06

2273 Words
Chapter 06 "Sister gusto ko nito, akin na lang," ani ng batang si Ruoxie at tinuturo ang stuff toy na hawak ng batang si Leticia. Nasa amusement park sila ngayon kasama ang isang nanny at parents nila na umalis sandali para sumagot ng call. Binigay iyon ng nagtitinda ng mga stuff toy kay Leticia matapos niya ito tulungan sa pagpulot ng mga paninda. "No! Akin ito," ani ni Leticia at niyakap ng mahigpit ang manika. Umiyak si Ruoxie at nagpanic ang nanny. May sakit sa puso si Ruoxie kaya masama dito ang pag-iyak. "Young miss pakibigay na lang ang stuff toy. Bibilihan ka na lang ng madam," pagmamakaawa ng nanny pero dahil bata pa din 'non si Leticia, wala naiintindihan sa tunay na sitwasyon nagalit ang bata at sinabi na ayaw niya. Si Leticia ang palagi nagpaparaya sa mga gusto ni Ruoxie kaya sumasama ang loob ng bata. Bigla bumagsak si Ruoxie sa sahig na ngayon nahihirapan huminga. Nagpanic ang nanny at tinawag agad ang parents nina Ruoxie. Nagkagulo ang mga tao at nakiisyoso. Naitulak si Leticia ng mga nagkukumpulan na tao at naiwan si Leticia ng sasakyan kung saan sinakay si Ruoxie. 7 years old si Leticia noong mawala ang bata at makuha ng mga sindikato. Para protektahan ang image ng mga Yeraz pinalabas na pinadala si Leticia sa country side at pumunta naman sa abroad ang parents ni Leticia at si Ruoxie para humanap ng doctor. "Xierro," nag-aalala na tawag ni Ruoxie. Nagising si Xierro na nasa hospital at binabantayan siya ni Ruoxie. Napaingit si Xierro at napahawak sa tagiliran noong tinangka niya na bumangon. "Huwag ka muna umupo, baka bigla bumukas ang mga sugat mo," ani ni Ruoxie at nag aalala hinawakan ang braso ni Xierro. "Nasaan ako?" mahinang bulong ni Xierro. "Nasa hospital ka ngayon. May tumawag sa amin na nandito ka at may tama ka ng bala," naiiyak na sambit ni Ruoxie. Tinanong ni Ruoxie si Xierro kung ano nangyari. Napatigil si Xierro matapos isa isa pumasok sa isip niya kung ano nangyari sa hotel. "Si Leticia, nasa hotel. Nanganganib siya Ruoxie! Tumawag ka ng pulis," ani ni Xierro. Nagulat si Ruoxie dahil sa biglang pagpapanic ni Xierro. Gumawa ng hindi maintindihan na expression si Ruoxie. "Xierro, kinidnap ka ni Leticia, sinira ang kasal natin at nadamay ka sa gulo niya. Mas mabuti maggive up na tayo kay Leticia. Tama si mom, hindi na natin makukumbinsi pa si Leticia bumalik sa dati," ani ni Ruoxie. Napatigil si Xierro noong marinig iyon kay Ruoxie. "What are you saying? Mas kailangan tayo ngayon ni Leticia Ruoxie. Nanganganib buhay niya," ani ni Xierro. Itinikom ni Ruoxie ang labi sinabi na sarili iyong kagagawan ni Leticia at pinili landas na iyon. "Sukuan si Leticia?" ulit ni Xierro. Pumasok sa isip ni Xierro ang scene kung saan nakita niya ang malalim na mga sugat ni Leticia sa katawan, sobrang kalungkutan sa expression nito at walang buhay na mga mata. "Ruox—" Hinawakan ni Ruoxie kamay ni Xierro at nag aalala tiningnan si Xierro. "Mas need mo ngayon magpahinga Xierro at magpagaling. Malalim ang sugat mo at critical pa din ang kondisyon mo," ani ni Ruoxie na puno ng concern. Maya maya may dumating na doctor at sinabi na oras na ng pag inom ni Xierro ng gamot. Tumayo si Ruoxie para lumabas sandali sa room. "Ruoxie, subukan mo ulit kontakin si Leticia," ani ni Xierro. Ngumiti lang si Ruoxie at tumango. Dahan dahan tumalikod si Ruoxie at paunti unti nawala ang ngiti. Sa mga oras na iyon wala ginawa si Ruoxie kung hindi murahin sa isipan niya si Leticia at isumpa. "Ano ginawa mo kay Xierro habang nasa hotel kayo?" bulong ni Ruoxie. Puno ng pagkadisgusto ang expression ni Ruoxie noong lumabas siya sa hospital room. Ang expression nito ay malayo sa expression pinakikita sa madaming tao. Puno ng compusure, tenderness at innocence. Kinuha ni Ruoxie ang phone at kagat ang daliri nagdial mg phone. "Caden Ruvic, ano problema ng mga tauhan mo? Malinaw usapan hindi ba? Papatayin mo si Leticia! Ano nangyari at pati si Xierro binanatan nila," pikon na sambit ni Ruoxie. Wala na ang angelic demeanor nito. "Calm down babe, its not like may choice mga tauhan ko. Lumaban si Xierro at nagtangka tumawag ng pulis. Ano gusto mo mahuli agad tayo?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Seryoso ang lalaking umayos ng upo mula sa pagkakaupo sa sofa at binaba ang hawak na kopita. "Ruoxie, sigurado ka ba walang malaking tao sumusuporta kay Leticia?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Napataas ng kilay si Ruoxie. "What do you mean? Bakit ako tinatanong mo? Hindi ba pinabackground check mo na si Leticia at ikaw nagkumpirma na walang kahina hinala sa background ni Leticia," ani ni Ruoxie. Napaisip ang lalaki. "Either walang sumusuporta kay Leticia o may napakalaking tao doon na to the point na hindi sila kaya itrack ng mga tauhan ko," ani ng lalaki. Sumigaw si Ruoxie ng imposible. "Dahil sa trauma wala si Leticia pinagkatiwalaan na tao. Iniisolate sarili niya at gustong gusto ko iyon. Wala siya connection, wala siyang kahit ano sirang sira ang self confidence niya paano?" tanong ni Ruoxie. Ruoxie Svea Yeraz, not typical good girl in disguise. 6 years old siya noong nalaman niya na adopted siya, thanks sa health issues niya lahat ng atensyon ng parents niya is nasa kaniya lang. Hindi iyon sapat kay Ruoxie, gusto niya kuhanin lahat ng bagay meron kay Leticia at maging isang tunay na Yeraz. Hindi niya akalain na pagkatapos ni Leticia mawala babalik ito at muli kukuhanin mga bagay na meron siya... Isa na doon si Xierro. Napahawak ng mahigpit si Ruoxie sa phone matapos malaman na nakaligtas si Leticia. Kung nasaan siya ay wala nakakaalam. Para sa safety ni Xierro binili ni Ruoxie ang buong hospital na kinagulat ng lalaki. Binantayan ng hundred na mga professional body guard ang buong lugar. "Ruoxie? Ano nangyayari?" tanong ni Xierro. Inaayos ng nurse ang dextrose. "May mga kahinahinalang tao umaaligid sa hospital. Natatakot ako na baka balikan ka noong mga tao na umatake sa inyo ni Leticia sa hotel," ani ni Ruoxie na ngayon nakaupo sa gilid ng kama. Pinaliwanag ni Xierro hindi ni Ruoxie kailangan ipasara ang hospital dahil doon. "Hindi naman nila nakita mukha ko that time i dont think babalik pa sila para hanapin ako," explain ni Xierro. Paunti unti na nagsasara sugat ni Xierro, malakas pakiramdam niya this week makakalabas na siya ng hospital. "Xierro, paglabas mo ng hospital magpakasal tayo ulit. Ituloy natin ang kasal," ani ni Ruoxie. Napatigil si Xierro at tiningnan si Ruoxie. Nanuyo ang lalamunan ni Xierro matapos marealize na hindi niya pa nasasabi kay Ruoxie. Kasal na sila ni Leticia at legal iyon. Ibubuka ni Xierro ang labi para sabihin kay Ruoxie ang totoo nang magring ang phone ni Ruoxie. Nakita niya sa screen pangalan ng kaibigan niya na si Caden. "Si Caden?" tanong ni Xierro. Tumayo si Ruoxie. "Sagutin ko lang ito sandali. May bago kasi brand na inisponsoran at kasama si Caden sa representative sa branch," explain ni Ruoxie. Hawak ni Ruoxie ang phone na lumabas siya ng hospital room. Sumandal si Xierro sa headboard ng kama at nabobored na tumingin sa glass wall ng hospital. Wala siya mapaglibangan, hindi pa din siya nabibilihan ng phone. Maya maya napatigil si Xierro dahil may nakita siyang private plane at palapit iyon sa glass wall. "Ano nangyayari?" tanong ni Xierro. Natakpan ni Xierro ng braso ang mukha matapos may bumaril ng glasswall at lumikha iyon ng malakas na ingay. "I found you." Nagulat si Xierro matapos makita si Leticia na bumaba sa eroplano. "Leticia?" Bago pa makareact si Xierro may mga tauhan si Leticia na hinawakan siya sa braso at binuhat. "Xierro!" sigaw ni Ruoxie. Naitulak na si Xierro papasok ng plane noong magbukas ang pinto at nakita niya si Xierro na kasama si Leticia. "Leticia!" sigaw ni Ruoxie. Galit ang babae na nakatingin kay Leticia na ngumisi lang at tinakpan si Xierro na sinisigawan si Leticia. "Ano ginagawa mo Leticia!" sigaw ni Xierro habang hawak siya ng mga tauhan ni Leticia at pinauupo ng maayos. "Sinusundo ang husband ko," flat na sagot ni Leticia. Nanlaki ang mata ni Xierro. "Binasag mo glass wall ng hospital. Hindi ka ba natatakot maheadline na naman? Private property iyon," hindi makapaniwala na sambit ni Xierro. Tiningnan ni Leticia si Xierro. "Importante ba iyon?" tanong ni Leticia. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkairita, itinikom ang bibig at tiningnan si Leticia ng masama. Sumira na ito ng property kinidnap pa siya nito at inabala ang madaming tao. Naiinis ang lalaki. "Ibalik mo ang plane," utos ni Leticia. Nagtataka si Xierro na tumingin sa ilabas ng plane. Pagkatapos ng 20 minutes nasa tapat na ulit sila ng hospital. May mga naglilinis na staff sa room at nagulat sila noong makita ang private plane sa balcony. May dalang bag ang assistant ni Leticia na lumapit sa pinto ng plane. "Ano gagawin mo?" tanong ni Xierro na may hindi makapaniwala na expression. Nagulat si Xierro noong itapon ng assistant iyong laman ng itim na bag na puno ng pera. "What do you think? Sapat na ba iyon para iparenovate ang hospital room mo?" tanong ni Leticia. Napatanga na lang si Xierro sa ginawa ni Leticia. "Nababaliw ka na talaga." Dinala ni Leticia si Xierro sa private property nita sa batangas. Isolated ang lugar na iyon at halatanga matibay ang security. Pagkababa ni Xierro nang eroplano nagulat siya dahil may kasama sila na doctor na sobrang familiar sa kaniya. "Ano ba kailagan niyo sa akin! Pakawalan niyo ako!" sigaw ng doctor na hila hila ng mga tauhan ni Leticia pababa ng eroplano. Nagulat ito pagkatapos makita si Xierro na hawak din ng mga tauhan ni Leticia. "Young master?" Dinala sala sa loob ng mansion. Nagulat ang doctor pagkatapos may ibigay na isang maleta na pera ang assistant ni Leticia. "Ikaw may record ng medical ni Xierro at nakakaalam ng kondisyon niya. Take care of him habang hindi pa tuluyan nawawala mga sugat niya pagkatapos 'non makakaalis ka na," bored na sambit ni Leticia. Tila naman pumalakpak tenga ng doctor pagkatapos marinig iyon at niyakap ang maleta na puno ng pera. "Ako na bahala sa young master, young miss!" sigaw ng doctor at wala tingin tingin pumirma ng kontrata. "What the heck," react ni Xierro habang nakatingin ng masama kay Leticia. Hindi maintindihan ni Xierro naiisipan ni Leticia. "Balak mo ba ako ikulong na lang dito?" tanong ni Xierro. Sinabi ni Xierro na gusto niya bumalik sa mansion at sa parents niya. Napaatras si Xierro at napasandal sa glasswall sa living room noong humakbang si Leticia palapit sa kaniya. "Hindi mo ba nababasa ang tunay mo na sitwasyon Xierro? We are married now, asawa kita at ito na ang bahay mo. Hindi ka uuwi" may diin na sambit ni Leticia. Naiyukom ni Xierro ang kamao dahil sa ginagawang pagkontrol ni Leticia sa kaniya. "Galit sa iyo ang buong family mo at si Ruoxie nawalan na din ng tiwala sa iyo. Huwag mo hayaan na pati ako kamuhian kita. Pilit kita iniintindi kahit totally clueless din ako bakit mo ito ginagawa, bakit ganoon na lang galit mo sa parents mo at kay Ruoxie at bakit mo ako kinidnap. Fiancee ako ni Ruoxie at magkaibigan tayo, why?" tanong ni Xierro na puno ng emosyon. Nanatili wala expression si Leticia at tinitigan mabuti si Xierro. "Bakit ko ito ginagawa? Bakit kita kinuha? Dahil ikaw ang fiancee ni Ruoxie, dahil pangalan mo ang makakapagpabango sa image ng mga Yeraz. Ikaw Xierro at hindi ko hahayaan na mapunta ka kay Ruoxie," ani ni Leticia at hinablot ang panga ni Xierro. Malakas si Leticia, hindi niya maalis ang kamay ng babae sa panga niya. Binalya ni Leticia si Xierro at napaupo sa sahig matapos ito maoutbalance. Hindi pa ganoon nakakarecover si Xierro kaya agad ba nagopen ang sugat nito at napaingit sa sakit. Nailing na lang ang assistant ni Leticia na si Sergei Baranov matapos makita ang ginawa ni Leticia kay Xierro. Assistant ni Leticia since nagstart siya ng business at kasangga sa lahat ng bagay, para na silang magkapatid at since first sinusundan na ni Sergei si Leticia. Alam ng assistant na genuine ang feelings ni Leticia kay Xierro. Naiiling ang lalaki sa idea na even sincere ssi Leticia sa feelings nito at kahit pa nagtagumpay ito sa plan na ikasal kay Xierro hindi niya pwede ibigay dito ang fully trust at tanggapin ang lalaki. "Lalo na at fiancee si master Xierro nang babaeng pinakamumuhian ni lady Leticia at anak ng mga taong sumira sa buhay ni lady Leticia," bulong ng assistant. "Lady Leticia huwag mo sabihin isa din sa mga plano mo ikeep sa side mo si master Xierro?" hindi makapaniwala na react ng assistant matapos siya utusan ni Leticia na tawagin ang mga tauhan at sinabing pupunta sila sa kasal para agawin ang groom. Una pa lang hindi na maganda pakiramdam ng assistant sa plan na iyon ng young miss niya like malinaw pa sa sinag ng araw na may feelings si Leticia sa fiancee ng kapatid niya at parang kapatid lang tingin sa kaniya ni Xierro. Wag iinclude si Xierro sa paghihiganti ni Leticia dahil sasaktan lang ni Leticia sarili niya, hindi kakayanin ng babae ang consequence. Tiningnan ng assistant si Xierro na nakaupo sa ibabaw ng kama at nakasandal sa headboard ng kama. Masama ang timpla ng mukha at yakap ang mga tuhod. "Leticia is really insane. I dont love her, si Ruoxie ang mahal ko at pinipilit niya sarili niya sa akin. Sa tingin niya mamahalin ko siya dahil kasal na kami?" ani ni Xierro na naiinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD