andoon 'yung pila nila sa gym e," sambit ko.
Napansin kong medyo umiwas si Shyr nang marinig niya na kasama ko si Pat. Hindi pa ba siya nakakamove-on sa akin? Samantalang andaming nagkakandarapa sa kaniya.
"Balita ko, kayo na ha?" Sambit ni Aldrin.
"Sino nagsabi?" Maang-maangan kong tanong.
"Kay, Von. Nakita raw niya 'yung story mo sa i********:," sambit ni Aldrin.
"Hindi pa," sagot ko.
Nakikita ko kasing nasasaktan si Shyr sa naririnig niya. Kaya naman hindi na ako nagsabi ng totoo.
"Pumila na nga kayo," pigil ko sa dalawang kolokoy na nang-aasar pa.
Nanahimik ang dalawa at rinig ko na nagkukwentuhan sila. Chinichika rin nila si Shyr para hindi ito ma-out of place sa amin.
Nagsuot nalang ako ng earphones at nagpatugtog nalang habang naghihintay sa pila. Mabilis lang ang nangyaring pag-eenroll para sa darating na school year.
Habang nakikinig sa kanta ay nagchat na si Pat. Tapos na raw siyang pumila at kakain muna sila ng mga kaibigan niya sa cafeteria kaya naman ako pumayag.
Kaunti nalang ang nasa unahan namin at kami na ang susunod.
"Oh paano, dito na ako guys!" Paalam ni Shyr kaya naman ako na ang sumunod. "Ba-bye, Dos!" Pahabol nito.
"Oy, bye rin. Ingat ka d'yan! Kita-kits sa pasukan," tugon ko kay Shyr.
Block section kasi kami nina Aldrin, Von, Shyr at iba pa naming mga kaklase. Ibig sabihin ay simula first year hanggang makagraduate ay kami pa rin ang magkaklase.
Nang ako na ang nakaupo sa harap ng teacher na naglilista ay nagtanong lang ito nang kaunti at okay na.
Mabilis nga lang talaga ang proseso kaya naman nagpaalam na ako sa dalawa kong kaibigan.
"Paano mga pare, kita-kita nalang tayo sa pasukan?" Sambit ko sa dalawa.
"Ngayon nga raw plano ni Aldrin manglibre e. Diba nga cancel 'yung nakaraan," sambit ni Von.
"Oo nga, ako na bahala sa inyo. Mapera ako ngayon," singit ni Aldrin.
"Osige, ihahatid ko lang si Pat nang mabilis, hintayin niyo ako dito sa gate," sambit ko sa dalawa.
"Osige, chat-chat nalang," tugon ng dalawa sa akin.
Agad na akong pumunta sa cafeteria upang puntahan si Pat. Andoon daw siya sabi niya sa akin sa chat, kumakain.
Pagpasok ko pa lang ng cafeteria ay nakita ko na agad sila ng mga kaibigan niya, kaya naman lumapit na agad ako. Sakto ay katatapos lang nila kumain kaya tumayo na ang mga 'to.
"Hi, Dos!" Bati sa akin ni Jaz.
Kinawayan ko nalang si Jaz.
"Paano dito na kami, Pat. And'yan na ang sundo mo," paalam pa ng mga kaibigan niya.
"Oy, ingat kayo d'yan!" Paalam ko sa mga kaibigan niya.
"Salamat, Dos!" At kaway nito sa amin palayo.
"Ano, tara na?" Aya ko kay Pat para umuwi.
"Sige, tara na!" Hila sa braso ko ni Patricia.
Sakto lang ang aya nina Aldrin dahil wala kaming gala ni Pat.
"Mahal, inaaya pala ako ni Aldrin at Von," paalam ko kay Pat.
"Saan kayo pupunta?" Tanong nito.
"Ite-treat kasi kami ni Aldrin, no'ng nakaraan pa kasi 'yon kaso may lakad tayo kaya hindi natuloy, pwede ba?" Tanong ko na nagmamakaawa pa ang mukha.
"Pwede naman, i-update mo lang ako sa kaganapan," tugon ni Pat.
At hinatis ko na si Pat sa kanilang bahay. Binaba ko siya sa harap ng gate nila. Gaya ng dati ay hinatid ko siya nang tingin hanggang makapasok siya ng pintuan nila.
Kumaway pa ito bago pumasok sa kanilang bahay. Umalis na agad ako nang makapasok siya sa kanila.
Nagchat na rin ako sa group chat naming tatlo para sabihin na papunta na ako sa napagsabihang kitaan.
Dos: Pabalik na ako sa harap ng school.
Aldrin: Wait, andito ako sa loob sa may cafeteria.
Dos: Eh nasaan si Von?
Aldrin: Kinuha 'yung motor niya para hindi na kami magcommute.
Von: Pabalik na rin ako. Sa gate nalang tayo magkita-kita.
Dos: Osige, on the way na ako.
Aldrin: Ingat-ingat.
Itutuloy...