07

1241 Words
Chapter 07 "Kazuo, black coffee din ba sa iyo?" tanong ni Dante at lumingon. Napatigil ang lalaki matapos makita na nawala ang kaibigan. "Black coffee sakin," order ni Daichi na nasa unahan ng pila. Hinila ni Dante kwelyo ng kaibigan na nasa unahan ng pila. "Ano ba? Bakit ka nanghihila?" kunot noo na tanong ng lalaki at nilingon ang kaibigan. "Nawala na naman si Kazuo," ani ng lalaki. Tinabig ng lalaki ang kamay ng lalaki na may pangalan na Dante. "Baka nagpunta lang sa restroom, babalik din yon," ani ni Daichi. Nagcross arm si Dante. "Kahit sana magpaalam siya. Maya maya lang kailanga natin bumalik sa main house para magreport," ani ni Dante. Wala pa naman sense of direction ang kaibigan nila na 'yon. "Hey alam niyo ba magkano ambag ko sa reservation para matikman coffee na iyon. Kikidnapin niyo lang ako!" sigaw ni Kazuo pagkatapos siya dalahin ng mga hindi kilalang tao sa isang factory. "Teka tama ba kinuha natin na tao? Mukha lang siyang highschool student," ani ng isa sa mga goons na kumidnap sa lalaki. Nagkatinginan ang apat na taong siyang kumuha kay Kazuo at nagtali sa poste. "Siya ito diba?" tanong ng goons at pinakita iyong picture na may mukha ng binata. Hinila ng kasama nito ang lalaki at inakbayan. Sandali nilingon si Kazuo na inosente nakatingin sa mga lalaki. "Dude hindi ordinaryong tao nasa mission list natin. Paanong isang highschool student ang nasa report?" tanong ng lalaki. Except na lang kung mali report naipadala sa kanila. "Sinasabi niyo ba nagkamali tayo ng taong kinuha?" tanong ng lalaki. Kumunot ang noo ng tatlo at binuklat ang report. Napatigil sila noong basahin nila lahat ng details sino ang lalaki na nasa mission list nila. "Kazuo Ryojin, half russian and japanese. 3rd commander ng The Union?" basa ng lalaki ng malakas. "Tinatawag niyo ba ako?" tanong ng lalaki. Agad na kinilabutan ang apat at dahan dahan lumingon. Nakita nila ngayon ang inaakala nila na highschool student na may hawak na metal chair at tinangka sila hampasin. Bago pa dumikit ang upuan sa mukha ng isa sa apat may tao na nagtutok ng patalim sa leeg ng lalaki. Papalag ang lalaki noong namataan ni Kazuo ang marka sa likod ng palad ng guy. "Obsidian organization? Ano kailangan niyo sakin?" tanong ng lalaki at binitawan ang upuan. "Let's calm down and talk," bored na sambit ng lalaki. Iwinagayway ng lalaki ang isang kamay niya para paalisin mga tauhan. "So? Ano kailangan ng Castello sa lugar na ito? Pumunta lang ba kayo dito para magkape?" tanong ng guy. Nanatili wary si Kazuo. Hindi niya akalain sa second day na pagbalik nila sa bansa na iyon matutunugan sila ng isa mga malaking organization sa buong mundo. Iniexpect na naman nila ang sitwasyon na iyon lalo na galing sila sa tower at hindi sila iyong tipo na lalabas sa public. "Siyempre tao pa din kami. Minsan kailangan din namin magenjoy," nag act si Kazuo na umiinom. Agad na inatake siya ng lalaki at sinakal. Hindi agad nakareact si Kazuo lalo na noong naramdaman na naparalisa buo niyang katawan at nawalan ng lakas mga kamay at tuhod niya. May lason sa hangin. Masama iyon. Nahihirapang tiningnan ni Kazuo ang lalaki, mukha hindi ito iyong tipo na nabibiro. "Fine fine, sa... Sasabihin ko na!" sigaw ni Kazuo. Binitawan siya ng lalaki at agad na natumba. "Nandito kami para sa isang mission. Nandito din ang master," ani ng lalaki. Habol hininga na tiningnan niya ang miyembro ng obsidian. "Hindi ko alam iyong iba pa na details dahil sumunod lang din ako dito at nagkicarry lang ng mission. Nandito si master para kuhanin ang isang babae na pinapaniwalaang may alam kung nasaan ang cure at iniimbestigahan din iyong apat