Chapter 04
Hinablot ni Xierro ang braso ni Leticia at tinanong ito kung masaya ba si Leticia sa ginagawa nito.
"Buntis ang mom mo at kapatid mo ang dala-dala niya! Bakit mo ginawa iyon!" sigaw ni Xierro. Napanood niya sa balita na sinugod kahapon sa hospital ang madam ng mga Yeraz at nabalitaan nga ng araw na iyon nahulog ang dinadala ng madam.
Lumabas sa public ang about doon then again nagkaroon na naman ng panibagong scandal si Leticia.
"Anong ginawa ko? Nakita mo ba pinatay ko ang bata na iyon?" patay malisya na tanong ni Leticia. Hinila ni Leticia ang braso niya at sinabihan si Xierro na huwag mangialam sa mga ginagawa niya.
"Manahimik ka sa sulok, umupo at huwag mo ako pakialaman kung ayaw mo madamay," pagbabanta ni Leticia dahilan para maiyukom ng lalaki ang kamao.
"Naghihiganti ka ba dahil dinala ka ng mga Yeraz sa countryside? Hindi ba masydo na sumusobra ang ginagawa mo? Masyado ka ng unreasonable," ani ni Xierro. Napatigil si Leticia at hindi nakagalaw sa kinatatayuan.
"Iyon ba sinabi sa iyo nina Ruoxie?" tanong ni Leticia. Nanlilisik ang mga mata ng babae at gumawa ng nakakatakot na ngiti.
"Pinalaki ako sa countryside kaya nagrerebelde ako?" tanong ni Leticia. Hindi nakapagsalita si Xierro dahil iyon ang exactly na alam niya about kay Leticia at sinabi ni Ruoxie sa kaniya.
Pumasok sa isip ni Leticia iyong batang siya na nakaupo sa pinakasulok ng kwarto. May hawak na buns, umiiyak at puno ng sugat.
Lumabas si Leticia ng dining area ng walang salita at walang explanation. Iniwan si Xierro na nakatayo doon at sa table na nasa harap niya, madaming mga pagkain na nakahanda.
Napatitig si Xierro sa pinagkainan ni Leticia na plato. As usual wala itong kinain na meat at gulay lang ang nakita niya sa plato.
Birthday ni Xierro noong araw na iyon at naisipan niya magluto as usual dahil nakasanayan na niya iyon. Sa table nakita niya nakaupo si Ruoxie at natutuwa na kumakain. Tumingin sa kaniya at nagthank you sa pagkain.
"This is insane," bulong ni Xierro at sinapo ang noo.
Kinagabihan,
Pagbalik ni Xierro sa room niya may nakita siya maliit na kahon sa table, flowers tapos box ng cake.
Napatigil ang lalaki at mabilis lumapit sa maliit na table. Natutuwa ang lalaki na kinuha ang maliit na kahon tapos binuksan.
Nakita niya na wrist watch iyon tapos napatingin sa kahon ng cake. Iyong favorite flavor niya ang nandoon tapos may kasama din na flowers.
"Akala ko kinalimutan na niya ang birthday ko."
Binaba ni Xierro ang maliit na kahon tapos lumabas ng kwarto. Naisip niya puntahan si Leticia para magthank you.
Dahan-dahan naglakad ang lalaki patungo sa alam niya na room ng babae. Pagdating niya sa harap ng room kumatok si Xierro, walang sumagot kaya naisipan niya na buksan iyon.
"Sister—"
Napatigil si Xierro noong nakita niya si Leticia na nakatayo sa gilid ng kama. Nagsusuot ngayon ng nighties niya pero hindi doon nakatuon ang atensyon ni Xierro.
Malinaw niya nakikita ngayon ang malalalim na sugat sa katawan ni Leticia. Napakadami 'non at umabot iyon hanggang sa dibdib ni Leticia na napalingon sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Agad na tinakpan ni Leticia ang sarili gamit ang towel at sinabihan si Xierro na lumabas. Hindi nakagalaw ang lalaki habang nakatitig kay Leticia.
"Saan... Saan nanggaling mga sugat mo?" tanong ni Xierro. Hindi nagsalita si Leticia, mabibigat ang mga paa ni Xierro na lumapit kay Leticia at binulyawan ang babae.
"Saan nanggaling ito!" sigaw ni Xierro tapos hinila ang towel gamit ang isang kamay niya.
Napatumba si Xierro noong suntukin siya ni Leticia ng malakas. Napahawak sa panga si Xierro at napaangat ng tingin.
Napatigil si Xierro noong makita na tumutulo ang luha ni Leticia at galit na nakatingin sa kaniya.
"Stop pushing your luck, Xierro. Pinakasalan kita dahil boyfriend ka ni Ruoxie. Bukod doon wala ka ng purposed, stop asking at huwag mo ako pakialaman!" sigaw ni Leticia at tumalikod. Naglakad ang babae palayo kay Xierro pero bago pa si Leticia makapasok sa bathroom agad na tumayo si Xierro at pinigilan si Leticia.
"Hindi ko kailangan ng awa mo," bulong ni Leticia at matapang na bahagya nilingon si Xierro.
"Huwag mo ako bigyan ng dahilan para alisin ang kakaunting simpatiya na nararamdaman ko sa iyo dahil sa isang beses na nailigtas mo ako," dagdag ng babae. Dahan-dahan binaba ni Xierro ang mga kamay.
Sinara ni Leticia ang pinto ng bathroom habang nakatayo naman si Xierro sa labas ng pinto.
Naiyukom ni Xierro ang kamao at tumalikod. Dahan-dahan naglakad ang lalaki palabas ng kwarto at sinara ang pinto.
Napatigil si Xierro noong may makita siya na guy. Naaalala ni Xierro na isa ito sa mga lalaki sa loob ng kwarto ni Leticia sa rooftop.
"Ikaw si Xierro diba? Husband ng youngmiss?" tanong ng guy. Inabot ng lalaki ang kamay niya at nagpakilala bilang Kieran.
"Kieran! Come here!"
Napatigil si Xierro noong marinig ang boses ni Leticia sa loob ng kwarto. Binaba ng lalaki ang kamay at nakangiting nilampasan si Xierro.
Binuksan ang pinto tapos pumasok sa loob. Hindi alam ni Xierro kung imahinasyon niya lang pero ang guy na iyon is parang kahawig niya at kapareho ng temperament niya.
"Sino ang guy na iyon at ano relationship niya kay sister in law?" tanong ni Xierro at tiningnan ang assistant ni Leticia.
"Isa siya sa mga inisponsoran ng youngmiss at isa sa mga canary niya," ani ng assistant. Magulo ang private life ni Leticia pero habang nasa building siya na iyon at dahil sila lang ni Leticia palagi ang nandoon madami siya napansin kay Leticia.
Hindi ito kumakain ng meat kahit ano pa klase iyon, pumupunta ito sa rooftop after ng dinner kasama ang mga male models nito at hindi tumatanggap ng mga private meeting but in this past few days may lalaki si Xierro na nakikita palagi kasama ni Leticia.
Nakakasama pa nila ito kumain minsan. Hindi maganda pakiramdam niya sa Kieran na palagi nakabuntot kay Leticia.
Kumukulo ang dugo niya lalo na sa idea na parang ginagaya siya ng guy iyon pati ang paraan niya sa pananamit tapos pananalita.