Mabilis lang akong nakabalik sa school. Nasa tapat na ako ng gate pero hindi ko makita si Aldrin. Kaya naman nagchat muna ako sa group chat para malaman kung nasaan siya.
Dos: @Aldrin, saan kana? Andito na ako sa may gate.
Aldrin: Wait, may inaasikaso pa ako. Andito ako sa may garden sa pangalawang kubo.
Dos: Stay put ka nalang d'yan. Ako na ang pupunta, hintayin mo ako.
Chat ko kay Aldrin kaya nagpark muna ako sa gilid ng school para pasukin si Aldrin at puntahan sa may garden.
Mukhang nagbabayad pa 'to ng tuition e. Balita ko kasi na may kulang siya no'ng nakaraang term pero maliit lang naman. Hindi pa raw kasi nagpapadala ang mga magulang niya pati ate.
Agad na akong pumasok sa may gate at nagscan ng id sa may guard house. Mabilis ko lang nakita kung nasaan si Aldrin, doon kasi kami lagi tumatambay sa may kubong 'yon.
"Pre!" Tawag ko nang makita ko si Aldrin na nasa kubo. "Anong inaasikaso mo?" Tanong ko.
"Magbabayad ako ng tuition, kinokumpyut ko lang 'yung utang ko last term. Isasabay ko na nga rin bayaran 'yung ngayong school year," tugon ni Aldrin habang nagpipindot sa calculator ng cellphone niya.
"Ay nagpadala na ba sina tito?" Tanong ko pa kay Aldrin.
"Oo pre. Um-advance na ako manghingi dahil baka matulad na naman last school year," paliwanag ni Aldrin.
Noong nakaraang school year kasi ay late na siya nakakapag-exam dahil kulang pa ang tuition niya. Buti nalang ay mababait ang ibang professor at pinasasabay na sa amin siya magtake ng exam.
Wala akong inaalala sa tuition ko o sa mga librong pinababayaran dahil isa akong scholar. Libre na ang pagpapaaral sa akin kaya naman nang malaman nina Mama at Papa 'yon ay nakahinga sila nang maluwag. Malaki-laki rin kasi ang tuition sa university namin dahil kasama ito sa top university sa bansa.
"Kaya pala paldo ka ngayon e," sambit ko kay Aldrin.
"Talagang paldo 'yan si Aldrin," singit ni Von sa usapan namin.
"Oy, and'yan kana palaka, hindi ka nagkokak?" Tugon ni Aldrin habang hawak ang pera niyang winidraw sa banko.
"Nasaan motor mo?" Tanong ko kay Von.
"Andoon sa parking lot. Ano ba plano niyo?" Tanong nito sa amin ni Aldrin.
"Wala pa nga e. Hindi pa alam," tugon ni Aldrin. "Samahan niyo muna ako sa registrar nang makabayad na ako at makaalis na tayo," aya sa amin ni Aldrin habang nagliligpit ng pera.
"Tara-tara!" Aya pa ni Von.
"Osige, tara na!" Pagsang-ayon ko sa aya nila.
Naglakad na kami papuntang registrar. Marami pa rin ang mga estudyanteng nakapila para magpa-enroll.
Tirik na ang araw kaya dinalian na naming tatlo maglakad. Pagkarating namin sa registrar ay mabuti nalang at kaunti lang ang nagbabayad. Mabilis nakapila si Aldrin at nabayaran ang mga dapat niyang bayaran.
"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko sa dalawa habang papalabas kami ng university.
"Maaga pa naman oh," tugon ni Von. "May transportation naman tayo. Ano, tagaytay tayo?" Sambit ni Von.
"Ang layo, pero pwede," pagsang-ayon ni Aldrin.
Binuksan ko ang compartment ng motor ko at sinilip ang gas na natitira. Kaunti nalang ito, no'ng nakaraang araw pa kasi ako nagpa-gas kaya naubos na.
"Wala na akong gas e," sambit ko sa dalawa.
"Ako na bahala sa gas mo, Dos. Sumama ka lang," tugon ni Von.
"Sure ka?" Tanong ko na nakangiti dahil akala ko ay pinagtitripan niya lang ako.
"Oo nga, tara na!" Aya nito sa akin.
"Ayan na pala e. Si Von na sa gas mo, ako na bahala sa kakainan natin," wika naman ni Aldrin.
"Osige na, let's go na pero magpapaalam muna ako," sambit ko at kuha ng cellphone ko sa may bulsa.
Agad kong tinawagan (Video Chat) si Mama Gina para sabihing aalis ako at kasama ko sina Von at Aldrin. Papayagan naman ako nito pero gusto ko lang alam niya na may pupuntahan ako para hindi siya mag-alala.
Calling...
Mama Gina: Oh ba't hindi ka pa nauwi?
Dos: Ma, aalis kami. Inaya ako ni Aldrin at Von.
Mama Gina: Saan pupunta?
Dos: Tagaytay raw e. Lilibre lang ako nila.
Mama Gina: Oras ka uuwi? Uuwi ka ba ngayong araw?
Tanong palang ni Mama Gina halatang sanay na wala ako lagi sa bahay ay kinabukasan na uuwi.
Dos: Hindi ko lang po alam. Basta uuwi ako mamaya. Ito sina Aldrin at Von oh.
At hinarap ko ang screen ng cellphone ko kay Aldrin at Von para makausap si Mama.
Aldrin: Goodmorning, Ma!
Von: Magandang umaga po, Ma!
Mama na rin kasi ang tawag nila kay Mama Gina at gano'n din ako sa mga magulang nila. Matagal na kasing kilala ni Mama Gina sina Aldrin at Von, madalas pa akong sunduin ng mga kumag sa bahay.
Mama Gina: Goodmorning din mga anak! Mag-iingat kayo ha!
Paalala ni Mama Gina na mukhang nagluluto pa habang tumatawag.
Aldrin: Opo, Ma! Maaga rin po kami uuwi, hindi umaga.
Von: Ma, ako bahala dito kay Dos.
Mama Gina: Osige na, nagluluto pa ako. Mag-ingat kayo!
Dos: Ba-bye, Ma! Aalis na kami.
Mama Gina: Bye!
Call Ended...
Bago pa kami umalis ay nagchat muna ako kay Patricia dahil baka hindi ako makagamit ng cellphone kapag nasa kalsada na kami.
Dos: Mahal, paalis na kami. Papunta kaming tagaytay. Daan ako d'yan sa inyo pag-uwi ko. See you later. Mahal kita palagi.
Hindi siya nakaopen mukhang nagtatanghalian dahil alas onse y media na.
Bago kami umalis nila Aldrin at Von ay inaya ko muna sila mag 7/11 para bumili ng makakain dahil tanghalian na. Ayoko naman bumyahe nang walang laman ang tiyan at tirik pa ang araw.
"Bili muna tayo makakain sa 7/11," aya ko sa dalawa. "Nagugutom na rin ako e," dagdag ko pa.
"Tara, magsiopao nalang tayo," sambit ni Von at sakay sa motor niya.
Umangkas na rin si Aldrin kay Von at umalis na kami para maghanap ng 7/11. Malilipasan na sana ako nang gutom, buti nalang ay may nadaan na kaming 7/11 para makabili ng pagkain.
Agad na akong kumuha ng siopao sa lalagyanan. Sa tingin ko kulang 'yon kung walang panulak, kaya kumuha na rin ako ng maiinom. Kumuha ako ng lalagyanan ng gulp at nilagyan ko ito ng yelo tsaka nilagyan ng inumin.
Bago pumunta sa cashier ay ginawa ko muna ang pinagbabawal na teknik ng nakakarami. Hinigupan ko muna ang gulp ko at nilagyan uli bago pumunta sa cashier para bayaran.
Nakita ako ng dalawang kolokoy kaya ginaya rin ako. Nakapagbayad na ako sa counter at nakaupo na, sila ay andoon pa rin sa may gulp station, inaabuso ang techinique. Mga garapal HAHAHA.
"Hoy! Dalian niyo na," paninita ko si dalawa kaya naman nagulat ang mga 'to.
Akala siguro nila crew na ng 7/11 ang sumita sa kanila kaya dali-dali silang nagbayad sa may counter ng mga kinuha nila.
"Antagal niyo naman," sambit ko sa dalawa habang kumakain. "Ang yayaman niyo pero ginarapal niyo 'yung gulp," dagdag ko pa kaya nagtawanan nalang sila.
"Nabusog na nga agad ako, hindi pa ako nagbabayad sa counter no'n ha," pagyayabang pa ni Aldrin.
"Sakitan ka ng tiyan niyan," sambit ko kay Aldrin. "Galing sa masama kinain mo," pananakot ko sa kaniya.
"H'wag naman sana," tugon ni Aldrin. "Nagbayad naman kami e," sambit pa nito kaya tawang-tawa ako habang kumakain.
Focus na focus si Von sa pagkain. Akala mo kalalaya lang sa kulungan. Kakaubos pa lang ng siopao niya, andoon na naman sa cashier may dala-dala ulit na siopao.
"Dalian niyo na, para makaalis na tayo," aya ko sa dalawa na sobrang bagal magsikain.
Sa inip ko sa pag-aantay sa kanilang kumain ay chinat ko nalang si Pat. Nagreply na pala ito sa chat ko kanina, ngayon ko lang napansin dahil sa gutom.
Pat: Mag-iingat kayo d'yan. Update me nalang kung ano nang ganap ninyo. I love you too.
Dos: Sorry late reply, Mahal. Andito palang kami sa 7/11 malapit sa school. Nagutom kami kaya kumain muna kami.
Message ko kay Pat. Buti nalang ay naka-open siya at nakareply agad.
Pat: Masyado ka kasing nagmamadali e. Hindi ka muna kumain.
Dos: Ayos na, Mahal. Nakakain na ako, nabusog na.
Pat: Ako rin, kumain na kanina. Nand'yan pa kayo sa 7/11?
Dos: Oo, Mahal. Ang babagal nito magsikain e. Mas marami pa ang kwento kaysa kagat sa kinakain.
Pat: HAHAHA Grabi ka naman, ineenjoy pa eh.
Nalibang ako sa pagchachat namin ni Pat. Hindi ko namalayan na tapos na pala sila kumain. Nagulat ako nang ako nalang mag-isa sa kinauupuan namin at hinihintay na ako sa labas ng dalawang kolokoy.
Dos: Mahal, babyahe na kami. Chat kita later. I love you!
Pat: Osige, mag-ingat kayo. I love you too!
"Tara na, Dos! Antagal mo," sambit ni Aldrin na suot-suot na ang helmet na extra ni Von.
"Ay wow," tugon ko at suot na rin ng aking helmet.
"Tara na, bumyahe na tayo baka gabihin pa tayo pauwi," aya ni Von.
"Tara na. Wait, alam mo ba daan?" Tanong ko kay Von.
"Oo, atsaka may Weez naman kung maligaw tayo," tugon nito.
"Osige, susunod nalang ako sa likod mo," sambit ko sabay andar ng makina.
"Osige-sige," pagsang-ayon ni Von.
Umalis na kami sa 7/11 na kinainan namin at nag-umpisa na bumyahe. Alas dose y media na, sobrang init dahil tirik na tirik ang araw.
Mabilis lang kami nakarating sa may Cavite dahil wala masyadong traffic at kung magkaroon man ng traffic ay madali lang sumingit dahil single na motor lang ang dala namin.
Nagpahinga muna kami doon sa nakita naming convenient store sa tabing kalsada dahil nakakahilo 'yung init.
Uminom muna ng tubig sa pinaghintuan namin. Nagpahinga na rin kami nang kakaunting minuto. Ginamit ko ito para tawagan si Patricia.
Calling...
Pat: Mahal, napatawag ka? Nasaan na kayo?
Dos: Andito na kami sa may Cavite.
Pat: Ambilis ng byahe ninyo ah? Nand'yan na ba kayo sa pupuntahan niyo?
Dos: Wala masyadong traffic, init lang kalaban. Ansakit nga ng balat ko. Wala pa pero malapit na.
Saktong alas dos nang makarating kami ng Cavite. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta talaga, ang alam ko lang ay tagaytay. Sumusunod lang talaga ako kay Von at Aldrin dahil sila ang nag-aya nito.
Nang makapagpahinga kami at makainom ng tubig ay dali-dali na kaming lumarga. Malapit nalang pala doon ang pupuntahan namin. Sinundan ko lang si Von at wala pang 30 minuto ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
"Kaninong bahay 'to, Von?" Tanong ko agad dahil ang cozy ng place at ang laki.
"Ay, resthouse namin 'to. Wala nga lang napunta lagi pero andito 'yung mga caretaker, mga yaya dati sa bahay," paliwanag ni Von sa amin ni Aldrin.
Napanganga nalang kami ni Aldrin nang malibot namin ang bahay dali ang laki nito at ang babait pa ng mga caretaker nila.
"Magandang hapon po!" Bati ko sa isang caretaker na nakita ko sa pintuan.
"Ikaw pala 'yan, Von-von ko!" Excited na yakap ng caretaker kay Von.
Medyo may katandaan na ang sumalubong sa aming babae. Siya pala dati ang yaya ni Von at ginawa na lang caretaker dahil wala nang nakababatang kapatid si Von na maari niyang bantayan.
Itutuloy...