na grupo ng mga sindikato na illegal na kumukuha ng mga bata para gawing part ng experiment," dagdag ni Kazuo bago pa makapagsalita ang lalaki tinaas na nito ang kamay. "Wala kami pakialam sa mga biktima at sa gawain nila. In some reason interesado ang master sa babaeng may alam sa cure, isa din itong biktima at kumakalat ang videos sa illegal sites. Bago dalahin ni master ang babae sa tower kailangan namin alamin sino mga tao nasa likod 'non at linisin sila," dagdag ni Kazuo. Minamalas lang talaga mga tao na iyon dahil nakuha nila atensyon ng tower master. "Wala kayo kinalaman sa pagsabog ng factory 5 days ago?" tanong ng lalaki. Nagtataka siya tiningnan ni Kazuo. "Anong pagsabog?" tanong ni Kazuo. Wala masyado galaw master nila, last na move nila is iyong nasa hotel sila kasama ang master. May nilabas na orb ag lalaki at binasag iyon gamit ang kamay niya. May pinakita na display kung saan may naganap na pagsabog sa factory, madami nagtatakbuhan mga tao at iba sa mga ito bumagsak. Tumayo si Kazuo matapos mawala na ang pamamanhid ng katawan niya at nilapitan ang artificial screen. "Kung ako sa iyo tatawagan ko na ang isa sa mga commander at magrequest na ilockdown ang buong city," ani ni Kazuo. Hindi iyon ordinaryong pagsabog. Nilingon ni Kazuo ang lalaki. "May nangyari ganito insidente sa russia. Namatay ang mga tao sa apat na city matapos kumalat sa hangin ang chemical at pinatay ang madaming tao," dagdag ng lalaki. Dahil sa nangyari na iyon dumami ang report sa kanila sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nagkaroon ng internal war, advantage yon sa tower nila dahil madami mission ngunit naging pambawi lang iyon dahil madami sa business nila ang nagsara. Malaki din connection 'non sa mission nila. Nakatingin ang dalawa sa screen at tinitingnan ang mga tao na tumatakbo papalayo. May natanggap na impormasyon si Kazuo about sa BRS, the blood raven syndicate. Isa sa pinakamalaking sindikato sa buong mundo. May sinasagawa mga ito na bagong project kung saan posibleng sumira ng bansa sa isa lang na pagsabog. "Nasa bansa na pala na ito ang bagay na iyan at mas malaki ang casualties compare sa insidente na nangyari sa russia," komento ni Dante habang nakatayo sa labas ng coffee shop at nakatingin sa malaking screen kung saan binabalita ang about sa pagsabog. "Ano pa ba aasahan mo sa mga taong nasa politika at mga pulis? This is the 3rd time at nagbigay na ng warning ang Vitale union about sa mga baliw na scientist na gumagala at gusto wasakin ang mundo. Hindi nila siniseryoso iyon," ani ng lalaki. Ang vitale union ay isang sekretong organization na katuwang ng gobyerno at pinoprotektahan interest ng mamayan. Mainit ang mga mata sa kanila at kahit saang part sila ng mundo hinahunting sila. Nawala lang atensyon ng mga ito sa tower few years ago matapos ang nangyari pagsabog sa russia na pumatay ng libong mga tao. Hanggang ngayon iniimbistigahan nila nangyari sa factory at dito din nalaman nina Dante na may mga tao pala talaga sa mundo na iyon ang mas masahol pa sa hayop at mahirap ikonsidera na mga tao ang gumawa 'non. "Hindi 'man lang nila naisipan ilockdown ang buong city at mas madami pa sila mga tao inimbita sa lugar. Pagod na ba talaga sila mabuhay," dagdag pa ng lalaki at hinabol ang kaibigan na naglalakad palayo. "Sana magawa ni master kuhanin ang loob ng babae na iyon at madala sa tower bago pa siya matagpuan ng ibang organisasyon," ani ni Dante at tinapon ang cup ng coffee sa trashbin. Kailangan nila mahanap ang cure at mapatay ang nilalang na iyon bago pa makuha ng kalaban na organization at magamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD