05

1293 Words
Chapter 05 "Hey," ani ni Kieran. Napatigil si Xierro at napalingon. Nasa garden si Xierro ngayon nakaupo sa ilalim ng puno at nagbabasa. "Ano kailangan mo?" flat na tanong ni Xierro. Sinabi ni Kieran na nabobored siya sa mansion na iyon, wala siya makausap. Umupo si Kieran hindi malayo kay Xierro at tiningnan si Xierro. "Busy ako, wala ako time ientertain ka," uninterested na sambit ni Xierro. Sinabi ni Xierro na huwag din siya kausapin na parang close sila. "Guest ka lang dito at asawa ako ng may ari ng building na ito. Hindi mo din ba nabasa iyong karatula sa may gate? Bawal pumasok dito ng walang authorization," banat ni Xierro. Napahawak ng mahigpit ang lalaki sa tuhod, sandaling napalitan ng pagkairita ang expression nito ngunit agad iyon nabago ng lalaki. "Is that weird na hinayaan nila ako pumunta dito sa kabila ng mahigpit na security sa buong building? Hindi ko napansin kasi wala naman humarang sa akin noong naggala-gala ako," painosente na sagot ni Kieran. Napahawak si Xierro ng mahigpit sa libro. Sa isip ng lalaki ibig sabihin nakuha na ni Kieran ang favor ni Leticia to the point na hinahayaan na nito gumala ang tao na iyon sa building na para bang ito ang may ari. Kinakausap siya ni Kieran na parang isa lang din siya sa mga alaga ni Leticia sa building na iyon. Nagrereklamo pa si Kieran kung gaano ka-wild si Leticia paggabi. "Hindi ba halata hindi ako interesado sa mga pinagsasabi mo at gusto ko mapag-isa!" sigaw ni Xierro at tumayo. Napatigil si Kieran na ngayon is nakatingala at bahagya naalarma na nakatingin kay Xierro. "Gusto lang kita maging kaibigan," ani ng lalaki at tumayo. Naiirita si Xierro sinabi na hindi siya interesado. Aalis ang lalaki nang harangin siya ni Kieran tapos palihim na may siniksik sa libro na ititiklop dapat ni Xierro. "Alam ko ang sitwasyon mo at gusto kita tulungan. Kunin mo iyan at may susi din na nakalagay sa likod ng case ng phone, may kotse na nakaparada hindi malayo sa building, pwede mo iyon gamitin para makatakas," bulong ni Kieran. Napatigil si Xierro at tinanong bakit iyon ginagawa ni Kieran. Ngumiti si Kieran sinabi na gusto niya si Leticia. "At may fiancee ka na naghihintay sa iyo sa labas. Huwag ka mag-alala dahil aalagaan ko mabuti si Leticia," ani ng lalaki tapos tumalikod. Nauna maglakad paalis ang lalaki tapos iniwan si Xierro sa loob ng garden. Kinagabihan, Aa usual nasa rooftop si Leticia, nasa loob ang babae ng glass house at nakahiga sa sofa. Sa labas ng glass house nandoon ang ilan sa mga tauhan ni Leticia at assistant. Walang tao sa loob ng glasshouse maliban kay Kieran na nakaupo sa sofa at nakahiga sa lap niya si Leticia na mahimbing na natutulog. Napatigil ang assistant ni Leticia noong bumukas ang pintuan na bakal ng rooftop at duguan pumasok ang isa sa mga tauhan niya. "Bo... Boss! May mga nakapasok!" Isang putok ng baril ang nag pa alingawngaw sa buong lugar at sunod 'non ang pagbagsak ng lalaki. Nabato sa kinatatayuan ang assistant pagkatapos makita ang mga familiar na lalaki. "Paano nila tayo nahanap!" sigaw ng assistant. Nilabas ang baril at nagsimula makipagpalitan ng putok ng baril. Lima sa mga kasama niya sa rooftop ang ngayon ay wala ng buhay nakahiga sa sahig. Nag-iisa na lang anga assistant na ngayon ay may tama na din ng bala. Hindi akalain ng assistant sa ganoong paraan lang siya mamatay. Nakatago sa poste ang lalaki at hawak ng mahigpit ang baril. Mga professional killer ang mga dumating at miyembro ng sindikato. Isa lang ang nakikita niya na motoibo bakit ito mga nandoon ngunit ang hindi niya alam paano ng mga ito sila natagpuan. "Boss kanina ko pa kayo hinihintay." Napatigil ang assistant pagkatapos makita si Kieran na tumatawa habang buhat si Leticia. "Kieran! Traydor ka!" sigaw ng assistant. Nawalan ng expression si Kieran at tinanong kung sa tingin ba nito is makakatakas na lang ng ganoon sila ni Leticia. "Kinalimutan niyo kung saan kayo nanggaling at sino kayo," ani ng lalaki habang buhat si Leticia. Nanginginig sa galit ang assistant. Few years ago nakatakas sila ni Leticia sa kamay ng mga ito at nagkaroon ng normal na buhay pagkatapos 'non. Hindi inaakala ng assistant na mag-iiwan ng malaking lamat iyon kay Leticia at dadalhin iyon hanggang sa mga panahon na iyon. Sa mga lumipas na taon hindi pa din ni Leticia nagawa tumakas sa bangungot na iyon at ngayon is babalik na naman sila sa lugar na iyon. "Nabigo ako," bulong ng assistant. Hindi siya umalis sa tabi ni Leticia kahit may mga pagkakataon siya dahil nangako siya kahit ano mangyari sa paglaya nila sa lugar na iyon poprotektahan niya ang babae. "Ngunit hindi niyo siya maaalis sa lugar na ito ng hindi dumadaan sa bangkay ko!" sigaw ng assistant pero bago pa siya makapagpaputok ng baril at lumabas sa pinagtataguan may mga lalaki ang dumating. May mga tinapon mga ito na katawan sa sahig at nababalutan ng dugo. Apat na lalaki iyon at mga hindi kilala na tao. "Sino kayo!" sigaw ng leader ng mga grupo na pumasok sa building. "Bo.. Boss, nawala na sa linya ang mga tauhan natin sa ibaba," nanginginig na sambit ng isa sa mga ito. "Huwag na kayo mag-abala pa. Wala ng humihinga sa mga tao na nasa baba. Wala na din kayo matatawagan," ani ng isa sa mga lalaki at natatawa na pinupunasan ang kamay ng itim na panyo. "Si... Sino kayo? Saan kayo grupo galing!" sigaw ng lalaki ngayon nakatingin sa apat. Nararamdaman ng assistant at mga tao na nasa rooftop ma hindi ordinaryong tao ang apat na dumating. "Wala kami grupo, technically napadaan lang talaga kami tapos naglaro ng kaunti," ani ng isa sa mga lalaki tapos naglakad at tinapakan ang isa sa mga tauhan niya. "Ano tinitingin-tingin niyo! Patayin niyo sila! May hawak kayo na baril!" Hindi makapaniwala ang assistant sa nakikita niya. Iniilagan lang ng apat ang mga bala na para ba nakikita ng mga ito ang piraso ng bala. Nakita ng assistant na paalis si Kieran kaya agad niya ito binaril sa hita tapos niligtas si Leticia na buhat pa din ng lalaki. Napalingon ang apat sa assistant na ngayon nakaupo sa sahig tapos nakahiga sa braso niya si Leticia. "Huwag kayo lalapit." Tinutukan ng assistant ng baril ang apat tapos binalaan. Sa distansya na iyon 100% sure siya wala makakailag sa mga ito. "Woah! Wala kami gagawin sa inyo na masama," ani ng lalaki na ngayon nakataas ang kamay. Napatigil ang assistant at tinanong sino mga ito. Nagkatinginan iyong apat tapos tiningnan ang assistant. "Isa kami sa mga guest sa resort malapit dito. Member kami ng NBI tapos nagkataon na napadaan kami, may guy na galing dito ang humingi ng tulong sa amin at sinabi na may mga tao nga na pumasok dito sa loob ng building." Napatigil ang assistant noong may ibigay ang isa sa mga ito na familiar na wrist watch. "Si mr Aragon? Nasaan siya?" tanong ng assistant. Papatayin siya ng young miss literal kapag may nangyari sa lalaki. "Masama din ang tama niya kaya pinadala namin siya sa hospital," sagot ng lalaki. Isa sa mga ito ang hinawakan ang wrist ni Leticia at pinakiramdaman ang pulso. "Ipainom mo ito. Maaalis nito lahat ng klase ng lason na nasa katawan ng madam," ani ng isa sa mga lalaki tapos may nilabas na lalagyan. Naglalaman iyon ng malalaking piraso ng pills. Umalis ang apat na parang walang nangyari. Napahawak ng mahigpit ang assistant sa lalagyan ng gamot. Hindi ang assistant naniniwala na coincidence lang iyon at totoo na NBI ang apat. Tiningnan ng assistant ang ang mga katawan sa sahig. Masyado brutal ang pagkakapatay sa mga tao na iyon at malinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD